Dec 9, 2009

MGA KWENTO

Lia: Do you remember when you realized that you're in love with me?
Ralph: Oo naman. How could I forget, eh ang drama mo nung araw na yun. Naaalala ko pa yung sinabi mo sakin nun.
Lia: Talaga lang ha.
Ralph: Yup. Sabi mo, "Ralph, nahihirapan nako satin. We've been friends for so long, and ang hirap sakin tanggapin na kahit kailan di mo ako kaya mahalin!"
Lia: OA, di ako ganyan kadrama!!
Ralph: Nakita ko nun sa mukha mo na talagang nasasaktan ka. Sabi ko sa sarili ko, shit di ko kayang saktan si Lia. One week mo akong di kinausap after nung nangyari.
Lia: It was really difficult for me back then.
Ralph: Bumawi naman ako diba?
Lia: Yeah. Ginulo mo yung office namin nung nagpadala ka ng maraming maraming flowers just to say you're sorry.
Ralph: And I love you.
Lia: And you love me.

*************************
Aurora: Nangako siya na maghihintay siya.
Miguel: At tinupad ko naman yon.
Aurora: Ayaw kay Miguel ng mga magulang ko noon. Naipangako ako sa ibang lalake at sa kanya ako nagpakasal.
Miguel: Pinangako ko kay Aurora noon, bago siya dalhin ng asawa niya sa Amerika, na kahit gaano katagal, hihintayin kong bumalik siya sa akin.
Aurora: 33 taon na kaming kasal ni Enrico nang kunin na siya sa akin. Malungkot sa Amerika, kaya matapos ang napakahabang panahon ay naisip kong umuwi ng Pilipinas.
Miguel: Ni minsan hindi ko naisip humanap ng iba, dahil alam kong kay Aurora lang ang puso ko. At kahit wala na akong balita sa kanya, naghintay ako. Sa puso ko alam kong babalik siya.
Aurora: Pagbalik ko ng Pilipinas, naikwento sa akin na si Miguel nga ay hindi pa nag-aasawa. Hinanap ko siya. At nang magkita na kami ulit.
Miguel: Niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ko na siya pakakawalan. Tatlumpung taon ako naghintay na siya ay bumalik. Nang makita ko siya muli, parang walang nagbago sa amin. Kung gaano niya ako kamahal noon, nakikita ko pa rin sa mga mata niya iyon. Masasabi kong, it was worth the wait.

*************************
Mitch: Suplada ang tingin ko kay Audrey nung high school kami. She was always hanging out with her sosyal na friends.
Audrey: Honestly, I didn't really know Audrey that well when we were in high school. I think she was always busy with her artsy friends.
Mitch: We got close na lang nung college. Kasi kami lang noon yung galing sa same school. Apart from being schoolmates, actually in college classmates kami.
Audrey: That's when we started being close. That's when I realized that I missed something in high school. She's really smart, attentive, she knows how to listen and she's really really nice.
Mitch: I knew si Audrey was gay. I've met her ex when we were in high school, but I didn't know I was too, until we got close.
Audrey: I think we were working on our term paper together when I decided to tell her that I was starting to like her. And as it turns out, she likes me too.
Mitch: It was a confusing time. And oo gusto ko siya, pero hindi ko alam kung may patutunguhan ba yung ganitong klase ng relationship. But she told me...
Audrey: I will never leave her. I'll take care of her.
Mitch: Funny how things turned out. Akala ko nun, she was just stalking me.
Audrey: I believe, it was fate.

*************************
Corrine: Niko is... shall we say eccentric.
Niko: Ako yung class clown noong college. Yung weird manamit. May weird na paniniwala sa buhay. Ako yung tipo ng class clown na madalas pinagtitripan ng mga kaklase. In short, loser.
Corrine: I never thought he was a loser. I mean pinaninindigan niya yung mga beliefs niya. Yung mga gusto niya.
Niko: Pero isa lang ang hindi ko kaya panindigan. Yun eh yung babaeng gusto ko.
Corrine: Actually, hindi talaga ako yung crush ni Niko. It was my sister. Yeah, I'll admit, my ate's sexy.
Niko: No. She's hot. But not as smokin' as you.
Corrine: Whatever. Anyway, si ate, she was never free. She always has a boyfriend. Never pa yata siyang naging single. When they break up, siguro mga 2 weeks lang, she has a new bf already.
Niko: Pero one time, pagkatapos nila magbreak nung isang ex niya, nagsimula ako manligaw. At that time sobrang dami pa ng insecurities ko sa buhay. Pero alam ko sa sarili ko, pag nagustuhan ko ang isang bagay, makukuha ko.
Corrine: To keep the story short nabasted si Niko. Hindi niya natanggap yon. Halos araw-araw he visits the house hoping to talk to Ate. Pero hindi sila magpangabot.
Niko: More like nagtatago sakin.
Corrine: Yeah.
Niko: So kapag pumupunta ako dun, si Corrine yung laging nakakausap ko. Nung una, inaaway ko pa siya kasi nga feeling ko tinatago niya ate niya sa akin.
Corrine: But then one day, naisip kong kausapin ng masinsinan ito para maka move on na siya.
Niko: Araw araw pa rin ako pumupunta noon sa kanila after we talked. At first, hinahanap ko si ate niya, pero narealize ko isang araw, na hindi na talaga si Sharon yung pinupunta ko dun. Si Corrine na.
Corrine: And that's when he started to move on... with me.

*************************
Andrew: Maaga akong iniwan ng asawa ko. From cancer.
Brian: My girlfriend of 8 years left me, 5 months before our wedding. Sabi niya cold feet.
Andrew: Masakit yung maging biyudo. We've only been together for 7 years. Half of which was spent with her carrying the disease. Ang hirap na nakikita mong nasasaktan yung asawa mo. Nothing's more painful.
Brian: Masakit iwanan ng babaeng nangako sa'yo na habangbuhay kang mamahalin. Iiwan ka dahil hindi raw niya alam ang gusto niya. She needs to re-evaluate her goals. At ang mas masakit, yung malaman mo na hindi ka kasama sa mga plano niya sa buhay. 8 taon nasayang lang sa kanya.
Andrew: Jogging everyday is the only way to keep my mind from thinking of joining my wife up there.
Brian: Tumatakbo ako araw-araw dahil gusto kong makita ni Maureen kung ano yung tinalikuran niya.
Andrew: That's how I met Brian.
Brian: Halos pareho lang naman kami ng ruta araw-araw sa UP kung tumatakbo, kaya isang araw naisip naming magsabay tumakbo.
Andrew: And from there, our friendship started. Marami pala kaming pagkakatulad. Our love stories are pretty much the same. Although the circumstances are different, in essence pareho kaming iniwan ng mga mahal namin.
Brian: Hindi ko alam kung ano yung naramdaman ko kay Andrew nung nalaman kong magkatulad pala kami. Pero mas napalapit ako sa kanya nung nakilala ko siya.
Andrew: Until one day, we were watching a movie, I don't know why we chose that chick flick among all the films showing then.
Brian: Yun na lang yung pareho nating hindi napanuod that time.
Andrew: What was it? Just Like Heaven?
Brian: Yup.
Andrew: In the middle of the film, Brian just held my hand. And until now I never let it go.

*************************
Oo na, keso na, nakakadiri, corny yung mga nakasulat sa taas. Nagpapakaemo nanaman si Gillboard. Pero sa lahat ng drama na nababasa natin sa news, sa blog, sa paligid natin these days, I think minsan refreshing yung makabasa ng mga love story.

Para maiba naman.

14 comments:

  1. wow
    ibat ibang sitwasyon ng pagmamahal at pagmamahalan.

    nice!

    ReplyDelete
  2. Ay shittt hehehe love stories ito na wala akong macontribute...

    ReplyDelete
  3. patang LOVE actually lang! hahaha.

    cute!

    ReplyDelete
  4. ang galing mo talaga magsulat ng fiction. scripwriter ka ba? more! more! more!

    ReplyDelete
  5. Reminds me of the couples being interviewed in the rom-com When Harry Met Sally. ♥

    ReplyDelete
  6. naks love stories..inlove ka ba?

    ReplyDelete
  7. nice! masarap magbasa ng tungkol sa love. nakaka-inspire kahit na minsan... weird :P

    ReplyDelete
  8. buhay pag-ibig nga naman,oo!

    ReplyDelete
  9. kelan ko kaya maisusulat ang sarili kong love story? ahahaha

    anyway, nice one gill!

    panalo yung stories mo. iba't-ibang klase, iisang tema, pag-ibig.

    give love on Christmas day ito. :)

    ReplyDelete
  10. nagbabasa ka ba ng mga libro ni ricky lee? kung hindi, I suggest you read some of them. hehe

    ReplyDelete
  11. akala ko at the end..
    itatanung mo kung saang kwento kami nakakarelate!!!

    ahaha.


    galinggaling!
    korek!
    try nyo poh...

    "para kay B"
    ni ricky lee.
    :P

    ReplyDelete
  12. ang tiyaga mo magsulat. ramdam talaga ng mga nagbabasa ang pinaguusapan.

    ReplyDelete
  13. ang ganda ng pagkaka-craft mo nito.. first time to read ng ganito, short conversations na may kwento that you just keep on reading.. Nice!

    ReplyDelete