Dahil medyo nabawasan ang pagkalalake ko dun sa huling post (na hanggang ngayon ay kinikilig pa rin ako), medyo ililihis ko muna ang aking mga kwento ngayon.
Mabilisan lang. Walang kilig-kilig muna. Baka isipin niyo bading ako. Hehehehe
***********
Noong nakaraang linggo ay anim na araw ang bakasyon ko.
Akala ko makakatipid ako, isang malaking pagkakamali. Mas lalo akong napagastos. Yung akala kong matitipid ko sa isang linggong pahinga, eh ang ginastos ko ay parang nagtrabaho ako ng tatlong linggo.
Madami naman akong napanuod. Eto ang pellet reviews ko.
Saw VII: Bayolente sana, kaya lang di naman pinakita yung mga nakakadiring part. Nambitin lang. Walang kwenta. 6/10
My Amnesia Girl: Maganda sana. Kung hindi lang dinagdagan ng sampung minuto yung ending. Pero nakakakilig siya. Nakakatuwa si JLC at Toni. 8.5/10
Unstoppable: Maingay. Isa lang yung namatay. Pero medyo maganda naman siya kesa Saw. 7.5/10
Takers: The best movie… para matulog. 5.5/10
***********
Noong nakaraang weekend din, ay may nameet akong dalawang low profile bloggers. Wala lang.
Si RF, na balikbayan mula Amerika. Natutuwa ako sa mga kwento niya, at bilib ako sa kanya dahil kinaya niyang mamuhay ng mag-isa malayo sa mga kamag-anak, mga kaibigan, at sa sibilisasyon.
Nakakatuwa dahil ang aliw ng mga kwento niya. Mantakin mong, dun pa siya natutong magbisikleta. Tinuruan siya ng asawa ng boss niya. At pumunta siya sa Amerika para magtrabaho ng night shift. Kunsabagay, kung dito sa Pilipinas yun, malamang dayshift ang trabaho niya.
At ang pinakagusto ko sa meet-up na iyon, ay dahil binigay niya sa akin yung hiningi kong pasalubong sa kanya mula Amerika. Hehehe. Thank you RF sa maagang pamasko!!!
Si Boris naman yung isang nakilala ko noong Sabado na nanggaling pa ng Quezon. Niclaim niya yung kalahati ng napanalunan niya sa pacontest ko (kasi di pa dumarating yung order ko na power balance) kaya free lunch muna. Yung sa ibang mga nanalo, iemail ko kayo or imessage ko sa facebook kung kelan.
Naaliw din ako sa kanya dahil ang pino niyang magtagalog. Yung tipong, ako’y nagagayak na ika’y makilala. Wala nang nagsasalita ng ganyan ngayon. Tapos pinakita niya ang kanyang mga doodles. Pero mas naging interesado ako sa mga kumento sa mga doodles na yun. Sino si monkey?! Yiiiiiiiii.
***********
Tapos kahapon, habang nag-iinternet ako. Lumapit ang nanay ko.
Nanay: Anak, ano yung twitter. Meron daw kasi si Ate ano mo…
Ako: Wag mo sabihin gusto mong mag-open ng twitter?
Nanay: Di naman. Gusto ko lang makita kung ano yun.
Ako: Weh, pasimple ka pa. Wala nga ako nun. Baka bukas lang malaman ko meron ka na niyan.
Nanay: Parang facebook ba yan? Kasi, kung ganun, iopen mo naman ako…
Ako: Ayoko. Wala nga ako nun.
Nanay: Sige na nga, kay ate ano mo na lang ako magpapaturo.
UPDATE:
Kinamusta ko kanina si nanay tungkol sa twitter. Ayaw na daw niya. Di siya natuwa dahil wala naman daw mga pictures gaya ng sa facebook. Tamad kasi yun magbasa. Puros pictures lang tinitingnan.
***********
Magpapasko na pala.
Disyembre na bukas.
May regalo na ba kayo sa akin? :P
Kakatuwa naman yung nanay mo.
ReplyDeleteAt wala akong regalo sa iyo.
Pero, mag papacontest din ako sa blog ko. So abangan mo. Baka manalo ka.
langyang SAW 7 yan. pagsakay ko sa bus, yun ang palabas. napatili ako ng wala sa oras.
ReplyDeleteay di mo bet yung 10 mins sa ending nung My Amnesia Girl? hihi. andaming wapak lines dun. buti naman at naisipan nila gawan ng part 2. sabagay, pwedeng pwede kasi... di ba. di ba? oo ka na lang.
ay may blogger meet up pala si Manong Gibo nung Sat kaya pala antuking bata hehe. sige next time na lang tayo tumoma.
groovy groovy talaga si mudra mo. baka mamaya nyan, may blog na din sya ha? hehe
so may twitter na si nanay mo? mafollow! :D
ReplyDeletekakatuwa si mader... updated sa tech hehehe
ReplyDeletehahaha techie na rin si inay hehe :D
ReplyDeleteMasaya kaya mag-Twitter! Kaya mag-Twitter ka na!
ReplyDeletelol on the best movie para matulog. buti na lang may review ka para di ko na mapanood yan.
ReplyDeleteamnesia girl? kakatuwa puro pick-up lines. tae ka ba? lol
hindi mo na kailangan ng regalo kasi may lablayp ka na! hahaha! :))
ReplyDeleteang hi-tech ni nanay! :D
ReplyDeleteano twitter ng nanay mo? follow ko sya. hehe.
ReplyDeleteayaw ko rin sa ending ng my amnesia girl. sana nakaisip sila ng iba. hehe.
weee... wala ako gift... nyahahaha
ReplyDeleteSobrang techie talaga ng mommy mo. Haha. Ang cool niya. Akala ko sobrang nanggaya na naman yung My Amnesia Girl pero ok na din. Suya lang sa sweetness. Pwede kayang bawasan? Haha
ReplyDeletehindi ko papanoorin sa sinehan ang saw 7 dahil alam mo naman kung gaano kaipokrito ang pilipino pagdating sa mga ganyang pelikula. samantalang kapag may barilan, pwede. gaguhan ba.
ReplyDeletesana anak na lang ako ng nanay mo.
Boris and I are from the same province. Akala ko sabay sabay yung meet-up kaya kinakabahan ako, mukhang iisa-isahin mo kami? Parang nakakakaba lalo hahaha baka maloka ka sa akin :P
ReplyDeleteteka muna. naguguluhan ako dun sa blog post mo bago 'to. sabi mo hindi ka bakla pero bakla ang karelasyon mo. ahm...ano po ang tawag dun? XD
ReplyDelete'yung totoo? kinilig ako sa love letter [kung maituturing ngang love letter 'yun] ng kasintahan mo. sasabihin ko sanang matalino siyang babae, pero lalake pala. lol! nalalabuan pa talaga ko sa konseptong lalake sa lalakeng relasyon pero sabi nga nila, walang basagan ng trip. kaya kung trip mong magpakainlababo sa kahit na sinumang tao, wala dapat talipandas na nangengealam. kaya naman, sige lang, suportaan ta ka. inlababo rin naman ako ngayon eh. sarap ng feeling ng may taong nagpapasaya sa'yo no? 'yun bang parang araw-araw na lang eh sabik na sabik kang bumangon kasi alam mong may magpapasaya sa araw mo. yikee!
at bigla namang bumagsak ang balikat ko sa rating mo ng saw 7. sa 3D mo ba pinanood pre? balak ko pa namang panoorin 'to next week. pfft! at mas mababa rin pala ng 0.5 'yung rating ko kumpara sa rating mo ng my amnesia girl. lol!
yun oh, naks si mader! daig tayong lahat!
ReplyDeleteo kelan na yung lunch treat? excited na meeee!
chyng: sa january na. puno na ang weekends ko this december. la na masingitan. hay. imessage kita sa fb. :)
ReplyDeletelio loco: ang sarap na di kasali sa smp no? hehehe anyway, di ako nanuod ng saw sa 3d. sayang yung pera, di ko naman nasundan yung series, and di ako nakarelate kung sino si jigsaw. wala rin ako balak panuorin lahat.
klet: sabay-sabay na kayo. magastos pag isa-isa lang. limited lang budget ko. hehehe.
mental climax: sobra naman. makulit lang nanay ko kasi matanda na. i'm sure may ganyang moments din kayo ng nanay mo. :)
yow: yung keso tama lang, ang sana binawasan nila yung ending. bwiset talaga ako sa ending. yun yung panira sa pelikula.
ReplyDeletekikomaxx: ay, nakakasad. :P
scud: actually, ok nako dun sa cliche na ending. sana di na lang dinagdagan ng twist. di na pala tinuloy ni nanay ang twitter. sumakit ulo niya, wala naman daw pictures.
spiral prince: malapit nako niyan maungusan sa pagiging techie.
claudiopoi: minsan, masarap pa rin makatanggap ng gift. eto naman. hehehe.. pero ok na din yung lovelife, kung wala. :P
ReplyDeletelawstude: yung tae lang talaga yung naalala kong pick up line. kasi may nagtext na sakin nun dati.
gasul: asus. twitter na nga lang yung usong ayaw kong makiuso. tsaka twilight. paninindigan ko yan.
axl: naman.
chingoy: onga. hinahayaan ko na lang. dun siya masaya. lolz
ReplyDeleteced: wala. naturn off siya kasi wala daw mga pictures. hehehe
jayvie: malabo yung blog. sa bagal magtype nun. million years bago makagawa ng isang post yun. hahahaha
skron: yeah, sige sasalihan ko yang contest mo. di ko lang sure kung ano yung prize mo. sa pc ba yan o sa console? hehehe
kaaliw naman mother dear mo. hahaha
ReplyDeletebaka next time nagboblog na din sya. :D
dito na lang din po ako magrereply kasi di ko alam ang email add nyo. Kaw po ang bahala :) Every saturday po ay nasa Manila ako and once a month ay nagstay ako until sunday :)
ReplyDeletekami ng nanay ko? wala e. wala siyang kwenta eh.
ReplyDeletewahhh pino ba ako magtagalog? di naman ah XD
ReplyDeletesalamat sa free lunch. nabusog talaga ako :D
pwede hugs and kisses nalang... nyahahaha...
ReplyDeleteI'm looking forward pa naman sa Saw 3D, kala ko may IMAX version or 3D version talaga.. hayst. But Im still gonna watch it this weekend.
ReplyDeleteI liked My Amnesia Girl, although medyo nakornihan ako pero may kilig factor sina JLC at Toni. :]
bientot: alam ko 3D talaga yung movie. kaya lang, medyo di sulit yung ibabayad mo sa 3D kasi di naman kagandahan masyado yung pelikula.
ReplyDeletekikomaxx: ikaw ba magreregalo sakin niyan?! lolz
boris: sa uulitin!!! :)
mental climax: eto naman. ang bigat naman ng sinabi mo. nanay mo pa din yan. :)
ReplyDeleteklet: ah sige.saturday yung lunch for sure. medyo tamad ako lumabas kasi kapag linggo. sleep day ko yun. email ko is jao_224@yahoo.com
pamela: malabo yun pam. ako na lang magkukwento ng mga kwento niya sa blog ko. hehehe
Ayoko talaga ng star cinema. Bakit kaya? Hehe
ReplyDelete