Feb 17, 2010

FACEBOOK FRIEND

Halos buong araw akong nasa harap ng computer at nangangapitbahay sa world wide web. Medyo pagod na ang mga mata ko, at sawa na sa kakabasa ng mga blog. Internet sa trabaho, hanggang sa bahay yun pa rin ang gawain ko. Medyo nakakasawa na.

Log-out na sana ako nang makakuha ako ng isang mensahe sa facebook IM mula sa isang kaibigang matagal ko nang hindi nakikita at nakakausap.

JARED DOMINGO: Musta bro?
ME: Hey... I'm good... Ikaw? Been awhile.
JD: Oo nga. Ayos nako. I'm doing better.
ME: ok... kailan ba tayo huli nagkita, after college graduation?
JD: yata. that was around six-seven years ago.
ME: 03...
ME: ang tagal na nga nun...
ME: kayo pa rin ba ni Elise?
JD: matagal na kaming wala nun. two years ago.
ME: ah talaga... sayang naman... tagal niyo rin diba, halos ten years din kayo nun... ano nangyari.
JD: wala siyang magiging future sakin. lalo lang siyang masasaktan if we continue with the relationsip.
ME: huh? diba ang ganda ng trabaho mo. balita ko six figures sweldo mo...
JD: i'm not talking financially... :(
ME: ganun? sayang naman.
JD: ganun talaga. we just have to move on.
ME: you seeing anyone now?
JD: (rofl) di muna. not in a long while siguro. ;)
ME: bakit naman?
JD: basta.
ME: okay.
JD: sige bro, gtg. tinatawag na ako sa taas.
JD: you take care always, ayt?
JD: we'll see each other again one day, ok?
ME: sige bro... ingat ka din.
JD: is offline.

Namiss ko si Jared. Lahat ng kalokohan namin noong nasa high school pa kami. Lahat ng pambababae, kagaguhan sa jeep. Yung pinagtitripan namin na chick sa Minute Burger. Lahat ng yun nanariwa sa alaala ko.

Si Jared yung best friend ko noong high school. Yung tipong parang kapatid mo na. Hindi kami mapaghiwalay. Kulang na lang isilang kami ng isang ina. Pero gaya ng karamihan ng naging kaibigan kong nahiwalay sa akin, dumalang kaming magkita. Nagkaroon ng ibang barkada, hanggang sa tuluyan nang mawalan ng komunikasyon sa isa't isa.

Kung di nga lang kami naging magkaibigan sa facebook, baka tuluyan talaga akong mawalan ng balita sa kanya.

Bago ko maisipang mag logout, naisip kong bisitahin ang profile niya.

Pinagpawisan ako sa mga nakita kong mensahe ng mga kaibigan at pamilya niya sa kanya...

THERESE DOMINGO: Jared, I hope you're happy now where ever you are. I miss you so much my brother.
ELISE PASCUAL: Jared, I Love You so much. I pray for you everyday. You'll always be in my heart. I'm just happy that your fight with cancer is over. You won't feel pain any longer.
JP DOMINGO: I love you Tito Jared. I know you're with Lolo Jose, Tita Mina and Papa Jesus na. Lagi niyo kami iguide ha.
THERESE DOMINGO: To all of Jared's friends who went to the wake and burial yesterday, thank you very much for making us feel he was loved. Thank you for the prayers. I'm sure Jared knows this kung nasaan man siya ngayon.

Nanlamig ako...

*******************
Pasensya na kung pabago-bago ang look ng blog ko ngayon... wala akong masyadong ginagawa sa opisina ngayong linggo kundi tumunganga kaya pati yung hitsura ng blog ko, pinatulan ko na...
Naaaliw lang mag eksperimento ng look, ngayon ko lang kasi to pinatulan kaya ayun... mababaw lang kasi ako... hehehe...

Pero parang nauubusan na ako ng nababasang mga blog pati yung Top 100 Most Handsome Pinoy Bloggers, pinatulan ko... Hay... Bored bored bored...

I LOVE MY JOB!!!

31 comments:

  1. Kinilabutan ako Pota! fact or fiction?!

    ReplyDelete
  2. Gagu ka Gillboard! Nyahaha totoo ba ito?! Buti na lang laging akong naka-offline sa Facebook Chat. Pero mas nakakatakot siguro kung meron pa ding mag message sa 'kin kahit naka-offline ako. Hahaha. :)

    ReplyDelete
  3. ano tooooo!natakot ako bigla!

    at namumula ang bahay mo ngayon a!nice hehe

    ReplyDelete
  4. For realz??? Nakaka-GOOSEBUMPS sa betlog naman ang kwentong ito...

    ReplyDelete
  5. una sa lahat, CHEERS FOR THE NEW LAYOUT! Bloody red! Ü

    2nd, leche ka, nanlamig ako sa ending.

    ReplyDelete
  6. alam kong pedeng managyari ito but nagmumura ang salitang FICTION sa ibaba ng post. nyeta ka gilbert, ito ang unang binasa ko today!!! hayup!

    ReplyDelete
  7. hahaha Fiction na naman..
    bagong mukha ang template ah... kakapanibago

    ReplyDelete
  8. ang galing mo talagang gumawa ng story parekoy... bilib ako!!! akala ko totoo talaga... kakalilabot! noong nabasa ko ang labels... FICTION pala! :D

    ReplyDelete
  9. buti na lang at tanghaling tapat ko binasa 'to. kinilabutan ako. pero slight lang =D

    ReplyDelete
  10. Nice story! Ipagpatuloy mo lang ang pagsusulat dahil mukhangn may future ka dun bro!

    Ingat

    ReplyDelete
  11. hehehe! buti na lang tumingin ako kung ano ang label nito...

    maganda ang pagkakagawa... pagkatapos ng valentine"s e halloween na kaagad??

    nice layout... bloody red... sugatan ang iyong puso? LOL

    ReplyDelete
  12. kinilabutan ako.totoo ba to o gingoyo mo lang kami? tumayo lahat ng balahibo ko. pucha!

    ReplyDelete
  13. fiction pala to. kapangalan pa ni red ang character mo. yup!

    ReplyDelete
  14. hindi nga?
    nakakakilabot.
    dalang dala akooooo.

    fiction?

    ReplyDelete
  15. putik. tinakot mo ako. totoo ba yan?

    ReplyDelete
  16. gusto ko yung mga ganitong kwento. exciting haha!

    ganda ng new layout. maintain mo na muna itong green. malamig sa mata

    8)

    ReplyDelete
  17. first...abah! new lay-out! ahlike it.. kc readable syah... pero ahmiss d' old lay-out moh... kc parang itz more like u... nasanay lang siguro... galing naman nang kuwento moh.. in fairness medyo kinilabutan akoh... nang slight... pero teka... real story bah or fiction?... so yeah... eniweiz... dumalaw.. and abah! sosi.. dmeng followers oh.... ingatz lagi kuyah.. Godbless! -di

    ReplyDelete
  18. hehe. akala ko nga totoo to eh. buti na nga lang din at nakita ko ang Labels sa baba.

    pero i must say, medyo ok yung estorya ha. hehe.

    nice blog.

    ReplyDelete
  19. anak ng pechay! akala ko totoo na... scary 'to pare kung nagkataon...

    btw, thanks sa pagvisit sa munti kong blog.

    ReplyDelete
  20. teka..
    parang nagbago na naman...
    nuon ayaw mong baguhin...
    ngayon naman...
    bago ng bago... nga ba?
    kasi parang red to dati...
    o panaginip ko lang yun...
    anyway... change is good...
    maninibago lang sa una... kasi bago...
    (green=ilagay ko na nga baka bukas iba na naman akalain ko na naman na imagination ko lang.. mabuti ng sigurado)

    ReplyDelete
  21. parang yung nangyari sakin dati... kwento-kwento ako tungkol dun sa guy na nakatira malapit sa biz ng kapatid ko na i saw him na nasa kabilang kalye at pinansin pa nya ako (like he usually do) a week ago... then nagtataka siya and told me na di pwede yun dahil ilang weeks nang patay yung guy na yun. nyahay! (kaya siguro nasa kabilang kalye sya ..which is weird..di siya ganun)

    another naman is when a friend of mine told me na one of our school mate said na nakita daw nya yung friend namin sa Uste but that time, nakaburol na yun friend namin na yun. *goose bumps*

    ReplyDelete
  22. buti na lang walang "awooooo!" sa dulo.

    ayos ka talaga sa fiction, yan ang hirap akong isulat. great imagination. sana ganyan din ako, kaso ayoko ng horror stories, tatakutin ko lang sarili ko.hehe.

    uu nga bagong look. ok lang yan keep your page moving.

    good day gillboard! :)

    ReplyDelete
  23. wow ibang klase ka talaga, nalala ko tuloy yung pinanoodd namin na nakakatakot kagabi LOL

    ReplyDelete
  24. Scary naman.. pero nice sya galinggaling naman. sana makaexperience ako nyan.. :D

    ReplyDelete
  25. nyahaha
    sinabi na nga ba, eh

    btw, astig yun new look
    green na green
    hehe

    ReplyDelete
  26. padaan po sa bahay mu! nice site! :-)

    ReplyDelete
  27. king ina..kinalibutan ako gil

    ReplyDelete
  28. hayup. kaya nga di ako bumisita ng ilang buwan kasi nadenggoy ako hahahaha, eto at pabalikbalik nadedenggoy pa rin hayup!

    ReplyDelete