Sep 15, 2010

GILLBOARD BAGO MAGLUNCH

Ano ang iniisip ko?

Nagugutom ako

Gusto ko nang bumili ng cd ng Halo Reach sa Xbox 360

Medyo Masaya ang sweldo ko ngayon, bibili ba ako ng Move sa PS3?

Ang sakit sa tenga pakinggan ng boses ni Richard Gutierrez sa Survivor.

Kumakalam na sikmura ko

Ang tagal ng break… wait break na pala… pero di pa kami pwede umalis kasi di pa tapos yung order.

Nasa isip ko si kasintahan.

Yiiiiiiiiii

Magkikita kami sa Sabado… yata.

Date namin… sa lamay ng tatay ng kaibigan niya.

Ang sweet.

Gutom ba ‘to o natatae ako? Masakit ang tyan ko.

Saan ko kaya gagastusin ang pera ko?

Mag-out-of-town kami next month. Mag-Baguio din kami ng barkada ko.

Teka, may mga bills din pala ako. Shet.

Ang tagal mag-12:30. Gusto ko na maglunch.

Teka, tingnan ko muna kung may pumasok akong trabaho…


















Wala.

Balik blogging.

Ang dumi ng lamesa ko.

Inaalikabok.

Parang hindi nililinis kapag weekend.

Nauuhaw ako.

Ahhhhhhhh.

Ang haba na nito. May magbabasa kaya ng post ko?

Sensya na, walang kwenta.

O siya, lunch ko na.

Yellow Cab. Tara kain tayo.

32 comments:

  1. una ako! :)

    nice nice. gutom nako! nainggit ako. :)

    OT sa trabaho. :)

    ReplyDelete
  2. ang kulet lang oh. hahaha

    ReplyDelete
  3. Namimiss at inaabangan ko ang mga fiction stories mo... Blog on!!


    An_indecent_mind

    ReplyDelete
  4. haha very random. hindi ko pa napapanood si RG sa survivor phils. pero ina-assume ko na mas maingay pa rin maghost nun si PB. kabwiset lang. hahahaha

    ReplyDelete
  5. Pareho tayo ng lunch time, wala lang ahahha. At oo nag basa ako ng post mo. Ayoko ng yellow cab ang alat thanks sa offer. LOL

    @kuya AIM nakikiblog on ka narin ah, skip read much?!

    ReplyDelete
  6. 7th floor, OneEcom center.
    you know our office address, next time idamay mo ko sa delivery! peyborit ko yang greasyness yellowcab!

    ReplyDelete
  7. chyng: di mangyayari yun, ililibre mo muna ako!!! ganun dapat!!!

    jepoy: mahilig ako sa maalat. sa makeso. kasi cheesy ako... lolz

    kuya jon: naku panuorin mo. sasakit ulo mo kakapakinig sa monotonous na pasigaw na paghohost niya. parang si raymond lang. mas lalake lang ng konti yung pananalita.

    ReplyDelete
  8. indecent: malapit na.

    nimmy: minsan kelangan mangulit. ayoko matypecast na seryoso. hehehe

    pamela: tara pam kain tayo. libre kita. yiiiiiii.

    ReplyDelete
  9. Akin na lang pera mo kung 'di mo alam kung saan gagastusin. LOL

    Maganda ba Survivor Philippines?

    ReplyDelete
  10. Hold off on buying Move for at least two years. Wait and see first if they'll release more games that supports it or if it'll become a crapperware.

    ReplyDelete
  11. Hold off on the Move but, at least for two years. Wait and see first if they'll release more games -good ones- that supports it or if it becomes a crapperware.

    ReplyDelete
  12. yay... yellow cab! pizza... sarap!

    ReplyDelete
  13. gil, kung di mo alam san gagastusin ang pera mo. tumatanggap ako ng cash. \m/

    ReplyDelete
  14. Penge rin akong pera. Bibili ako ng ibang pagkain. Sawa nako sa yellowcab. Gusto ko 3M. Hehe.

    ReplyDelete
  15. Walangya natawa ako dun sa masakit sa tenga ang boses ni Richard Gutierrez. X

    ReplyDelete
  16. ganayn talaga pag malaki ang sahod. di alam kung saan gagamitin or anu uunahon.hehehe

    ReplyDelete
  17. buti pa sya problema ang pagkakagastusan hehehehe

    ReplyDelete
  18. Ang pangit nga mag host ni Richard. Nung una akala ko si Raymond siya kasi ang taba niya.

    Try mo sa Army Navy sa baba ng office mo. Ang sarap ng fries nila =)

    ReplyDelete
  19. sonia: uy, in fairness sakin alam ko yang word na yan! hehehe

    cj allegre: naman. Freedom Fries for the win!!! madalas ka ba dito?

    klet: di naman. may extra lang. in two weeks, problema ko nanaman ang pera. hehehe

    ReplyDelete
  20. anton: ngayon lang to. pagdating ng pebrero, balik taghirap nanaman ang lolo niyo. hehehe

    led: totoo naman kasi!!!

    k: promise, di pako nakakatikim ng 3m pizza. ang jologs ko. hehehe

    ReplyDelete
  21. chingoy: medyo matagal tagal na kaming di nagkikita eh. namiss ko lang. :)

    bulakbolero: mas mayaman ka kaya sakin. name mo may sg sa dulo, ako ph lang.

    marco paolo: i know right.

    ReplyDelete
  22. gasul: sa bus ko siya napapanuod, so hindi ko alam, basta sumasakit lang ang ulo ko pag naririnig ko na boses ni richard. promise!!!

    frugal nerd: you've got a good point. i'll hold off buying Move until next year. hehehe. thank you.

    ReplyDelete
  23. oo naman may nagbabasa nito kahit mahaba. buti ka pa pwedeng mag blog sa opis.

    ReplyDelete
  24. nagugutom din ako

    pero kung kakain ako masisira ang diet ko

    lalaki lalo ang tyan ko

    lalong hindi makikita ang alaga ko.

    inaantok na ako

    pero di pa ako pwedeng matulog

    kailangan ko pang tapusin tong nilalaro ko

    pumupurol na ang utak ko siguro kailangan ko na ulit mag-aral.

    alas singko na pala baka pwede na akong bumili ng pandesal

    kaso di ko din kakainin yun kasi carbo

    makapagjogging na nga lang muna

    ay teka magbablog hop muna ako.

    ReplyDelete
  25. Sosyal puro pagkakagastusan ang inaatupag heheheh keep that up!

    ReplyDelete
  26. hang kulit ahihi~
    Magkikita kami sa Sabado… yata.-->nyahaha siguraduhn dali at malapit na ang sabado ahihi~
    ikaw na ang maraming pera at bills hahaha

    waaahhh yeyow cab nagutom ako saglit ahehehe~~

    ReplyDelete
  27. ganyan din ako minsan inip na inip na mag break or mag uwian haha!

    at wow my lovelife ka na pala!dami ko na pala dapat balikan sa blog mo!

    ReplyDelete
  28. mac: yup sobrang daming kelangan mong habulin sa blog ko.

    unniglaze: tara kain tayo, libre mo ako. PG lang. hahahaha

    glentot: ngayon, wala na. puros pagtitipid naman

    ReplyDelete
  29. ferbert: best. comment. ever.

    photo cache: wait secret lang natin to ha. pagnalaman nila sa office to, patay ako!!! hahaha

    ReplyDelete
  30. nauumay ako sa yellow cab
    ako lang ba ang ganito?
    hehe

    ReplyDelete