Jul 2, 2010

ENERO HANGGANG HUNYO 2010

Akalain mo yun, nasa 2nd half na tayo ng taon. Ang bilis ng panahon. Parang kahapon lang sinecelebrate ko ang bagong taon sa opisina, tapos ngayon, nasa opisina pa rin ako.

At dahil lumampas na ang kalahating taon, eto nanaman ako't iaassess kung naging produktibo ba ako ngayong taon. Marami ba akong nagawa? Mayroon ba akong natutunan? May mga bagong nakilala? O petiks lang ba ako ng anim na buwan? Tingnan natin:

ENERO
Hindi maganda ang pasok sa akin ng unang mga araw ng taon. Namatay ang aso naming 13 taon na naming alaga. Pati ang isa sa mga paborito kong guro noong kolehiyo, ay kinuha na rin ni Lord.
Sinabayan pa ng pagkadepress ko dahil nagkaroon ako ng problema sa aking nililigawan. Nabasted ako, at naapektuhan ang aming pagkakaibigan. Wala nang mas sasakit pa kapag ang isang magandang pagkakaibigan eh nagwawakas ng walang kongkretong dahilan.

PEBRERO
Buwan ng aking pagkapanganak. Medyo nakamove-on na ako sa depresyon ng nakaraang buwan. Malakas ang paniniwala kong swerte ang mga pinanganak ng taon ng mga aso ngayong taon, kaya medyo natuto ako muling ngumiti. Marami akong nakilalang bagong kaibigan, at ilang mga hiling ko noong kaarawan ko ay napagbigyan din. Yay!!! Sinimulan ko rin ang proyekto ko ngayong taon na 10 DAYS. Kung saan ay gagawa ako ng 10 bagay sa loob ng 10 araw ngayong taon na hindi ko pa ginagawa sa buhay ko. Spontaneous baga. At noong unang araw, nagja*$^l ako sa opisina.

MARSO
Pinagsawaan kong magsulat sa isa kong tahanan kaya pansamantala ko iyong iniwan. Kasabay nun ang muling pagsigla ng pagsusulat ko sa tahanang ito. Yun ang ikatlong spontaneous thing na ginawa ko for the year. Ang ikalawa, tumabi ako sa isang dalaga sa Starbucks, para makipag-usap. Makikipagflirt sana ako. Kaya lang, nilayasan niya ako. Buti na lang dati akong telemarketer, namanhid na ako sa iba't ibang uri ng NO. Eto rin pala ang buwan kung kailan kinasal ang unang pares sa aking barkada. Meron nang married samin. Tapos ako na lang ata ang single nyan.

ABRIL
May dalawa pang blogger na aking hinahangaan ang aking nakilala sa personal. Ang mga kasama kong manuod ng isa sa pinaka-astig na pelikula ngayong taon, ang Kick Ass. Muling bumalik ang bumasted sa akin noong kapaskuhan, at medyo unti-unting inaayos ang aming pagkakaibigan. Ano pa ba? Wala masyadong nangyari nitong buwan na 'to. Simula ng training kasi namin sa Phase 3 ng operations ng unit namin. Dito nagsimula ang bawal ang leave hanggang Agosto. Ang dahilan kaya di natuloy ang Palawan trip namin. Sa ikaapat na araw ng pagiging spontaneous ko, sinubukan kong hindi magbayad ng pamasahe sa mga sinakyan ko papasok. Successful ako sa fx, pero sa bus hindi.

MAYO
Ang buwan ng pinakamatindi naming tampuhan ng aking nililigawan. Eto rin yung buwan kung kailan niya narealize na mahal niya ako. Yiiihiii. Oo ako ang nagsaside-comment sa mga sarili kong sinasabi. Para namang lahat kayo, binabasa ng buo ang mga sinusulat ko. Anyway, ayun training pa rin sa trabaho. Sa totoo lang, wala talaga akong maalala sa buwan na ito. Lahat ata natabunan ng kakesuhang ginawa namin noong ika-23 ng Mayo.

HUNYO
Ayan, di na single si Gillboard, tapos napromote pa sa trabaho (although sa Agosto pa ang effectivity ng promotion). Level up lang yun, kaya wag kayo magpalibre. Tapos, nagsimula na rin ako sa bago kong responsibilidad sa trabaho. Bagong challenge, pero kasabay nun, ako'y inspirado na magtrabaho, kaya kahit merong mga sakit sa ulo, nagagawa ko pa ring hindi mastress. At syempre, di ko rin malilimutan ang pagbisita ko sa mumunting cafe ni kaibigan Edsel, ang Kaffe Razzo, na dalawa lang ang naabutan kong blogger. Yung isa, kilala ko pa. Hayst.

Anim na buwan pa bago matapos ang taon. Marami pang dapat akong abangan. Ang pagpunta ng Palawan. Ang lakad namin ni honey sa Oktubre. Ang reunion sa Disyembre. Meron pang isang medyo malaking bagay akong dapat pagdesisyunan na magbabago ng pamamaraan ng aking pamumuhay kung sakaling matupad yun.

21 comments:

  1. lemme guess, ikakasal ka na? ayun ba yung babago ng pamumuhay mo?! Inggit me much...

    ReplyDelete
  2. Nagcomment ako biglang nawala! Ulitin ko. Sabi ko natawa ako sa ginawa mo sa opis sa first day ng spontaniety at congrats sa promotion!

    ReplyDelete
  3. Twas nice to see you nga pala nung sa KafeRazzo : D

    ReplyDelete
  4. siksik na siksik ang 1st 6 months mo ah.kung baga sa pampasadang dyip---umaariba. pero nalito ako don. bat sinabi mo na dika na single nung June---nagpakasal kanaba? pero nakalagay naman may paghahandaan ka na malaking event so yung kasal din iniisip ko---nalito ako.ahehe

    nways---a very fruitful 1st half....cheers to that!!!

    ReplyDelete
  5. mukang bigatin yung inaabangan mong mangyayari ah? magbabago ng pamamaraan ng iyong pamumuhay... hope its for the better! gudlak!

    ReplyDelete
  6. may half-year-ender post. hahaha! makulay ang unang anim na buwan. mas makulay kaya ang huling anim na buwan ng taong 2010 ni Gibo? ;)

    ReplyDelete
  7. bakit may hayst dun sa hunyo?

    ReplyDelete
  8. huwaw, extra ang kapihan ni chingoy!

    congrats bro!

    :)

    ReplyDelete
  9. andaming kelangang abangan...
    basta ako, kahit gaano pa kahaba ang isa post kapag nagcomment ako binasa ko talaga lahat.. ahhihii.

    congrats sa promotion..

    sana eh pangmatagalan na yung lablayf na ya Sir! hehe.

    ReplyDelete
  10. congrats! =) aabangan ko yang kapanapanabik na pagbabagong magaganap =)

    hindi ka naman buntis? LOL!

    ReplyDelete
  11. ang bilis nga ng panahon! malapit na naman magpasko! haha

    though nagsimula sa di maganda, i hope magtuloy tuloy ang happiness GB! yikkkeee! hehehe

    ReplyDelete
  12. huwaw! congrats sa lablyf & promotion!!! :)

    ReplyDelete
  13. nashock ako sa ginawa mo sa office..ahaahhaa...ma try nga,,,ang question is, with officemates arround or not?lols

    aba lumalablyf...congrats gill....its time for you to be happy..enjoy ur time with her.. :)

    ReplyDelete
  14. hello gill..first for me to leave here in ur blog, but i'm always following ur post... natuwa lang ako dito sa post mo na 'to and good to here ur already have lablyf...congrats...:) Lisa here...

    ReplyDelete
  15. Eto rin yung buwan kung kailan niya narealize na mahal niya ako. Yiiihiii.>>>yan ang patok. hehehe

    ReplyDelete
  16. ako din nag rerecap ako every six months. di ko pa nga lang nasimulan this year.

    congrats nga pala sa promotion at sa lovelife mo na masaya.

    ReplyDelete
  17. Una konggrats sa promosyon. Promosyon pa rin yun.

    Pangalawa, konggrats ulit. Dahil wala akong nabasang reklamo sa mga hindi magandang nangyari sa iyo.

    Parang gusto ko tuloy manggaya pero hindi ko na siguro ipapublish, bilang para sa akin lang naman. Hehe.

    ReplyDelete
  18. wow, ang daming nagyari sa six months mo. di tulad sakin dito sa saudi na gigising, papasok, uuwi, matutulog. siyempre di mawawala ang paglamon in between.

    pareho kami ni glentot, gusto ko yung unang spontaneity mo. nagawa ko na yun kaso sa cr. hehehe

    mukhang big event ang pinaghahandaan mo. papakasal ka na?! ayus yan parekoy! \m/

    ReplyDelete
  19. Same tayo ng routine no benta, pero ang bilis talaga ng panahon tapos na ang bakason ko at kababalik ko palang sa Saudi, another 1 year pa ang bibilangin bago makita uli ang Pinas at family T_T.

    ReplyDelete
  20. congrats ad goodluck! comment ko na ang masyadong late! lol! but whatever inaabangan it is, sana nga it's for the better! =)

    ReplyDelete