Jul 14, 2010

PAANO BUKAS?

Mag-aalas onse nang isara ni Row ang pintuan. Umuwi na rin ang huling bisita ni Chris sa kanyang birthday party. Lasing lahat ng tao. Silang dalawa na lang ang naiwan sa bahay ng kasintahan at ang kaibigan nito mula pagkabata na si Maya.

26 na si Chris. Matipuno. Matalino. Natural na masayahin, at mabait. Maraming kaibigan ang binata, at maraming nagmamahal sa kanya. Matagumpay na arkitekto ang binata, at isa sa mga hinahanap-hanap ng mga mayayamang nagnanais na magpatayo ng bagong tahanan. Nagdidisenyo siya para sa mga mararangya, at kumikita ng malaki. Maaari nating sabihin na isa ngang "perfect catch" ang lalake. Ngunit isa lang ang napili nitong mahalin, si Row.

Maganda, sexy at matalino ang 25-anyos na si Row. Mula sa angkan ng mga mayayaman sa Cebu. Pinag-aral siya ng mga magulang sa Maynila, at dito na siya nagdesisyon na manirahan. Isang manunulat ang dalaga para sa isang sikat na pahayagan. Tungkol sa pagiging empowered na kababaihan ang karaniwang isinusulat ng kolumnista.

Magkasundo ang magkasintahan dahil pareho silang matalino. Nagkakasundo sila sa maraming bagay, at hindi sila nauubusan ng pag-uusapan. Masaya sila sa isa't-isa. At pag magkasama, nailalabas ang mga katangiang mas nagpapahusay sa kanila.

"Okay ka lang?" tanong ni Row sa kasintahan.
"Yeah. Tinitingnan lang namin ni Maya yung mga pictures namin nung College. Halika dito, tingnan mo, ang payat ko nun.."

Si Maya ang isa sa pinakamatagal nang kaibigan ni Chris. Pareho silang arkitekto, pero mas pinili ng dalaga maging isang interior designer. Ang mata ng dalaga ay para sa pagpapaganda ng tahanan. Anung bagay na kulay ng dingding, ano ang dapat na furniture sa ganitong istraktura ng kwarto. Iba ang talento ng dalaga, at madalas ay kumukumplemento sa mga ginagawa ng kaibigang arkitekto.

"Kayo ha, nagseselos na ako sa inyo." sabi ni Row.
"Suuus... naglalambing nanaman ang baby ko. Halika nga dito." hinila ni Chris ang girlfriend sa kanyang tabi at hinalikan. Medyo may tama pa ang lalake.
"Kaya mo pa ba, Chris? Kanina ka pang tanghali umiinom," sambit ng kaibigan.
"Oo naman. Hindi naman ako nalalasing. Alam mo yan."
"Kayong dalawa ha. Nagdududa nako sa inyo. Parang mas concerned ka pa Maya kay Chris." biro ni Row.

Ni minsan hindi sumagi sa isip ng magkaibigan ang magkaroon pa ng pagsasamang mas malalim pa sa pagkakaibigan. Nagtangka noon ang binata, pero pareho nilang napagdesisyunan na mas komportable sila sa kung anuman ang mayroon sila, at wag nang gawing kumplikado ang samahan nila. Kahit magkasundo, marami pa ring pagkakaiba ang magkaibigan.

"Curious lang ako..." biglang sambit ni Row.
"About what?" ani Chris."You two have been friends for a long time, right? Hindi niyo ba dalawa naisip na..."
"Si Maya? Row, we're just friends. Yeah, there was a time na niligawan ko siya, pero we decided it's not going to work out anyway."
"At di ko type si Chris no!" singit ni Maya. "Gusto ko sa lalake yung Pinoy na Pinoy yung hitsura. Di yung mukhang Amerikanong hilaw." Nagtawanan silang tatlo.
"Okay, prove it..." biglang nasabi ni Row.

Natulala ang dalawa. Mahilig paglaruan ang dalawa ng kasintahan ng binata. Pinaliwanag ni Row ang gusto niyang mangyari at kung bakit.

"You want us to kiss?" tanong ng lalaki.
"Yeah, I mean friends lang naman kayo diba? I just want to make sure na hanggang ngayon ganun pa rin."
"Believe me, Row... I want nothing more to be just friends dito kay Crisostomo!" sabi ni Maya."Then, it shouldn't be an issue. Kung wala lang talaga, eh di wala."
"Sigurado ka sa gusto mo?" tanong ni Chris.
"Oo."

Pumayag ang dalawa nang matahimik si Row.

Humarap si Chris kay Maya, tiningnan ito, at tinanong kung ayus lang ba sa kanya. Hindi kumportable ang babae, sa gagawin, pero para sa katahimikan ng kaibigan, pumayag siya.

Nagdampi ang mga labi nila nang una. Wala lang. Smack lang. Pero dala na siguro ng espiritu ng kanilang nainom, hinalikan ni Maya si Chris. Napahinto ang dalaga at pilit na inilayo ang ulo niya ngunit nilapat ni Chris ang kamay sa likod ng kanyang leeg at tinulak pabalik ang labi sa binata.

Isang mainit na halikan ang naganap. Matagal. Parang inilabas lahat na naitatago na emosyon na nararamdaman nila simula nang mapagdesisyunan nila na sila'y magkaibigan lang talaga. Matapos ng ilang segundo, natauhan si Chris. Nakaharap pala sa kanila ang girlfriend nito.

Pagharap ni Chris sa kanyang nobya, nakita nitong tinatago ang kanyang luha. Pinunasan ang mata at biglang tumayo.

"I remember, may- may-... I have to finish my column tomorrow... I have to go..." dagling umalis ang dalaga.

Hinabol ni Chris ang kasintahan ngunit sinarahan ito ng pinto. Bumalik si Chris sa kaibigan.

"I'm sorry, I didn't know what happened." sabi ni Chris.
"I think it's the beer." wika ni Maya.
"Could be..."
"So anong mangyayari satin bukas?"

***********

Repost muna. Walang laman ang utak ni Gillboard. Enjoy.

12 comments:

  1. ngayon ko lang ito nabasa sa blog mo kaya i really enjoyed it. bitin ang ending. pero honestly, may ganyan akong experience. akala ko ay friend lang ang tingin sa akin ng bestfriend ko noong college. tapos nung minsang truth or dare at kami'y nag-kiss, may malisya na pala.

    ReplyDelete
  2. wahh.. pwede bang next episode na.. nabitin eh.. pano na nga ba bukas? kelangan pa ba ipagpabukas yan.. hehe.. antay ko yung kasunod ha ;)

    ReplyDelete
  3. anong karugtong? naging sila ba?

    ReplyDelete
  4. nakakabitin naman talaga 'to!...pero gusto ko sana magkatuluyan ung magkaibigan para mas complicated at mas exciting ang story hehee!...nway, cant wait kung anong susunod d2!!

    ReplyDelete
  5. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
  6. Ayos ah! parang si Bella kay Jacob although may feelings naman talaga sa isa't isa...salawahan lang si Bella... Ooops...sorry kakanood ko lang kasi kaya yun ang naisip ko hahahahah

    ReplyDelete
  7. ok lang ngayon ko pa din lang to nabasa.

    ReplyDelete
  8. waaaaaaaaahhh. astig ng istorya nito. galing galing mo talga sir..^_^

    ReplyDelete
  9. nagsulat ka ba para sa the bedan?

    ReplyDelete