Namiss kong magkwento ng hindi keso. Kaya ngayon, hayaan niyo muna akong ipakilala ang pamilya ko. Ang mga susunod na kwento ay tungkol sa lolo at lola ko sa side ng aking tatay. Sumalangit nawa ang kanilang kaluluwa. Sana ay di ko sila mapanaginipan na sinusundo ako. Lagi kasi nangyayari yun.
Got this idea pala from Prinsesamusang.
Enjoy.
LOLO TIBOY
Siya ang aking lolo sa side ng tatay ko. Di ko siya masyadong naaalala dahil bata pa ako nang kunin siya ni Lord. Sa buong buhay ko tatlong beses ko lang siyang nakasama. Noong sanggol pa ako. Noong bata pa at noong pumanaw na siya. Pero meron dalawang pangyayari sa aking pagkabata na tumatak sa akin tungkol sa lolo ko.
Kwento ng mga tito tsaka tita ko, na noong bata pa sila, sobrang strikto ng lolo ko. As in, walang hindi napalo, kahit girlfriend ng uncle ko, di pinatawad. Di ko alam, mararanasan ko din pala yun. Noong bata kasi ako, brat ako masyado. Pilosopo. Pabida. Gago. Tarantado. Di ko nga alam kung san napunta yung batang yun. Siguro kung nagpatuloy yun, sikat ako ngayon.
Anyway, ayun nga, dahil tarantado ako, isang araw habang naglalaro kami ng pinsan ko, di sinasadyang ibagsak ko sa kanya yung motorsiklo ng tito ko. Syempre dahil nadaganan, umiyak siya. Umiyak din ako. Tapos nagkampihan yung mga pinsan ko’t pinagtulungan ako’t sinumbong sa mga matatanda. Di ako papatalo, kaya inaway ko ang tatay ko. Dahil nga ang iingay naming sa labas, yung lolo ko sinilip kami. Syempre nakita akong nagtatantrum ni lolo kaya ayun, nagsisigaw siya.
“Pasak-a iton, pasak-a!!! Paludha ha asin!!!” (paakyatin yan, paluhurin sa asin)
Muntik na akong makatikim ng palo. Pero alam kong buong araw akong hindi pinansin ng lolo ko noong araw na yun. Naaalala ko yun nanginginig pa siyang sumisigaw noon, kasi nanggigigil siya. Wala siyang apo na spoiled brat.
Ang ikalawang alaala ko sa kanya, noong parehong bakasyon sa Samar. Pauwi na kami nun, nung hinila ako ng lolo ko at pinaupo sa tabi niya. Kinantahan niya kami ng isa kong pinsan. Nakatulala lang ako noon, kasi Waray yung kanta, hindi ko naintindihan. At dun ko napatunayan, na yung angkan naming, lahi talaga ng mga singers. Pero looking back, iyon ang isa sa pinakasweet na ginawa samin ng lolo ko. Sana naintindihan ko yung mga sinasabi niya noon. Iyon na kasi yung huling beses na makikita ko siya. Pagbalik ko ng Samar, nasa loob na siya ng kabaong.
LOLA TINAY
Wala akong masyadong alaala kay Lola Tinay. Ang alam ko lang, siya ang nagpangalan sa akin. Siya ang nagdecide na gawin akong Junior. Dapat talaga Jeffrey o Geoffrey ang pangalan ko. Di ko naman siya sinisisi, kasi kung natuloy yun, panget pakinggan ang blog ko na Jeffboard. Di bagay.
Pero ang kwento, eh medyo strikto din ang lola kong ito. Lalo na sa tatay ko. Sa kanilang magkakapatid kasi, ang tatay ko ang pinaka… slow. Ang kwento, si Lola daw, kinakausap yung mga guro ng tatay ko at sinasabihang utusan na lang yung tatay ko ng mga kung anu-anong gawain para pumasa lang ito. Dun natuto ang tatay ko na mangisda, magbuhat ng mga pinamalengke at kung anu-ano pa.
Isa pang kwento ng tita ko eh noong bata pa daw sila, nahuli yung tatay ko at mga tito ko na hindi nilinis yung pupu ng tita ko na baby pa noon. Ang ginawa daw ng lola ko, ay pinulot yun at pinahid sa mukha nilang magkakapatid. Malinis kasi si Lola. Ayaw niya na madumi yung bahay, dahil nagagalit si Lolo, kaya pag nagiging pasaway yung mga anak nila, ayun, napaparusahan.
**********
Sayang at hindi ko masyadong nakilala sina Lolo at Lola. Kung kwento at kwento lang, ang daming ganyan ang mga tito at tita ko. Minsan naiinggit ako at yung ilang mga pinsan ko ay naexperience sila. Pero sa kabilang banda, okay na din kasi yung mga kwento nila eh yung iba’t-ibang parusa na ginagawa nila.
Siguro maswerte na ako, kahit minsang pilit na pinaluhod ako sa asin ng lolo ko, eh naranasan ko din yung sweet side niya. Siya lang ang nakilala kong lolo. Maswerte pa rin ako kasi kahit sa isang awit, naramdaman ko kung paano mahalin ng isang lolo.
ganun talaga ang mga sweet na lolo at lola, medyo may pagkapasaway din!
ReplyDeletetulad----mo sir? hehe
Yung lolo at lola ko sa side ng tatay ko, wala na peroho, lolo ko naman sa side ng nanay ko wala na rin, kaya isa na lang... si Lola...
ReplyDeleteBasta lolo at lola, naaawa ako, napakabait kasi nila
yun oh.. so sweet naman :D
ReplyDeletewala na akong lolo ..isa n lng lola ko at nasa malayo pa. kainggit
ReplyDeleteay mga strikto't strikta talaga yung generation ng mga lolo at lola natin. :)
ReplyDeletekwentong lolo at lola ay nakaka-sad.. i lost my maternal lola and paternal lolo both this year :C
naranasan ko din ang lupit at bagsik ng aking lola.. pag tumahimik na yun at nanlisik ang mata, kelangan magbehave na!
ReplyDeletesadly, di ako lumaki na malapit sa lolo't lola ko.. maaga ko kasing naramdaman ang favoritism at unequal treatment sa amin ng mga pinsan ko.. sobrang naiinggit ako sa kanila -- dati, but yun ang isa sa mga naging pundasyon ko para mas magpursige at may mapatunayan sa sarili.
iniisip ko din ang meaning ng kanta ng lolo mo sa inyo... pero that's sweet!
aw may soft spot ako sa mga lolo at lola. namiss ko tuloy yung sa akin. :(
ReplyDeletehmmm...pamilya ng singers ha
ReplyDeleteparinig nga?! hehe
okay ah, may luhuran pa sa asin kamusta naman ang tuhod mo? grandparents are special, sana meron ako, nako.
ReplyDeletegb sali ka sa blog event ko, pati readers mo sali din kayo!
natatats ako pag usapang lolo at lola
ReplyDeleteNakatulala lang ako noon, kasi Waray yung kanta, hindi ko naintindihan. At dun ko napatunayan, na yung angkan naming, lahi talaga ng mga singers.>> yon yun! lol
ReplyDeletepareho tayo - halos wala akong maalala sa lolot lola ko from both sides.
ReplyDeletepero ung tatay ng tatay ko naaalala ko kasi ang pagbigkas nya ng MIL0 the energy drink ay meeelo. lagi nyang sinasabi pag gusto na nyang umuwi (sa baryo sha nakatira sa bayan kami) sa kanila ay mauna na daw sya at bibili pa sya ng milo at baka magsara ang tindahan.
siya si apong bianong (adriano).
photo cache: natutuwa ako sa mga pangalan ng mga lolo at lola natin. ingkong, apong, ang cute!!!
ReplyDeletethe dong: oo naman naks talaga. lolz
pablo: salamat. natats din ako sa pagsusulat nito. :)
prinsesamusang: ganun talaga. sa probinsya kasi yun. ganun daw talaga noon.
ReplyDeletepag-iisipan ko pa kung magpapasko ako. hehehe
gincie: soon. magkakapitbahay lang naman tayo. hehehe
doc ced: ako din. lola ko. nag-iisang lola ko. :(
indecent: kung naaalala ko lang yung kinanta niya, ilalagay ko lyrics. pero ang tagal na nun. 8 years old lang ata ako nun.
ReplyDeletejayvie: awwww. sorry to hear about your lolo and lola. :(
kikilabotz: pareho tayo. yung akin nasa general santos. kapitbahay nina pacquiao.
axl g: ganun talaga. i'm a sweet guy. hahaha
ReplyDeletemoks: magkakapareho pala tayo ni kikilabotz, isang lola na lang ang buhay. :)
kosa: di ako pasaway no. ang bait ko kaya. tanungin mo mga ex ko. hahahaha
masakit bang lumuhod sa asin?
ReplyDelete=P
wow naman, how sweeeet!
ReplyDeletei also remember na meron din akong lolo na sobrang strikto lalo na sa akin. kunting maling galaw ko lang, nasisita ako, napapalo. madalas nga sumasama loob ko kasi mukhang ayaw niya sa akin.
pero siya ang naging dahilan kung bakit ako nag-nursing. nung elementary kasi ako na-stroke siya tas naging bed-ridden. gusto ko sana siyang alagaan pero ambata ko pa ung mga panahong yun. ngayon, di niya na nahintay na maging nurse ako. :(((
Hi gillboard, nice blog & good post. overall You have beautifully maintained it, you must submit your site for free in this website which really helps to increase your traffic. hope u have a wonderful day & awaiting for more new post. Keep Blogging!
ReplyDelete