Jan 28, 2010

TANONG SA MGA BABAE

Maaaring iilang taon palang nang tuluyan akong matutong makisalamuha sa mga babae araw-araw, pero sa mga panahong iyon (mula nang grumaduate ako sa kolehiyo noong 2003) marami akong napansin tungkol sa kanila.

Kaya naisip kong isulat ito, para tanungin ang mga babae, kung bakit sila ganun.
  • Bakit sa bus, kahit nasa likod kayo at walang nakakarinig sa inyo, imbis na lumapit kayo para pumara ay tatayo lang kayo sa upuan tapos sisigaw ng para? Tapos magagalit kayo sa driver at kunduktor kung lumampas kayo sa bababaan ninyo.
  • Bakit kapag may kinuwento ako sa inyong kakaiba ngayon, bukas makalawa yung best friend ninyo iba na ang tingin at tawag sa akin?
  • Bakit merong iba sa inyo, na ang hilig hilig sumiksik sa masikip? Kahit may ibang lugar na pwede niyong upuan na maluwag.
  • Bakit hindi kayo makuntento sa maikling sagot? Bakit kailangan lahat ng sagot sa tanong ninyo, kailangan mahaba ang sagot?
  • Bakit masyado kayo pademure? Kahit na alam naman naming lahat na meron kayong itinatagong libog!!!
  • Bakit ang hilig ninyong makipagkumpitensya sa aming mga lalake, pero napipikon kayo pag natatalo namin kayo?
  • Bakit kayo pikon?

Hindi ako naiinis, o naaasar sa ilang ugaling nasa taas ng mga babae, nagtataka lang ako.

Sana may sumagot sa mga tanong ko...

PS:

Dahil yata sa mg tanong na ito, kaya wala akong girlfriend!!!

25 comments:

  1. Masyado yatang napaka-chauvinist ng observations mo pare.

    ReplyDelete
  2. Ang sagot, dahil may pepe sila. At alam nilang iyon ang habol ng mga lalake wahahahaha kinuha ko yang sagot ko sa WIKIPEDIA!

    ReplyDelete
  3. At dahil diyan Gillboard, bumaba ang popularity rating mo sa mga babae ng +2 points. Nyahahahaha joke. :)

    ReplyDelete
  4. Hahahah...
    wala pang pinanganak na lalaking nakakaintindi sa babae...

    WALA PA!!!!!

    kaya malamang sa malamang...
    hindi ko rin alam ang sagot kung bakit ganyan kami :))

    ReplyDelete
  5. dahil mula bata, iba ang pagpapalaki sa babae at lalaki.

    ang lalaki kung minsan, tinginan lang nagkakapatayan na. ang mga babae, uuriratin muna bawat kilos at salita bago magdeklara ng world war. pero pinadaan ka na muna sa impyerno sa dami ng tanong.

    generalities ang mga isinulat ko sa itaas. ang pinakatamang sagot tingin ko ay ito: magkaiba ang papel natin kaya iba ang personalidad natin. kung pare-pareho tayo, ang boring ng mundo. :)

    ReplyDelete
  6. madali lang sagot sa tanong mo. :)

    KAYA GANUN KASI BABAE KAMI. :)

    seriously, di ko din alam kung bakit. hahaha. kasi di ako pikon gaya ng nabanggit mo sa post mo. di ako mahilig sumiksik kasi ayoko din nung uncomfortable feeling. pagpumapara naman ako usually nasa unahan nako kasi alam kong di ako maririnig pag nasa dulo ako. in short, di ako belong sa klase ng babae na nakalagay dyan kaya di ko din masagot. sa wari ko, baka kasi di ako babae. nagpapanggap lang ata ako. hahaha.

    ay mali, guilty pala ako dun sa isa, yung mahabang sagot. ako kasi i always want an explanation. syempre pag kailangan lang naman. not at all times.

    anyways, mukhang post na ata tong comment ko eh. hahaha. yun lang. :)

    ReplyDelete
  7. buti na lang bakla ako, di ako required sagutin yung mga tanong. hahaha. peo may pagkaSexist nga some of ur observations. hehehe...

    ReplyDelete
  8. I also want to know the answers to questions 4, 6 and 7.

    ReplyDelete
  9. natanong ko na din ang ilan dyan nuon...
    at wala akong nakuhang sagot...
    isipin mo na lang kung anu ang isasagot ng taong kailangan lahat ng sagot sa tanong kailangan mahaba...
    exactly...
    ang gulo...

    ReplyDelete
  10. Kaya ganun sila ay dahil....... BABAE sila (hahah, lalim ng sagot pero walang kwenta rin)

    Eh nature na nila siguro yun!Pero sa lahat ng sinabi mo gustong gusto ko yun siksik ng siksik sa iyo kahit maluwag ang dyip!hehhe (wag lang mandurukot yung babae!hehe)

    Ingat

    ReplyDelete
  11. isang bagay na maari mong hindi maintindihan, as of now. siguro kung hindi mo na siya napapansin at bibigyan ng too much attention, baka dun mo malaman ang sagot.

    inshort, ikaw lang ang gumagawa ng sarili mong issue. hehehe!

    ReplyDelete
  12. *eh gago ka ba papalapitin mo kami sa drayber habang umaandar ang bus eh di nasalubsub kami.
    *buti nga pinaaksayahan ka pa ng panahon na pagisipan.
    *dahil kapag lalake ang sumiksik sa kapwa nya lalake bading sya..sumiksik ka rin.
    *dahil nagiisip kami di katulad nyo na pati pagiisip kinatatamaran
    *kasi di kami aso katulad nyo
    *di kami nakikipagkumpitensya namumuhay lang kami ayon sa gusto namen katulad nyo.
    *mas pikon ka nagawa mo nga isulat to eh..

    tama nga di ka naiinis bka may regla ka lang..harharhar..
    kaya wala kang girlfriend kasi busy busy ka sa paghahanap ng mga kamalian ng mga babae..subukan mo kayang wag makipagtaasan ng ihi sa amen at magchill ka lng..baka namn teddy bear ang gusto mo..

    ReplyDelete
  13. magtaka ka kung lalake pero gnun kung umasta hahaha...

    ReplyDelete
  14. Bakit sa bus, kahit nasa likod kayo at walang nakakarinig sa inyo, imbis na lumapit kayo para pumara ay tatayo lang kayo sa upuan tapos sisigaw ng para? Tapos magagalit kayo sa driver at kunduktor kung lumampas kayo sa bababaan ninyo.

    - Ang ginagawa ko kasi pag malapit na ako sisigawan ko yung konduktor na bababa na ako sa kanto. Ang hirap naman kasi sumigaw ng para sa bus kasi nga kadalasan hindi naman naririnig. Usually naman sumisigaw yung konduktor at nagtatanong kung may bababa sa babaan.

    Bakit kapag may kinuwento ako sa inyong kakaiba ngayon, bukas makalawa yung best friend ninyo iba na ang tingin at tawag sa akin?

    - Mahilig kasi kami makipagkwentuhan e. Hindi siguro problema ng nagkwento yun, kundi yung napagkwentuhan kasi may iniisip na siyang masama sa iyo. Yung friend ko na girl may naikwentong something juicy sa amin about his boyfriend pero pag nakikita o nakakasama ko anamn yung boyfriend niya NR lang ako.

    Bakit merong iba sa inyo, na ang hilig hilig sumiksik sa masikip? Kahit may ibang lugar na pwede niyong upuan na maluwag.

    -Dito hindi rin ako nakakarelate. Saang siksikan ba ito? Sa MRT ba ito? Hmm.. Mahilig lang siguro ang karamihan ng girls sa kumpulan. Ako kasi mas ok ako na lumalakad mag-isa. Sa MRT okay na akong nakatayo lang.

    Bakit hindi kayo makuntento sa maikling sagot? Bakit kailangan lahat ng sagot sa tanong ninyo, kailangan mahaba ang sagot?

    - masarap mag-elaborate. Parang ang ginagawa ko ngayon. Laging may why na kasunod ang bawat tanong, Nakakainggit nga minsan ang mga boys kasi natatapos ang usapan sa simpleng yes or no converstaions lang.

    Bakit masyado kayo pademure? Kahit na alam naman naming lahat na meron kayong itinatagong libog!!!

    -Oops. Not applicable ata sa akin to. Kasi hindi ako pademure and you can talk sex to me anytime anywhere.

    Bakit ang hilig ninyong makipagkumpitensya sa aming mga lalake, pero napipikon kayo pag natatalo namin kayo?

    -Siguro kasi we are just trying to make a stand. Alam naman ng lahat na laging nakikita ang mga girls as the weaker sex na hindi naman dapat. I am prod to say that we are starting to be competitive.

    Bakit kayo pikon?

    -Pikon? Babae lang ba ang napipikon? 0.o

    ReplyDelete
  15. TRUE, it's because we're women.
    if we're not, we're probably going to the other side..

    pero ako, honestly, di ako nakikipagsiksikan, ayoko din ng masyadong nakadikit, pero pag walang choice, ayun, siksik...
    pikon ako, oo, pero di ako nakikipagkumpetensya with the guys.

    babae ako, pero di ung uber feminine, haha! so, probably, I can't answer much din your inquiries. but this post also got me thinking..hehe.

    naku, haba na reply ko.

    ReplyDelete
  16. ang malas mo naman! ganitong klase ng babae ang mga nakasalamuha mo.

    ReplyDelete
  17. siguro ibang brand lang ng babae yung mga nakikita mo LOL sa lahat ba ganiyan? hala, mukang tanong lang yung binalek ko sayo ah.

    ReplyDelete
  18. tingin ko babae ako kaya makikisagot ako... yun sagot ko ay di dahil lang sa babae nga kami kundi dahil sa yun ang naging NORM o socially acceptable para sa isang babae...

    SA BUS - depende yan sa sitwasyon eh. Sa kamaynilaan ang bus parang nakikipaghabulan kay kamatayan. Wa poise kung gegewang gewang ang bus tapos pipiliting lumapit para pumara... masusubsob lang ang babae. nakakahiya pa.


    SA KWENTO - Malamang di kagandahan ang kwento mo at di kanais-nais. O maaaring nai-share lang ang kwento mo sa kaibigan at syempre, di natin hawak ang isip ng ibang tao. Isang factor kung bakit nagkakaroon ng misunderstanding o kaguluhan sa mundo ay dahil sa "distortion of information."


    SIKSIK SA MASIKIP - kung di masikip, di na siksik yun heheheh joke. Maaaring nagkakataon lang na dun napapatapat. Kung sa LRT, may kanya-kanyang dahilan yun.


    MAIKLING SAGOT - Ang babae kasi ay nais na maging sigurado sa kasagutan ng mga lalake. Kumbaga sa information, mahirap mag-judge na lang basta kung kulang pa ang data. Pag naman inaway kayo sa maikling sagot, magagalit din kayo. pano di naman kasi sapat yung sagot sa tanong.



    PADEMURE - tulad ng una ko nang naisulat dito na parang naging blog ko na din, yun ang nakasanayan na ng babae. yun ang pagpapalaki sa babae. kung ang babae ay ipinanganak at itinuro ang siya ay tulad lang ng mga kalalakihan, malamang lahat ng babae ay parang tibo. kung sa libog naman, sigurado ako, pag ang babae naging masyadong open sa pagiging malibog, tingin ko siya din ang kawawa... sino ba ang nasisira ang hymen, sino ba ang nagbubuntis, sino ba ang nanganganak, sino ba ang nasasaktan? di ba ang babae? kung di magpapademure ang babae, lamog na yan.


    KUMPITENSYA - ang babae, tulad ng lalake, may ego din yan. may pride and kaibahan lang, mas egocentric ang mga lalake at mas ma-pride (pwera sa mga nanliligaw o nanunuyo dahil kailangan nilang kainin ang pride nila para mapatawad o masagot ng nililigawan), For sure din, ang lalake ang mas madalas mapikon sa kumpitensya. basketball nga lang di ba nagkakasakitan na...


    PIKON - tulad sa kumpitensya, at tulad ng babae, napipikon din ang lalake.


    di naman dahil sa mga tanong mo ay wala kang gf... malamang di pa ngayon ang time mo (ay di mo na pala yan tanong heheheheh)

    yun lang po.

    ReplyDelete
  19. the things we hate most about women are the same things we absolutely love about them, too
    weird, ano
    hehe

    ReplyDelete
  20. Hehe. Nakakatuwa naman yung observations mo.

    Babae ako, pero I have to agree with most of what you said. Yun nga lang, hindi ko masasagot yung mga tanong mo kasi maski ako, di ko din alam kung baket ginagawa "nila" yun. "Nila" kasi...

    1. Hindi ako umuupo sa likod ng bus. Gusto ko sa harap ako para madaling bumaba. LOL.
    2. Hindi ako masyadong makwento tungkol sa buhay ng ibang tao. Buhay ko, pwede pa. Haha!
    3. Ayoko sa lugar na masikip. Naiirita ako pag may sumisiksik sa 'kin lalo na't maluwag naman.
    4. Mas gusto ko yung direct to the point na mga sagot. Naiinip ako pag mahaba. Haha!
    5. Pag sinabi kong demure ako, tatawagin akong sinungaling ng mga kaibigan kong lalake. LOL.
    6. Ayon sa asawa ko, di naman ako pikon...

    So yun. Sa haba ng "comment" ko, wala akong naibigay na sagot sa mga tanong mo... Baka lalake ako. *gasp* Wag nyong sabihin sa asawa ko... Hehe.

    ReplyDelete