Aug 18, 2011

MAY MAIKUWENTO LANG

Dahil malapit nang umalis ng bansa si Paris Hilton, naisip kong magsulat ng something na may kinalaman sa kanya. Kaya ang post na ito ay tungkol sa mga bus. Sa pagcocommute ko.

Nung huling post ko naikwento ko si Ateng "What's the fuck?!" Nagulat lang ako't mabilis akong nakaencounter ulit ng kwentong bus. Yung iba dito repost ko na lang, mula sa kaluma-lumaang mga post ko pandagdag lang.

Kelangan ko lang itong isulat ngayon kasi baka makalimutan ko, magandang mailathala na siya ngayon habang fresh pa sa isip ko yung mga nangyari kanina habang papauwi ako.

***********************
Kanina pauwi ako ay napasakay ako sa bus. Dahil medyo puno na ito, sa may bandang likuran na ako umupo. Dalawa lang kami ni kuya ang nakaupo dun.

Si kuya, mukhang galing construction lang. Medyo nanlilimahid. May konting amoy, pero tolerable naman. Sa totoo lang, wala naman talagang pakialaman pagdating sa biyahe. As long as hindi ako naiistorbo, okay lang ako.

Habang binabaybay namin ang Buendia, dumating si Manong Konduktor (MK) para maningil ng pamasahe. Buo ang pera ko, kaya wala na akong sukli habang si Kuyang Construction (KC) naman ay bente ang binayad.

Sosyalin yung bus, EFTPOS yung ticket, di na nila kelangan magsuot ng condom sa daliri para mapunit ang mga ito. Demakina na siya. Ang siste nga lang, kulang ang sukli ni MK kay KC. Kung sasakay ka ng Ayala pa-Baclaran dose lang ang isisingil sa'yo.

Medyo nahirapan ata magbilang si KC kasi medyo matagal niya narealize na apat na piso lang yung sukli sa kanya (oo nakialam ako, binilang ko yung barya niya). Dahil nga slow, medyo nakalayo na si MK samin. Kaya tawag naman si KC.

"Kuya."

Dedma.

"Kuya!"

Wala pa rin.

"KUYA!!!"

Di pa rin pinanain.

Nafrustrate na si KC, kaya bigla itong nagsabi. "Eeewww!! Eeewww!! Eeeww!!" na para bang tumatawag ng ibon o diwata.

Eto ang punchline, saka lang lumingon si MK sa kanya. Bigla akong lipat ng upuan dahil di kinaya ng powers ko. Kung nakainom ako ng tubig nung panahong iyon, malamang lumabas na sa ilong ko iyon.

***********************
Noong panahong sa Ortigas pa ako nagtatrabaho, may mga araw na inaabot ng dalawang oras ang byahe ko pauwi. Minsan dahil sa  pagod o kaya'y sa stress, imbis na magngitngit ako sa galit dahil sa trapik, ay natutulog na lang ako.

Summer nun Ate Charo. Tanghaling tapat. Mainit. Matao. Kaya namili ako ng bus na sasakyan ko. Gusto ko yung medyo bago dahil malakas ang aircon nito.

Malas ko lang at di lang ako ang nakaisip ng ganun. Dun sa nasakyan kong bus, medyo punuan. Swerte naman dahil nakaupo pa rin ako.

Dala na siguro ng pagod Ate Charo, nakatulog ako. Ng Mahimbing. Yung tipong tulo laway. Di katagalan may kumalabit sa akin.

Iritable, tiningnan ko ng masama yung gumising sakin. Yung konduktor. Naniningil. "May tiket na kayo ng boypren mo?" sabi sakin ni Manong Konduktor. Ang bilis ng pangyayari Charo, naramdaman ko na lang may tumulak sa ulo ko paitaas. Nakasandal pa pala ang ulo ko sa balikat ng katabi ko.

Hiyang-hiya ako nun, pinagtitinginan kami ng mga katabi namin. Pinagchichismisan. Napalingon ako sa katabi ko, at nagsorry. Okay lang daw. Alam ko nakatulog din yun dahil ramdam kong nakapatong ang ulo niya sa ulo ko. Para lang talaga kaming magsyota.

Ngayong naaalala ko yung nangyari, naisip ko mukhang bagay din naman kami nung katabi ko. Tisoy siya, gwapo naman ako. Kaya siguro kami napagkamalan ni Manong Konduktor.

***********************
Huli na 'to.

Meron talagang mga tao na insensitive pagdating sa bus. Yung tipong alam mo nang mataba si Ate pero sa di siya umuusog sa upuan. Gusto niyang yung huling uupo ay dun sa gitna (pag tatluhan) o sa may bintana (pag dalawahan) ang pupuwestuhan.

Isang gabi, may nakasabay akong Ms. Insensitive (MI) na nakakilala ng katapat niya.

Sa Baclaran, may mga bus na masiba at naghihintay na mapuno ang sasakyan bago lumarga. Maarte nga ako pagdating sa mga bus, at dahil maaga naman  ako pumapasok, ayos lang na maghintay ako basta kompurtable ang nasakyan ko. Sa may dalawahan ako palagi umuupo.

Sa tapat ko ay isang dambuhalang MI. As in may katabaan talaga si Ate. Mga tipong babaeng kasize ni Chokoleit. At dahil feeling ko ay call center girl si ate, may pagkamaarte din ito. Dahil siguro mukhang nakakatakot si MI at hindi siya talaga gumagalaw sa pwesto niya sa dulo ng tatluhang upuan (di sa bintana, sa may gitna) walang naglalakas loob na tumabi sa kanya.

Sakto nung mapupuno na ang bus, may dumating na magkasintahan. Dahil gusto siguro nilang magkatabi at halos puno na yung sasakyan, wala na silang choice kundi tabihan si MI. Eh nagmamatigas ang hitad, di gumagalaw, sumideview lang para makadaan yung babae.

Eh hindi kasya si girlfriend, nagtitinginan lang sila, si girlfriend hoping na umusog si MI. Pero matigas pa rin. Ayaw gumalaw. Napikon si boyfriend at biglang sumigaw "EH TANGINA AYAW MO UMUSOG ANG TABA MO NAMAN!!!" sabay hila sa kasintahan at bumaba sila sa sasakyan.

Ikaw ba naman, makarinig ka ng ganyan, hindi ka ba matatawa? Ako mababaw lang ako kaya di ko talaga napigilan. Pagtingin ko  sa tabi ko kay MI. Nakatingin ito ng masama sakin. Nanlilisik ang mata. Napikon siya dun sa sinabi ni kuya, pero mas napikon ata siya kasi natawa ako.

Napatingin ako bigla sa bintana nun. Takot ko lang baka upuan ako nun. Payat pa naman ako noong mga panahon na iyon.

Ang uncomfortable nung ride na yun. Feeling ko naririnig ko si ate bumubulong ng mga dasal ng mga mangkukulam sa tabi ko.

***********************
Sa mga naliligaw sa tahanan kong ito, kung nagugustuhan niyo po ang mga kwento ko, paki-like naman yung Facebook Page ko. Di ako normally magrerequest sa inyo, pero natutuwa lang talaga ako dahil ngayon lampas 100 na ang mga kasapi nito.

Salamat pala sa mga sumali at nag-like na! Nakakapagpataba kayo ng pumapayat kong puso.


16 comments:

  1. hahaha natawa naman sa kwentong bus mo hehehe...

    natakot ka siguro kay ate?hehehe

    ano naramdaman mo nung konduktor na napagkamalan kayong magboyfriend?

    ReplyDelete
  2. Hahaha!


    Relate na relate akez dyan.


    :)

    ReplyDelete
  3. gusto kong napagkamalan kayong magboyfriend hehehe!

    tisoy sya, gwapo ka nyahaha! kilig!

    ReplyDelete
  4. wakokokokok. umiissue si koya kondoktor sa inyung dalawa nung tisoy. lols. :D

    ReplyDelete
  5. hahaha buti naloang di na ako nagcocomute ngayon.. hehehe

    ReplyDelete
  6. hahaha! e di ikaw na ang may nangangayayat na puso! :p

    panalo sa sweetness ang magkapatong yung ulo nyo nung katabi mo! LOL

    musta na ho ser?


    an_indecent_mind

    ReplyDelete
  7. love koh 'ung kwento nyoh nang syota moh! lolz =P peace out.. Godbless!

    ReplyDelete
  8. super tawa ako sa kwento mo. hahaha. di pala talaga ako nag iisa kasi na experience ko rin to. nice one! :))

    ReplyDelete
  9. teka, teka
    pano ka naman nakasiguradong KC sya, ha
    hehe

    ReplyDelete
  10. Hahahaha. Gusto ko din ng gantong mga eksena pwera dun sa sandig sa lalaki. LOL.

    Nakakatulog din ako madalas sa bus at dahil may dala ako laging bag, nakaakap ako dun. Pag-gising ko, kabado ako feeling ko lagi wala na akong gamit. LOL

    ReplyDelete
  11. Hindi ko alam kung ano ang koneksyon ni Paris Hilton sa bus, am I missing something?

    Kainis nga yung mga babaeng matataba na ayaw magbigay sa bus. Kadiri

    ReplyDelete
  12. glentot: wala naman talaga. wala lang kasi akong maisip na opening sa post. lol

    yow: yun ang di ko na ginagawa ngayon, ang matulog. matapos kong makawitness ng on-going nakawan sa bus nung summer, di kaya ng mga mata kong pumikit pag nasa bus.

    denoy: di ako sure. mukha lang siya talagang KC. judgemental much lang talaga ako. hehe

    ReplyDelete
  13. ester: masarap talaga ang magcommute. madami pa ako nyan. ipunin ko muna.

    dhianz: ako din. joke!! :P

    kuya AIM: eto, ayos naman. ikaw, kamusta ka naman dyan. tigang pa rin ba? lolz

    ReplyDelete
  14. kikomaxx: buti ka pa. may kotse ba? sushal!!

    khanto: onga. chismoso si kuya. saka istorbo. sarap sarap pa naman ng tulog ko nun.

    ka-swak: bagay ba? lolz. joke lang yun. hehehe

    ReplyDelete
  15. ms. chuni: naku, parang feeling ko yan pa yung mga tipo mong situation. lalo na yung pag nakakatulog. lolz :P

    jay: lumipat nako ng upuan agad. hehehe.

    si ate, nakakatakot talaga. no question. baka daganan pako nun. :D

    ReplyDelete
  16. Nasamid talaga ako dun sa unang kwento kapipigil magtawa at baka mahalata ng boss. katapat ko pa man din ang pwesto niya. haha!

    buti nga ke ateng MI. insensitive e. yoko rin ng mga ganyan. sa jeep naman yung mga kung makabukaka akala mo wala nang bukas.

    ReplyDelete