Tatlong linggo ko siyang hindi nakita.
Walang tawagan. Walang text. Hindi nagkakasama. Tatlong linggo pero para sa akin parang isang libong taon. Noon, hirap na hirap na ako iniisip ko lang na wala siya. Si Liz, ang girlfriend ko.
"Movie night, just like before. We have popcorn!" bungad ko.
"Yeah," sagot niya.
Umupo siya sa harap ng tv dala-dala ang popcorn at kumot. "Ano gusto mong panuorin?" tanong ko.
"Ikaw bahala. Surprise me."
Hmmm. Matagal kaming hindi nagkita. Dapat ang papanuorin namin eh espesyal. Sweet. Cheesy. Alam ko yun ang gusto niya. Ano bang dvd meron si ate? Pretty Woman. Pwede na siguro 'to.
"Julia Roberts?"
"Seriously, Dane? Manunuod tayo ng Julia Roberts? Kelan ka pa nagsimula manuod ng romantic movie?"
"Three weeks tayong hindi nagkita. I think tama lang na panuorin mo something you like."
Sinuklian niya ako ng ngiti. Isang matamis na ngiting tatlong linggo kong hindi nakita. Tumabi ako sa kanya. Magsisimula na ang movie.
Ipinatong ni Liz ang ulo niya sa balikat ko. Matagal niya ring hindi ginawa iyon. Matagal na rin pala kaming hindi nagmomovie night. Hinawakan ko ang kamay niya. Pinisil niya ito.
Tumingin si Liz sa akin. Hinaplos ang aking mukha. Pinalakad ang kanyang mga daliri sa aking pisngi. Ngumiti siya muli at inilapat ang kanyang labi sa akin.
Tatlong linggo kaming hindi nagkita. Hindi nag-usap. Naramdaman kong hinahanap niya rin ito. Ang tamis ng aming halik. Namiss ko kung paano ang feeling na dumadaan ang mga daliri ko sa mahaba niyang buhok. Ang maramdaman ang init ng kanyang katawan.
Hinalikan ko siya sa labi. Sa pisngi. Sa gilid leeg.
"Do you want to do this?" tanong ko.
"Uh-huh." bulong niya.
Tinanggal niya ang kanyang t-shirt. Pati ang akin. Muli kaming naghalikan. Nandun pa rin ang init. Namiss ko ang hugis ng kanyang katawan. Ang lambot ng kanyang labi. Ang kanyang dibdib. Namiss ko kung paano siya huminga sa aking tenga. Kung paano niya ako yakapin tuwing nagsasama kami. Namimiss ko siya.
"I love you." bulong ko.
Tinulak niya ako at bigla siyang tumayo.
"Liz. What happened?" tanong ko.
Nagmamadali siyang nagbihis.
"We can't do this Dane. This is a mistake. Wala na tayo. We shouldn't be doing this anymore. I'm going."
Lumakad siya, kinuha ang gamit, lumabas at sinara ang pinto.
Wala na ngang pag-asa.
Wala na kami.
Tatlong linggo na.
Base ako! Naks may ganung mga fiction! sigurado ka bang walang pinagkuhanan itong totoong buhay!heheh
ReplyDeleteIngat
Fiction nga ba ito?
ReplyDeletenako naman...
ReplyDeleteMORE! MORE!
hindi man lang hahabulin ni dane?
pakipot lang yun si Liz...
ahahaha!!!
tanong ko din yun.
SAN GALING 'to?
MERON BANG PANGGAGALINGAN?
haha!
NICE!!!
:p
fiction o true to life? baka naman tol true to life na ginawang fiction lang? para hindi obvious o ayaw lang aminin...haha
ReplyDeleteAwww.
ReplyDeleteNakakadala.
Nakaka-sad:(
pero all in all;
nakakalibog:D
lesson of the story - wag mag a-i love kung di na kayo. hayan tuloy.
ReplyDeletekasalanan ni julia roberts yan
ReplyDeletemay pinaghuhugutan ang kwento...
ReplyDeletenice one... more please :P
just in time for valentine's. :D
ReplyDeletemaelfatalis: valentine's post ko talaga yan... hehehe
ReplyDeleteklet mokong gege glentot drake: sana may pinaghuhugutan nga... wala naman... hehehe...
raft3r: dapat tatapusin ko yan, sisisihin ni dane si julia roberts... hahaha
lawstude: panira talaga ng diskarte yang 3 salita na yan...
kosa: nakakalibog talaga... hahaha
ang tindi ng ending! unexpected.
ReplyDeletebravo!
hahaha! basta ako, nag-eexpect ako ng date sa balemtayms, shet!
ReplyDeletehappy valentine's gill!
ang lungkot naman...
ReplyDeletefiction ba to o real life?
o base sa totoong experience? hehe
hapi love month! smile :]
God bless!
kathang isip na binase sa sariling experience. hehehe...
ReplyDeletekwento ka pa ng malulungkot na ending. nyahaha. galinh ng imahinasyon mo. pang-tv. :D
ReplyDeletehmmm, parang totoo...;)
ReplyDeletelike this,,,
ReplyDeleteabcdefghijklmnopqrstuvwxyz~