Dec 2, 2009

DAHIL MAGPAPASKO NA

Ang pag-uusapan natin dito ay UTANG.

Opo. Utang.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako matuto-tuto. Ilang beses na akong hindi nababayaran ng mga tao, pero hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong hindi magpahiram sa nangangailangan.

Hindi naman sa masama ang loob ko kapag may pinapautang ako. Kung meron namang extra, bakit ko ipagdadamot diba. Ang ikinakukulo ng dugo ko, eh kapag mahirap nang maningil.

Hindi ako mahirap utangan, yung mga di ko nga kilala ng personal (sa blog lang) nakakautang sakin. Kahit pa nagtatago na sila matapos mo silang pahiramin. Uy chismis!!! Anyway, ang nakakasama lang talaga ng loob yung tipong mangangako na sa ganitong araw ka babayaran, mag-ooffer pa ng interes, pero pagdating ng araw na yon, wala na. Wala kang maririnig ni ha ni ho.

Ayos lang naman sakin kung humingi ka ng dispensa dahil madedelay, pero yung totally hindi ka papansinin. Ang hirap ng mga taong ito singilin.

Iniisip ko ilan na ba ang hindi nagbayad sakin? Siguro kung iipunin lahat yun, may mga sampung libo na in total yung napahiram ko pero hindi na naibalik sakin.

Nandyan yung nanghiram ng isang libo, pagkatapos kinabukasan nag AWOL sa trabaho.

Andyan yung MGA nanghiram mula probinsya (partida pinaghanap pako ng mga yun ng Western Union o Lhuillier sa Makati) para lang ipadala yung ipapahiram, tapos ayun, strangers na.

Nariyan din yung talagang lumuhod pa sa harap ko para humiram ng limang daan tapos di na namamansin sa opisina.

Ewan ko kung paano ako nauto nung saleslady sa dating binibilhan ko ng comics, na nanghiram 2 linggo bago nagsara yung nasabing tindahan.

Ang sakit sa ulo.

Merry Christmas mga kapwa ko blogero!!!

20 comments:

  1. Merry Krismas din!

    Pwede pong pautang? Pambili lang ng noche buena ng pamilya ko. LOL

    ReplyDelete
  2. Buti pa palang gastusin mo yung P250,000 mong 13 and 14th month pay sa XBOX mo. ;D

    ReplyDelete
  3. usually pag may umutang.. expect moh na na bigay moh yon... dme kong case na ganyan... matuwa ka na lang nang bonggang bongga kapag nagbayad... merry christmas kuya Gilbert.. Godbless! -di

    ReplyDelete
  4. Haaay. Kaya kadalasan, kapag nagpapautang ako, isinusulat ko na lang sa tubig. Dadami pa wrinkles mo at tataas lang ang presyon mo. Di ka na nga nakasingil, maoospital ka pa.

    Pero ang "utang" na never kong inaambisyong masingil eh ang mga "request" ni mommy. Which I lovingly call "utang-ina."

    ReplyDelete
  5. kaya d nko nagpapautang lol

    ReplyDelete
  6. tama ka parekoy... naka-relate ako dito... maraming beses na... :) kaya kapag may gustong uutang derechohin agad... "wala akong budget e..." yon ang madalas kong linya. bahala sila kung di ka papansinin...hehehe!

    ReplyDelete
  7. Sige na pautangin mo si jepoy, dagdagan mo na rin para makihati na alang ako sa kanya.

    ReplyDelete
  8. nangyari na rin sa akn yan. marami na rin naghiram sa akin ng pera pero halos hindi na binabalik. inisip ko na lang na tulong ko na lang sa knila yun pag di sila nagbayad.

    hindi rin kasi ako marunong maningil eh..

    ReplyDelete
  9. hindi ako nahihiraoang maningil pag nagpautang. hindi ko kasi matandaan na nagpautang ako. kaya swerte nila.

    maligayang pasko!

    ReplyDelete
  10. ako pa naman yung tipong ako pa ang nahihiyang maningil sa pinautang ko! ang mas masama pa, madali akong mauto!

    sabi nga raw, isang epektibong ideolohiya, wag kang magpautang ng pera sa kaibigan mo kung ayaw mong dumating ang panahon na masira ang pagsasama nyo...

    kaso ansama naman ata pakinggan na, "brod pahingi nga ng tatlong libo, pasa load ko lang gf ko..." nyahahaha!

    ReplyDelete
  11. ako pili na ako sa mga taong pinapautang..nakakadala kasi yung taong inaasahan mong magbabayad eh tatakbuhan ka o kaya pahirapan pa maningil...

    ReplyDelete
  12. Ewan ko kung paano ako nauto nung saleslady sa dating binibilhan ko ng comics, na nanghiram 2 linggo bago nagsara yung nasabing tindahan.>>>huh!?! bait mo. ingat ingat lang dapat pag ganun.

    ReplyDelete
  13. Merry christmas bro! Pautang din pwede ba??

    Hhaha, ingat

    ReplyDelete
  14. pautang naman
    pang-down lang ng sasakyan
    nyahaha

    it's the season to be merry na nga ba?

    ReplyDelete
  15. kung may mga inaanak ka na...
    ito na ang simula ng pag ikot ng gulong... ikaw naman ang umutang!!!
    yun eh... kung wala kang puso...
    ang pasko ay para sa bata!!!
    Merry Christmas!

    ReplyDelete
  16. ikaw ang sagot sa mga taong naghihikahos ngayong pasko waheheheh

    ReplyDelete
  17. wag ka na kase magpautang at magpauto parekoy.

    mamigay ka nalang.
    hhehehe

    mayaman ka naman eh.
    ***********

    merry christmas po!
    pamasko ko? hehe

    ReplyDelete
  18. dyahe talaga no? iniisip ko dati twing may manghihiram sakin eh papipirmahin ko ng promissory note pero di rin nangyayari eh kasi minsan nakakahiya din kahit tayo pa nagpapautang.

    ReplyDelete
  19. Learn to say no. o kaya bigyan mo na lang ng kung anung kaya mo. ganun gawain ng nanay ko.. Kadalasan isipin mo na lang na babalik sa'yo yun at mawawalan yung umutang na di na nagbayad.

    Pag napautang ka kasi [arang utang na loob na rin yun which is considered na mas mahirap bayaran sa lahat ng utang...

    Ambait mo naman. Sana ninong kita! Hahaha! Happy Christmas!

    ReplyDelete
  20. Ang bait mo siguro kaya ka nauutangan hehehe

    ReplyDelete