Sa ikalawang pagkakataon, nakapag photowalk session ako kahapon. Well, photowalk slash date na rin kasama si Kasintahan. Dahil nagtitipid kami pareho para sa byahe namin sa susunod na buwan sa Bohol, Manila Zoo lang ang napuntahan namin.
In fairness, mas maganda ang experience ko ngayon. Di gaya ng huling punta namin, na muntik na akong maiyak dahil sa kundisyon ng mga hayop doon, nakakatuwang marami na ang improvements niya. Tao na lang ang problema siguro. Nakikita namin ang daming basura ang nakakalat sa lugar. Sana maging disiplinado po tayo dahil kawawa ang mga hayop na nandun.
Meron pa ring mga hayop na medyo malnourished. Panalangin ko na lang na sana'y mabigyang pansin pa ito dahil sayang siya. Lahat naman siguro tayo noong bata'y nakarating na sa Manila Zoo. Kailangan talaga ng lugar ito. P40.00 lang ang entrance fee dito (maliban na lang kung bata ka o taga Maynila).
Anyhoo, ito ang mga litratong nakuha ko sa lugar. Wala po sanang laitan. Di ako photographer gaya nina Dongho at Chyng. Wala akong formal na training, at di pa gaanong upgraded ang camera ko.
|
Ang unang makikita mo pagpasok sa zoo. |
|
parang alam lang niyang may kumukuha ng litrato niya |
|
reminds me of someone sa office |
|
cassowary |
|
iguana ata 'to. limot ko pangalan. |
|
meron isang tiger dun sobrang payat |
|
mali yung naupload kong pic. yung isa yung paborito kong pichur |
|
cross-breed na ata to ng horse at zebra. |
|
in fairness, daming tao sa zoo |
|
diba guinea pig 'to? |
|
ayun pala yung rabbits!!! |
|
love this picture |
|
philippine squirrel. so cute!!! |
|
family picture!!! |
|
si scarlett na makulit |
|
kulit nitong mga lovebirds na 'to. takot si kasintahan dito |
|
bait nitong ibon na to. kasama sa package ng jungle adventure na dagdag P100 pero all access. |
|
may picture din ako with gibby. |
So ang tanong ngayon, magiging photoblogger na din ba ako?!
I know, marami pa akong kakainin para maging gaya ng mga pro photobloggers.
Siguro kapag naka-20 ka ng posts na puro mga kuha mong pics, dun ka na matatawag na photoblogger.
ReplyDeleteUyy grabe! Nndito rin ako kahapon nagoutreach kme.haha
ReplyDeleteNice shots! Don't worry so much on being photoblogger or whatever it is called. There's no one best way to take photos. Just do and let it be.
ReplyDeleteBasta alam mo yung basics, ok na yon.
Don't sweat on it too much. Yung iba kasi ang OA sa pagka feeling "p-r-o" kuno eh. Nakakainis sa yabang.
Pwede naman! Why not? Nice pics you have at the zoo....
ReplyDeleteAKo rin e./... Nag-iisip! Haha!
hahaha kala ko kasama yung family sa zoo.. hahaha
ReplyDeletePssst.
ReplyDeleteAng pangalan nung iguana e "Chester."
Tambay yan ng O-Bar.
:D
kala ko madaling araw kayo nag Manila Zoo? bat ang liwanag at madaming tao?LOL
ReplyDeletekung saan ka masaya...doon ka. hehe
ReplyDeletebuti naman naaalagaan na sila ng mabuti. i have very fond childhood memories of that zoo. :)
ReplyDeletewow! manila zoo! HHWW moments? hehe!
ReplyDeletewow photoblogger ka na!!!!
hahaha... at talagang binanggit mo pa kami ni chyng dito.
ReplyDeletepinakapaborito ko sa set na to yung kuha mo sa ostrich. natawa lang ako sa caption. kulit
hahahha!
ReplyDeletenapasaya mo ko, love na kita!
di ka namin lalaitin ni dominic, pero bigyan kita ng tips para mag-improve ka next time. =)
"reminds me of someone sa office"
ReplyDeletehahaha! aliw na aliw ako. mukha syang basang sisiw, yung ofismate mo? =)
Hahahaha..nakakatuwa...:) 2 weeks ago, nag Manila Zoo din kame ni Saisa dahil nagtitipid kame para sa Bohol next week.. :)
ReplyDeletehinahanap ko si kasintahan sa mga photos, andun ba sa isa dun?
ReplyDeletemabuti naman at nag-improve na 'yung mga hayop diyan. sana magtuluy-tuloy na.
ReplyDelete'yung pagiging photoblogger mo, kung saan ka masaya ti suportaan ta ka. XD
natawa ako sa pic na naalala mo ung officemate mo dahil dun..niyahahaha...pakita nga! para malaman namin kung kamukha nga..lols!!!
ReplyDeletewala naman talagang criteria para maging photog e...go lang ng go!
hindi kapa photographer nyan, peru ganda ng mga pics.. :)
ReplyDeletepadaan lang po.. :)
Few months before lumipad papunta dito, nagpunta kami diyan ng mga kaibigan ko. At nadepress lang kaming lahat lalo na sa Elepante na mukhang kawawa talaga. Di ako makaagree kung naalagaan tlaga silang mabuti o hindi. Tsk.
ReplyDeletewent to manila zoo and the animals there are really in a sad state.
ReplyDeletesunkissedkid: true. someone from the government really needs to prioritize this zoo.
ReplyDeleteyow: nakita mo yung isang tigre na pagkapayat payat? hay
pinkdiaries: salamat.
maldito: sige pag nag-online ka, bigay ko fb name niya. hahaha
ReplyDeleteL: mukhang malabo pa siguro ngayon yun. di naman ako masyado nakakalabas ng bahay para magpicture picture.
karl: wala siya sa public pics ko. sa fb or blog. ayako ishare, baka pagkaguluhan. lolz
nicos: aww. kami naman next next week magbobohol.
ReplyDeletechyng: hindi. mukha siya talaga ostrich!!! naku, magkaroon lang ng pagkakataon sasama ako sa inyo ni dong. hehehe
dongho: ganun talaga, kayo ang mga paborito kong photoblogs no. pinagyayabang ko sa mga officemate ko yung mga bahay niyo.
kuya AIM: walang ganun. para lang kaming mag-uncle na pumunta ng zoo. hahaha
ReplyDeletejam: me too, kaya di ko malilimutan ang manila zoo. hopefully, yung alaga zoo-wide na.
empi: haha. salamat.
domjullian: ano ba, 5:30am yan. may araw tsaka tao na nun!!!
ReplyDeleterudeboy: sorry, di ko nagets. hehe
kikomaxx: ay bad ka. lolz
mangyan: ano iniisip mo?
ReplyDeleterah: haha. nag-iisip ako kung meron akong kilalang ganun. lolz
raymond: kayo ba yung nakayellow?
gasul: malabo ata yun. mga 2013 siguro. hahaha
mas gusto ko pa rin magsulat.
gawin mo naman akong model!
ReplyDeletenyahaha
Oo. kame yung nakayellow :)
ReplyDelete