Oct 19, 2010

EYE BALLS

Hindi ako mahilig makipag-eyeball sa mga nakikilala ko dito sa blogosperyo. Sa limang taong pamamalagi ko dito, siguro hindi lalampas sa bilang ng daliri ko sa kamay at paa ang aking mga nakita ng personal.

Ang mga sumusunod, ay ang mga natutunan ko sa mga nakilala ko ng personal over the last year kung kelan ako nagsimula na makipagkita sa mga binabasa ko at bumabasa sa akin.
  • Masaya makipagkita sa mga bloggers, kasi kahit ni minsan ay di pa kayo nagkikita ay walang epekto yun dahil kahit ganun, sa kakabasa sa kanila eh parang matagal pa rin kayong magkakakilala.
  • Merong mga blogger na mas cute sa personal kesa sa mga litratong pinopost nila.
  • Mahirap makipagmeet ng maramihan, merong mga taong gusto mong makilala, pero di mo makakausap.
  • Ang kulit ng mga taong lasing.
  • Ang dami na talagang nakilala ni Jepoy (lolz).
  • Wag mag-expect masyado pag may mamimeet ka. Minsan kasi pag nagbabasa tayo ng mga blog, meron tayong naeenvision na hitsura o ugali ng isang blogger, pero pag nakilala mo na, ibang-iba siya sa mababasa mo. Baka madisappoint ka lang.
  • Masaya sumali sa mga Grand Eyeball, makikilala mo yung mga blogger na dati’y binabasa mo’t nakalimutan mong binabasa mo pala sila noon.
  • Kahit di ka nainom masyado, sumasarap ang lasa ng beer (at ng kape) lalo na kapag libre!!!
  • Mayaman si Jepoy.
  • Di kami magkahawig ni Gasul. Nakakahiya naman sa kanya. Pogi yun. Ako boy next door lang.
  • May mga mamimeet ka na dahil di mo sila kilala hindi mo alam kung ano ang sasabihin mo sa kanila.
  • Masaya man ang mga GEB, medyo mahirap din kasi hindi naman lahat ng blogger kilala mo, at hindi lahat binabasa mo. Minsan mahirap makarelate.
  • Birthday ni Jepoy ngayon.
  • Syempre,

Noong nakaraang Sabado, marami sa mga binabasa at sinusundan kong blogs ang nakilala ko. Nagpapasalamat ako sa nag-organize ng meet-up at kundi dahil sa kanya, hanggang ngayon tatlong bloggers pa lang ang nakikilala ni Gillboard.

Kaya maraming salamat Gasul. Ingat sa byahe. Hanggang sa uulitin!!!

But the real reason why it's great to finally meet your fellow bloggers: these are moments where you're no longer just readers, you become friends.

34 comments:

  1. isang beses lang ako nakipag EB pero yung mga sumunod gimik na. hehe. naging kaibigan ko na sila.

    ang masasabi ko lang si Jepoy ang hari ng EB. hehe : D

    ReplyDelete
  2. Gibo ang daming links ah!

    Hindi ako mayaman promise! Ganto wala lang responsibility at bulagsak lang ganown. (nag explain talaga ako?!)

    It was nice meeting you! yung personality mo naninimpla nakakatakot feeling ko after ng EB katakot-takot na lait inabot ko sayo ahahaha

    Ang konti mo mag kwento bitin sus! LOL

    No, really, it was fun meeting you and the rest of them :-D

    ReplyDelete
  3. nakalimutan ko palang sabihin na ikaw na ang may higit sa sampung libong profile views. Ikaw sikat ahahhaha


    word verif: Ples

    ReplyDelete
  4. ako may pagkasuplada - sa mukha lang - at mahiyain kaya di ako nakikipag EB.

    bff mo ba si jepoy?

    ReplyDelete
  5. si jepoy na ang mayaman! at hindi langt 10000 profile views ni gillboard, 12000 na. idol!

    ReplyDelete
  6. malamang this post is a tribute to jeps hehehe

    mabuhay ka gilbert!

    ReplyDelete
  7. mayaman pala si jepoy gusto ko na din magpalibre sa kanya!!!!hahaha

    buti ka pa ako,halos wala nami meet na blogger,puro readers nami meet ko at usually nagiging jowa or ka one night stand ko!LOL

    ReplyDelete
  8. si ssf pa lang ang blogger na nakita ko ng personal. hahaha. ayan, mas lalo akong naexcite makilala ka in person! labas tayong tatlo ni ssf ah. see you soon :)

    "Merong mga blogger na mas cute sa personal kesa sa mga litratong pinopost nila." -ay naexcite ako lalo dyan hahaha

    ReplyDelete
  9. "Merong mga blogger na mas cute sa personal kesa sa mga litratong pinopost nila."

    Yun yun eh! Hahaha.

    -- Bob

    ReplyDelete
  10. ang kulit ng entry na po.. parang tribute lang kay sir jepoy ha :D

    ReplyDelete
  11. Ohohoyyy! Salamat sa pagpunta. Sa wakas, nakita ko din kayo sa personal.

    Mas cute sa personal? Si Jepoy ba 'yang tinutukoy mo? Haha.

    ReplyDelete
  12. i agree. yung mga travel-bloggers that i have met (dom, lantaw, ferdz, erick, lagalog) have become my good friends here in manila. di lang kami nagkakasama sa travel pero pati sa badminton at foodtrip around the metro din. :)

    hope we all could meet soon din :)

    ReplyDelete
  13. Naku makikipagmeet na rin ako kay Jepoy, mayaman pala...galante, sya ba sumagot lahat ng pagkain nyo last EB? hehehe Jepoy, meet tayo sagot mo lahat...sa Europe tyo magmeet... lol

    ReplyDelete
  14. "But the real reason why it's great to finally meet your fellow bloggers: these are moments where you're no longer just readers, you become friends."
    - naks! panalo yang parting words mo na yan. ;)

    ReplyDelete
  15. wow saya naman ng kita kits.It's jepoy day ngayon.

    ReplyDelete
  16. Wow, ang tapang mo para makipag-EB. Huling nakapag-EB ako noon ay sa mga ka-guild ko sa isang online game na ngayon ay mga matalik ko nang mga kaibigan at mga nag-aaral/nagtatrabaho sa mga prestigious companies and schools. That was 4 years ago. Haha!

    Star ni Jepoy sa post na to ah. Haha. :)

    ReplyDelete
  17. hehe, madagdagan pa ng dalawang cute ang makikita mo sa personal hihi

    ReplyDelete
  18. Sama naman ako next time. Tapos videoke. Hehe.

    ReplyDelete
  19. Nice meeting you sir...kahit one hr lang ako dun.ahahaha...at oo na, hindi kita nakausap.lols

    ReplyDelete
  20. buti may tips! haha. dahil pag ako ata naka eyeball e napakaboring kong kausap. hehehe


    enjoy naman ata e? makita ko na rin kaya kayo soon? abangan... dun dun dun! hehehe

    ReplyDelete
  21. the last part sums it all up :3

    ReplyDelete
  22. Merong mga blogger na mas cute sa personal kesa sa mga litratong pinopost nila.

    Haha true at meron din the other way around...

    ReplyDelete
  23. hmmm...

    haven't tried EB, but looks like a good idea. :)

    ReplyDelete
  24. magkano binayad sayo ni jepoy sa pag advertise?WAHAHHAAHHAHAHAHHAHA!

    aww sayang d kita nameet !

    o e ano na naman sinabi ni gasul? na nagtatmpo sia sakin? HAHAHAHA ayan nga o buti nakabangga ko sia! hahaha fate nga naman o hahahahaha

    sna kayo naman nxt tym!!! :D

    ReplyDelete
  25. wala pa akong namimeet na blogger in person..kaya inggit ako hehehehe

    anyway..tribute lang ata to for kuya jepoy aka hari ng EB..hahaha

    ReplyDelete
  26. Wow. Ang kyut ng huling lines. Haha. Astig. Parang kung makipagmeet nga ako mararanasan ko ding matameme. Haha.

    ReplyDelete
  27. ""Mahirap makipagmeet ng maramihan, merong mga taong gusto mong makilala, pero di mo makakausap.""

    isa ako don sa mga yun. ay sandali--baligtad ata pagkaka-intindi ko.bwahaha

    naadik na sa eb ha.lol

    ReplyDelete
  28. Siguro kung hindi ko pinabayaan yung blogsite ko, madami na rin akong nakilalang mga kaibignang bloggers! Nakakalungkot! It's nice to read your blog again! :]

    ReplyDelete
  29. kala koh blog ni Jepoy... dmeng Jepoy eh... sige Jepoy.. este kuya Gilbert.. lolz.. ingatz.. nd Godbless!

    ReplyDelete
  30. Mayaman si Jepoy haha! :D just visiting after 10 years. :)

    ReplyDelete
  31. puro EB ang nadadaanan kong blog..hahaha

    saya nun!

    ReplyDelete
  32. 'Merong mga blogger na mas cute sa personal kesa sa mga litratong pinopost nila' - isa ba ko sa mga dun bosing *kapalmuks* [kidlat] haha.

    anyways, nice to meet you bosing. buti naalala mo ko dun sa EB. hehe. kahit pano nakapag-usap tayo kahit saglit..

    ReplyDelete