Dec 6, 2009

2009 REPORT CARD

Matatapos nanaman ang isang taon. Ilang linggo na lang at 2010 na. Bagong taon na naman. Ang bilis ng panahon talaga, at ilang buwan na lang madadagdagan na naman ng isang taon ang aking edad. Exciting!!!

Medyo aagahan ko na ang report card ko ngayong taon, kasi sa tingin ko wala namang mangyayari sa akin sa mga susunod na araw, dahil trabaho na lang naman ulit ang pagkakaabalahan ko. Kumusta nga ba ang 2009 para kay Gillboard, tingnan natin.

KARERA 80%
Hindi siguro matatawaran ang taong 2008 pagdating sa buhay-trabaho ko. Ano ba ang makakatalo sa pagpapadala sa'yo sa ibang bansa ng libre para magtraining diba? Pero meron ding malalaking mga pagbabago na nangyari sa akin ngayong 2009.

Lumipat ako ng Operating Unit sa kumpanyang pinagsisilbihan ko. At kasama ng paglipat na ito, ay ang malaking pagbabago ng schedule ko. Panggabi na ako. Call center na call center na ang pamumuhay ko ngayon. Pumapasok ng alas-nwebe, alas dyes ng gabi, at umuuwi ng umaga. Sa awa ng Diyos, eh nakayanan ko naman. Nasasanay na. May mga araw lang talagang ang hirap matulog.

Ayos naman pagdating sa trabaho. Sobrang busy nga lang, lunch na lang ako pwedeng mag internet. Bugbog na bugbog ako sa trabaho ngayon, at di na yata mawawala yun, pero kung para rin sa ikaaangat ng estado ko sa opisina yun, syempre I welcome the challenge.

SOCIAL LIFE 75%
Ano yun?

Dahil nga sa panggabi na ako ngayon, eh hindi na ako nakakapagyayang gumimik tuwing Biyernes ng gabi. Namimiss ko ang amoy ng mga sinehan, ang Glorietta. Namimiss kong magtanghalian.

Nakakasama pa rin naman ako paminsan kapag nag-aaya ang aking mga kaibigan, ngalang pag weekends lang. Kahit mas masarap gumimik pag Biyernes ng gabi.

In fairness naman sakin, ngayong taon e dumami ang mga nakilala kong mga bloggers. Hindi man nila binabasa itong blog na ito, at least may nakilala ako. Hindi na dalawa ang mga kapwa ko manunulat na nakilala ko ng personal. Lima na. Improvement.

Tsaka isang pampalubagloob ngayon, eh kahit papaano nakakasama ko ngayon ang ilang mga kaibigang matagal ko ring hindi nakakausap.

LABLAYP 76%
Pasado na sana, kaya lang medyo sumablay noong isang linggo. Kaya ayun single nanaman ang inyong lingkod. Siguro mas okay na to. Hindi kumplikado. Kung nababasa ninyo ang mga plurk ko, eh medyo may kadramahan ang ilang naipost ko nitong mga nakalipas na araw.

Anyway, ang sabihin na malungkot ako ngayon eh medyo may katotohanan, malamig pa rin pala ang Pasko ko. Pero ayos lang, wag ipilit ang hindi pwede, ikanga. Let go and move on, hindi ibig sabihin na dahil nagtapos na ang isang pagmamahalan eh katapusan din ng mundo.

Syempre pasang-awa siya ngayon dahil kung ikukumpara noong isang taon, at least ngayon eh nagkaroon ako ng lablayp. At saka dahil na rin sa stress na dinala ng mga nakaraang araw, eh 5 pounds ang nawala sakin. Hehehe... konswelo de bobo na rin yun.

BLOGOSPERYO 90%
Medyo mataas ito dahil eto lang naman talaga ang isa sa mga aspeto ng buhay ko na medyo may katuturan. Hindi siya kasing taas kung ikukumpara noong isang taon na todo todo ang pagsusulat ko sa blog ko. Ngayon kasi linggo linggo na lang ako nagsusulat.

Nandyan pa't nagpaalam ako sa blogosperyo noong Agosto dahil naisipan kong magtayo ng isa pang tahanan kung saan lahat ng mga nangyayari sa buhay ko ay itinatala ko. Medyo enjoy naman ako doon sa isang bahay na yon. Wala lang.

Pero kaya mataas ang marka nito eh dahil kamakailan lang ay nadagdagan nanaman ng isang taon ang edad nitong blog na ito. Apat na taon na akong nagsusulat sa Gillboard, at kahit papaano naman ay maraming nakakaappreciate pa rin sa mga kwentong naisusulat ko dito, kahit hindi siya kasingdalas ng dati.

Pasensya nga lang kung hindi na ako kasingdalas bumisita sa mga dati kong binibisita, medyo ayun nga, busy lang. Tsaka yung iba naman hindi na rin madalas magsulat. Hehehe.

IPON 70%
Isa pang bagay na dapat tinatanong kung ano yun?

Maganda ang simula ng 2009 sakin pagdating sa pera dahil medyo malaki-laki rin ang naipon ko. Hindi ko nga lang alam kung saan napunta yung ipon na yun pagdating ng gitna ng taon. Kung anu-ano ang mga pinamili ko. Bagong xbox. Stepper. Bagong cellphone (na di ko naman ginagamit na ngayon). Maraming pabango. Sapatos. Pero isang polo lang ang nabili kong damit ngayong taon. Mga original na bala ng xbox, na hindi ko rin masyadong nalalaro ngayon.

Hay.

**********

Overall, hindi masyadong pabor sa akin ang taon na ito. Mas maraming humamon sa aking pagkatao, pero ayos lang. Kung ang lahat ng yon eh ang magpapatatag sa'yo, go lang ng go. Di ko naman ikamamatay yon.

At saka kung hindi kagandahan itong taon na to, pansin ko lang, pag even number ang dulo ng taon, eh dun ako bumabawi.

Fingers crossed, sana maging mabait sakin ang 2010.

22 comments:

  1. pare kung ako ang maggrade sayo sa Blog... 95 cguro...4 years? tagal na ng gillboard ah...pero andyan ka pa din...

    ReplyDelete
  2. 2nd base

    Hehehe, okay rin yan kesa naman bagsak!

    Naunahan mo ako bro, next week pa ako magrereview ng mga naaccomplish ko this year!

    Ingat bro, ipagpatuloy mo lang ang pagsusulat! At kita tayo sa Palanca!Naks

    Ingat

    ReplyDelete
  3. Ayos lang yan kuya. Goodluck na lang sa 2010

    ReplyDelete
  4. aga naman ng board review mo...

    all in all is above average ka naman for this year.

    and next year is even number, so maybe outstanding year for you!

    goodluck!

    ReplyDelete
  5. nyahaha
    report card talaga
    hehe

    sayang
    akala ko pa naman pasado na lahat
    sumabit pa sa isa

    next year, dapat pasado ka sa lahat ng subjects!

    ReplyDelete
  6. May ganung pamahiin, off even scheme? Hehehehe

    ReplyDelete
  7. God Bless gillboard... sana rin maging mabait sa akin ang 2010.

    ReplyDelete
  8. pareho tayong umaasang maging mabait satin ang susunod na taon!
    hay.

    napadaan. :]

    ReplyDelete
  9. wow. ang aga. haha. actually iniisip ko rin kung ano ang magiging 2009 "report" ng mga blogista

    ReplyDelete
  10. kuya jon: hahaha... ako din looking forward sa mga mababasang year end report...

    jeszie & marco: yup. sana maging mabait satin ang tadhana... yak.. hahaha.. salamat sa pagbalik.

    glentot: ganun talaga... kanya-kanyang diskarte... hehehe

    raft3r: ipapasa ko talaga yan next year... by hook or by crook... hahaha

    indecent mind: naku, sana nga outstanding next year. trip to Canada naman... wish ko lang... hahaha

    klet: salamat!!!

    drake: ayus lang yan, di naman to contest eh... hehehe... lam ko naman mas may katuturan yung isusulat mo next week... lolz

    moks: naku, thanks... pero syempre di na tayo kasingdalas ngayon magsulat... so tama lang.. pero salamat pa rin!!!

    ReplyDelete
  11. oo nga... hindi nga masyadong pabor saiyo... kasi... 78.2 ang average mo... pero hindi naman pasang awa...
    kaya go lang ng go...

    ReplyDelete
  12. excited much? ang agang year ender neto ha? pero sabi nga nating mga blogger, BLOG KO TO walang magrereklamo. hahaha.

    goodluck sa bagong taon ng pagboblog :D

    ReplyDelete
  13. Bakit nga ang aga ng year-ender mo? Ako nga eh ngayon lang ulit ako nagbabalik ulit sa blogosperyo, hindi pa ako tapos sa pag-eEMO ko. Hehe. :)

    Sana din maging maganda ang susunod na taon para sa 'kin. Hindi din kasi masyadong maganda ang taon ko ngayon.

    ReplyDelete
  14. Good day!

    Napadpad ako sa site mo kasi naghahanap kami ng mga pwede namin bigyan ng online surveys regarding our thesis topic which is: TRIVIAL BLOGGING: A Uses and Gratifications Inquiry About Identity Presentation Through The Blogging Practices of Young Professionals . :)



    Pwede ka magreply dito sa email ko : ktlacorte@gmail.com SALAMAT! 

    ReplyDelete
  15. pag kinunvert yan sa deci-system ang daming 3. at least maraming room for improvement. pag ako nag grade sakin may isang subject sa sinabi mo ang bagsak. :)

    ReplyDelete
  16. Ayos lang yan..ang importante we learn from the past and hope for the best in the future..sana ako rin ok ang 2010 ko.

    ReplyDelete
  17. alam ko kung san napunta ang ipon mo, sa utang!

    good assesment. makagawa nga din ng version ko..

    btw, this year higit sa 20 yata ang nameet kong bloggers! haha

    ReplyDelete
  18. ako din hindi ganun kaganda ang unang 10 months ng 2009 ko... kasi nung january pinayuhan ako ng fengshui expert kong friend na dapat daw lagi kong dala ang lucky stone for the year ko... eh nakamputsa naman, according to her eh BATONG PANGHILOD ang lucky stone ko, so hindi ko siya dinadala...

    pero minsan napagtripan kong dalhin, ayun, sinuwerte ako, nanalo ako sa raffle ng boypren... hihihihihi

    sana nga mas maging maganda sating lahat ang papasok na taon...

    ReplyDelete
  19. agang year end report ah. sana maging masagana ang darating na bagong taon para sa ating lahat.

    advanced happy new year parekoy!

    ReplyDelete
  20. i wish i could also grade myself. hahaha. ayoko. parang di ko lang ata magugustuhan ang grade ko if ever. :)

    happy holidays. bagong taon na naman. panibagong pakikibaka na naman sa buhay. huwaw. :)

    ReplyDelete
  21. Ayos! Indeed, hindi natatapos sa eskwela ang pagkatuto, i salute you boss, at maaga mong naassess ang buhay mo. Pero wag kang mag-alala, meron pang... humigit kumulang (ilan nga ba sabay tingin sa cellphone para sa date)21 days para magbago ang grade mo sa sarili mo. :)

    ReplyDelete