Tamad kasi ako magcompose ng post, kaya pinagtiyagaan kong magbackread at kunin lahat ng kalaglag-laglag na mga rebelasyon ko sa blog na ito.
- Noong bata ako, boses babae akong kumanta. Children's Choir ako at soprano noon. Pero nakick-out ako pagdating ng Grade 5, kasi naging baritone na.
- Sinubukan ko makipagflirt sa babae nitong taon sa may Starbucks. Nilayuan niya ako, di pa man din ako nagsisimula.
- Minsan na akong inindian ng mga kadate ko. Ang sakit sa ego.
- Na-ban ako sa isang building sa Makati. Meron kasi akong naapplyan dati na Marketing job daw (pero ang trabaho talaga ay maglibot sa mga building sa Makati para mag-offer ng discount cards sa isang kainan). Nahuli kami ng guard, kaya kinunan kami ng pichur at naban doon. Di ko tinanggap yung trabaho.
- Para magpa-impress sa mga kaibigan noon, sinabi kong pinsan ko si Carlos Agassi. Looking back, bad decision kasi jologs siya. Kahit ngayon pag naaalala ko, nandidiri ako sa pinaggagagawa ko.
- Noong bata ulit ako, may pagkapatay-gutom at klepto ako. Ninanakawan ko ng tikim yung ulam ng kapitbahay ko pag hindi sila nakatingin.
- Noong single pa ako, pag wala talaga akong magawa, nagdadial pa rin ako ng random numbers sa telepono (hindi cellphone). Umaasang magkakaroon ng kaphonepal. One time, may nadial akong may caller id. Tinawagan ako't nagbantang isusumbong daw ako sa tito niyang NBI.
- Bobo talaga ako sa Math. Noong Grade 5 ako, kailangan ko pa ng tutor para maintindihan kung paano magconvert ng fraction sa decimals. Hanggang ngayon di ko pa rin naiintindihan.
- Noong bata pa ako, may pagbabadya na ako sa aking preference. Naaalala kong nagkukwento ang nanay ko na hilig ko daw isuot noon ang bra niya.
- Nasipa ko yung nurse ko noong nagpatuli ako.
Tama na yan. Wala na talaga akong kahihiyan. Pero, nakakahiya man, lahat yan kailangan pagdaanan para makarating kung nasaan ako ngayon. Kung alam niyo lang kung gaano kataas ang balahibo ko habang sinusulat ang post na ito. Wala na ata akong maipapamukha dito.
Kayo naman, may ilalaglag ba kayo sa sarili niyo?
At nilaglag talaga ang sarili! More! More! Natawa naman ako sa Carlos Agassi part. :p
ReplyDeletehahaha... kulit naman lagi ng post dito.
ReplyDeleteNasipa ko yung nurse ko noong nagpatuli ako.>>> malamang kung may bllog siya ngayon na blog niya rin ito. hahaha...
Noong single pa ako, pag wala talaga akong magawa, nagdadial pa rin ako ng random numbers sa telepono >>> hahaha... ako sa text lang.
You're so funny. :) You made me smile.
ReplyDeletenatawa ako sa bra GB! hahahaha
ReplyDeletekasya ba? ahehehe
ilalaglag? nagkahernia ako! ayan! hahaha
wahha ang kulit.... more pa more hehehehe :D
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteahahahah. natawa ko dito infairness!
ReplyDeletetry ko din ilaglag ang sarili ko on my own supladong way.
hihihi. abangan mo yan Kuya Gillboard!
Hahaha Gibo Tells All? LOL!
ReplyDeleteHahaha nakakatuwa naman lalo na yung pagsuot ng bra ng nanay mo. Sana may kasunod pa yung nakalista. I'm sure as you look back, natatawa ka na lang. :)
ReplyDeletehahaha chong pwede ba nakawan ang pagkain sa pamamagitan ng pagtitig... wahehehe... sa susunod ako din hahaha...
ReplyDeleteMasarap talagang ilaglag ang sarili lalo pa't alam mo ng nagbago ang lahat.
ReplyDeleteParang ako.
Nung elementary, isang linggo bago ako maligo.
Ngayon nakakatagal na lang ako ng one day. Wahahahaha!
ayun pala eh! bra ni mudang ang target! ako naman nun, lipstick hahaha :D
ReplyDeleteNatawa ako sa pagkakaban mo sa isang building at muntik pang pagkakahuli ng NBI dahil sa kagustuhang makipagphonepal. Haha. Pambihira. Ako din biglang nahiya. Haha.
ReplyDeleteHaha! Natawa ako sa pagnakaw ng tikim sa ulam ng kapit bahay! ROTFLMAO! Pero di ko gets kung anong dahilan ng pagkakahuli mo sa isang building hehe
ReplyDeletehehehe, lahat naman ng tao may bloopers. :) yung sexuality continuum naman yan, preference din. basta kung doon ka masaya. Different strokes for different folks.
ReplyDeletewow parekoy, ito ang post ng mga lalakeng may bayag!! astig ka. wala pa akong nakikilalang nanlaglag ng sarili.
ReplyDeleteblogenroll \m/
Hahaha.. natawa ako dun sa bra. :D
ReplyDeleteako naman mine make apan nung bata pa ako. :D
Hahahaha
ReplyDeleteMy share...
Nung college ako, 3.00 ako sa accounting. Shet, ang bobo ko!
May pagka-manang ako, mahawakan lang ng manliligaw ang dulo ng daliri ko, nagffreakout ako! (parang hindi bagay kasi hobby ko magtwo piece pero old fashioned ako sa totoong buhay) ^-^
hahahaha.. x') panalo..!!! Sobra.. ay.. excuse me.. masyado lang natuwa sa blog mo.... bagong tuli.. este bagong follower..
ReplyDeletemore more!hehehe try ko ring gumawa ng ganitong post kaso nakakatamad kasing magback read gaya ng ginawa mo or magisip ng mga nangyari ng nakaraan hehehe
ReplyDeleteang kulit kuya! more more!!!!! :)
ReplyDeletenimmy: no more na!!! no more!!! lolz
ReplyDeletesuperjaid: sige, hintayin kong di ka tamarin magback read. dapat mas madami kang gawin sakin. hehehe
kamila: welcome sa aking munting tahanan. balik lang ng balik. :D
chyng: more pa!!! more!! more!!! :P
ReplyDeletenielz: di pwede sakin yun. only child. nabugbog ako kung sakali. hahaha
nobenta: salamat po. astig talaga ako. lolz
rah: true. walang basagan ng trip. thanks rah. :)
ReplyDeleteblakrabit: bawal kasi magsolicit ng walang pahintulot sa mga buildings. yung supposedly was the marketing job. kaya ayun. huli. hehehe.. or huhuhu
yow: naku, kung basa mo pa lang nahihiya ka na, paano pa ako?! lolz
jayvie: di naglilipstick si nanay. hahaha
ReplyDeletemugen: ay, yun ang di ko kaya, ang di maligo. lumalagkit kasi ako. hahaha
kikomaxx: daya mo, dapat ikaw ang nilaglag mo, di ang nanay mo. hehehe
klet: yeah, nakakatawang balikan, pero tama na siguro muna 'to. hehehe wala na akong mukhang maihahaharap nito in the future. lolz
ReplyDeletegasul: yup. dapat pala to dun sa isa kong blog. hehehe
anthonycarlo: aabangan ko yan. wag mo tagalan. :D
axl: salamat. hehe
ReplyDeletedoc ced: ewwww. hernia. ewww. lolz. ano yung hernia?
MI: thank you. smile some more. :)
dong ho: di ko natry sa text. parang ewan ko... kakatakot text... kahit sino lang kasi may cellphone nowadays. lolz
ReplyDeletexall: high school days yun. ayaw ko nang balikan. hahaha
nyahaha
ReplyDeleteang sakit ng tyan ko kakatawa dito
masarap ilaglag sa sarili
yun kaya blog ko sa araw-araw na lang
hehe