Apr 18, 2010

CELEBRITY SIGHTING

Masaya ako ngayong araw dahil kahit wala akong tulog ay nadagdagan nanaman ang minarkahan ko sa wishlist ko noong kaarawan ko.

Pero hindi tungkol dyan ang kwento ko.

Noong Biyernes, ako'y nagmalling para sa aking weekly comics purchase. Syempre, bagong sweldo kaya excited gumastos.

Sa aking paglalakad papunta ng opisina galing Planet X Comics, ay nakasalubong ko si Marc (o Mark) Abaya ng Kjwan. Artista,

Hindi ako taong gubat na ilap na makakita ng artista. Noong grade school ako, naging kalaro ko si Gio Alvarez (kung di mo kilala yun, igoogle mo... sa Ang TV siya sumikat). Marami na akong nakitang celebrities. Ang post na ito ay tungkol sa aking impression nang makita ko ang mga artistang nakita ko na.

MARC ABAYA: Akalain mo yun, mas matangkad ako sa kanya. Pero maganda ang girlfriend niya.

ANNE CURTIS: Hindi siya maganda sa personal... Dyosa siya!!! Saksakan ng ganda!!!

JOHN LLOYD CRUZ: Nakasalubong ko siya sa elevator noong nagaapply ako sa trabaho at siya'y nagshoshooting ng A Very Special Love. Nabakla ata ako sa kanya. Pre-man-boobs pa yun ha!!!

CHRISTINE REYES: Hindi mo maiiwasang lingunin siya kasi SOBRANG ganda niya sa personal. Whoooh... ang init!!!

DINGDONG DANTES: Pre-manboobs din ito... nag-aaral pa siya noon sa San Beda... wala lang... pangkaraniwan... mukha siyang bugnutin noon.

KC CONCEPCION: Crush na crush ko siya noong hindi ko pa siya nakikita sa personal... pero noong nangyari na... parang... ay ganun lang... pangkaraniwan... maganda siya... pero yun lang...

SNOOKY SERNA: Batang-bata pa ako noon... Kakahulog mula sa bangin... at dun ko nalamang peke ang ulan sa mga pelikula... mukha siyang basang sisiw.

MARC NELSON: Galing ata siyang gym noon, ewan ko... pero may naamoy akong kakaiba nung nakasalubong ko na siya.

RIZZA SANTOS: Kung di niyo siya kilala... kasali siya sa PBB Celebrity Edition 2 dati... ang payat at ang tangkad niya in person... nagmukha akong dwende sa tabi niya. Pero ang ganda niya!!!

DINKY DOO JR: Suki siya ng SM Sucat... wala lang... kilala ko lang siya... ang jologs ko talaga!!!

DINO GUEVARRA: Kapitbahay namin siya... di ko lang alam kung hanggang ngayon... hindi ko nakita yung balahibo niya sa leeg... yun lang.

BATISTA: Ang LAKI niya!!! Kung may mas maliit pa sa dwende.. yun ako sa tabi niya!

Kayo, sino na ang mga nakita ninyong celebrity at ano impression niyo sa kanila?

28 comments:

  1. marami na. baka ma mahaba pa sa post mo. haha. pero anne curtis and mylene dizon are standouts.

    ReplyDelete
  2. Nice post!

    Siguro ang mga nakita ko na ay sina Erich Gonzales, Jake Cuenca at Marc Nelson.

    Nakapagpa-autograph naman ako kina Aubrey Miles, Diana Zubiri, Francine Prieto, Andrea Del Rosario, Maui Taylor, Julianna Palermo and Myles Hernandez.

    =)

    ReplyDelete
  3. i used to work in a publishing company kaya darating silang walang kadating-dating tapos aayusan at kablam -- artista na on cam. sabihin na lang nating ang most difficult transformation eh yung kay Nina. Akala ko taga deliver ng ulam for lunch when she came in.

    ReplyDelete
  4. Dati akong dj sa isang radio station kaya most of the time mga banda at ilang soloista din ang mga nakita at 'nakahalubilo' ko. Pero ang pinaka-unforgetable na experience ko when i got d chance 2 nterview top cagers that time na sina asaytono (bobong kausap), locsin (may pagkasuplado) at vince hizon (pinakagame, pinakayummy sa tatlo!).

    ReplyDelete
  5. ikaw na! ikaw na maraming nakitang artista! hahahaha! magsama kayo ni dinky doo! whahaha!

    ReplyDelete
  6. Kahit sa TV, sobrang ganda nyang si Cristine Reyes! Hindi ko pa sya nakikita sa personal pero kahit sa TV lang, okay na siguro. Ang ganda kasi saka sobrang lakas ng sex appeal.

    Si Dino Guevarra, ex-wife nya yung kapitbahay namin dito. Pumupunta punta pa yan dito. Eh kalaro ko yung kapatid ng ex-wife nya kaya kilala nya rin ako. LOL.

    Wala akong natatandaang nakita ko nang artista na malapitan. Hindi rin kasi ako hayok pag may artista!

    ReplyDelete
  7. may ilan ilan na din akong nakitang mga celebrities..

    pero di ko pa rin malimutan ang pangarap ko na makita nang personal sila kuya bodjie, kikong matsing, pong pagong, manang bola, at arn-arn.

    dati pangarap kong makita lang nang personal si ronald macdonald at jollibee, pero... sino ba talaga sa knila ang original? hehehe

    ReplyDelete
  8. Charlene Gonzales
    Dina Bonnevie
    Miriam Quiambao
    Anne curtis

    Sam Milby

    ... sila ang stand out among sa nakita ko.

    ReplyDelete
  9. Sarah Geronimo ilang beses ko na nakita ng personal at nakapag autograph pa ko' hehe

    ReplyDelete
  10. Hindi naman ako mahilig sa artista.

    Ganun pa rin naman sila, taong tao din naman ang dating!hhehehe

    Ingat

    ReplyDelete
  11. wow.. crush ko si kc... nuong model pa lang siya at vj...
    hindi ko pa nga siya nakikita...
    ang unang una kong nakitang artista ay si connie reyes... wala lang... parang sumeryoso ang mood ko...

    ReplyDelete
  12. i also saw some of the celebrity but who i want to meet in your list... rizza santos.

    ReplyDelete
  13. wow lucky you to see Anne and Lloydie!

    pero nung nakita ko sa Akihiro Sato at Marc Nelson sa GB3, solve na ko. hihi

    ReplyDelete
  14. ka-batch ko si bernard palanca sa St. John's Academy sa San Juan. pati yung kapatid niyang si mico ay schoolmate din namin.

    sa uste naman ay madalas kong makita si jao mapa at aiza sa engineering building. si charlene gonzales, beth tamayo, at joan quintas ay nakikita ko rin.

    kapag sa salamin naman ay nakikita ko si ely buendia.

    pero puwera biro, madalas namin makasabay ang eheads, yano, parokya, at iba pang alternative bands noong nineties kapag may tugtugan kami sa UP.

    ReplyDelete
  15. no benta: dami celebrity friends ah!!! astig!!!

    chyng: bakit naman lucky?

    dong: ako din, gusto ko siya makilala... sayang nga eh, wala na kami sa RCBC, dun ko siya dati madalas makita... hay

    ReplyDelete
  16. dom: pasalubong!!!

    ens: natawa ako at si connie reyes talaga ang una mong nakitang artista!! hehehe... alala ko crush ko siya noong mga 6 years old ata ako... lolz

    drake: oo naman... pero si anne... hindi eh... dyosa talaga!!! haay

    ReplyDelete
  17. ahmer: may kakilala ako... vice president ng fans club ni sarah geronimo... hehehe

    chingoy: iniisip ko kung nakita ko na ba sa personal si Charlene... ang ganda nun... hehehe

    indecent mind: naikwento ko ba, katrabaho ko dati yung nagboboses kay Pong Pagong? wala lang.. hehehe

    ReplyDelete
  18. half-crazy: hindi rin naman ako hayok sa kanila... lalo na kay dinky doo... hahahaha

    caloy: laki ata talaga tampo mo sakin.. ayoko na.. huhuhu

    vonfire: astig ng dati mong trabaho... dream job ko yan!!!

    ReplyDelete
  19. random student: kapareho mo classmates ko nung college... sa fhm sila nag-ojt... inggit kami lahat!!! hay

    angel: suki ng top 50 ng FHM yang mga nag-autograph sayo... hehehe

    scud: si mylene dizon.. di ko pa nakikita sa personal... hay.

    ReplyDelete
  20. Nasalubong ko si KC sa elevator sa office building namin. Tama ka... pero mukha syang masayang kasama, kasi ang ingay nya at tawa nang tawa.

    ReplyDelete
  21. ang sikat naman nina snooky, dino at dinky doo. hahaha.

    cristine reyes... super kinis =)

    ReplyDelete
  22. domjullian: napaghahalata ang age

    glentot: kaw ba ang pinagtatawanan?

    jepoy: himala wala ka dito haha

    ReplyDelete
  23. Charlene Gonzales: Ka-course ko siya sa UST. Hong-gondoh! At ambango ng corridor kapag dumadaan siya. :)

    Aiza Seguerra: Kung ano itsura niya sa TV, ganun din sa personal.

    Geneva Cruz: Hmmm... OK lang. Mukhang mataray.

    Hindi ko na matandaan 'yung iba. Pero nakita ko na din si Anne Curtis, Dingdong Dantes at Marc Nelson.

    ReplyDelete
  24. alex: nakalimutan mo ata si Lea Salonga... may picture pa kayo nun, diba?! hehehe

    random: kay dom ok lang naman ireveal age niyan... aminado yan... hehehe

    jayvie: ay sinabi mo... hehehe

    ReplyDelete
  25. raft3r: bedan bro!!!

    glentot: ang saya naman nun...

    ReplyDelete
  26. di ako payag,..! inlove ako kay marc nelson pero okay lang since nag-gym naman pala sya. ang swerte mo naman at ang dami mong artistang nakita! ako si jennifer sevilla lang yata.

    yun lang. nice post!

    bestpinay

    ReplyDelete