Bilang parte ng aking mga anniversary posts ngayong buwan ng Nobyembre (salamat nga pala sa lahat ng mga bumati noong 4th year anniversary post ko... at sa mga hindi pa bumabati, huli na ang lahat di ko na tatanggapin ang mga bati ninyo... hahahaha), naisip kong magbahagi ng ilang sikreto tungkol sa mga nababasa ninyo. Yung mga fictional posts ko.
Unahin ko muna ang pagpapasalamat sa pagtangkilik sa mga kwentong fiction ko. Natutuwa ako't medyo maraming nakakaappreciate ng mga gawa ko, kahit pa merong mga isinusumpa ako dahil minsa'y naluha sila sa mga naisulat ko.
BATANG KWENTOTERO
Mahilig talaga ako sa mga kwento. Noong nag-aaral pa lamang ako, ang madalas na pinakamatataas na marka ko eh ang Wika at Panitikan at Literature. Best in Reading pa nga ako noong nasa Kinder ako, kaya pinanindigan ko na yung strengths ko. Wala akong pakialam kung pasang-awa ako sa math, science, PE at Arts, basta ba nasa line of 8 ang grades ko sa Literature at Filipino. Dahil sa totoo lang dun talaga ako nag-eexcel.
Sabi ng nanay ko, bata pa lang ako, mahilig na talaga ako gumawa ng kwento. Ginagawan ko ng sarili kong istorya si Donya Buding tuwing matutulog kami. Pati sarili ko, ginagawan ko ng kwento. Naaalala ko pa nga, noong pre-school ako paniwalang-paniwala ang mga kaklase ko na pangatlo ako sa limang magkakapatid kasi ang dami kong kwento noon tungkol sa bawat isa sa kanila, kahit minsan pa, nagkakamali ako sa mga pangalan nila. Noong hayskul pa nga, doon sa prediction ng mga kaklase ko sa yearbook namin, isa akong best selling author dahil ginawan ko yung klase namin ng epikong maaaring ihalintulad sa Ibong Adarna. Yun lang ang ginagawa ko kapag may typing class kami.
MATANDANG KWENTOTERO
Noong nasa kolehiyo at noong mga panahong wala pa akong trabaho, mayroon akong notebook kung saan ako nagsusulat ng mga kwento ko. Kwentong X-Men, Batman, kwentong comic book characters na inimbento ko, kwentong teleserye na pinagtripan ko (matatawa kayo kapag nabasa niyo yung mga alternate ending ng Mula Sa Puso, Esperanza at Villa Quintana). Lahat yun nakalathala sa mga luma kong notebook na hindi nasulatan.
Hindi ko alam kung bakit ito ang natripan ko. Pwede naman daw sports, libro, paggala, at gawaing teen-ager pero ang sumulat ng kwento ang naibigan ko. Sabi ng ilan kong kaklase, cool daw kahit may pagkaloser yung ginagawa ko. Kaya ipinagpatuloy ko.
INSPIRASYON NG KWENTOTERO
Sa maniwala kayo't sa hindi kadalasan ng mga kwentong nailalathala dito (at halos lahat ng mga nakasulat sa post ko) ay naisip ko habang ako'y nakaupo sa trono. Opo habang umeebak ako.
Ewan ko ba kung bakit ganun pero nagiging aktibo ang utak ko sa mga isusulat ko habang ako ay nakakulong sa banyo. Siguro dahil walang distraction na gumugulo sa train of thoughts ko. Yung mga pamatay kong linya (kung meron man), doon lahat nabubuo.
Minsan naman, naiisip kong gawan ng kwento yung mga bagay na nangyayari na napapansin ko sa paligid ko. Yung kwentong Lola ay hinango ko dun sa mag-inang nakasabay kong mag-almusal sa McDo noon. Ang saya saya kasi nila kaya inisip kong gawing miserable ang buhay nila. Ginawan ko ng kwento yung mga huling sandali bago bawian ng buhay yung pinsan ko. Ginawa kong mas detalyado yung kwentong Ondoy ng isang blogger na kaibigan ko. At ginawan ko ng posibleng kwento yung isang beses na may kumausap sa akin sa fx noon.
Sadyang malikot talaga ang utak ko.
************
Maraming salamat nga pala doon sa nagnominate sa akin bilang Filipino Blogger of the Week sa isang sikat na blog. Pasensya na kung hindi ako aktibo kung mangampanya para manalo. Ako nama'y ok lang na mapansin kahit hindi manalo. Naaappreciate ko ito, pero isang simpleng blogero lang naman ako na nagkukwento ng mga iniisip ko.
Bonus na lang sa akin kung may matawa, humanga, o magnominate sa akin sa mga parangal na gaya nito.
Gayunpaman, maraming salamat sa pagpansin, pagdalaw at pagbalik sa mumunting tahanan ko.
Talented. Just do you know, I like your stories! :D
ReplyDeletenatawa naman ako sa title.misleading ha!lol!parang nakarelate ako dun sa mahilig magkwento nuong elementary days =D.same same pala tayo hehe though mahina ako sa inglis at literature =(
ReplyDeletesabi ko na nga ba, fiction lang yong nasa mcdo e... pero ang galing ng paggawa mo parekoy.
ReplyDeleteibig sabihin parekoy, habang nasa trono ka nagsusulat ka nyan? hehehe... natanong lang...
di na ako babati kasi di mo na tanggapin. :)
tc
ako'y tagasubabay mo parekoy.
ReplyDeleteat dahil dyan, gawagawa man o hindi ang mga kwento mo, ayus na ayus lang..
kailangan mong maging consistent sa mga pinagsasabi mo... sabi kase nila, hindi nakakalusot sa korte ang mga buhul-buhol na kwento.lolz
ayus!
ako kapag nakahiga naman o kaya nasa bus at bumabyahe magisa..hehehe anyway..congats pala sa pagkakanominate mo kuya..^__^ magaling ka talaga kaya asahan mo ng lagi kang nanonominate..^__^
ReplyDeletenatuwa naman ako sa mga kaklase mong nagsabing cool daw kahit may pagkaloser... parang ok na... dinagdagan pa ng loser... pero mabuti at pinagpatuloy mo nga...
ReplyDeletekaya naman pala magaling kang gumawa ng mga fiction... bata pa lang pala nuknukan ka na ng sinungaling! lolz! joke lang!
ReplyDeletepero magaling ka gil... alam mo kung bakit sa "trono" ka nakakaisip ng magagandang kwento? dahil naglalabas ka ng "masamang" ispiritu sa katawan mo.. kasabay noon ang pagpasok ng magagandang ideas! (hahahahaha!)
at least kaw nasusulat moh mga kuwento sa yutakz koh... galing ren akoh mag-create nagn story sa yutakz koh... pero more likely nag-sstay lang don... ahahaha... lolz... but in fairness 'ur pretty good... ingatz... Godbless! -di
ReplyDeleteuso na ba ang pre-school nung araw...hehehe.
ReplyDeleteanyweiz, pahabol ng pagbati...(wag kang kokontra, aniversary month ng blog mo ngaun, pede pa bumati.) hehehe, HAPPY YEAR 4 po...
Naks naman! Ibig sabihin nun bata ka palang mapagpantasya ka na!Hahhaha!!
ReplyDeleteIpagpatuloy mo lang ang pagsusulat ng maikling kwento, mukhang may future ka naman dyan e!
Ingat
kwentoterp ka nga, haba ng kwento mo..he he he
ReplyDeletedapat naging kantatero ka rin.. ibig ko sabihin, mahilig kang kumanta..
para pag pinagsama.. kantaterong kwentotero...
Pare hindi halatang kwentutero ka...sa haba ba naman ng kwnto mong yan! haha! Happy blogsary tol..more kwentot to come...
ReplyDeleteahhhh...
ReplyDeleteyun pala yun?? may pinaghugutan pala ang lahat... ang iyong nag-aalburutong sikmura! wahaha!!
ipagpatuloy mo lang brod, magandang simulain yan...
Cool, I used to do the same thing. Although hindi about sa mga napapanood ko sa TV. When I was a kid, I was a big fan of Sweet Valley, Enid Blyton and Nancy Drew books. So addicted was I that I wrote my own series on Merit notebooks. Hanggang I started writing stories/novelettes for friends and I would give them as gifts. Gumawa din ako ng comic books pero I stopped when I realized I couldn't draw very well. Haha.
ReplyDeletekwentotero of all ages. hehehe... i read hardy boys, three investigators when i was a kid. sayang mag imagine na maging tulad nila nung araw.
ReplyDeleteparang tongue twister yung kwentotero LOL talentado ka kasi gillboard LOL
ReplyDeletekwentutero ka talaga! hehe
ReplyDeletenyahaha
ReplyDeletei love the title
hehe
astig
happy weekend, gillboard!
hehe. nice!
ReplyDeleteako naman, opinyon ko madalas ang mga topic ng blog ko...
minsan kasi ang ihirap ipaintindi sa mahirap kausap na tao...
ahaha!!!
kaya sana basahin na lang nila, tapos, ulitin...
ulitin...
at sana parehas na kami ng pananaw... or atleast...
magkaliwanagan!
galing!
tatag mo na!
:P
one of the things i wish eh meron akong ability is yung pagiging creative writer, story teller. ganun. keep it up gill. astig nga ng mga sulat mo e. one day, i-compile mo tapos you publish it. oo, as in libro. collection of gillboard's imaginations. yun oh! hahahaha. :)
ReplyDeleteganda ng sinabi about not campaigning yourself. mas makikita mo yung essence ng papuring nare-receive mo kung kusa mo itong natatanggap na wala kang ine-exert na effort. i think isa yun sa mga problema sa ibang bloggers. nakaka-turn off yung too much publicity na ginagawa nila.
ReplyDelete