May 25, 2010

TWENTY MINUTES

Sabi ng trainer namin, we only have twenty minutes before the class start. So I only have twenty minutes para magsulat dito sa blog ko. Pagpasensyahan niyo na kung hindi medyo walang patutunguhan to pero kailangan may maikwento ako sa loob ng dalawampung minuto. Sa huli kong post, merong nagpapakwento kung bakit ako masaya.

**********
Gustuhin ko mang isulat dito ay sobrang haba. Kulang ang dalawampung minuto para pagkasyahin ang kwentong ito. Basta meron nagpapaligaya sakin ngayon.

**********
Iniisip kong tanggalin lahat ng kamag-anak ko sa facebook. Hindi na kasi ako masyado makapagupdate ng status dun dahil natatakot akong may magsumbong. Lalo pa ngayon andaming nagbabalak bumisita at makitira sa bahay namin. Sigurado ako, lahat sila itatanong kung kelan ako mag-aasawa. Naubusan nako ng style ng pag walk away. Nakakainis lang. Palibhasa kasi sa probinsya, mga tao dun wala masyadong magawa kaya nagpapakasal agad. Hindi ito bitterness. Pagkaasar lang.

**********
Naisip ko wala pa naman akong balak mag-asawa. Good luck. Di nga ako makapag-ipon ng malaki, ayoko pang problemahin ang pag-aasawa. Nakakaipon ako, pero nagagamit ko rin ito pambili ng mga bisyo ko. Gaya ng mp3 player, cellphone, xbox at kung ano-ano pa. So wala rin. Ayaw ko rin naman mag-ipon pambili ng bahay, kasi sa isip ko, ako rin naman ang magmamana ng tinitirahan ko ngayon.

**********
Iniisip ko ulit kung bakit ako masaya... Para akong tanga. Nakangiti mag-isa. Buti na lang wala akong katabi. Hindi halata na adik adikan ako. Hay...






Ayun... twenty minutes na pala. Walang kwenta. Pasensya na. Pero salamat sa pagbasa.

22 comments:

  1. isang mabilisang kumento para sa mabilisang post..

    kung anuman ang dahilan ng nagpapangiti sayo na mag isa suportahan kita!

    wag lang gawing habit baka mapagkamalan kang... alam mo na!

    lol

    ReplyDelete
  2. nyakakaka.. at parang may kumikiliti sayo dyan sa tabi mo habang sinusulat mo ang mabilisang blog.... :P

    pede naman maglagay ng status na gawa ka nalang ng code... para inde halata kung anu man ang tinutukoy mo. kunwari away imbis na ayaw ko pa magsawa.... lagay mo... masarap pa magtampisaw sa batya ng iba... :P nyakakaka... wala lang.wala lang ako maisep.

    ReplyDelete
  3. mabilis lang din...

    ayos pa din ang post mo...

    =)

    ReplyDelete
  4. dapat ganito ang mga posts =) positive vibes! kung anu man yun keep smiling keep shining knowing you can always count on me... for sure that's what friends are for (-->ay kumanta?! haha!<--)

    ReplyDelete
  5. anu ginamit mo para makapagpost sa class? sosyal! ang bilis ng utak nakapagsulat ng makatuturang blogpost!

    ReplyDelete
  6. hirap talaga pag puro kpamilya mo nsa FB mo... at bket knga ba msaya?

    cheers! :P

    ReplyDelete
  7. wow, yan ang simple pleasure. di kelangan ng mabigat na dahilan para ngumiti. share!!!
    droga? hihi

    ReplyDelete
  8. Nice!

    Masarap talaga mga basa ng mga happy entries, kahit mabilisan or feeling mo walang saysay masarap parin basahin.

    Nakakrelate ako sa mga kamaganak na tanong ng tanong kung kelan mag aasawa parang gusto kong bugahan sila ng apoy. Hindi rin ako bitter nakakaasar nga lang talaga LOL

    Sana Parating happy post :-D Nakakahawa eh :-D

    ReplyDelete
  9. Gusto ko rin alisin mga kamaganak ko sa facebook, hindi ako makapagbehave eh...

    ReplyDelete
  10. glentot: di makapagbehave? seryoso... hehehe

    jepoy: yup... spreading good vibes all around!!!

    chyng: oo... high ako sa drugs... oops.. ongoing pala random drug test sa office... shhhhh

    ReplyDelete
  11. soltero: seeecret!!! hahaha... di na mahalaga ang dahilan... basta masaya! hehehe

    moks: di naman bawal internet sa office... basta walang ginagawa...

    roanne: teka.. di naman ako laging bitter magsulat... lahat kaya ng post ko sa front page ng blog na 'to puros good to slightly good vibes... hehehe

    ReplyDelete
  12. stonecold: salamat... malikot utak ko ngayon eh...

    bulakbolero: masarap pa magtampisaw sa batya ng iba... gusto ko tong linyang ito... hehehe

    indecent: salamat sa suporta... tsaka di ako.. ganun.. hehehe

    ReplyDelete
  13. di nga kaya may katol ka jan sa tabi mo heheheheh..


    enjoy ur bliss bro

    ReplyDelete
  14. inspired ka siguro kaya ka masaya ngayon... may napapasaya... :)

    ReplyDelete
  15. balita ko eh nag-update ka daw ng relationship status sa facebook. hehe.

    anyway, ganun nga yata talaga sa probinsya. yung mga klasmeyt ko nung high school, pagkagraduate eh nagsipag-asawa na. :D

    ReplyDelete
  16. Hahaha nakakarelate ako dun sa maraming nagtatanong kung kelan ako mag-aasawa. Antanda ko na kasi tapos nag-iisang anak pa ko kaya kailangan ko na daw bigyan ng apo ang Nanay ko. Baka isipin tuloy nila na dingbads ako. LOL

    ReplyDelete
  17. Haha hindi naman nasayang ang twenty minutes ko hehehe
    Salamat at nag-enjoy ako sa pagbabasa....

    ReplyDelete
  18. ay quickie.... nyahahahaha

    @ Glentot... sa lagay na yan eh behave ka na? potah ka....:P

    ReplyDelete
  19. yj: quickie talaga... hehehe...

    taribong: salamat sa pag-eenjoy at welcome sa blog ko!!! balik ka!!!

    gasdude: paraeho lang tayo... pero ikaw makakahanap ka din... gawin mo, pag andito ka sa pinas, magsimba ka sa St. Jude.

    ReplyDelete
  20. jayvie: onga.. sabihin mo kay gincie sorry... one time siguro.. friendly date...

    marco polo: hindi naman... ayos lang... hehehe

    chingoy: mighty bond... nung weekend, hinithit ko... hehehe

    ReplyDelete
  21. i luv quickie! :D

    minsan mas maganda pa ang resulta ng isang trabaho o bagay pag nakuha sa mabilisan...

    ReplyDelete
  22. nyahaha
    so wala ka ng kamag-anak sa fb ngayon?
    hehn

    ReplyDelete