TANONG: Ano ang opinyon ninyo sa online landian ng may mga kasintahan?
Hindi naman sa nagpapakabitter ako dahil hindi ako nilalandi ni Kasintahan Online. Well, hindi niya talaga ako nilalandi. Period. Pero pansin ko, meron talagang mga tao na di mapigilan ang sarili makipaglandian sa kanilang mga kasintahan online.
Epekto ito siguro ng Facebook/Twitter Generation. Wala ka nang maitatago sa publiko. At kung papansin ka, lahat ay maaari mo nang ilabas.
Sa una, pag nakakakita ako nito, medyo cute. Tipong, awwww ang sweet. Pero kung tipong everyday, three-four times a day ka magpakita ng ginagawa at natatanggap mo sa syota mo, diba parang OA na yun?
Masarap ang keso, pero pag nasobrahan tayo dito, diba minsan medyo nakakaumay din siya?
Nung binato ko 'to medyo bumalik sakin kasi habang tinatype ko 'to sabay tinatamaan din ako. In fairness naman sakin, di ko naman to gawain sa Facebook. At sa blog naman, di nako masyado nagsusulat din tungkol kay Kasintahan. So medyo nakakailag naman ako kahit papaano.
Ang pakiramdam ko, sa umpisa ginagawa ng tao ito para magpapansin. "Uy, tingnan niyo ako may syota na ako. At ang sweet namin! Mainggit kayo! MAINGGIT KAYO!!!" Kaya lang, a few weeks/months later, magugulat ka na lang na biglang papasok sa News Feeds mo, "X changed his status from In a Relationship to Single."
Anyare? Akala ko ba mas matamis pa kayo sa semilya ng diabetic na pag tinapon sa basurahan ay agad pinagpipiyestahan ng mga langgam? Akala ko ba siya na yung the one? Diba one time sinulat mo pa nga, tamod niya lang ang kaya mong lunukin? Anyare, pre?!
Para sakin medyo nakakahiya magpaliwanag kung bakit di nagwork-out yung relationship. Hindi sa iniisip kong hindi magwowork-out yung relasyon, pero kung sakaling dumating yung panahon, alam mong walang matatawa sa'yo sa likod mo. Pagdating sa hiwalayan, ang isa sa pinakamahirap gawin ay ang magpaliwanag sa mga tao kung bakit hindi na kayo.
Sa totoo lang, wala naman masama na ihayag mo sa worldwide web ang pagmamahal mo sa isang tao. Sweet nga yon eh. Pero hindi maiiwasan na merong mga tao ang hindi makakatanggap sa ganito. Bagong bersyon ng PDA. Meron at meron talagang mga tao ang hindi natin maiiwasan na magtaas ng kilay. Lalo na kung talamak kang magpalit ng relationship status.
Ewan ko, sa akin lang naman ito, pero it's either nagyayabang ka lang or nagpapapansin.
Buti na lang wala akong twitter. Siguro marami na akong kaaway ngayon dahil sa mga iniisip ko.
Kung talagang masaya ka sa piling ng mahal mo, di mo na ito kailangang ipangalandakan online. Makikita sa mukha mo, sa kilos mo, at madaling mararamdaman ng mga tao ito. Di mo na kailangan sabihin ito, dahil ang mga nasa paligid mo ang unang makakapuna nito.
***************
DISCLAIMER:
Di ito tungkol sa mga blog post na kakesohan. Tanggap ko na yan. Sanay na ako dyan. Gusto ko pa nga ang mga yan. Nakakakilig yan. Minsan, naging ganito na rin ako.
Ang pinatatamaan ko dito ay yung mga mahilig mag status update sa facebook/twitter ng lahat ng detalye ng kanilang relasyon. Oo, pati yung pagswallow ng cum. Merong ganun. Gaya ng sabi sakin, walang basagan ng trip, malaya akong iblock ang mga update nitong mga ito kaya lang, baka wala nanaman akong maisulat.
Ang maganda sa blogging ay malaya tayong lahat ilabas ang opinyon tungkol sa kahit anong bagay. Kung sang-ayon kayo o hindi, malaya din kayong ihayag ito. Naniniwala akong doon tayong lahat natututo.
so agree! miss you Gilbs! :)
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeletehahahaha. relate ako sapost mo.
ReplyDeleteminsan nakaka-irita yung magpopost sa wall ng magdyowa tas dun magsasabihan ng iloveyou or mga ekek post. hahaha,
pinaka-worst na na-experience ko yung 10 post flood sa recent posts ng friend ko. ahahaha
Naku po! May nababasa akong mga kasweetan sa twitter/FB na yan at ako ang nagsasawa. Hehehe!
ReplyDeletePero may ganun talagang tao, di natin sila mapipigilan. Hehe!
"kala ko ba mas matamis pa kayo sa semilya ng diabetic na pag tinapon sa basurahan ay agad pinagpipiyestahan ng mga langgam?"
ReplyDeletepanalo 'tong linyang 'to, pre. hehe.
gusto ko 'yung post mo. mabilis ang pacing pero swak to the point. i like!
at mabuti na lang talaga wala na 'kong efbee account. wala rin akong twitter. hehe.
nga pala, di pa ata ako nagpapasalamat sa pagsali mo sa ssdd pakonteshit ko. eto na ang pagkakataon - maraming salamat, pareng gillboard! XD
pasensya na, ngayon lang naligaw hihi
ReplyDeletetetext kita ha. :)
I so agree with everything you said. I have an FB friend, konting away lang ng kanyang kasintahan change status kaagad into single then kung magbati naman change status again to in a relationship. They've done it for numerous times already.
ReplyDeleteTapos yung isang magjowa, sobrang kakesohan, mega wall post ng matatamis na salita sa wall then exchange sweetness sa status nila tapos pareho naman silang online sa chat. Naku naman bakit hindi nalang nag chat diba? Parang timang lang..hahaha
Winning Line: "kala ko ba mas matamis pa kayo sa semilya ng diabetic na pag tinapon sa basurahan ay agad pinagpipiyestahan ng mga langgam?"
ReplyDeleteI get you, man. I'm not the most romantic person in the world...I'm not romantic. period. So, I get you. The only thing I'll do is probably change my Facebook status and see how many people will like it.
i lab dis post! ewan ko pero natatawa ko habang binabasa ko to..
ReplyDeleteang pagiging super oa sa kasweetan ay sadyang hindi ata maiiwasan lalo na kapag bago pa lang ang relasyon(hindi ko nilalahat )at lalo na sa mga ilang todo talaga kung umibig (hindi ko rin nilalahat). aaminin ko minsan din akong dumaan sa ganto at totoo nakakaumay nga.
wala akong masabi sa mga love birds na mahilig magpalit ng kanilang rel status gawa ng wala akong facebook at twitter accnt.
pero tama ka ser.. sa panahon ngayon ng mga social networking churva ay wala ka na talaga maitatago sa publiko. hindi ako against sa mga ito. yun nga lang minsan, sa sobrang laya ng ating pamamahayag sa mga ito ay hindi natin namamalayan na kasiraan o sa atin din ang bagsak ng kung ano mang sinabi natin dito.
yun lang.
magandang araw sa iyo ser. :)
Affected much? LOL! Ako ayoko sana manghusga kasi hindi ko naman alam talaga kung ano ang intensiyon nila. Siyempbre minsan nakakainis din pero pinipigilan ko sarili ko mainis kasi alam kong may iba pang mas importanteng isipin tulad ng paghahanap ng sariling lablayp. LOL!
ReplyDeletekamakailan lang may natanggap akong PM galing sa isang kaibigan tungkol sa parehong topic. sweet naman talaga yan, pero kung palagian at parang wala ng bukas, nakakabagabag na ng news feed at timeline. wala ng ibang makitang updates.
ReplyDeletekung talagang masaya ka, hindi mo na kailangang ingudngod sa mukha ng iba na masaya ka, kase pag ginawa mo yun, parang pathetic na. Masarap yung nalalaman ng iba na nagmamahal ka at inspirado ka, pero alam mo naman dapat ang limitasyon. kadalasan, hindi lang kulang ang masama, yung sobra din.
Masarap ang keso, pero pag nasobrahan tayo dito, diba minsan medyo nakakaumay din siya?
ReplyDeleteTama ka dito. I have nothing against those who do that pero minsan, nakaka-irita. Online celebrity couple ang gustong ipakita sa cyberworld? Meron namang private DM's, chat or call... Oh well, hindi rin naman natin alam ang reason nila for doing so...
(violent reaction?) haha
there are things na dapat kinikeep na lang in private especially in terms of romantic relationships.
ReplyDeleteartista? public commodity? hahahaha!
buti nalang at single pa ako.. hahah pero kahit nga siguro may kasintahan ako di ako makikipaglandian publicly..
ReplyDeletepasensya na Gillboard, pero medyo hindi na ko nakapag focus mula nung nabasa ko yung tungkol sa semilya ng diabetic. I mean, HINDI NGAAAA?! Tumatamis? Shet gusto ko ng buypren ng diabetic. CHOOOOS. Andaming tumakbo sa imagination ko. Hahahahahaha.
ReplyDeleteat nawala ang iko-comment ko dahil sa comment ni vajarl! bwahahaha!
ReplyDeletetakte!
bitter tong post na to LOL lagot ka pag ikaw ay nangisay sa sweetness ng love life mo at na-press mo ang submit button ng sweet status sa FB.
ReplyDeleteIndulge Daily: napagdaanan ko na yan.tapos na kami sa honeymoon stage. naks. at di ako masyado mahilig magstatus ng keso sa FB. umiiwas ako sa interrogation ng pamilya ko.
ReplyDeleteAIM: weh, comment ba talaga ni vajarl? o di mo lang binasa yung post. joke!!! lolz
Vajarl: ermmmmm. di ko alam, di pa naman ako nakakatikim ng ganun. lol.
kiko: wala naman masama siguro. kung ganun kayo magshow ng affection. punto ko lang, wag OA.
ReplyDeleteewwik: di naman ata maiiwasan na lahat tayo nagiging celebrity sa ating circle of friends/family.
xall: tama!!!
rainbow box: yun yung nakakairita talaga, yung i-flood yung homepage mo ng newsfeeds nilang magsyota. kahit pag-aaway nila nalalaman mo. actually, nakakaaliw na lang pag nag-aaway na sila in public. hahaha
ReplyDeletegasul: ikaw na ang alam ang priorities. hehehe
nene: correct, at dahil sa sinabi mo may naisip akong bagong post. mukhang madaming magagalit nanaman sakin nito. hmmmm....
skron: i will wait for that time to come skron. :D
ReplyDeletejenny: sa blog siguro, okay lang yung ganun kasi di naman siya nakakasagabal ng feeds, unless nakaconnect ang blog niya sa fb (posible ba yun?). anyway, meron talagang mga taong ganun siguro. move on na lang. :D
ssf: oi namiss na namin kayong magpinsan. magparamdam nga kayo!!!
lio: walang anuman. yang linya na yan, aminin ko nabibitawan ko kasi naiimpluwensyahan ako ng pagsusulat mo. :)
ReplyDeleteempi / khanto: yup. move on na lang. pag masyadong magdwell sa ganyan, tayo rin naman ang masisira ang araw.
eenah: napadpad ka sa blog ko!!! i miss you!!! tagal na natin di nakakapag-usap/kita. :(
Ako ay nakikiisa Sayo sir!
ReplyDeletePero yun na nga yun! Walang basagan ng betlogs at ng trip dahil kapag ngkataon, siguradong labo-labo na.
Babaduy nila.. OA at minsan Nakakainis-ewwww:D
ganun na nga yata ang generation to show PDA. online na.
ReplyDeleteDi ko pa nakikita yun mga status message na bastos so far pero I'm looking forward to it.
hehehe!
pasok sa banga ito "Anyare? Akala ko ba mas matamis pa kayo sa semilya ng diabetic na pag tinapon sa basurahan ay agad pinagpipiyestahan ng mga langgam? Akala ko ba siya na yung the one? Diba one time sinulat mo pa nga, tamod niya lang ang kaya mong lunukin? Anyare, pre?!"
ReplyDeletehahaha sa totoo lang kahit ako ay hindi ko rin maipaliwanag ang pakiramdam ko, oo nakakakilig pero ewan, minsan parang OA na nga... napapaisip tuloy ako na makapagpost nga din ng tungkol din dito :D
medyo masakait. masakit din kasi marinig ang katotohanan lalo na kung hindi ka pa handa.. pero grabe naman! eh paano kung expressive lang talaga yung tao? OA pa din sayo?
ReplyDeleteibat ibang uri ng tao ang makikita mo sa web isa lang naman ang sagot diyan eh.
R-E-S-P-E-C-T
period.
nyahaha
ReplyDeletei dunno what you're talking about
maybe it's high time na mag-hide ka ng friends mo sa fb
hehe