Iiwasan ko munang magsulat ng personal na post at lagi akong napapagkamalang bitter. Ewan ko lang kung bakit. Ako sa ngayon ay medyo masaya. Aaminin ko may konting drama na nagaganap sakin pero hinahayaan ko na lang. Matatapos din yun.
Ang nais ko talagang ilathala (shet ang lalim) ay ang pagiging psychoanalytical ko pagdating sa mga usapang puso. Hanapan ng dahilan ang ilang bagay na madalas na ating pinagdadaanan.
Bakit nga ba may mga taong hindi makapaghintay? Bakit merong mga nagmamadaling makahanap ng kanilang the one?
Hindi tungkol sa akin itong post na ito, inaanalyze ko lang... kaya bawal magreact!!!
FEELING HANDA NA
May naipon ka na. Marunong nang magluto. Nakuha mo na ang lahat ng gusto mo pagdating sa iyong karera. Halos kumpleto ka na sa lahat... asawa na lang. At dahil dyan iniisip mo marahil kung may kasama ka na(gf/bf), na siya na, kahit hindi pa siya handa. Pero kung nag-iisa ka pa, gagawin mo ang lahat makilala lang siya. Magpaset-up ng date sa mga kaibigan, maghanap online sa mga social networking sites, manligaw ng katrabaho o kaibigan, magpost ng numero sa dyaryo o magpahanap ng matandang foreigner na naghahanap ng mapapangasawa. Kahit ano, gagawin mo para mahanap lang si The One.
MAY CRUSH KASI / IN LOVE
Minsan dahil mahal na mahal mo o L na L ka dun sa kasama mo, feeling mo siya na yung 'the one' mo. Minsan nga crush mo pa lang, wala ka pang ginagawa o hindi ka pa pinapansin, pinaplano mo na kung paano kayo ikakasal. Kahit hindi mo pa gaano kakilala yung partner mo, feeling mo siya na talaga yung para sa'yo kasi mabait siya, matalino, maganda, sexy, magaling magperform sa kwarto, o siya nagdevirginize sa'yo.
NADADALA SA MGA PINAPANUOD SA TV AT PELIKULA
Single ka. Hopeless romantic. Mahilig manuod ng pelikula. At feeling mo nangyayari talaga sa totoong buhay ang lahat ng napapanuod mo sa sine o telebisyon. Makaranas ka lang ng konting di pagsang-ayon mula sa mga kaibigan niya, feeling mo na you and me against the world na kayo, at ang lahat ay mauuwi din sa happy ending. Meron ding dahil hindi tama ang timing, at naghiwalay kayo aasa ka pa rin na paglaon ng panahon ay kayong dalawa pa rin ang magkakatuluyan. Kahit hindi naman. Nabubuhay sa mundong gawa sa fairy tale. Ika nga... optimistic, kahit minsan kailangan mong maging pragmatic.
PEER PRESSURE
Aaminin ko napagalitan ako ng isang kaibigan, nang minsang sabihin ko sa kanya na kaya ako nalungkot na single pa ako ay dahil halos lahat ng tao sa blogosperyo ay in love. Ang sabi niya, 'kung naging uso ba ang pagpapakamatay sa blogosperyo, magpapakamatay ka rin?' Siguro dala iyon ng inggit. Naiinggit ka na maraming tao sa paligid mo ang masaya dahil may kasama sila at ikaw ay wala. Tapos sasabayan pa ng mga atribidang kamag-anak na kukulitin ka kung nasaan ang girlfriend mo, kelan ka mag-aasawa, kelan mo bibigyan ng apo yang nanay mo, plus matching kumpara sa mga anak/ kanila na pamilyado na (hiwalay naman!!).
TUMATANDA NA
Prevalent ito sa mga babae, dahil sila ay may hinahabol nga naman. Hanggang ilang taon nga lang ba ang isang babae, bago hindi na pwedeng magbuntis? Sa lalake, hindi naman talaga issue yan, minsan pa nga, the older we get, the more attractive we become (so mag-aasawa ako mga kwarenta na!!! joke!!!). May kaibigan akong babae noon, nakipagsex sa syota-syotaan dahil 26 na raw siya, panget naman kung virgin pa rin siya. Di naman siya nabuntis, pero napakasagwa nung kinuwento niya yung first time niya. Madugo!!! Anyway, ayun nga, balido naman ang dahilan ng mga kababaihan kung bakit sila nagmamadali.
Marami pa sigurong dahilan na mas malalim pa dito. Pero sa tingin ko, at minsan aaminin ko ganito ako... Kahit gaano ka pa kaligaya kung ano man ang estado mo sa buhay, gaano ka kaaccomplished. Gaano ka kakuntento sa kung ano man ang meron ka. May mga araw na magsasawa ka talaga na ikaw lang mag-isa. Aminin niyo, may punto ako.
okay, since bawal mag-react dahil hindi ito tungkol sa'yo ay 'di na ako magkokomento.
ReplyDeletei'll save my words hanggang sa pwede na ulit.
hindi reaction to observation lang - padami na ng padami ang babae na hindi nagmamadali sa pagaasawa.
ReplyDeleteagree ako. hehe. minsan nakakapanlumo din talaga yung feeling na mag-isa kang kumakain, manuod ng sine etc. nakakatakot tumanda mag-isa. kaya madaming hindi makapaghintay kasi feeling nila maiiwan na sila sa byahe.
ReplyDeletewag magmadali dahil sa pagmamadali mo baka ikaw ay magkamali... may kakilala akong sa tantong pagmamadali ayon.... nadapa!
ReplyDeleteBawal magreact? Ok offtopic na lang... Payo lang sa mga nagmamadaling mag-asawa, sulitin nyo ang buhay single... dahil pag natali na kayo, habambuhay na yan, wala ng atrasn, at mamimiss mo yung unang kilig mo, yung MU, yung crush crush, yung mainlove ulit...ang buhay single...
ReplyDeletei don't mind staying single forever... ayoko kasi magpakasal for the sake of nagpakasal ka lang... yung tipong kahit sino na lang...
ReplyDeletesapul nanaman ako dito, di naman sa nagmamadali takot lang mag isa habang buhay hehe
ReplyDeleteActually malakas ang pressure form family and friends sa pagkakaroon ng gf/bf. Pero ano naman kasi ang mgagawa mo kung wala talaga? Hahaha.
ReplyDeleteInstead of being bitter about it, hayaan na lang. Kusang dadating yan sa tamang panahon. Pero wag lang puro hintay. Gawa gwa din ng diskarte. :D
Salamat sa pagdaan sa aking blog. :)
Sa totoo lang, umabot na ata tayo sa puntong wala nang balak mag-asawa ang mga babae. I mean, marami na rin siguro ang nakapagrealize na mas madaling bumuhay ng bata kesa asawa. ^^v
ReplyDeletehaha buti na lang nauntog na ako sa katotohanan!! :D
ReplyDeleteSarap kayang maging single :P
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteNot everyone COULD marry those dearest to them no matter how they wish to. Those who could - must. Regret is only for those who thought they made the wrong choice.
ReplyDeleteDi ko alam kun pwede ako mag comment pero nasabi ko na yat ang daat kong sabihin ko sa iyo...
ReplyDeletekun hindi tungkol sa iyo ang post na ito... wag mo na intindihin ang comment ko...
=)
i'm not sure what to say. hmmm... i'm 22, and marriage is just so far away in my head. yun lang. o okay ba?
ReplyDeletehehehehe natawa ako sa post na 'to, wala lang nakarelate lang ako sa ibang parts :P
ReplyDeleteHaha natawa ko dun sa peer pressure
ReplyDeletekuya gillboard.. buhay na ulet ako. may bago ako blog.
ReplyDeletewww.imagipod.blogspot.com
hehehehe! di ako makareact, bawal daw e..
ReplyDeletesabi mo nga before, being single is a matter of choice. and i respect that.
sinu ba yang mga mareact na yan at ipa-salvage natin.l;ol........walang pakialamana ng trip diba? hehe
ReplyDelete