Sana ang mga bata forever 4 years old na lang.
Yung edad na nag-eexplore sila at pilit iniintindi ang mga bagay na nakikita nila sa paligid. Nakakatuwa lang.
Kanina kasi, papasok may nakasabay akong maglola sa bus. Yung batang babae, feeling ko paglaki ay magiging isang napakahusay na komentarista. Kacute lang kasi. Eto ang mga eksena.
EKSENA 1:
Sa harap ng maglola ay magsyotang PDA. Naglalampungan sila sa bus at wala silang pakialam sa mga nakakakita sa kanila. Etong batang babae, nakatayo sa likod nila. Syempre nakikita niya ang mga kababalaghang ginagawa ng nasa harap niya.
Hindi niya siguro naiintindihan ang mga nangyayari sa harapan kaya hindi niya napigilan ang sarili, kinalabit niya yung lalake.
BATA: Pssst huy, anong ginagawa ninyo?
At hinila ni lola paupo ang apo.
EKSENA 2.
Dahil magpapasko na, nauuso nanaman yung mga taong nagpapanggap na pasahero ng bus pero ang totoo ay mangangaroling lang pala.
May ate na sumakay para mangaroling. Imperness kay Ate, may hitsura siya. May boses din kahit papaano. Pero may kasabihan nga, beauty is in the eye of the beholder.
ATE: Merry Christmas merry merry Christmas, Pasko'y anong saya... (di ko alam yung lyrics)
BATA: Lola wag mo bibigyan yung kumakanta ang panget ng boses!
Panalo yung bata. Gusto ko siyang kidnapin kanina.
*************
Dapat palitan ko na yung title ng blog ko. Napapadami ang kwentong commute ko.
Pipilitin kong magpost ulit bago magpasko, pero kung di ko na magawa, MALIGAYANG PASKO SA INYONG LAHAT SA BLOGOSPERYO!!!
nakakaalis ng inip ang mga ganitong eksena sa araw-araw na commute.
ReplyDeletemerry christmas din syo!!
Hahaha. Napakacute nga nung bata, ganyan masarap alagaan. LOL. Dapat yang pagibayuhin. Hahaha.
ReplyDeleteKyot nong boto, porong oko long! LOL. :D
ReplyDeletehahahaha.
ReplyDeletedapat kinidnap mo na. :p
Haha, ang cute :) may sitcom dati "children say the darnest things." I disagree, it's not darn. it's cute, and it's the truth. :D
ReplyDeletekids say the darnedest things. haha! seryoso, natawa ako sa kwentong commute mo - bulilit edition.
ReplyDeletemerikrismashapinuyirhapitrikingshapibalemtayms, pareng gill! \m/
astig yung ikalawang kwento. Merry Christmas :D
ReplyDeletebakit yun mga nangangaroling sa jeep sa rutang MOA iisa lang ang alam na kanta?
ReplyDeletekidnapped time na.. hahaha ang sarap alagaan ng mga batang ganyan promise.. hehe
ReplyDeleteBelated Merry Christmas sa inyong lahat!!!
ReplyDelete