Jun 15, 2011

KWENTONG TATAY KO

Dahil nalalapit na ang Araw ng mga Ama, eh nais ko nang maunang magpost tungkol dito. Tsaka baka mawala pa yung mga naiisip kong isulat kapag pinatagal ko pa ito.


Hindi ako masyadong close sa tatay ko dahil lumaki ako na ang nanay ko madalas ang kasama ko, dahil labingdalawang taon din siya sa Saudi nagluluto bilang isang cook. Wala ako masyadong alaala sa kanya noong bata pa ako, dahil kadalasan nga eh nasa ibang bansa siya, at kung andito naman siya sa Pilipinas, kadalasan ay dun siya sa probinsya namamalagi. Sa tingin ko, alam naman niya ang mga pagkukulang niya kaya nung nagdesisyon siyang magretiro, eh bumawi naman siya sa akin. Siya ang naging tagahatid ko sa eskwela buong high school ko, at tuwing meron kaming di pagkakasundo ng nanay ko, sa akin siya kumakampi. Wala lang... Pero ang tatay ko, mas nakikilala ko ngayon...

*************
Frustrated singer yang tatay ko. Gabi-gabi nagcoconcert yan. Tipong mula alas onse hanggang ala-una ng madaling araw. Ewan ko, kaming 3rd generation sa angkan namin eh halos lahat marunong kumanta, hindi nga lang namin alam kung saan namin nakuha yung talentong iyon, kasi judging sa boses ng mga magulang ko... wala talaga. Ang tatay ko boses syokoy na paos!!! Basta masakit sa tenga pakinggan boses nun, pero pag nagcoconcert siya kelangan talaga nakafull speaker. Kaya minsan putol ang tulog ko. Mahilig pa yan, pag may bisita, siya mamimili ng ipapakanta sa mga pinsan/pamangkin ko, pero pag ayaw nila siya kakanta... kesehodang Strangers In the Night pa yan o kaya'y Hit Me Baby One More Time ni Britney. Buti na lang mababait mga bisita... at mga kapitbahay namin.

**************
Ang tatay ko, siguro nasa Top 100 na fans ni Manny Pacquiao. Meron siya lahat na pirated na DVD ng lahat ng laban ni Pacquiao, kahit simula pa nang mukhang uhuging bata pa si Manny, meron siya. Hindi talaga siya papatalo sa mga pumupuna sa kanya. Muntik na nga niyang isumpa yung pinsan ko dati nang sabihin ng pinsan ko na luto ang laban ni Pacquiao at ni dela Hoya. Palagi pag may bisita kami, kung hindi nakasaksak yung Magic Sing, ang dibidi ng huling laban ni Pacquiao ang palabas sa tv namin. Kahit pa puros babae ang bisita. Noon pa ngang hindi pa ako bumibili ng sarili kong dvd player eh lagi kami nag-aagawan ng ipapalabas. Naaalala ko pa nga na inggit na inggit siya nang malaman niyang nakapasok yung nanay ko sa mansyon ni Pacquiao sa Mindanao. Nakaframe yata yung pichur ng bahay ni Manny sa wallet niya.

***************
Ang tatay ko, lagi akong sinesermonan kapag may binibili akong bago. Matuto daw akong mag-ipon. Malapit na yata akong palayasin sa bahay, dahil madalas na itong magparinig kung bakit dun pa rin ako sa bahay namin nakatira. Anyway, pero kahit ganun lagi ang sinasabi sa akin ng aking ama, pag nakikita niya yung mga pinamimili ko, pagkatapos lumamig ang ulo niya, namamangha siya. Kagaya na lang nung bumili ako ng Xbox 360 ulit, pinagalitan ako tapos ng makitang kamukha talaga ni Pacquiao yung sa Fight Night... ako pa nagsara ng bibig niya. O kaya nung bumili ako ng MP3 player, pagkatapos litanyahan ng tungkol sa krisis, hiniram ito't tinanong kung mas marami pang lamang kanta yung player kesa dun sa binili niyang 100 in 1 cd ng chacha.

***************
Si tatay eh madalas din akong litanyahan tungkol sa pagmamaneho ng tama. Mapabisikleta, scooter o kotse. Ang ratio ng aksidente naming dalawa sa mga sasakyan... 10:1. Sampung beses na siyang nabangga, tumilapon sa sasakyan at naaksidente, habang ako eh isa. Actually 1/2 nga lang yung sa akin kasi muntik lang ako bumangga nun sa rumaragasang sasakyan.

****************
Noong mga araw naman na wala akong trabaho, dalawang beses sa isang buwan niya ako kung lecturan sa pagmamahal sa trabaho. Medyo kapag ganito na ang usapan, nagbibingi-bingihan ako. Paano ba naman labingdalawang taon lang siya nagtrabaho sa Saudi. Labinganim na taon na siyang tambay sa amin. So... nakikita niyo naman siguro kung ano yung di tama dun sa pangungusap na yon, di ba? Hindi ko nga alam kung san niya nakukuha yung mga pinambibili niya ng mga pinamimili niya eh... Sa tingin ko, may nakatagong kayamanan yang tatay ko eh..

*****************
Isa pa, yang tatay ko lagi akong pinapagalitan pag hindi ako humaharap sa mga bisita. Kung nagkukulong ako sa kwarto, talagang hihilahin ako niyan palabas para ientertain ang mga bisita nila. Tapos pag baba ko, mga ilang saglit lang, pagtingin ko sa likod ko wala na siya. Ang tatay ko na ang nagtago!!! Lilitaw lang yan ulit pag gusto na niyang isaksak yung Magic Sing o kaya yung mga dibidi niya ng mga laban ni Pacquiao.

Marami pa akong mga kwento dyan. May pagkapasaway talaga yang tatay ko. Buti na lang di ako masyado nagmana sa kanya...

HAPPY FATHER'S DAY sa lahat ng mga tatay diyan!!! Sa mga magiging tatay!!! At sa mga tatay ng mga wala pang anak!!!

16 comments:

  1. i love the story... pero buti ka pa u have a lot of story. mukhang may kasunod pa to... i lost my father when i was 10. he died 44yo. mabait, galante in a reasonable way but very strict....

    happy father's day to all who is working out as a father to their families...

    JJRod'z

    ReplyDelete
  2. "Kung nagkukulong ako sa kwarto, talagang hihilahin ako niyan palabas para ientertain ang mga bisita nila. Tapos pag baba ko, mga ilang saglit lang, pagtingin ko sa likod ko wala na siya. Ang tatay ko na ang nagtago!!! Lilitaw lang yan ulit pag gusto na niyang isaksak yung Magic Sing o kaya yung mga dibidi niya ng mga laban ni Pacquiao."

    Haha kakatuwa yung tatay mo. Based on your kwento, he seems he has a good heart at maganda ang outlook niya sa life. Happy Father's Day. :D

    ReplyDelete
  3. abid fan talaga ni pacman tatay mo. buti hindi nakilaro sa xbox mo. ehehehe.

    sa post mong to, damang-dama na inspired ka to write and to share information sa tatay mo. :D

    Advance happy fathers day sa iyong ama :D

    ReplyDelete
  4. It's a great thing you have a loving father. You're very lucky. Happy father's day to your dad!

    ReplyDelete
  5. Hahaha. Ang kulit ng tatay mo. Pwede ding i-conclude na siya na ang best in sermon. Haha. Sana makagawa din ako ng post tungkol sa tatay ko, wala pa me maisip eh. Hihi. Happy Father's day sa Pacquiao fan na tatay mo Kuya Gibo. :)

    ReplyDelete
  6. hindi ko alam pero relate na relate ako sa mga dad's stories mo... siguro dahil OFW din ang tatay ko noon...

    ReplyDelete
  7. Kung frustrated singer ang tatay mo, sa'kin naman frustrated dancer. Gusto kong magtago 'nung minsang may Christmas party at sumasayaw siya ng Nobody ng Wondergirls.

    Maligayang araw ng mga Ama sa iyong tatay, Kuya Gibo.

    ReplyDelete
  8. Sana may mga ganitong story din ako. kaso wala eh. :(

    ReplyDelete
  9. makulit din ang lahi ng tatay mo e no?

    pagtanda mo GB, ganyan ka din! matatawa ka na lang! haha!

    happy father's day sa tatay mo at sa mga tyanak mo! lol

    ReplyDelete
  10. nyahaha
    pirated talaga lahat?
    hehe

    hindi ako maka-relate
    wala akong tatay
    nyahaha

    ReplyDelete
  11. parang kwento ko din sa tatay ko ah nyahaha! pareho kami ng napansin ni denoy, yung pirated nyahaha! happy father's day!

    ReplyDelete
  12. hahaha! kulit ng tatay mo. mga lalaki talaga, pag tumatanda na, dumadaldal na ng todo.

    ReplyDelete
  13. love this post; namiss ko bigla si erpats. nakakarelate ako, top 100 din si papa ng fans ni pacman. Kaya lang di na nya napanuod laban ni pacman at dela hoya. He passed away b4 that fight. This is my 1st visit here, im enjoying my stay Hehe..

    ReplyDelete
  14. heheh siya na ang best in sermon.. buti pa nga ang tatay mo best in sermon.. hehehe apir parehas tayo ng tatay.. hahaha

    ReplyDelete
  15. He sounds like a really fun dad. Happy Father's day sa dad mo..

    ReplyDelete
  16. Fustrate Priest siguro yon Tatay mo. hehehehe. kungsakali, OBISPO NA YAN TATAY MO NGAYON.

    ReplyDelete