Nov 13, 2010

LIMANG TAON

Kung ako’y inyong tatanungin, mahirap magsulat. Mahirap gumawa ng kwento. Mahirap ibuhos sa isang pampublikong site ang saloobin lalo na kung alam mong may nakakakilala sa’yo sa totoong buhay. Mahirap maglabas ng opinion dahil minsan maraming tao ang hindi sasang-ayon sa’yo. Mahirap maging blogger. Pero Masaya.

Kaya siguro nakatagal ako ng limang taon dito. Dahil masarap maging blogger.

Masarap na merong nakakarelate sa mga sinasabi mo. Masarap dahil marami kang nagiging kaibigan. Masarap dahil nailalabas mo ang iyong sama ng loob. Masarap dahil gumagaan ang iyong pakiramdam. At masarap dahil gusto mo ang ginagawa mo.

**********
Marami akong dapat pasalamatan ngayong nakaabot na sa limang taon ang Gillboard, so dapat ditto ako magsimula:

Unang-una, salamat sa Panginoon sa pagbibigay sakin ng kaunting talento sa pagsusulat. Walang blog kung walang talento.

Sa blog world, maraming salamat sa mga kaibigang nakilala dito. Si Kuya Jon, na simula nang mag-umpisa akong magsulat ay ka-exlink ko na. Sina Gasul, Chingoy at Jepoy na nanlibre na. Si Mark na aking church buddy tuwing Huwebes. Si Domjullian na aking kakuwentuhan sa buhay-buhay. Si Scud na sinuyod pa ang Quiapo bilhin mahanap lang yung nirequest kong pelikula. Sina Bob at Coldie na mga paborito kong kachat sa kani-kanilang mga blogs.

Maraming salamat din sa mga pinakamatagal ko nang mga tagasubaybay. Sa mga di nagsasawang bumisita dito, kahit minsan walang kwenta mga pinagsusulat ko. Sina Moks, ang bagong daddy na si Kosa, Maldito, si Chyng, si Doc Ced (na manlilibre ng doctor's fee pag nagkasakit ako) Raft3r (na lahat ng post ko ay may comment, nagbabackread), Joms, Klet Makulet, Ahmer, Dong Ho (na kinaiinggitan ko), si Efbee (na idol kong humor blogger), si Anton (na laging nangangaral sakin), Gincie/SSF at Jayvie (na mga bagong kaibigan naming ni kasintahan… ayan Kikilabotz, nakalink na si SSF as requested) at sa lahat ng napadpad, sumunod at nag-iwan ng marka sa tahanan ko.

Maraming salamat din sa lampas dalawang daan na followers ni Gillboard. Ayokong nagbibilang, pero di nawawala ang ngiti sa aking mukha tuwing nakikita kong nadadagdagan ng isa ang sumusunod sa akin. Kahit minsan di naman talaga sila nagbabasa ng blog ko.

Syempre, maraming salamat din sa mga nagbibigay sa aking blog ng traffic. Di man sila nagbabasa, pero dahil sikat sila, ay nahahawa ang blog ko sa kasikatan nila. Sina Soltero, Baklang Maton in the Suburbs, Tristantales, Salbehe, Ardyey (ng Ardyeytology), ang salitang jack0l sa google, at sa lahat ng bloggers na naglink sa aking tahanan.

Sigurado ako, marami pa akong nakalimutan. Wag kayong magtampo. Ieedit ko pa din to pag naalala ko kayo. I'm showing early signs of alzheimer's.

Gaya ng sinabi ko kanina, minsan mahirap magblog. Lalo na sa kalagayan ko. Matagal kong itinago kung sino ako, pero nung nalaman ninyo yung totoo, at tinanggap pa rin ako, ang sarap ng feeling. Pag nakikita mong may mga nagbabasa pa rin sa mga nilalathala mo, alam mong sulit lahat ng pinaghirapan mo.

**********
Para naman sa aking munting pakulo. Ito ang mga nagwagi sa aking pacontest. Baka sa December na natin gagawin ang ating munting meet-up para maclaim ninyo ang premyo kasi puno na ang weekend ng Nobyembre ko. Iemail niyo na lang ako ng contact details ninyo para makapagschedule tayo.

Drumroll please…

Power Balance Bracelet: Boris
Starbucks Tumbler: Chyng
Book: Aajao
Free Lunch: Anj/Klet Makulet and Raft3r

Lahat ng winners kasama sa free lunch or dinner depende sa mapag-usapan. Isang date lang sana ito para isang gastos lang, kasi budgeted. Magsuggest kayo ng masarap na kainan sa may Makati or Ortigas area para dun na lang tayo. At weekend sana ito, dahil weekend lang ako pwede. Ubos na ang leave ko for the year.

Happy 5 years of blogging sa akin!!!

Next year, pag nagsawa ako, baka yung Xbox ko ang iparaffle ko.

60 comments:

  1. nakapagpasalamat ka na't lahat ang tanong eh ---- kelan ka magpapainon?

    hapi anibersari. hirap umabot ng isang taon pag puro salita. kip ap da gud work.

    ReplyDelete
  2. isang malakas na yeahbah! para sa ika-limang anibersaryo ng iyong datkom! XD

    limang taon narin akong nagsusulat, yung lang hindi ako mapirmi sa isang datkom, palipat lipat, hindi tuloy ako lumago. ikaw ay isang inspirasyon! mabuhay ka! (err, patay?) XD

    sana ay palarin naman akong manalo sa paraffle mo next yr. XD

    ReplyDelete
  3. one reason i did not join is that ang layo ko.sayang ang shipping..besides meeting u is enough to be a prize. charing. napaliha ka na ba?

    congrats sa 5 years mo....ikaw na...ikaw na ang pinakamatagal..ahahahhaa....

    wish ko lang nasa free lunch din ako..lols


    hoy sabihin mo skain ang xbox na yan..joinm ako.lols

    ReplyDelete
  4. Happy anniversary! keep it up man :)

    ReplyDelete
  5. Happy 5 Years of Blogging! Sana tumagal din ako ng ganyan!!

    Natawa ako dun sa .."ang salitang jack0l sa google" bwahahha...


    cheers! :P

    ReplyDelete
  6. maraming salamat din sa iyo..ikaw ang isa sa mga pangunahing nagbibigay ng blog traffic sa blog ko..

    ReplyDelete
  7. Happy 5th year! Grabe. Nilulumot ka na sa web! Haha

    Bakit di ako nanalo!!! Haha

    ReplyDelete
  8. Happy half a decade anniversary gillboard! :]

    ReplyDelete
  9. happy 5th anniv GB. ako? libre ng doctor's fee? sige OB na gusto ko e. lol. biro lang. libre mo muna ko ngayon. lol

    ReplyDelete
  10. tats naman ako, at kasama sa acknowledgment... :)

    happy anniv!

    ReplyDelete
  11. anong kaunting talento sa pagsusulat?? eh idol nga kita eh! mahusay ka tsong! haha

    gusto ko din magpasalamat sayo. madami ako natutunan sa blog mo. walang halong biro.

    at dahil anniv ng blog mo, ano sama ba kayo ni kasintahan mamaya? basagan ng bungo!!!

    happiness!

    ReplyDelete
  12. at ayun pala ibig sabihin ng sff. bwahahaha. engot engot ko. hahaha. matagal n po ako taga subaybay niya. hahaha . salmat sa link at nandun din pla ako. haha. tx kuya gillboard

    -kikilabotz

    ReplyDelete
  13. happy anniversary sayo! Hindi ko man nasabi sayo pero itong bahay mo ang isa sa mga naunang naging idol ko, suplado ka pa noon at deadmeat ka sa mga comment ko ahahhaha.

    Continue to share and write you'll never no in one way or another you'll be able to reach out to someone and influence them to this addiction too, which i think is very positive.

    More blogging years to you!!! Congratulations...

    ReplyDelete
  14. Congratulations! And I read you ah! :)

    ReplyDelete
  15. Akala ko nag 5 years old na tong blog mo a couple months ago?

    Anyways, Happy Anniversary.

    P.S. Also noticed 1,400 people got to your website by searching ASIAN PORN DVD. Bakit kaya?

    ReplyDelete
  16. kaw ang isang orig ka-blogs koh kuyah... nde kitah malilimutan sa mundong itoh kc sau koh natutunan non ung "blog to express nd not to impress"... advice moh yan nung bagong bago akoh sa blogsphere... ngaun eh.. luma nah... lol... happy 5th year kuyah... may ur blog have more bdayz to come... ingatz kayo lagi ni kasintahan moh nd Godbless!

    ReplyDelete
  17. Wow. Ang tagal. Nahirapan ka pa magsulat niyan ah? Pambihira! Congratulations... :) More years of blogging to come. Bago ako dito pero I must say mukhang hindi ka naman nahirapan. Haha. Walang sawa factor mga sinusulat mo at hindi ka din mapapatigil magbasa kasi nabored ka. Mga ganun baga. Haha.

    Happy 5th year blog Anniversary.

    ReplyDelete
  18. goodbye tumbler :(

    congrats! wag sana dumating ang panahon na iparaffle yang cbox na yan... more blogging years :)

    ReplyDelete
  19. weee... congrats naman... sana iparaffle narin tong blog nato.. wahehehe joke...

    ReplyDelete
  20. "ang salitang jack0l sa google"

    :) natawa ako jan, oh, eto pa: hahahaha

    Happy new year, gillboard! Use your new year well! :3

    ReplyDelete
  21. tol congrats sau!!!! sana tumagal pa..sulat ng sulat ha..

    ReplyDelete
  22. happy 5th, happy 5th! yay! galing! sa maraming pagkakataon na halos tamarin tayo sa pagba-blog, eto, alive & kicking pa rin! keep the motto burning: "we write to express, not to impress." congrats, Gibo! ;)

    PS. salamat sa 1st mention. at sa panalo sa pa-contest. set natin meet-up, bigyan din kita ng isang guapple :D

    PS2. namalik-mata ako sa last line ng blog post mo. ang unang basa ko: "Next year, pag nagasawa ako,..."
    hahaha! pwede? pwede!!! :P

    ReplyDelete
  23. wow! 5 years ka na pala.. congrats! :) diko alam yung paraffle haha.. congrats godspeed! ;)

    ReplyDelete
  24. Hahaha i'm so touched! Una, dahil napasama ako sa nabanggit na napapadpad sa napakagandang blog mo.

    Ikalawa, dahil nanalo ako (first time) sa isang pa-contest hehehehe

    Aminin ko, taga bundok ako, pero titingnan ko ang schedule nyo ng free lunch at pipilitin kong tumakas sa pag-aaral para lang sayo wehehehe

    Maraming, maraming, salamat po! :D

    ReplyDelete
  25. dahil sa sobrang tuwa nalimutan ko na sabihing...

    HAPPY ANNIVERSARY!!!! (parang mag-bf lang eh ano? hehehe) Magtagal ka pa sana sa blogosperyo!

    pa-hug nga! :P

    ReplyDelete
  26. anubeh!!! at may bentahan ng pangalan talaga???

    ito kaya ang pangalawang blog na binabasa ko una kay Jayvie...dahil dito nakumbinse narin ako magblog hehe

    hi kay kasintahan :)

    happy anniversary!!!

    ReplyDelete
  27. isang malufet na high five parekoy!! isa ka sa mga naging inspirasyon ko dito sa blogosphere. mabuhay ka!

    blogenroll \m/

    ReplyDelete
  28. yun oh... 5 yrs of blogging...
    we write to express not to impress... yeabah :D
    congrats :D
    more yrs to come :D

    ReplyDelete
  29. wow. :)

    congrats GILLBOARD! :D

    more blogging years to come! :D

    ReplyDelete
  30. Special mention pala ako dito. Haaayyy ang hirap talaga ng walang laptop. Huhuhu. :(

    ReplyDelete
  31. gasul: ano nangyari sa laptop mo? bili ka na lang bago!! :)

    pamela: thank you pamela!!!

    axl: thanks axl!!!

    ReplyDelete
  32. nobenta: naku, maraming salamat. lalaki ulo ko nyan. hehehe. apir!!!

    ssf: thanks gincie!!! ano meron sa huli mong post?! hehe

    klet: sige, ano email mo nang maschedule na yang lunch na yan? salamat sa bati, at sa post mo sa blog mo!!!

    ReplyDelete
  33. homer: honga. sayang naman, nung simula ng october ko yan ginawa. di ka pa bumabalik nun. hehehe

    kuya jon: salamat!!! aasahan ko yang guapple na yan! :D

    rico: yup. di naman siguro ako titigil kakasulat. salamat!

    ReplyDelete
  34. spiral prince: yup. i intend to. more senti post mula sakin. hehehe. thanks.

    kikomaxx: wag naman.

    roanne: cbox?! errrr. thanks!!!

    ReplyDelete
  35. yow: thanks yow. kung di mo lang alam, kung paano minsan sumasakit ulo ko sa paggawa ng isang post. minsan pati puso. hehehe

    dhianz: salamat sa isa sa mga pinakamahabang commentors ko sa blog ko. welcome back!! tagal mo ding nawala. :)

    skron: i know right!! wala namang kabastusan dito sa blog na to. hay. thank you.

    ReplyDelete
  36. tristan: salamat sa traffic, at sa pagbabasa!!!

    jepoy: salamat, tas ngayon celebrity ka na!!! hahaha. in fairness naman sakin, suplado talaga ako. hehehe

    kikilabotz: honga, special mention ka pa. lolz. salamat!!!

    ReplyDelete
  37. jayvie: naku, sana di naman puros kalokohan ang natutunan mo sa blog ko. as if maloko ako. hahaha

    chingoy: naman. good luck sa business. :)

    doc ced: magpakita ka muna. lagi mo naman ako tinuturn down pag nagyayaya ako lumabas. hmp.

    ReplyDelete
  38. maelfatalis: thanks, ms mowdel!!!

    ahmer: di ka naman sumali. :)

    cj: thank you thank you. minsan magpakita ka sa army navy. :D

    ReplyDelete
  39. anteros: the other blog you mean? :) maraming salamat!!!

    soltero: ikaw pa, mas sikat ka pa sa artista. hehehe

    rah: thank you mr. panda. appreciate it!!!

    ReplyDelete
  40. maldito: sa susunod na magkita tayo, sakin ka na tumabi. di man lang tayo nakapag-usap nung andito ka. :)

    yffar: sali lang ng sali. hehehe. minsan lang naman ako magpacontest. hehehe

    photo cache: sa birthday ko. magyayaya ako. kaya lang sa parañaque.

    ReplyDelete
  41. Ay wala akong pinanalunan! sad

    ReplyDelete
  42. wooooo! congratulations Sir! I wish you all the best and more blogs to post! Astig ka! :]

    ReplyDelete
  43. yey! im so happy! napapacart wheel ako! ♥

    basta msg moko sa FB pag ready na. text text.

    ReplyDelete
  44. yehey
    gutom na ako
    ngayon pa lang
    hehe

    pwede may "and" uli si raft3r
    gaya ng dati
    nyahaha
    (biro lang)

    ReplyDelete
  45. ay di ko alam kung san ko ibibigay ang email add ko weheheh anyway sige dito na nga lang klet.makulet po sa gmail. thanks!

    ReplyDelete
  46. whoa! tagaka na pala nito. ako magtatlong taon pa lang.

    congratulations!

    ReplyDelete
  47. dongho: thanks dong!!! im thinking of joining you sa 28. i want to go there. :)

    klet: sige, email kita pag may schedule na. hahanap pa ako ng pwedeng date na di busy.

    denoi: demanding naman neto. manlilibre ka pa no!!!

    ReplyDelete
  48. chyng: yup yup!!! basta weekend yun. :)

    iprovoked: thank you. at sini sir mo talaga ako. magka age lang tayo. i think. :P

    glentot: sumali ka ba?

    ReplyDelete
  49. Wow pahiya naman ako sa sagot mo.

    ReplyDelete
  50. Salamat salamat sa mention. Kahit hindi ako madalas magkoment ay lagi akong nagbabasa dito. :)

    ReplyDelete
  51. yey! congratulations sa limang taon! kung baga sa relasyon, kalahating dekada na kayo! ah sana lang makaabot ako sayo! tsk, kaso hindi naman ako nanalo. si denoy yata nadadalas ang panalo sa mga raffle ah? haha ang saya talaga pag may nagbblog birthday! happy 5th!

    ReplyDelete
  52. yey! congratulations sa limang taon! kung baga sa relasyon, kalahating dekada na kayo! ah sana lang makaabot ako sayo! tsk, kaso hindi naman ako nanalo. si denoy yata nadadalas ang panalo sa mga raffle ah? haha ang saya talaga pag may nagbblog birthday! happy 5th!

    ReplyDelete
  53. wow congratulations po!

    parang c angel locsin ka lang ah.
    "5 years na. 5 years na akong nag boblog and shoulders (heheh). limang taon! hahah

    sana tulad ng anit ni angel, manging dundruff(bad vibes) free din ang blog mo.

    umeeopal lang po.
    FailedStalker

    ReplyDelete
  54. HAPPY 5 YEARS PHOWZ SA BLOG NYO GILLBOARD :)

    -bigbro09- (pex)

    ReplyDelete
  55. kinakabahan ako wahehhehe di ba pwedeng concert na lang into anything yung free lunch? waheheheh ako lang ata ang gurl dun baka kung anong magawa ko sa inyo wehehe joke.

    ReplyDelete
  56. Happy 5th Blogoversary Gilbert :)

    nanalo pala ako. yay!!! :) sige sige email kita hehehe

    ReplyDelete
  57. wala pa rin yun "and" ko
    nyahaha

    ReplyDelete
  58. ngayon ko lang siya nabasa sorry,

    happy 5 years! ;)

    keep writing kasi isa ako sa mga nagbabasa tamad nga lang mag comment hehe ;p

    ReplyDelete
  59. Naks naman! special mention ako. hahaha.

    Happy 5th! nawa'y labasan ka ng maraming maraming... idea. LOL

    ReplyDelete