Kumusta naman ba ang future? Masaya ba?
Sana ay masaya ka pa. Kasi kung tatanungin mo ako ngayong 2011, masayang masaya ako. Naaalala mo pa ba? Madaming magagandang nangyari sa mga panahong ito. May lovelife ka!!! Sana pag binasa mo ito, kayo pa ring dalawa. Wag mong gaguhin yun. Mahal ka nun. Mahal na mahal.
Sana pag binasa mo ito ay may malaking ipon ka na. Marunong ka na ngayong magdownload ng comics. Hindi mo na kailangang gumastos ng libu-libo para makapagbasa nito. Isang libo lang ang internet connection ngayon, unlimited download ka na sa lahat ng gusto mong basahin at panuorin.
Pumapayat na ako ngayon, kaya dapat pag binasa mo ito ay mas healthy ka na. Tandaan mo, singkwenta ang edad kung kelan tayo lilisan. At dahil ang dalas ko ngayon mag Dance Central, sana naman ay hindi ka na nakakahiyang tingnan sumayaw ngayon. Hopefully hindi ka kailangan magkaroon ng mga muscles, kasi dapat yun nga, kayo pa rin ni Kasintahan.
Suportahan mo yun. Laki ng pag-asang yumaman nun. Matalino. Ngayon pa lang kahit trainee, siya na gumagawa ng trabaho ng isang may mataas na posisyon. Kung sakali, matutupad ang pangarap mong magretire ng maaga. Kaya kung may mga araw na pressured siya sa trabaho, dun ka lang sa likod niya. Kaya naman niya, kailangan lang niya na may labasan ng mga rants niya. Mataas pangarap nun, at kayang kaya niya abutin lahat ng mga iyon.
Kung sakali naman na pangatawanan mo ang pagiging Career Boy at di isang simpleng houseband, sana naman ay mataas na ang posisyon mo. Kung di man, ay malaki na ang sweldo mo. Sobrang ngarag ako ngayon sa trabaho, nag-aaral ulit para lumawak ang nalalaman sa linya ng trabaho ko ngayon. Wag mong sayangin lahat ng pinaghirapan ko. Yang mga inaaral ko ngayon, hindi lang sa mundo ng gasolinahan at lubricant mo magagamit, pwede ka pang maging IT pag nagkataon. In demand yang posisyon mo ngayon, wag mong sayangin at balewalain.
Sa mga oras na ito, wala na ako masyadong mahihiling pa. Pwede nating sabihing kumpleto tayo ngayon. Maintain mo lang yan.
Don't screw it up.
Nagmamahal,
Gillboard 2011
I envy people who can write letters to self. At least you have a goal to get yourself going.
ReplyDeleteBTW, what happened to your other blog? I mean, I just want to understand what-this-is and what-that-was. I'd understand if you won't answer though. I have an email pala! haha green_breaker@hotmail.com just in case.
Ang cheesy! LOL!
ReplyDeletesana mabasa ni future ang letter. :p
ReplyDeletebtw, pano magdownload ng comics at saan?
weeee... ang cheesy naman...
ReplyDeletesori skip read akoh ngaun... love 'ur header! ingatz.. Godbless!
ReplyDeleteJust do your best. ok na yon.
ReplyDeleteWow. You are really blessed. :) God bless you more Kuya.
ReplyDeleteWhat matters is that your doing your best :)
ReplyDeleteako po napadaan, hope to you follow blog po
:)
TR: welcome po sa blog ko.
ReplyDeleteyow: lahat naman tayo blessed. it's a matter of acknowledging your blessings. :)
rah: yup. ganun naman sa lahat ng ginagawa ko. hehehe.
ReplyDeletedhianz: salamat sa pagdaan kahit di ka nagbasa. lolz
kiko: di naman masyado. namiss ko lang magsulat para sa sarili ko. :)
ReplyDeletekhanto: madami dyan torrent lang. hehehe.
gasul: di naman. tamang senti lang.
ReplyDeletegreenbreaker: soft reminder lang. para di makalimot. ;)
minsan healthy din ang pagsulat sa sarili . Nakakatulong daw yun para mawala ang depresyon
ReplyDeleteIn most cases , writing to yourself is the best thing to do to fight for your sadness.
ReplyDeleteparang new year post na GB ah hehe talaga lang ha mahal na mahal ka ha hehehe
ReplyDeleteayiiheeee, inggit much, happy for you Gil, ikinect na natin yan :)
ReplyDelete4:30 na...ang cheesy na! ahahhahahaa....
ReplyDeleteano kaya maisusulat ko sa sarili ko? ahaha..siguro kalalabasan nun eh puro paghingi ng kapatawaean sa ginawang kasalanan.lols
nyahaha
ReplyDeleteewan ko sayo, gibo
hehe
denoy: try mo gawin to denoy. dali!!!
ReplyDeletemaldiro: kanino ka naman gumawa ng kasalanan?
gincie: tara!!! dali punta kayo sa bahay. miss ko na kayo ng pinsan mo!!!
ReplyDeletemusang: oo naman. ang alam ko. hahaha
makunat: that's true. but thank god i'm not sad. i just like writing to myself.
ReplyDeletechino: tama. isang outlet of release. welcome pala sa blog ko!
ang NICE naman....
ReplyDeleteTakut aq... More stories!...
ReplyDelete