Feb 27, 2010

FILM REVIEW: MISS YOU LIKE CRAZY

Okay, saan ko ba sisimulan tong post na 'to?

Di ko na sasabihin kung gaano kajologs ako dahil nanunuod ako ng mga ganitong pelikula. Marahil alam na ninyong lahat yan. Fan ako ng tambalang John Lloyd - Bea lalo na dun sa One More Chance. Ang ganda ng movie na yun. Napaka-mature. Napakarelatable. Ang galing.

Tatlong taon after na ipalabas nung pelikulang yun, nagbabalik ang tambalang minahal ng Pilipinas sa I Miss You Like Crazy. How did they fair this time?

Bago ko panuorin to marami akong nabasang magagandang reviews dito, kaya medyo naexcite akong panuorin siya.

Unahin natin ang mga nagustuhan ko..

Ang pinakagusto ko sa pelikulang ito eh ang paulit-ulit na pagbanggit ng pelikula sa araw ng kaarawan ko. Masyadong malaki ang role ng February 24 sa kwento. At dahil dyan, pahiyang pahiya ako sa loob ng sinehan, dahil lahat ng kasama ko yan lang ang bukang-bibig. Kaya daw ito ang gusto kong panuorin kasi yun yung birthday ko. Halos lahat ata ng nasa paligid namin alam na ang araw ng birthday ko. Parang adik lang.

Isa pa, syempre iba talaga ang chemistry nina John Lloyd at Bea. May kilig. May kulit na tamang tama ang timpla. Salamat sa Cinema One at napanuod ko lahat ng pelikula nilang dalawa. At masasabi kong ang dami mang pagbabago dun sa dalawang artista. Mas mature na sila. Mas mahuhusay na, pero ang chemistry nila, hindi nagbabago. Bagay sa kanila na nagbibitiw ng mga linyang malalalim. Bow ako sa kanila.

At ang panghuli, ang ganda ng setting. Mula sa bahay ni John Lloyd sa tabi ng ilog, hanggang sa iba't ibang lugar sa Manila at Malaysia. Gusto ko tuloy pumunta ng Malaysia.

Unfortunately, yun lang yung nakita ko na maganda dun sa pelikula.

Siguro mataas lang masyado yung expectations ko dahil nga sobrang naging paborito ko yung One More Chance, pero feeling ko nagstep backward dito sa pelikulang to yung tambalan nila. Oo mature yung theme ng pelikula. Tungkol sa mga kabit. Sa pag-ibig sa maling panahon. Pero hindi ko gusto yung theme nila ng destiny.

Oo, aaminin ko keso ako, pero OA at hindi kapani-paniwala yung mga naging dahilan sa katapusan ng pelikula. Medyo off para sakin. Pilit. Hindi realistic.

Si Bea hindi bagay na makulit na character. Naaalala ko Betty La Fea. Mukha siyang retarded dun. Medyo ganun yung character niya sa umpisa. Nung may kilig-kiligan pa. Hindi ko siya gusto dun. Para siyang may sayad. Ang panget. Although bumawi naman siya sa dulo, pero medyo di ko siya nagustuhan sa umpisa.

May kilig ang pelikula, pero karamihan nun para sakin ay pilit. Maraming over the top. Maraming sablay. Nanuod ako nito sa Glorietta 4, kumpara sa Greenbelt 5 (kung san namin pinanuod last year ang You Changed My Life) medyo mas may masa sa G4. Pero ang napansin ko, mas maraming nag-enjoy sa YCML (hirap magtype). Mas nag-enjoy yung mga nanuod kay JL at Sarah. Mas maingay noon. Mas masarap kiligin.

Feeling ko di na bagay sa kanilang dalawa yung mga ganung storya. Siguro kung hindi siya happy ending, mas nagustuhan ko siya.

Nakakadistract din yung man-boobs ni John Lloyd.

Siguro hindi lang ako yung target market ng movie kaya hindi ko siya masyadong naappreciate.

RATING: 7 out of 10.

17 comments:

  1. hahaha manboobs!
    Pero okay naman daw yung movie.. plano din namin panoorin yan!
    At dahil dyan jologs din kami!

    ReplyDelete
  2. dahil dyan,
    belated happy birthday ulit! lols

    napanood ko rin yung sarah JLD na YCML.. pangbaget. lols
    so, ito naman, pangmedyo masbata?! o pangmatanda?
    Jologs ba talaga ang mga nanonood ng local film?hahaha

    ReplyDelete
  3. panunuorin q yan d2! prmise! ;)

    ReplyDelete
  4. maghihintay na lang ako sa Cinema One o kaya hihintayin ko ang nanay ko na maatat manood at ilibre na lang ulit ako hehehhe...

    ReplyDelete
  5. i swear feeling ko natanggalan ng trabaho kung sino mang shunga yang nagbihis kay John Lloyd sa pelikulang yan.... nakakaloka ang man-boobs niya.... very distracting indeed...

    basta nagustuhan ko yung character ni Bea when it comes to the kabit factor.... kahit sino pwedeng maka-relate.... :)

    nag-iipon na nga ako ng mga bato eh.... at bibili ako madaming marker...hihihi

    ReplyDelete
  6. i agree! sobrang unrealistic lalo na yung rock element. kaloka. owel, buti nalang may mga panalong lines.

    "time is meaningless when you're inlove..."

    "iisa lang ang puso mo, kaya dapat isa lang ang laman nito...."

    :p

    ReplyDelete
  7. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  8. for me the only reason why most people do not like the movie because of the comparison to One more chance.

    but if we look at the movie alone,without comparison, the movie really is a good one, far from what a tagalog movie normally is.

    the movie may seem unrealistic, but what is impossible as far as love is concern? hehehe!

    ReplyDelete
  9. malamang papanoorin ko ito... sa Cinema one hehe

    ReplyDelete
  10. yan nag gusto ko, honest magreview.

    way to go Gibo! Ü

    ReplyDelete
  11. haha.. at talagang may man-boobs si john lloyd?

    di ako mahilig sa pinoy love movies...
    kanya-kanyang taste lang siguro yan sa pelikula.
    pero masarap manood ng mga movie na ganito kung may kasama ka, diba? hehe
    :)

    ReplyDelete
  12. sorry, ha
    hindi talaga ako mahilig sa pelikula ng star cinema

    ReplyDelete
  13. Hehehe may cheesy side ka pala ah

    ReplyDelete
  14. gusto ko rin tong panuorin at gagawa rin siguro ako ng sarili kong review..hehehe gaya gaya ako eh..

    ReplyDelete
  15. @bunwich: i agree with you, the movie is good in itself. ang pangit naman kung pareho pareho ang theme diba. this is something new that we need to embrace if we want a development in the film industry. bubuhayin ng mga kilig at pambatang movies ang producer, pero hindi ang pagkatao ng manonood. watch it on the big screen para hindi lang puro sa patawa nyo gagamitin and pera, magamit din sa art appreciation.ü

    ReplyDelete
  16. there are sleepy moments.. diko nagustuhan.. :)

    isang scene lang tumatak sakin ung ala Gollum aka 'my precious' voice ni maricar reyes.. hehe

    "You're breaking up with me.." haha

    ReplyDelete