Jun 6, 2011

BAKIT KAYA

Dahil hindi ako makatulog kaninang hapon, napapanuod ako ng tv. Bio channel ata yun. Ang palabas Tough Love Couples Edition.

Ang tema ng palabas, merong 7 magsyota. Lahat sila medyo may problema sa kasintahan nila at sumali sila upang malaman kung dapat ba silang mag move forward sa relationship nila o kailangan na nilang maghiwalay.

Napaisip ako, bakit mahirap para sa isang pares ang maghiwalay?

Bago ko ipagpapatuloy ang post na ito, nais ko munang linawin walang kinalaman sa akin itong post na ito. Ako sa kasalukuyan ay masaya. Walang problema. May mga gusot, pero naaayos lahat. Itong post na ito ay tungkol lang talaga sa napanuod ko sa telebisyon kanina. Okay? Klaro? Wala lang. Defensive ako, bakit ba.

Yun nga, naisip ko, bakit meron mga tao na nagpapakatanga sa isang relasyon at hindi ito maiwan kahit na sobrang miserable na nila?

-Dahil ba natatakot sila na maging single ulit?

-Dahil tanggap nila na hindi lang sila ang laman ng puso ng mahal nila at kaya nilang tiisin ang ganung sitwasyon?

-Dahil naghihintay sila't umaasa na balang araw magbabago din ang mahal nila?

-Dahil wala silang choice, alam nilang yun lang yung taong magmamahal sa kanila?

-Dahil kasal na sila?

-Dahil kaya kahit na sobra sobra silang saktan, sa huli sila pa rin yung mahal ng nananakit sa kanila?

-O kaya'y dahil nagmamahal lang talaga sila?

Kung isa man diyan yung sagot, naisip ko sapat na ba iyong dahilan para magstay sila. Kahit gabi-gabi na lang ay umiiyak sila dahil sa sakit?

Ewan ko. Ganun naman ata talaga pag nagmamahal. Handang gumawa ng maraming katangahan. Sa dulo naman kasi minsan, kung tama sulit ang lahat.

Ano sa tingin ninyo?

15 comments:

  1. tama parekoy, kahit katangahan ay gagawin par lang sa pagmamahal. para sa akin, sang ayon ako sa huli mong tanong na "O kaya'y dahil nagmamahal lang talaga sila?". \m/

    ReplyDelete
  2. - dahil nasasayangan sila sa oras at panahon na nilaan nila sa isa't isa. emeotional investment - na baka may paga-asa pang maayos ang lahat

    - baka mahal lang nila ang isa't isa pero masyado silang mapride para aminin yun sa isat isa

    ReplyDelete
  3. ewan.. masaya naman maging single ah.. hahahaa

    ReplyDelete
  4. Naranasan ko na ata to. Napaisip tuloy ako kung bakit di nga ako makabitaw dati..

    Ako kasi, dahil sa matagal na pinagsamahan, sa dami ng nangyari, kaya hindi ko nun masure kung iiwan ko o hindi. Oo, ang seryoso ko kuya Gibo. Haha

    ReplyDelete
  5. may mga tao kasi din siguro na masokista na aminin man nila o hindi, gusto nila na sinasaktan sila, kaya hindi din sila makaalis alis sa sitwasyon. :(

    ReplyDelete
  6. Sa dulo naman kasi minsan, kung tama sulit ang lahat.>>> beyond the good times, diyan makikita ang katatagan ng pagmamahal.

    ReplyDelete
  7. it's always good when it's right. it's always a choice. ingat pagai gb

    ReplyDelete
  8. you will never know which is right when you happy doing wrong...

    - Luis (madalas dumaan, ngayon lang nagparamdam.. :)

    ReplyDelete
  9. Thank you for this post. :) In enjoy reading this! Super tagalog!! I miss philippines!

    ReplyDelete
  10. wala akong macomment kasi di ko pa naranasan ang magmahal na kahit maging tanga ay gagawins. ahahaha

    ReplyDelete
  11. nyahaha
    defensive ka nga
    sobra
    hehe

    ReplyDelete
  12. para saken lahat ng points mo ay pwedeng tama depende sa sitwasyon. pero sa personal kong paniniwala, tio ang dahilan:

    -Dahil kaya kahit na sobra sobra silang saktan, sa huli sila pa rin yung mahal ng nananakit sa kanila?

    hehe :)

    ReplyDelete
  13. Defensive ka! Nabasa ko isa mong post. LOL!

    ReplyDelete
  14. Ang aga aga, ambigat sa dibdib makabasa ng ganitong dramarama! Hehe!

    ReplyDelete
  15. Based on experience (never pa nagkaboyfriend bwahahahaha) tingin ko kase you'll only fall in love when you have experienced yung kind ng happiness at pagka high na you never experienced before. And when you're already in the relationship with the person who made you feel that way, you'll stay despite all the pain because you know that there was once a time that you experienced that different kind of elation. And that there is a chance for you to experience that again if you hold on. Kasi nga naman diba, if you give up early, you have no chance of feeling that again with that person. Sure you can probably feel that again with someone else, pero I don't think you'll think about that, lalo pa't nasayo pa yung pinakamadaling way to experience that again.

    Haka haka ko lang. Umeechos.

    ReplyDelete