Aug 26, 2010

BAKIT DI KO NAMIMISS ANG PAGIGING SINGLE

Kung mapapansin ninyo, medyo matagal tagal na rin akong hindi nagpapakakeso dito sa tahanan kong ito.

Meron man akong kasintahan ngayon, ay di ninyo mababasa dito ang aming mga misadventures.
Di yon dahil sa wala kaming ganun, meron naman, paminsan. Ngalang, syempre dahil medyo kakaiba ang set-up namin mas ninais ko itong isulat kung saan ang nakakabasa ay alam kong mas maiintindihan o makakarelate sa kalagayan namin.

Pero hindi tungkol samin ang post na ito. Gaya ng sabi ko, matagal na din akong hindi kumekeso dito.

Hindi ko namimiss ang pagiging single. At ito ang mga dahilan:

- Masarap gumising sa mga text na "i love you' at 'i miss you'
- Magaan sa loob na kapag di maganda ang araw mo may mahihingahan ka
- At pag maganda naman ang nangyari sayo'y may makukwentuhan ka
- Masarap ang may kayakap at kahawakan ng kamay
- Nag-aaway man kayo, mas masarap yung feeling pagkatapos ninyong magbati
- Nakakatuwang magplano
- Mas nakakatuwa pag natutupad ang mga ito
- Kahit minsan di kaaya-aya ang boses ng kasintahan mo, masarap pa ring pakinggan ang awit nito, dahil alam mong para sa'yo
- Meron kang kausap bago matulog, pagkagising
- Walang tatalo sa pakiramdam dahil alam mong mayroong nagmamahal sa'yo

Marami pang dahilan kung bakit di ko namimiss ang pagiging single. Andyan yung naiinggit sa inyo yung hanggang ngayon wala pang nakikilala (biro lang).

Hindi naman sa lahat ng araw ang isang relasyon ay puros 'rainbows and butterflies.' Minsan dadaan kayo sa mga pagsubok. Magkakapikunan. Magkakasawaan.Pero ang maganda dyan, pag mahalaga sa'yo ang isang tao, alam mong lahat yun ay lilipas din, at bukas paggising mo mahal mo pa rin ito.

Aaminin ko, minsan namimiss ko ang pagiging single.

Pero wala talagang tatalo pag may nagmamahal sa'yo.

38 comments:

  1. HALA nang inggit! ahahha... happy kami na happy ka! :)

    ReplyDelete
  2. happy din ako na happy ka :-D

    baket nawala yung short story na napost mo kanina? Nabasa ko na kaya, hindi lang ako nakapag comment dahil may ineemail pa ko kanina tapos pag balik ko para mag comment naging Cheese balls entry na?! Heheheheh

    ReplyDelete
  3. Arrows fly! (stab!)

    Hmph. Pakilabas nga diyan yung blender saka ampalaya.. :)

    Kung sa'n ka masaya, suportahan 'ta ka! Kapit lang GB!

    ReplyDelete
  4. sige ikaw na ang inlove. hahaha
    tamang mga panginggit!

    ReplyDelete
  5. dapat bigyan mo ng nick or petname si "kasintahan" pag nababangit mo sya dito sa bahay mo... like sweet bugger, sugapuff, hunni, pumpkinbum, para mas makeso pa awwwww

    ReplyDelete
  6. wow... goodluck sa inyong dalawa... kainggit naman!

    ReplyDelete
  7. napadaan dito~wow nice naman..korek masarap ang feeling kung may nagmamahal sau at mahal mo yung taong iyon..waahh parang gusto ko na ring lumablyf ng bonggang bongga ahaha...
    goodluck sa nu ni gf mo~^_^

    ReplyDelete
  8. Oo, naiinggit ako. Punyeta.

    ReplyDelete
  9. Weeeeeee! 100% agree ako dito..wahahaha

    "Minsan dadaan kayo sa mga pagsubok. Magkakapikunan. Magkakasawaan.Pero ang maganda dyan, pag mahalaga sa'yo ang isang tao, alam mong lahat yun ay lilipas din, at bukas paggising mo mahal mo pa rin ito.

    :)

    ReplyDelete
  10. hindi ako yung isa sa mga naiinggit...LOL

    wow mabuti naman nadadagdagan na ang mga lumalablayf sa earth...nababawasan na ang mga emo..wahahaha

    ReplyDelete
  11. hindi ko din namimiss ang pagiging single....




    dahil sawa nako sa status na ito....



    hahaha.




    maghihintay nalang, hanggang sa dumating ang itinakda ng tadhana. chos! :)

    ReplyDelete
  12. wow! mas higit pa sa keso 'to..hehehe
    Love is in the air! potek bakit ako single na naman..bwahahaha

    ReplyDelete
  13. Kung ishoshort cut natin yung post mo ito lang yun

    Bakit di ko namimiss ang pagiging single?

    Dahil masarap ang may minamahal at nagmamahal sa iyo!

    YUn yon!hehhe

    Ingat

    ReplyDelete
  14. di ka nag-iisa. Di ko din namimiss ang pagiging single. kasawa na nga eh =p The best pa din pag inlove.ehehe

    ReplyDelete
  15. yihaa! inspired pala. ramdam na ramdam.

    ReplyDelete
  16. ayun o! may lumalablayp at nang iinggit sa mga myembro ng ampalaya group! hehehe!

    goodluck and stay happy!

    ReplyDelete
  17. masarap naman maging single e... madaming choices :) LOL!

    am i sounding like ampalaya too?

    ReplyDelete
  18. roanne: may punto ka naman. ayos lang yan, minsan kelangan din maging ampalaya, cycle lang yan. dadating araw, magiging maalat ka din.. kasi keso. hehehe

    indecent mind: di ka naman siguro kasali dun sa group na yun? :P

    eben: uy, it's been awhile eben. welcome back! kelan balik mo pinas?

    ReplyDelete
  19. dongho: di naman masyado. ngayon lang naman kasi ulit ako nagpakakeso dito, yaan mo na. hehehe

    niq: syempre. iba kasi ang may kilig.

    drake: amen!!!

    ReplyDelete
  20. maginoongbulakenyo: mukhang may ikukwento ka ah. hehehe

    pamela: naku, sa ganda mong yan, di magtatagal, magiging keso ka na din. :)

    hartlesschiq: balance lang. minsan kelangan kumeso, minsan umemo.

    ReplyDelete
  21. nicos:s salamat. welcome to my blog.

    selbehe: think positive lang. darating din yan.

    unnigl4ze: ang hirap itype ng name mo. hehehe. welcome to my blog. wala akong gf. ;)

    ReplyDelete
  22. marcopaolo: maraming salamat!!!

    ollie: meron naman akong tawag sa kanya sa blog. "my kid." hehehe

    superjude: welcome to my blog. :)

    ReplyDelete
  23. alterjon: salamat. uy, minsan dumaan ka ng 17th floor, nang makilala ka. hehehe

    jepoy: yung fiction na yun... ipost ko ulit sometime. tinago ko muna, kelangan ko muna magback to normal posting dito. hehehe

    soltero: asus, kaw naman, dami mo nga admirer... mamimili ka na lang. masyado to. hehehe

    ReplyDelete
  24. Sana ma-maintain niyo ang ganyang stage sa relationship niyo. Kung mag-iba man eh sana for the better. Walang sawaan.

    ReplyDelete
  25. agree ako sa lahat, pero alam mo sa tagal kong *ehem* may kadouble eh hindi ko na natatandaan ang feeling ng single.

    ReplyDelete
  26. Keso pa rin.. but in a different aspect. Di na single eh..

    DI ko rin namimiss ang pagiging single..;)

    ReplyDelete
  27. depressing naman basahin 'to.




    mula sa isang bitter,
    coldie


    Hahaha!

    ReplyDelete
  28. at dahil sa post mo na toh.ihanap mo ko ng gf!! yung mgnda!! hahaha.

    ReplyDelete
  29. tweeting this. :)
    ako din NEVER kong mamimiss ang pagiging single. ayoko nga! hahaha!

    ReplyDelete
  30. Todong "open yourself up" movement ito ha. :)

    ReplyDelete
  31. haha.. buti na lang sanay ako kahit wala ang mga yan... di nmn kailangan mamiss ang pagiging single kahit taken ka na eh.. syempre kailangan din na may space kayo para sa sarili nmn ninyo.. sa mga ganung oras pwede ka maging single.. may point ba ko gil? haha.. good luck.. mabigat man sa loob ko eh magiging masaya ako para sa mga taong kagaya mong nasa cloud9...;)

    ReplyDelete
  32. congrats! best wishes.. haha!

    ReplyDelete
  33. May mga tao talagang ipinanganak para lang magpasaya sa tin...

    ReplyDelete
  34. Di nakakamiss ang pagiging single kasi masarap yung kahit mali ka (lalo na sa away nyo) pero nagiging tama kasi mahal ka nya.

    ReplyDelete