Nov 22, 2010

ANG AKING KABATAAN

Merong mga panahon na gusto nating bumalik sa pagkabata. Sino nga ba naman ang ayaw nun? Mababaw pa ang kaligayahan natin. Hindi tayo nadedepress kapag wala tayong pera. Ayos lang na single tayo. Hindi uso yang mga quarter-life at half-life bullshit. At ang pinakamalaking problema lang natin eh kung pano takasan yung pagtulog sa hapon para maglaro sa kalsada.

Pero looking back, marami rin akong ipinagpapasalamat na matanda na ako. Ganito kasi yun, isa akong batang jologs noon. Batang kalye. Basang sisiw pag tag-ulan. Pwedeng bata sa commercial ng Tide kapag may field trip. At hari ng kakengkoyan. In short abnormal na bata.
  • Hindi ako marunong magsuklay.... hanggang high school.
  • Tuwing may lakad outside school, isa lang ang get-up ko... Lolo polo tsaka faded maong.
  • Namumulot ako ng upos ng yosi tapos titikman.
  • Mahilig ako mamulot ng echas ng aso para ipatikim sa mga kalaro.
  • Boses babae ako pag kumakanta... pagnagduduet kami pinsan ko, ako daw si Princess Jasmin, tapos si Aladdin yung ate ko!!!
  • Hangga't di nasisira yung sapatos ko, hindi ako mabibilhan ng bago.
  • Sobrang salbahe ko noong bata ako... lalo na sa mga kuting...
  • Palagi akong una sa pila ng mga pelikulang gaya ng Haba Baba Doo, Puti Puti Pooh, Tong Tatlong Tatay kong Pakitong Kitong, Petrang Kabayo, Roller Boys, at kung ano pang jologs na pelikula noong 90s.
  • Memorize ko ang lahat ng version ng Ikaw Pa Rin (Sai gono iwaki, my one and only...)
  • Dumaan ako sa stage na isang linggong bahag ng igorot lang ang suot ko, wala nang iba.
  • Kamukha ko si Einstein sa grad pic ko noong Grade 6.
  • Nag-aaral ako ng Math!!!
  • Dahil tatanga-tanga, laging sinasalo ng mukha ko ang kamao, goma, at bala ng airsoft ng mga kalaro ko.
  • Lahat ng t-shirt na panlakad ko, hanggang tuhod ang haba. Panlakad ko yung mula Grade 5 hanggang 3rd year high school.
  • Isa akong malaking sinungaling NOONG bata pa ako.
  • Mahilig ako sumama magcaroling sa mga batang 4-6 years old kahit 10 na ako, para ako lagi may pinakamalaking hati ng napagcarolingan.
  • Ipinapangako ako ng nanay ko sa mga anak na babae ng mga amiga niya, na yung iba, sana ngayon ay tinotohanan nila!!!

Meron talagang mga bagay na ayaw ko nang balikan, kahit kailan!!!

***********

Reposting because my mind's on complete shutdown.

29 comments:

  1. hahaha...natawa naman ako...kung makajologs naman 'to...

    eh ako ang inaabangan kong pelikula nun basta kay Andrew E. at Tito, Vic & Joey haha

    ReplyDelete
  2. "Namumulot ako ng upos ng yosi tapos titikman" yak! hahahahaha :P

    ReplyDelete
  3. wala ba kayong GMRC (Good Manners and Right Conduct) nung elem? peace! :-]

    ReplyDelete
  4. tol, preho pala tyo adik sa upos ng sigarilyo...
    ako kapag nakita kong nilagay na ng tatay ko yung beha (upos) nung sigarilyo sa ash tray e patago kong dinadampot at uupo na ako sa sulok. ipapasok ko sa magkabilang butas ng ilong ko yung dulo ng beha at sisinghutin. bango kaya! adik ako nuon. hehe! eew! :)

    ReplyDelete
  5. Ampf! Buti na lang pala hindi kita naging kalaro. HAHAHA.

    ReplyDelete
  6. "Namumulot ako ng upos ng yosi tapos titikman" whaha wag ganun... kadiri naman yun men whaha...
    Dahil tatanga-tanga, laging sinasalo ng mukha ko ang kamao, goma, at bala ng airsoft ng mga kalaro ko. whaha ang sakit nian sa katawan.. lalo na yung mga pilit...

    ReplyDelete
  7. "Ipinapangako ako ng nanay ko sa mga anak na babae ng mga amiga niya, na yung iba, sana ngayon ay tinotohanan nila!!!"

    naabutan mo pa pala yan? I mean, uso pa pala yan? kala ko nung panahon nila Rizal lang yan eh. :D

    ReplyDelete
  8. hahahaha, tama ka jan. meron din akong gusto at di gustong balikan.

    tawa ako ng tawa dito:

    "Boses babae ako pag kumakanta... pagnagduduet kami pinsan ko, ako daw si Princess Jasmin, tapos si Aladdin yung ate ko!!!"

    ReplyDelete
  9. kadiri ka pala nung bata.hahaha.

    ReplyDelete
  10. ahaha.. hardcore ang kabataan mo ser..


    at ano naman ang lasa ng upos ng yosi at tae ng aso?? wah..

    ReplyDelete
  11. Ano yung 'Ikaw pa Rin'? Yun lang ata ang di ako makarelate ah.

    ReplyDelete
  12. ay edited na... XD

    nabasa ko na to kaninang umaga kaya lang biglang meron akong kinailangang gawin. magkocomment na sana ako ngayon tungkol sa yosi at tae ng aso kaya lang in-edit mo na pala ang post mo, wala na yung tae, hehe. XD

    ReplyDelete
  13. "kailan man ikaw lamang ang aking mahal, kailan man ikaw lang aking pinagdarasal, minsan pa sana'y mayakap ka. Patutunayan na mahal kita." - Ivy Violan hahaha!

    ReplyDelete
  14. ahaha natawa ako ng sobra, nakarelate kasi ako sa iba lalo na ung tshirt na hanggang tuhod ahahaha

    ReplyDelete
  15. Shet. Ganun din ako nung mejo bata bata pa me. Haha. Unang pa lang eh, ako na agad. Di ako talaga marunong magsuklay hanggang matuntong ng high school. Haha. Pero hindi ko kinaya ang pagpulot ng upos ng yosi at titikman. Pambihira! Dugyutan ito? Haha. Bata nga naman.

    ReplyDelete
  16. wow, bigla kong naalala ang aking kabataan!! batang nineties ka rin pala parekoy! blogenroll!! \m/

    ReplyDelete
  17. weeee... parang ako... hgahahha... di marunong pumurma hanggang noong nabasted... wahehhee

    ReplyDelete
  18. hehehehe, wala naman sa akin yung atat na atat sa upos ng sigarilyo...

    ReplyDelete
  19. isa rin akong jologs when i was still a kid. but a sosyal na jologs naman infairness. bwahahaha.

    i love this post kuya gillboard! :)

    ReplyDelete
  20. hindi naman jologs yan, kasi yun kaya ang mga USO noon, kaya okay lang!heheheh! Pati yung tshirt na mahaba ako rin kaya ganun!heheheh

    ingat pre

    ReplyDelete
  21. wow, boses babae ka pala nun? ang galing, walang ka effort effort sa pagiging soprano. :)

    ReplyDelete
  22. ester yaje: hanggang age 12 lang yan. yung soprano naging baritone. hahaha

    drake: napaghahalata actually kung sino ang mga age ko. hehehe

    suplado: naks, sosyal na jologs. gusto ko yan. salamat.

    ReplyDelete
  23. tim: kaya ako di nahilig magyosi, dahil nung bata ako, nung natikman ko siya, di masarap.

    kikomaxx: wala naman ako pinupormahan noong bata ako. hehehe

    nobenta: oo naman, di ko naman kinakahiya na late 20s ako. hehehhe

    ReplyDelete
  24. yow: ako ngayon di na nagsusuklay. pero masarap maging bata.

    jepoy: parang hiphop lang. hehehe

    ollie: saigono iwaki my one and only... tapos meron pang isang version yan. hahahaha

    ReplyDelete
  25. yffar: uy, di ko inedit yan, andyan pa siya, basahin mo ulit. hehehe

    spiral prince: lumang kanta. late 80s ata yun. check mo yung comment ni ollie. :)

    neneng: di masarap. hahahaha

    ReplyDelete
  26. dom: mas kadiri ka!!! :P

    photocache: promise, maganda boses ko noon. kahit ngayon, actually. hahahaha. joke

    pam: uso siya noon. lalo na sa mga magkakapitbahay. hehehe

    ReplyDelete
  27. axl: ay, promise. sobra sakit nun, lalo na yung airsoft. muntik nako mabulag.

    gasul: oi, wag ka. masaya ako kalaro, madami ako toys. hahaha

    bobot: di ko natry yang gawain mo. hehehe. panghithit lang ako. lolz. try ko nga yan ngayon.

    ReplyDelete
  28. jayvie: absent ako dun palagi.

    ced: sorry na doc.pwede magsorry?!

    gincie: ay oo naman. lalo na pag andun si rene requiestas. panalo yung mga yun!!!

    ReplyDelete
  29. nyahaha
    you are one weird kid
    hehe

    ReplyDelete