Nov 23, 2009

REPOST: ALAALA NG NEW ZEALAND

Mahigit isang taon na rin ang nakakalipas nang ako ay ipadala ng kumpanyang pinagtatrabahuan ko sa bansa ng mga tupa, gatas at Lord of the Rings, ang New Zealand. Kahit na halos isang buwan lamang ang aming pananatili doon, isa iyon sa mga hinding-hindi ko makakalimutang karanasan sa buhay ko. Iniisip ko kung makakagawa ba ako ng kwento tungkol sa mga karanasan ko sa bansang iyon. Siguro, pag reminiscing mode ako, gagawin ko iyon.

Pero as for now, since rinequest ni Wheezer na magpost ako tungkol dito, repost ko ang mga bagay na di ko mamimiss sa New Zealand.

************

Marahil marami akong naisulat na magaganda noong nakaraan tungkol dito, ngunit hindi iyon ang buong katotohanan. Marami ring kapintasan itong bansang ito.Tara, bilangin natin...
  • Malungkot ang mga gabi. Walang magawa, dahil lahat sarado na pagtungtong ng alas-5 (alas-3 kapag linggo!!!)
  • Hindi ko mamimiss ang ice cream ninyong tuluyang nagpataba sa akin. Hindi ko mamimiss and gingernut at spicy apple flavored ice cream ninyo na pagkamahal-mahal!!!
  • Hindi ko hahanaphanapin ang reverse bungee ninyo, dahil di ko naman ito nagawa (sobrang nalasing ako sa wine para gawin pa yon nung huling gabi namin).
  • Paano ko mamimiss ang NZ eh hindi naman kami lumabas ng Wellington!!!
  • Natutuwa ako at malayo na ako sa mga mamahaling mga pagkain. P300 para lang sa matabang na tustadong tadyang ng manok!!! Ang tabang pa!!! Kung tutuusin, karamihan ng kinain namin dun, kami rin ang nagluto...
  • Sobrang hindi ko rin mamimiss ang inyong mga drayber na walang personalidad!!! Di tulad dito na irate ang mga ito!!! Di pa kami mapipilitan na magpasalamat pagkatapos ang aming kasamahan ay sigawan!!!
  • Hinding hindi ko din mamimiss ang inyong mga tupa. Dahil ang baho ng karne nila. Hindi na ako nakapag-ihaw sa stove dahil sa tuwing binubuksan ang stove, eh ang masangsang na amoy nito ang una kong napapansin.
  • Hindi ko din mamimiss ang Parliament House ninyo dahil hindi kami pinayagan na makapag picture-taking sa loob nang ito'y nagkaroon ng open house!!!
  • Hindi ko mamimiss ang mall ninyong ubod ng laki.
    At ang bansa ninyong nuknukan ng lamig.
  • Hindi ko mamimiss ang maglalakad lang papuntang opisina, hotel, supermarket, arena at kung saan saan pa. Mas gusto ko bumiyahe sa sasakyan!!!
  • Hindi ko mamimiss ang manuod ng rugby kahit di ko naiintindihan ang mga rules ng laro!
  • Hindi ko mamimiss lahat ng yan. Masaya ako sa Pilipinas. Ang mainit, kurakot, magulo, matao, at matraffic na Pilipinas. Dito lang ako...

**********

This is all a lie... I so miss New Zealand!!!

14 comments:

  1. Mahirap kumuha ng visa sa new zealand?

    ReplyDelete
  2. Natuwa ako sa footnote LOL

    ReplyDelete
  3. haha nakita mo ba sila frodo dun?

    ReplyDelete
  4. hahaha...

    "this is all a lie..."

    :D

    ReplyDelete
  5. New Zealand is one of my dreamland and a perfect spot to live...to start new life...

    ReplyDelete
  6. tingin ko,
    ala pa ring pinagbago ang new zealand.

    nuong isang taon ganyan ang canada.
    hanggang ngayon
    ganyan pa rin ang canada.

    ReplyDelete
  7. ay ang malinaw na tinatawag na

    SOUR GRAPING!!!!!!

    Ingat bro

    ReplyDelete
  8. wow special mention XD thanks :p

    strict siguro sila.
    reverser bungee? you mean shoot you to the air? saya nun :)

    weeee miss mo na? tara libre mo kame :)

    ReplyDelete
  9. Naks naman!

    Pangarap ko makapunta diyan.. Hehe :)

    ReplyDelete
  10. pangarap ko rin makapunta sa New Zealand. pero hanggang pangarap na lang.. ha ha ha

    ReplyDelete
  11. ok na sana e... biglang kumambyo sa footnote!! wehehe!!

    ReplyDelete
  12. hahahaha, biglang bawi "this all a lie"

    d b taga dun din si bear brand...

    ReplyDelete
  13. yay. iba pa rin ang pinas.

    ReplyDelete