Feb 10, 2010

PAG IN LOVE ANG BLOGGER...

Dahil nalalapit na ang araw ng mga puso, magpapakabitter ako!!! Biro lang...

Medyo matagal tagal na rin ata mula nang huli akong magpost ng isang makesong post. Medyo matagal na rin kasing napanis yung keso sa katawan ko. Pero dahil panahon ngayon ng pagmamahalan, tama lang siguro na makibagay ako sa panahon.

Paano nga ba pag ang isang blogger ay in-love? Paano nga ba umibig ang isang blogger?

Obviously, tao rin lang naman tayo, so iba-iba yung magiging sagot dyan.
  • Ang blogger pag nainlove, medyo nawawala or nagiging less active sa kanyang pagsusulat.
  • Kung aktibo naman siya, puros kakesohan naman ang mababasa mo, yung tipong nakakasuka o nakakaumay na.
  • Kung ang blogger inlove, wala kang mababasang post sa blog nila, except kung may naging matindi silang pinag-awayan ng syota niya.
  • Ang blogger ang palaging kawawa, kasi side lang nila ang mababasa natin. So kahit sila yung nanloko sa syota nila kaya sila iniwan, pagdating sa blog nila, sila pa din ang bida.
  • Unless blogger din ang syota niya, na aawayin ito at tatawaging sinungaling.
  • Pwede rin naman na pareho silang mananahimik, na parang walang nangyari.
  • Makakabasa ka ng maraming tula, love letter at kung anu-anong ka pacute-an sa blog nila.
  • Meron OA magreact nang magkasyota, parang sa tanang buhay niya, ngayon lang may pumatol sa kanya.
  • Meron cool lang. Chill lang. Parang pangkaraniwan.
  • May mayabang. Tipong 'in your face, may syota ako, kayo wala!!!'
  • Meron ding kwento ng kwento tungkol sa syota niya. Sa blog niya. Sa plurk, twitter, facebook, kahit sa mga comments niya sa ibang blog syota niya pa rin topic niya.

Di ko alam... kung accurate ba yan. Di naman madami kilala kong in a relationship. Puros single lang...

Ano sa tingin niyo, paano ba pag ang isang blogger ay in love?

31 comments:

  1. tama ka.. ang isang blogger, pag inlove ay biglang naglalaho sa blogworld.. magpaparamdam lang yan muli kung magkaaway sila at may kailangang i-vent out sa blog nya... hehe!

    ReplyDelete
  2. minsan din pag-inlove ang blogger.. inlove na inlove at punong puno ng pag-ibig ang mga posts nya...inspired magblog...haha

    ReplyDelete
  3. pag inlab ang blogger.....

    puro love songs or video ang nakapost.... at pastel ang kulay ng theme...

    nyahahaha

    ReplyDelete
  4. Hindi pa nga ako inlove sinusulat ko na yung ummmm... Person of interest ko eh.

    ReplyDelete
  5. blow-by-blow accounts ng dates/conversations nila. hehe.

    ReplyDelete
  6. hmmm never pa ko ata nag post bout sa lovelife ko.. hehe

    ReplyDelete
  7. Eh pano yan, wala pa medyo ganun na ako? Deranged ba? Hehe.

    But seriously, most of what you've listed are apparent in some of the blogs I've read whose authors are in deep romantic modes. Parang emo lang yan, except a lot more lucid than livid. How very observant of you.

    ReplyDelete
  8. since nasubaybayan ng lahat ang loveteam ko dati, kelangan ko din tuloy i-announce sa lahat na hiwalay na kami.

    btw, gastos ko sa sagada P5,025 all in! mejo mahal kasi solo eh.

    ReplyDelete
  9. hmmn.. sa tingin ko ganyan ka pag inlove..=>

    ReplyDelete
  10. May kakilala akong ganyang blogger na sobrang di makaget over sa fact na may syota nya kaya I stopped going to his blog.

    ReplyDelete
  11. hehehe.. been there done that

    --

    in fairness ang galing mo mag-observed

    ReplyDelete
  12. nasabi mo na lahat parekoy.... :D

    ReplyDelete
  13. pag in-love... makulay.... makeso.... corny nyahahha

    ReplyDelete
  14. Kailangan mo ba talagang ISA isahin? Lols
    pero ayus na ayus!!!

    ReplyDelete
  15. aray ko naman parang ung iba totoo

    ReplyDelete
  16. meron ding nagbabakasakaling mababasa ang anumang panaghoy na di kayang sabihin sa minamahal...

    teka... parang may nabasa ako ng ganun dito sa blog nato mismo...

    ReplyDelete
  17. ow. pero parang mas madami atang nagboblog aboout kasawian kesa sa pagka-inlove pa sila. hmm, dahil dyan, tama ka sa sinabi mong bigla silang naglalaho yas babalik nalang pagkabreak na. hahaha. tas puro bitterness na ang posts, which i find normal naman. owel. spread the love. :)

    ReplyDelete
  18. Pag ang blogger ay inlove gagawa sya ng post na "Pag in Love ang Blogger" Lol.Joke lang

    ingat

    ReplyDelete
  19. Haha natawa akoh sa komentz ni kuya drake eh kaw pala inlab kuya gilbert lolz. Yeah kinda agree sa mga sinabi moh. Madalas puro kakesohan nd yeah poem sometimes. Later. Godbless.

    ReplyDelete
  20. pag inlove ang blogger, gumagana ang mga creative juices nya.
    inspiration kasi yun...kahit na-busted o nag-break pa. hehe

    God bless!

    ReplyDelete
  21. gillboard,

    Paano kung hindi in love ang blogger? Inoobserbahan na lang niya ang mga bloggers na in love? =)

    Kane

    ReplyDelete
  22. Parang ako. haha. Pero try ko pa rin magsulat.

    Happy Valentines!

    ReplyDelete
  23. masaya kayang magkasyota na blogger?
    =P

    ReplyDelete
  24. sa paraan ng pagkakasulat...parang inlab si gillboard! nyahaha

    ReplyDelete
  25. mulong: hindi inlab si gillboard!!! sawi... sawing-sawi... hahaha

    raft3r: di masyado... trust me... konti lang... hehehe

    kane: pwede... ganun ginagawa ko... hahaha

    redthemod: sobra naman... deranged talaga!!!

    ReplyDelete
  26. speaking from a newly-attached blogger's point of view:

    Yes - mejo dumalang ang pag-update, ang dating 1-2 entries a day ay naging once a week or worse, 5 entries in a month.

    Yes - sobrang keso. maski ako mismo tumatayo ang balahibo at nasusuka sa sarili ko.

    No ako dun sa 3rd statement mo. May iba pa naman akong topics aside from my lovelife. Yun yata ang ikinaiba ko dito. Hehehehe. :)

    Anyway, nice post and most of them appear true. :)

    ReplyDelete
  27. nagiging malala lang pag nagaaway. kung minsan damay pati yung buong blog.

    ReplyDelete
  28. ''Ang blogger pag nainlove, medyo nawawala or nagiging less active sa kanyang pagsusulat.''

    Woy, hindi totoo yan! Eh di sana hindi pa ko babalik para magsulat ng kakesohan sa blog ko lalo na ngayong araw ng mga puso! OA neto.. lolz

    Haha, natawa lang ako, natamaan ako sa pagiging less active sa blog eh.. Busy lang ba.. (defensive)

    ReplyDelete
  29. pano naman pag di inlove? :P

    kung hei fat choi, gilbert!!!

    ReplyDelete