Aug 18, 2010

MGA PABORITO KONG BLOG

Maraming dahilan kaya nahuhook ang mga tao sa blogging.

Ako, mahilig akong magsulat kaya hanggang ngayon ipinagpapatuloy ko ito. Pero para sa ibang tao, mas masarap magbasa.

Madami kang natututunan. Maaaliw ka. Matatawa. Maiiyak. Mauubos ang oras.

Ang daming talentadong manunulat dito sa mundo ng blogosperyo. Sa isa kong tahanan, naibahagi ko na ang aking mga paboritong babasahin, siguro nararapat lang na dito din ay magbahagi ako ng aking mga paboritong kablog.

Mga manunulat na sobrang husay sa ginagawa nila na di ko mapigilan ang sarili ko't tuwing may update akong nakikita ay binibisita ko.

At ang iba pa'y naging maswerte ako't naging mga kaibigan ko.

Ito ang listahan ng mga paborito kong blog. In no particular order:

DONG HO - Tuwing meron kaming banyagang bisita sa bahay, lagi kong pinapakita ang blog nito. Sa mga nagtatanong kasi kung maganda nga ba ang mga isla sa Pilipinas, dito sa blog niya makikita mo ang sagot. Mula Caliraya, hanggang Cagbalete, hanggang Davao, masisilayan mo ang nakatagong ganda ng Pinas. Minsan nga, naiinggit ako't gusto kong sumama sa mga lakad nila sa labas ng Maynila, pero di ko magawa. Wala akong camera, pera at oras.

DOMJULLIAN - Eto si Kuya Dom ang isa sa mga taong paborito ko, hindi lang ang blog, kundi yung tao sa likod ng sinusulat nito. Nakilala niya ako dun sa isa kong tahanan, at tinanggap niya ng walang pag-aalinlangan kung sino ako. Mahilig yan magluto sa blog niya, pero mukhang walang balak ipatikim ang mga putahe niya sa mga mambabasa niya. Alam ko kung bakit
hanggang ngayon, hiatus mode pa rin yan. Pero hinahayaan ko lang, at least masaya siya.

AAJAO - Si Kuya Jon naman ang una kong Kuya dito sa blogosperyo. Kung meron mang
isang tao na nasundan ko ang buhay, siya na yun. Nakilala ko siya, single pa, ngayon kasal na't may anak pa. Binabasa ko yung blog niya noon dahil marami akong natututunan sa kanya. Kung pinagkakalat ko sa mga baguhang blogger ang kasabihang 'we write to express, not to impress' yun ay dahil tinuro niya sa akin yun nung bago pa lang ako. Oo, inuugat na siya sa blogosperyo.

CHYNG - Ang nag-iisang babaeng active blogger sa listahan ko. Matagal ko nang kablog itong si Chyng, at medyo malaki na rin ang pinagbago ng kanyang tahanan. Noon magkapareho kami ng layout. Tapos di pa siya gaanong travel blogger. Pero ngayon, nag sasouth east asia trip na lang siya. Habang ako, napag-iwanan na. Eto lang, magkabuilding kami noon, pero ni minsan hindi kami nagkita.

COLDMAN - Kakaunti lang ang blog crush ko dito (sa kabila madami) at isa siya sa mga ito. 2008 pa ako sumusunod sa mga adventures nitong manunulat/photographer/boy-next-door-blogger na ito. Sayang nga lang at nasa Estados Unidos siya, kaya di sya madaling mahagilap. Ang balita ay malapit na si Coldman umuwi dito. Sana pagdating niya eh, ayain ako nito kapag makikipagkita siya sa mga kaibigan nitong kapwa blogero. Feeling close lang.

KOKEYMONSTER - Sa blogosperyo, merong mga manunulat na pilit kung magpatawa, pag binasa mo naman, walang kwenta. Merong sobrang malalim na kahit tinatagalog ka na, magdurugo pa rin ilong mo. Si Efbee, di siya ganun. May lalim ang mga post niya, pero pag binasa mo matatawa ka sa mga kwento niya.

PROFESSIONAL HECKLER - Isa ito sa mga pinakapaborito kong pinoy site ngayon. Minsan pa nga, ito ang aking source ng nagbabagang balita. Technically, hindi siya blog, pero dahil nakapublish siya sa isang blogsite, technically pasado siya sa listahan ko. Patunay na gustung-gusto ko tong site na ito, eh last year, siya ang aking pinakapaboritong website sa year-end
best of list ko. Minsan na niyang binisita ang blog ko, kaya natutuwa ako. Minsan nakong nabisita ng isang celebrity blogger.

GASOLINE DUDE - Matagal na akong fan nitong blogger na ito. Di pa man siya nangingibangbansa. Nakakarelate kasi ako sa mga sinusulat niya noon. Tapos, marami pa kaming pagkakahalintulad. Gwapo. Matalino. Nagtatrabaho sa gasolinahan. Only child. Pero di siya bading. Ako lang yun. Medyo madrama ang buhay nitong si Gasul, pero gayunpaman, ang gusto ko sa blog niya ay kahit may mga pagsubok na dumadaan sa buhay niya, positibo pa rin
siya at di ka hahawahan ng depresyon di tulad ng ibang bloggers dyan.

UTAKMUNGGO - Isa sa mga pinakanakakatawang babaeng manunulat na nabasa ko sa
blogosperyo. Ang kanyang mga adventures kasama ng kanyang pamilya sa Britanya ang
isa sa mga pinakaaabangan kong post noon. Sayang at naadik siya sa plurk at di na
ito masyadong nagsusulat sa blog. Di ako nabobore pag tumatambay ako sa tahanan niya. Ang kulit kasi.

At...

RAFT3R - Si Denoi, di ko kaya gawin ang ginagawa nito. Sa blog niya, ang mantra niya ata ay Keep It Short and Spectacular. Di siya ganobela kung magsulat. Pero nasasapul niya ang gusto niyang tamaan. Akala ko noon, suplado to, kasi parang rich kid, pero mabait pala. Tatak ng tunay na Bedista.

Marami pa sa totoo lang. Pag mapapansin mo ang kumento ko sa bawat post ng blogger na
iyon, tiyak na paboritong blog ko yun.

Pasensya na, at di ko malink yung mga blog nila. Hanapin niyo na lang dyan sa gilid.
Nakakapagod kasi maglink. Sampung website din yun.

43 comments:

  1. peyborit ko rin si efbee,gasdude tsaka si Chyng... Bukod sa magagaling na blogger sa kanikanilang genre, cool din silang blogger friends. Inaabangan ko rin ang mga post nila parati. Good Choice!

    ReplyDelete
  2. would you believe that your one of the blogs I really followed? hehe.. keep it up gillboard!

    ReplyDelete
  3. on the drive back home yesterday i was just thinking how my drive to blog hasn't waned in years (i started in 2004)and i still look forward to composing my posts.

    will do a similar post. will let you guys know which blog i stalk :D

    keep writing. i love reading your stories - real or figment of your overactive imagination :)

    ReplyDelete
  4. tats naman ako!hug na lang kita. =)

    Uy, kasama ka talaga sa iimbitahan ko.

    Kaya wag kang mawawala.

    ReplyDelete
  5. naks, nakapagSEA trip man ako, may bago ka namang lovelife.. yihee! ♥

    yeah, dati pareho pa tayo ng template, ngayon improving na tayo. pero mas lalo ka, super dmai mong followers!

    ReplyDelete
  6. ei, pakilagyan naman ng hyperlink para mabisita din yung blog nila.

    salamat.

    ReplyDelete
  7. NAKS! Sinong gwapo? Hahaha hindi ako gwapo! LOL *pahumble effect*

    Salamat at naging paborito mo blog ko. Paborito ko din naman blog mo.

    Parang gusto ko ding gumawa ng ganitong post. :)

    ReplyDelete
  8. @ gasul: parang nagbobolahan lang kayong dalawa ah?! Hahaha!

    Ayawan na!

    -coldie

    ReplyDelete
  9. oo nga agree ako bulakbolero yong link para mabasa naman! hehehe si kokey lang kilala ko dito di niya ako kilala lol

    ReplyDelete
  10. sa mga nabanggit mo, si AAJAO lang at COLDMAN lang ang di ko pa nabisita... astig nga ang mga yan.

    si UM, kagaya mo,isa sya sa mga nauna kong nakilala dito sa blogosperyo na naging dahilan ng madalas kong pagbalik balik dito!

    \m/

    ReplyDelete
  11. hehehe.. nice parekoy.. hanapin na yung mga yan :-)

    ReplyDelete
  12. salamat dito koya. may bagong mababasa. :)

    ReplyDelete
  13. kalahati sa mga nakasulat dito eh nabisita ko na. i must agree, these are really good blogs. :)

    ReplyDelete
  14. Ows talaga? Gasoline Boy ka din???

    ReplyDelete
  15. the only person i read from that list is the professional heckler. will check the others. thanks!

    http://ficklecattle.blogspot.com/

    ReplyDelete
  16. fickle cattle: widen your blog reads, there are literally hundreds maybe thousands of awesome blogs out there.

    wandering tsinelas: gas boy ka din ba? well, di na ako gas boy, taong grasa na. sa may dela rosa na office lang ako. hehehe

    pamela: i know right, may taste naman ako sa mga blogs. hehehe kidding!!!

    ReplyDelete
  17. goyo: walang anuman.

    midnight driver: yup, pasensya na kung easter egg hunt ha. nakakatamad mag-add ng link eh. hehehe

    indecent: well, para sa akin, astig lahat ng nasa listahan na yan. may bias siguro yung iba, kasi kilala ko ng personal, pero regardless, masarap basahin ang blog nilang lahat.

    ReplyDelete
  18. poy: guess, it's bout time magpakilala ka sa aming lahat poy. welcome to my blog!!!

    coldie: di naman, selos ka?! gwapo ka din coldie para samin kahit smiley face lang nakikita namin na mukha mo. :P

    gasul: sige, gawa ka din. aabangan ko yan. hehehe

    ReplyDelete
  19. bulakbolero: sensya naman, pag sinipag ako, iadd ko links. sorry, stressed these days.

    chyng: wala sa dami ng followers yan. yung iba dyan, finafollow ka lang para ifollow mo din sila, pero di nila binabasa blog mo. hehehe. bitter lang.

    coldie ulit: may malisya ba yang hug na yan? :P
    naku, di ko talaga imimiss yang get together mo coldie. hehe

    ReplyDelete
  20. photo cache: considering what you've been posting, if i've been travelling as much as you do, i wouldn't lose my drive to blog too.

    petitay: naku, maraming salamat po. i appreciate that petitay. :)

    jepoy: naman. they're great people. mga nilalang na nais ko ring makilala sa personal.

    ReplyDelete
  21. si kokeymonster matagal ko na yan binabasa kaso bigla nawala dati - di ko namalayan bumalik na pala :)

    ReplyDelete
  22. alam kong nahihiya ka lang na ilagay, pero favorite mo din ako. alam ko yon..hahahaha!

    ReplyDelete
  23. salamat, Gibo! at dahil "inuugat" na ko sa blogosperyo, hiling ko ay maging ganun ka rin. isang konsolasyon ng matagal na sa pagba-blog ay ang mga mababasa mo sa iyong 'archives'. makikita mo kung ano ang naging direksyon ng sarili mo, kailan ka naging malungkot at naging masaya, at kung saang bahagi ng buhay mo ikaw nagkaroon ng "transition" tungo sa kung nasaan ka na ngayon.

    Mabuhay ang mga low-profile bloggers! ;)

    ReplyDelete
  24. naks naman
    salamat sa bola
    hehe
    iba ka talaga, gillboard
    salamat!

    ReplyDelete
  25. ps

    parang gusto kong nasa dulo ako ng listahan mo tapos may "and"

    nyahaha

    (biro lang)

    ReplyDelete
  26. nakasama pa blog ko. maraming salamat. sabi ko sayo sama ka sa amin ok lang walang camera dami naman may dala.

    sa listahan mo ang nabibista ko yung kay chyng at raft3r.

    ReplyDelete
  27. we have so much in common! marami din akong favorite sa listahan mo. nakakatuwa kasi talaga sila.

    nako si denoy magrereact o! haha

    ReplyDelete
  28. prinsesamusang: wag na yan si denoy, lalaki lang ang ulo niyan. hehehe

    dongho: yup. one time talaga, sasama ako. promise!!!

    denoy: sige, ieedit ko para sa'yo. hehehe

    ReplyDelete
  29. aajao: totoo yang sinabi mo. kitams may napulot nanaman akong words of wisdom galing sayo. hehehe

    caloy: oo, may invisible ink dyan, nakalagay ka dun. hahahaha

    soltero: saglit lang naman siya nawala. buhay siya sa plurk.

    ReplyDelete
  30. i recommend na bisitahin mo din tong blogger na to.. callcentercon.travellerspoint.com

    sana makasama din ako sa list mo.. hehe!

    isa ka sa paborito ko din..

    ReplyDelete
  31. Gill....may nagtatampo.....hulaan mo kung sino...

    ahahahhahaa...joke...almost half din ng nasa listahan binabasa ko...and im glad friends ko din sila..char!

    ReplyDelete
  32. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  33. parang ganon pa din yun order
    hindi mo pa din na-i-edit
    nyahaha

    ReplyDelete
  34. raft3r: ayan na, pinalitan ko na... yung pasalubong ko galing malaysia ha!!!

    maldito: sabi ko na nga ba, yan reaction mo.. yaan mo, kahit la ka sa listahan, suking suki ako ng blog mo. promise!!!

    shenanigans: ikaw din ba yun? hehehe

    ReplyDelete
  35. aba at demanding pa talaga ang denoy! haha

    ReplyDelete
  36. aba, aba
    masunurin bata
    hehe

    salamat, salamat
    i would like to thank the academy...

    ReplyDelete
  37. masarap magbasa ng mga blogs. nakakaaliw at meron naman nakakainspire na mga buhay buhay ng mga tao na stranger sayo pero nakakarelate ka. =) pwede po palink ng mga fave mo. thanks much...

    ReplyDelete
  38. Ako sa Blog ko lang naiilabas ng gusto kong sabihin... Parang isang mundo na sayong sayo lang...

    Nice Blog! Para sa mga totoong writer at blogger saludo ako sa inyo!

    Pwedeng exchange Links tayo? I already add you ... thanks!

    http://kunwaringwriter.i.ph/

    ReplyDelete
  39. nag-double check lang
    baka tinanggal mo yun "and", eh
    nahaha

    ReplyDelete
  40. I love travelling at pagdating dyan, sa blogging ako nakakasagap ng maraming insights----DONGHO and Chyng are my favorites. simply the best.

    ReplyDelete
  41. well describes ang amg mga paboritong blogs mo.

    ReplyDelete
  42. life moto: salamat po. welcome to my blog!!!

    anton: tama. dong ho at chyng ang mga astig pagdating sa travel blogging.

    denoy: bakit ko naman tatanggalin yan, eh papasalubungan mo ako pagbalik mo ng Malaysia. hehehe

    ReplyDelete
  43. kunwaring writer: salamat po. sige iadd kita dahil nakakatuwa din ang blog mo.

    niq: sensya na ha. hanggang ngayon di ko pa rin nalilink... pero andyan naman silang lahat sa gilid, hanapin mo na lang... sorry ha, nautusan ka pa.

    prinsesamusang: onga, demanding ni denoy!!!

    ReplyDelete