Dec 2, 2011

PINOY TV

Matagal ko nang nais isulat itong post na ito. Last month, may isang araw kasi na wala akong ginawa kundi tumutok lang sa mga palabas sa ating lokal na telebisyon. Ang mga napanuod ko dito ay ang nagpatibay sa aking paniniwalang walang kwenta ang mga drama ng channel 7.

Sa mga loyalist pagdating sa so-called network wars, meron din naman akong puna sa mga palabas ng channel 2. Pero itong akdang ito ay in general aking obserbasyon sa local television.

BAKIT DI AKO NANUNUOD NG PALABAS NG MGA KAPUSO
  • Naiirita ako sa batang si Daldalita. Wala siyang ginawa kundi magpacute. Feeling ko siya yung tipo na pagdating ng edad trenta ay isip bata pa rin. Mataba at walang lovelife. Ewan ko, pero meron siyang something na nagpapainit ng ulo ko.
  • Walang kwentang script at direksyon. Nakapanuod ako ng episode ng panghapong drama nila na di ko maalala yung title. Basta baliw-baliwan si Tanya Garcia. Merong isang eksena dun, may isang artista na nagmomonologue. Sinasabi niya kung ano yung ginagawa niya. "Uupo muna ako. Dito ko siya hihintayin." Hello!!! Obvious naman, di mo na kailangan sabihin. Kakaasar.
  • Ang lamya umarte ng mga bida. Ang OA ng mga extra. Palabas sa FX yung serye ni Roderick Paulate. Hinuli siya ng pulis kasi nawala niya yung anak niya. Bigay na bigay yung pulis sa akting ng paghuli kay Roderick habang si Mark Anthony nakatanga lang. Mas magaling pa umarte yung teatro sa hayskul namin.
  • Nawala ang common sense sa mga tao. Hindi ko alam kung pinapantay lang ng GMA yung logic nila sa target market nila, pero may mga eksena talaga na minsan di ko alam kung may common sense ba talaga yung mga karakter sa palabas nila. Gaya ng example sa taas, mas inintindi nila yung paghuli kay Roderick kesa paghanap dun sa nawawalang bata. Nakita na nga nilang ibang bata yung bitbit nung tao, di pa rin naniwala na nawala niya yung bata.
PARA NAMAN PATAS SA CHANNEL 7
  • Hindi rin naman perpekto ang Channel 2. Minsan ay nagkakasala din sila sa mga puna ko sa kabilang istasyon. Kaya lang ang problema ko sa mga drama ng dos ay iisa lang ang tema ng lahat ng kwento nila. Nawawalang kapamilya. Gitna lang talaga ang aabangan mo, dahil generic ang opening at ending ng mga kwento nila. Origin ang umpisa. Kidnapping/Hostage-taking ang katapusan.
  • Kailangan nilang mangumpitensya sa Fantaserye. Hindi naman kailangan. Ang panghatak nila sa publiko yung mga kakaibang ideya nila at yung husay ng mga artista. Wag na sana sila mangumpitensya sa mga walang kwentang pantaserye dahil unang-una ang pangit nila gumawa ng special effects. 
May mga puna pa ba kayo sa mga tv shows ng mga Pilipino?

21 comments:

  1. Naniniwala ako diyan. Pang-tanga yung palabas ng GMA. Parang hindi nagiisip sa mga ginagawa, ang mahalaga lang eh papanoorin at madaling maintindihan ng mas nakakarami. Tapos kahilig sa pantaserye, ayaw lumubay? Pag wala ng maisip na original story, remake ng lumang pelikula o kaya isaTV ang isang komiks. Kung walang Eat Bulaga, pipilitin ko mga kapatid kong ipaputol na ang GMA Pinoy TV. Wala po akong galit. Hahaha. BOW.

    Pero pano ko nalaman mga yan? Syempre, nanonood pa din ako! Pag wala kang social life, TV ang best friend mo. HAHAHAHA.

    ReplyDelete
  2. agree din ako. para kang nanonood ng 80s na drama sa channel 7. sa channel 2 iba ang pinapakita ng mga artista, talagang sinasalang muna sa matidning workshops artista nila. pag may crying scene nadadala ka talaga.
    sa channel 7 din naiinis ako sa news nila lalo na si mike enriques, juice ko po parang katapusan ng mundo pag nagbabalita pati si arnold pagong...

    naiinis din ako sa mga FAKE publicity ng channel 7. alam naman ng mga taong nag iisip na NUMBER 1 pa rin ang ABS CBN! tanga lang maniniwala sa pekeng ratings ng gma.

    ReplyDelete
  3. Kaya ako, nagdi-dibidi marathon na lang sa balur. Local news lang actually ang pinapanood ko from both channels. :)

    ReplyDelete
  4. Sa news naman, ang ayaw ko sa GMA, parang yung the rest of their reporters, ginagaya yung style ni Mel Tiangco. Nakakairita. Wala ba silang originality.

    Pero i think mas makataong employer ang GMA.

    ABS CBN will do everything to circumvent labor laws. Wala silang pakialam sa empleyado at talent nila. kaya lahat, naglilipatan na.

    Shame.

    ReplyDelete
  5. Hindi po ako nanonood ng tv. yung mga gusto kong panoorin, download ko na lang. kasi sa tingin ko about 90% ng pinapalabas sa tv e basura. Kung manonood ka naman ng may kabuluhang palabas, di ka rin tatantanan ng mga sinungaling na commercials.

    ReplyDelete
  6. oy oy! hehehe! maganda naman yung Kung Mawawala Ka, Encantadia at Amaya sa GMA7 ha! ako na ang kapuso. hehe. pero yeah, kung drama pag-uusapan, mas magaling naman talaga ang Dos, pero hindi sa lahat ng pagkakataon hehe

    ReplyDelete
  7. ang ayaw ko lang sa mga teleserye kadalasan may kidnap, or nababangga at na-aamnesia. hahaha... madami ba talagang nangyayaring ganun?

    ReplyDelete
  8. hindi lang ikaw ang naiinis kay daldalita..marami na tayo! LOL
    I used to like GMA's programs but the quality of their show is pababa ng pababa. Wala ng matinong storya puro nalang pantaserye kasi they care about the ratings not the quality they can bring to their audience. At agree ako sa lahat ng sinabi mo especially yung lamya/bano-school-of-acting ng mga artista nila.

    Nuff said xD

    ReplyDelete
  9. wahahaha. Asar din ako kay daldalita... Kay Jillian Ward mismo. Over-acting bitchy girl. lols. ang mean ko.

    Tama ang puna mo sa kapuso actings, hilaw.

    good thing sa gma, pag effects ng fantaserye, may kagandahan... pero minsan.... sobra na sa effects... pati daldalita may effects. wahahaha.

    For abs, tama, madami sila magagaling umarte but the plot, so typical at madaling mahulaan. At nahuhuli sila sa graphical effects.

    :D

    ReplyDelete
  10. very good observations! ako pansin ko nga sa drama sa 7, ang lamya umarte ng mga artista. parang pagka bitaw ng linya, ayun nakatanga na lang. tapos ang tagal mag change scene, dead air tuloy. tapos parang di maganda ang gamit na camera kasi di ganung kaganda ang quality pag nasa tv na.

    sa 2 naman tama ka, puro kidnap ang eksena sa huli, sa umpisa naman nagkapalit o nawalang anak lol :)

    ReplyDelete
  11. bihira na akong manuod ng teleseryeng pinoy kasi naman nakakasawa yung plot ng story mapados o siyete..pareho lang..tsk

    ReplyDelete
  12. matagal na akong hindi nanunuod ng telebisyong pinoy kahit pa nasa pina ako. sumasakit lang ulo ko XD

    ReplyDelete
  13. Tama! Wag nlng mayo manuod ng tv, makinig na lang kayo sa radyo. Este energy pala, wag mong sabihing radyo.

    ReplyDelete
  14. ako, sa dami ng trabaho, hindi na nakakapanood ng teevee. ni hindi na nga 'ko nakahabol sa 6th year pakonteshit mo. haist. gusto ko pa man din makakuha ng jacket at libro. pwede kayang humabol? pls? XD

    salamat pala sa nomination, pareng gill. hindi ko alam kung anong nakukuha mong sustansiya sa datnet; parang chichirya kasi 'yun eh - puro vetsin. lol! wala bang jacket 'yung mga nominated? hehe.

    p.s. sa sobrang dami ng trabaho, ngayon ko lang napansin na bago na pala header mo. parang mas gusto ko tuloy mag-chillax. \m/

    ReplyDelete
  15. Talagang maka-attack lang sa GMA?

    Ang ayoko sa GMA, parang puro fantasy na walang katuturan ang laging pinapalabas. Sa 2 naman, laging drama na parang laging ganun din ang nangyayari. Very generic.

    Pero, gusto ko talaga ipunyagi ng walang pag-iimbot na natuwa ako sa effort ng GMA na buhayin ang kasaysayan ng Pilipinas dun sa Amaya nila. Iyon lang talaga pinapanood ko! Promise! Pero, ayoko kay Marian, wala siyang silbi! Gusto ko lang talaga iyong effort sa history ng Pilipinas.

    Sa tingin ko, imbis na network wars ang isipin nila, gumawa pa sila ng mga drama na talagang pupukaw sa diwang-Pilipino ng mga tao. Pwedeng gawin ng ABS-CBN iyong Indarapatra at Sulayman! LOL! Papanoorin ko talaga iyon! Bwahahahaha. :D

    Ako na ang makabayan. :D

    ReplyDelete
  16. The hell hon. HAHAHA. GMA FTW! :D
    - Kasintahan

    ReplyDelete
  17. padaan po, at wala na ata silang ibang artista kundi si marian at dingdong, proud kapamilya po ako since birth yey!

    ReplyDelete
  18. this is your worst post EVER
    nyahaha

    ReplyDelete
  19. parehos tayo ng puna...naiirita rin ako sa mga soap operas at kung anong ibang soaps at operas meron ang gma....ang pangit ng direksyon soooper...nung minsan me kinwento sakin ung katrabaho ko sa ospital tungkol sa isang soap sa gma..nagandhaan ako sa storya..nung pinanood ko...ohmygas...ung mga aktor parang statwa lang...ung paglalahad at pagkakadirek sa istorya...tama ka nga...minsan walang sense..i mean..most of the time walang sense....sa dos naman...kahit paulit uli ung tema...ok na kasi malupet naman ung creativity twists nila...magaling ang mga aktor...at lalo na ang direktor....nakakasira ng senses...kasama na ang 6th sense...ung mga palabas sa gma....bubble gang lang at anime pinapanood ko sa kanila...ang kokorny lang haha...peace hahaha...pero ok ung amaya ha..me natututunan ako tungkol sa history ng pilipinas..pero me kakornihan pa rin konti..sana si marian na lang gumanap sa lahat ng karakters..kaya nya sigro un hehe

    ReplyDelete
  20. parehos tayo ng puna...naiirita rin ako sa mga soap operas at kung anong ibang soaps at operas meron ang gma....ang pangit ng direksyon soooper...nung minsan me kinwento sakin ung katrabaho ko sa ospital tungkol sa isang soap sa gma..nagandhaan ako sa storya..nung pinanood ko...ohmygas...ung mga aktor parang statwa lang...ung paglalahad at pagkakadirek sa istorya...tama ka nga...minsan walang sense..i mean..most of the time walang sense....sa dos naman...kahit paulit uli ung tema...ok na kasi malupet naman ung creativity twists nila...magaling ang mga aktor...at lalo na ang direktor....nakakasira ng senses...kasama na ang 6th sense...ung mga palabas sa gma....bubble gang lang at anime pinapanood ko sa kanila...ang kokorny lang haha...peace hahaha...pero ok ung amaya ha..me natututunan ako tungkol sa history ng pilipinas..pero me kakornihan pa rin konti..sana si marian na lang gumanap sa lahat ng karakters..kaya nya sigro un hehe

    ReplyDelete
  21. parehos tayo ng puna...naiirita rin ako sa mga soap operas at kung anong ibang soaps at operas meron ang gma....ang pangit ng direksyon soooper...nung minsan me kinwento sakin ung katrabaho ko sa ospital tungkol sa isang soap sa gma..nagandhaan ako sa storya..nung pinanood ko...ohmygas...ung mga aktor parang statwa lang...ung paglalahad at pagkakadirek sa istorya...tama ka nga...minsan walang sense..i mean..most of the time walang sense....sa dos naman...kahit paulit uli ung tema...ok na kasi malupet naman ung creativity twists nila...magaling ang mga aktor...at lalo na ang direktor....nakakasira ng senses...kasama na ang 6th sense...ung mga palabas sa gma....bubble gang lang at anime pinapanood ko sa kanila...ang kokorny lang haha...peace hahaha...pero ok ung amaya ha..me natututunan ako tungkol sa history ng pilipinas..pero me kakornihan pa rin konti..sana si marian na lang gumanap sa lahat ng karakters..kaya nya sigro un hehe

    ReplyDelete