Jun 7, 2010

BLESSED

Ang sabi noon kapag mabuti kang tao, lahat ng biyaya ay ibibigay sa'yo. Naniniwala ako doon. Hindi ako perpekto, marami akong kalokohan sa buhay ko. Pero in general, sa tingin ko, namuhay naman ako bilang isang mabuting tao.

Sa tingin ko nagbunga naman ng maraming magagandang bagay ang pagiging mabait ko. Nagkaroon ng kaunting karangalan. Nakuha ang mga naging pinagpaguran. Nakakilala ng mga mabubuting kaibigan. Sa madaling salita, maayos ang aking naging pamumuhay.

Naging mabait ako sa aking buhay. Pero kumpara sa iba, hindi ako ganun kabuti. Hindi ako sumasali sa mga volunteer work. Minsan pag may nagbabangayan, ako'y may kinakampihan. Madalas tarantado ako. May mga pagkakataon, nagiging bastos ako sa mga magulang ko. Hindi ako perpekto. Madalas pa nga, ako ay gago kaysa nagiging santo.

Gayunpaman, hindi pa rin ako napapabayaan. Marami pa rin akong biyayang natatanggap. Tanong ko sa sarili ko, 'do I deserve this?' Sobra sobra ang natatanggap ko paminsan. Kaya ang laki ng takot ko baka bawiin na lang sa akin lahat ng iyon sa isang iglap. Bigla akong magising at mawala silang lahat.

Alam ko madalas sobra ang aking natatanggap kumpara sa aking binibigay. Pero malaki ang pasasalamat ko at kahit papaano, malakas pa rin ako sa taas.

I know sometimes I don't deserve the things I get in my life. Pero hindi ko yun kinukwestyon. Ang tanging magagawa ko lang ay patunayan sa sarili ko, sa taas at sa mga tao na ako'y nararapat na makakuha nito. Pinagbubutihan ang trabaho. Binabalik ang mga binibigay ng mga minamahal ko. Nagiging masaya at kuntento.

Mabuti akong tao. Kaya ngayon ako'y kumpleto.

21 comments:

  1. amen to this!

    salamat at pinaalala mo sakin na we should be thankful with the blessings that He gives!

    'di ka naman bibigyan ng biyaya na hindi mo bagay at deserved!

    ReplyDelete
  2. Ako din ganyan, hindi ko naramdamanan na pinabayaan ako ng Diyos kahit kailan. May mga katarantaduhan ako at pagkakamaling nagawa dati na, sa awa ng Diyos, eh nakalusot at naisaayos ko. Kaya nga sobrang pasasalamat ko din sa Kanya, minsan eh ayoko ng humingi ng kahit ano pa.

    ReplyDelete
  3. it's always good to count blessings...feel blessed always...

    ReplyDelete
  4. we should always feel blessed.. paggising mo sa umaga.. ang dapat nasa isip natin "salamat po at nagising pa ako"..

    ReplyDelete
  5. pagpalain ka pa sana ng Poong May Kapal...

    ReplyDelete
  6. Ayos lang yun... basta wag lang kalimutan ang pagpapasalamat sa Diyos at ibalik sa kapwa ang mga blessings na natatanggap.

    =)

    ReplyDelete
  7. just think of it this way---you deserve it. no less. we all deserve good things in life......even if we do bad things, the good things we get are reminders that we can do better next time...in a godo way.....

    ReplyDelete
  8. yan ang tama, ask some questions din pag may blessings. hindi laging sisgaw ng "bakit sakin nangyari to?" pag may misfortunes. :)

    ReplyDelete
  9. inlababo! hahaha. good karma yan. advance gift sayo ni Santa Claus. :D

    ReplyDelete
  10. jayvie: sana magtuluy-tuloy. hehehe

    chyng: madami kasing tao di marunong magappreciate sa mga magagandang bagay na nangyari sa kanila.

    roanne: ermmm di ko naman sinabi na may pera ako...

    ReplyDelete
  11. anton: makes sense.

    stonecold: oo naman, kaya nga dumadalas ang pagsimba ko ngayon.

    ghienoxs: salamat. ikaw din.

    ReplyDelete
  12. pmm012: amen.

    master: sobra. wala nakong mahihingi pa.

    soltero: salamat chief.

    ReplyDelete
  13. jag: i do. i am.

    gas dude: special kasi tayo kaya ganun. ganyan ata mga only child.

    nobenta: walang anuman. nakakaappreciate lang ng mga magagandang nangyayari sa buhay ko.

    ReplyDelete
  14. naks share your blessing..hahaha

    kung nagkataong sa tingin mo hnd ka deserving s mga blessing mo..pwede mo naman ibigay sa akin. hehe

    naku naku. Si God nagbigay sayo ng lahat ng blessing n yan. kaya deserving k jan.

    ReplyDelete
  15. i believe i dont deserve most of the things that i receive either. kasi tulad mo kung ikokompara sa mga biyaya na binibigay niya... walang wala ang mga ginagawa ko.

    ReplyDelete
  16. siguro mas magandang sabihin...kapag may Diyos ka..blessed ka ^^ ...and i agree with sir dong...God bless u more..

    ReplyDelete
  17. sendo: tama.

    dong: kaya nga minsan natatakot din ako na baka magbago ang isip ni Bro at bawiin lahat ng ibinigay niya.

    kikilabotz: sabi nga nila, wag nang kwestyunin minsan, meron kasing mga bagay na binibigay satin... dahil wala lang.

    ReplyDelete