Mar 11, 2010

REST IN PEACE

Paalam sa anim na taon nating pagkakaibigan.

Aaminin ko, hindi ikaw ang first choice kong kaibiganin dahil mas sikat noon yung friend mo.

Pero kahit pinagtyagaan lang kita, naging mas masaya ako sa'yo.

Ikaw na ang dami-daming sinabing magaganda tungkol sa akin.

Ikaw na naging saksi sa ilang paghihimutok ko sa trabaho.

Ikaw na nagpapaalala na marami akong kaibigan.

Naaalala ko pa nga, basta may magbibirthday, lagi mo akong sinasabihan.

Kaya lang may pagkapasaway ka rin eh.

Ang kulit mo sa email.

Mas malala ka pa sa spammer.

Kung di pa kita pagsasabihan, di mo ako titigilan.

Ang laki na ng pinagbago mo, bago ka nawala.

Parang hindi na kita kilala.

Gayunpaman, namimiss kita.

Sana masaya ka pa sa mga bago mong kaibigan.

Rest In Peace.




Friendster Account.
March 2004 - March 2010.

19 comments:

  1. I erased mine last 2009 pa.

    BTw, yung layout mo parang FS di nang color. hihi

    ReplyDelete
  2. yung sakin di ko kayang erase. Parang mabigat sa puso. Rest in peace sa friendster mo!

    ReplyDelete
  3. Yun sa akin hindi ko madelete dahil maraming lumait sa akin sa testi kaya gagantihan ko muna sila bwahahaha

    ReplyDelete
  4. ano susunod gillboard? di ko pwede i-delete si friendster. some of my friends still use that has-been networking site. :D

    ReplyDelete
  5. i love friendster
    nyahaha
    teka, ma-check nga kung buhay pa yun account ko
    hehe

    ReplyDelete
  6. i just checked my FS account yesterday, nanibago ako... iba na pala! nag level up?!

    ReplyDelete
  7. sabi na nga ba...sooner or later mangyayari talaga yan
    --galing sa taong walang fs...

    ReplyDelete
  8. di ko pa rin magawang iwanan yung FS ko, andun pa rin kasi ung contacts ng ibang friends ko e..

    ReplyDelete
  9. wala na rin akong FS.... isang taon na yata! simula ng nagka-FB ako..boring na kasi FS.. at ngayon parang ang FB na rin yata...

    ReplyDelete
  10. isa kong friend sinearch un friendster sa google..
    sbi ng google..."did u mean facebook?"LOL
    R.I.P sa friendster mo.

    ReplyDelete
  11. R.I.P gillboard's FS...

    boring na talaga ang FS.. pero ayoko pa burahin yung account ko. hayaan ko na lang yun dun hanggang samaglaho sa world wide web ang FS :D

    ReplyDelete
  12. ahhhh..
    my condolences po!
    may it Rest in Peace.

    ReplyDelete
  13. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  14. siguro dapat na rin akong mag-paalam sa friendster ko. :)

    ReplyDelete
  15. mamimiss mo rin siya talaga...

    at darating ang oras, kahit ayaw mo, babalikan mo ulit siya

    ReplyDelete
  16. mahirap talagang magpart ways pero okay lang ganun talaga at nalipasan na siya ng panahon. LOL napaka creative mo talaga!

    ReplyDelete
  17. Hahaha!


    Wala na talaga akong FS... Hehe! Kakulay ng blog mo ang FS... Nice :)

    ReplyDelete
  18. hindi ko rin magagawang isara ang friendster account ko. marami rami na ring pictures dun. kaya binibisita ko na lang once a month.

    ReplyDelete