Ngayon lang kami nagkita ulit ni Grace mula ng ako'y nagkaroon ng girlfriend. Pero kahit bago pa nun, matagal na rin kaming walang balita sa isa't-isa.
Walang nagbago sa kanya. Maganda pa rin. Balingkinitan. Mapungay ang mga mata. Pulang mga labi. Bakas sa mukha ang lahing Kastilang kanyang pinagmulan.
Niyakap niya ako ng mahigpit, at hinalikan sa pisngi. Parang wala lang. Parang walang nangyari. Parang walang namagitan sa amin.
Naaalala ko ang lambot ng kanyang mga kamay tuwing hinahaplos niya ang aking mukha. Habang minamasahe niya ang aking likod. Naaalala ko lahat. Lahat lahat.
Yung gabing naiwan kaming dalawa sa kanyang bahay nang iniwan kami ng pamilya. Naaalala ko ang ilang minuto naming titigan. Ang mapaglaro niyang mga mata, habang kinakagat ang kanyang labi. Kung paano niya ako hinila papunta sa kanyang kwarto. Ang maiinit niyang mga halik. Sa aking labi. Sa leeg. Sa dibdib. Ang mainit na gabing aming pinagsaluhan.
Hindi pa yata ako tuluyang nakakalimot.
Pero may Cristina na ako.
Nakita ni Grace na lumungkot ang mukha ko. Nadama ba niya kung ano ang naramdaman ko?
Parang sagot sa tanong, binigyan niya ako ng malungkot na ngiti. Lumapit siya at hinaplos ang aking pisngi. Hinawakan ko ang kanyang kamay, at hinayaan itong mamalagi sa aking mukha ng ilan pang saglit.
"I heard about Cristina," simula niya.
"I'm sorry, Grace," ang tanging sagot ko.
"You could have waited." namumuo na ang mga luha sa kanyang mga mata.
"Hindi pwede eh," inilayo ko ang aking tingin. Di ko kayang nakikitang nasasaktan si Grace.
"Why can't you choose me?" tanong niya sa akin.
Tumalikod ako. Pilit tinatago ang lungkot. Pinipigilan ang panginginig sa aking boses.
"Dahil magpinsan tayo Grace. Alam mo yan."
swabe ang pag kakasulat, short and sweet. Pwede kang maging script writer alam mo ba yun. Baka ikaw na ang tatalo sa sumulat ng Popoy and Basha :-D
ReplyDeleteNagustuhan ko ito talaga, may pinag huhugutan ba 'to? hehehe
nice story gb... \m/ asteeg.
ReplyDeleteyikes...
ReplyDeletei had a 1 week relationship with my malayong kamaganak. when we found out, nakakakilabot. hahaha.
ang sakit sa pantog!
ReplyDeletemay kakilala akong magpinsang buo na naging mag-asawa. abnoy ang naging anaka nila.
ReplyDeleteNice story gill....galengggg!!
ReplyDeleteIngat
nice ending. magaling magaling.
ReplyDeletewow. nice piece. i didn't expect that too much. the ending was a nice surprise.
ReplyDeleteIncest! yum. Bwahaha
ReplyDeleteang galing.. pero true story b ito ?/
ReplyDeleteaw! sakit sa ulo!
ReplyDeleteHabang binabasa ko, "No way na may ganitong kang personal na kwento, hubad na hubad"
ReplyDeleteThen nakita ko sa ilalim ng kwento.
Labels: Fiction.
Sus! ;)
wah! iba talaga ang mga kwento mo. laging may supresa sa ending. i 'll read more i hope.
ReplyDeleteFlor
kcatwoman
ldspinay
Bookneneng
pwede itong pang gma telebabad!
ReplyDeletehehe
whoooaaaahhhh! ang OA ko talaga mag-react..pero whhooahhh talaga!
ReplyDelete