Ito na ang aking 4th anniversary post. Apat na taong gulang na ang gillboard.blogspot na site!!!
Sa totoo lang, hindi magtatagal ng ganito ang blog na ito kung hindi ako naging masaya o maligaya sa mga pinaggagagawa ko. Noong una, itinayo ko ito dahil lang sa bored ako sa trabaho ko. Ayaw ko noon magpost na ng mga blog sa friendster dahil nababasa ng boss ko yung mga sinusulat ko (dahil minsan ko nang pinuna ang pag-iingles niya doon at nabasa niya ito).
Masaya maging blogger. Masarap. Maraming sorpresa. Basta. Hindi siya para sa lahat, pero doon sa mga matitiyaga at masisipag maraming rewards din naman ang makukuha sa pagiging blogger.
1. PANTANGGAL STRESS
Dito mo mailalabas lahat ng galit mo sa mundo. Sa boss mong inutil. Sa kaibigang tanga. Sa magulang na makulit. Sa mga kaaway na walang alam gawin sa buhay kundi bwisitin ka. Sa mundo. Kung hindi mo kayang isigaw ang galit mo, dito mo ito mailalabas. Makakahanap ka pa ng kakampi. Merong mangangaral, pero karamihan naman sa kanila ay maiintindihan ka. Malalaman mo pang madalas, hindi ka nag-iisa. At syempre, maraming blogger din sa mundo na makulit. Kaya kung blog hopper ka, marami kang makikilalang mga makukulit na mga kagaya ko (talagang ako ang example... hahaha).
2. MAY MGA PERKS
Ni minsan hindi pa ako nakakatikim ng libre dahil isa akong blogger (sayang yung sa Phillips, di kasi ako umattend), pero ang mga bloggers ay isa na ring target demographic ng ilang mga consumer brands. So kung sikat ka, pwede kang ayain para matikman ang pagkain nila para ireview mo sa blog mo. Madalas pa nga, mayroong mga tao na nagtatayo ng blog para lang kumita. Di naman maitatanggi, meron naman talagang kumikita dito. Pero dahil tradisyunal na blogger ako, itaga sa bato, hindi ko gagawing business ang blog na ito. Ang punto ko lang naman, mayroong mga perks din ang pagiging blogger.
3. HINDI KA MABOBOBO
Kung wala kang trabaho. Kung wala kang tinatrabaho sa 'yong trabaho. Kung wala kang pasok. O kung wala kang ginagawa sa mundo. Kung blogger ka, sigurado kang hindi ka mabobobo. Kasi pag nagsusulat ka, ginagamit mo utak mo. Hindi ito naghahibernate. At kung bumibisita ka naman sa ibang mga blog, marami kang natututunan. Minsan pa nga, para sa akin, eto ang means ko para makabalita ng mga nangyayari sa mundo. Kung ano ba ang uso. Sino ang sikat. Anong huling balita sa Bahay ni Kuya.
4. MAAAPPRECIATE ANG TALENTO MO
Kung ikaw ay isang photographer, pwede mong ipost ang mga litrato mo, at tiyak ako mayroong magkukumento dito. Kung mahusay kang magsulat ng kwento, maraming blogger ang mambobola sa'yo na pwede ka nang magsulat para sa telebisyon (kahit di nila binasa ng buo yung kwento mo). Kung mahilig kang sumulat ng tula, may pagkakataon pang mainlove sa'yo ang mga mambabasa mo. Ang blog naman libre sa lahat. Manunulat, photographer, artista, pulitiko, pokpok basta ba gusto mo magshare ng buhay mo sa mundo, malaya kang gawin ito. Sooner or later meron ding makakapansin sa talento mo.
5. MARAMING MAKIKILALANG BAGONG KAIBIGAN
Ito na marahil ang dahilan kung bakit ako nagtatagal sa mundong ito. Marami akong nakilalang mga bagong kaibigan dahil sa pagbablog. Kahit pa sabihin nating tatlo o apat pa lang ang talagang nakikita ko, kahit sa mga kumento lang, at sa mga nababasa ko sa mga post nila, nagiging kakilala at nagiging feeling close ako sa kanila. Palaging merong something na magkatulad kayo. Ang palitan ng kumento, mapupunta sa palitan ng ym. Di niyo na lang mapapansin nagkakape na kayo. At kung suswertehin ka pa, maaaring dito mo rin makilala ang mamahalin mo at ang taong magmamahal sa'yo.
Kaya siguro, kahit na ilang beses ko gawing magpaalam sa blog na ito, palagi pa rin akong bumabalik. Masaya kasing maging isang blogger. Lalo pa ngayong lumalaki ang network of friends ko.
****************
Ako nga pala ay muling magpapasalamat sa lahat ng bumisita, nagbasa, nagfollow, naglink, dumaan, nagkomento, nag-ayang makipagdate, napadpad dito dahil ginoogle ang salitang j@ck0l, umaway at nakipagdebate sa akin dito sa blog na ito.
Pasensya po kung hindi ako masyado nakakadaan na ngayon or kung hindi ko nauupdate yung blogroll ko. Iwan ninyo sa comments kung wala pa kayo dito, gagawin ko siya sa Lunes.
Four years. Wow. Inuugat nako dito sa blogspot.
Yuck, pioneer ka na sa pagiging blogger! haha
ReplyDeleteAng hirap magmaintain ng blog, pero pag gusto mo yung ginagawa mo, walang mahirap. Mabuhay ka! And yes, itaga mo sa bato, di magiging paid site ang blogs natin. ;D
congrashuleyshens..
hey... i believe it's my first time sa iyong blog. wow. 4 years as a blogger... institusyon ka na. hehe. congratulations. sana tumagal din ang blog ko gaya mo. hehe.
ReplyDeleteps. di rin paid site ang blog ko :P
di ko pala first time dito. hehe. i've read you posts before :P
ReplyDeleteCongratulations, Man. Mag kasing edad pala yung blog natin.
ReplyDeleteIsa ka palang Pader ng blogger world hihihihi. Walang anoman at sana dumami pa ang iyong panulat.
ReplyDeleteIngats ka Sir!
Congratulations, gill, sa 4th anniversary ng blog mo!
ReplyDeleteMaganda ang mga punto mo tungkol sa blogging at sumasang-ayon ako kahit na baguhan pa lamang ako sa blogosphere.
Sana'y di ka magsawang magsulat at nawa'y marami ka pang maibahagi sa mga blog readers mo.
Happy 4th anniversary bro... more years to come...
ReplyDelete*tagay* *cheers* *inuman nah* haha... happy 4th bday sa blog mo!... may your blog have more birthdazy to come... naks naman... trulalu.. nakakaaliw sobrah ang mga parang naging kaibigan moh nah ditoh... and yeah... sometimes feeling close na lang na parang tlgang kaibigan moh nah... nakakaaliw... walah pa akong namemeet sa mundong blogsphere... but hopin' to meet u guyz in d' future... i think that'll be fun... oh yeah love readin' here sa blog moh kc kaaliw lang magbasa and yeah dme ren kmeng napupulot na araw ditoh... sa blog koh? ahh... kaemohan mapupulot nyoh... wehe... salamat palah sa pagbati ren sa blog koh... ingatz... Godbless! -di
ReplyDeletebirthdazy... typo error* birthdayz! =)
ReplyDeleteaba, kalain mo yun magsing edad kami ng blog mo...hehehe...ako 24(joke) at ang blog mo ay 4...kalain mo yon...bilis talga ng panahon...more power to you dude!!!
ReplyDeletepare congrats!
ReplyDeleteisa ka nang institusyon sa larangan ng pagba-blog...
^_^
more blogging years to come!
wow.
ReplyDeleteinaamag ka na sa mundo ng blogging.
sabi nga nila, hindi aamagin ang isang tinapay kung bago palang 'to.
at para sa akin,
walang masamang tinapay...lols
congrats sa apat na makabuluhang taon.
Happy 4th anniversary! Ipagpatuloy mo lang ang magandang simulain (yun oh,parang remarks lang sa report card)
ReplyDeleteingat lagi!
Haligi ka na pala ng blogspot! toinkz!
ReplyDeleteso talagang pag sinearch ang word na YUN eh posibleng mapadpad dito? hmmmm.... ano bang entry mo ang punong-puno ng word na YUN? tsk! (masubukan nga!)
congrats!
naisip ko lang: di kaya si JEPOY ang nagsearch nun sa google? (peace out jeps!)
agree ako sa lahat ng nabanggit mo gill. lalo na yung "pangtanggal ng stress." :) sa blogging walang limitations. lahat ng gusto mong sabihin, pwede. total freedom ito. :)
ReplyDeleteisa lang masasabi ko..Asteeg!
ReplyDeletemasarap talaga mag-blog...pantanggal ng boredom at pag express ng sarili..lalo na kapag wala kang trip kausapin sa opisina.
"maraming blogger ang mambobola sa'yo na pwede ka nang magsulat para sa telebisyon (kahit di nila binasa ng buo yung kwento mo)"
-binasa ko kaya buong kwento mo
hehehe..yan andami ko na pala nasabi :)
congratulations!
ReplyDeletefour years!
how did you manage to do that?
=)
happy birthday sa blog mo
it never ceases to amuse and enlighten me
(madalang yon!)
see ya around!
number five here i can testify. i now have a really good set of blogger friends. saya magblog. hindi madali lalo na pag kulang ang oras. pero tulad sa mga binangit mo dito. pantanggal stress to.
ReplyDeletehappy blog anniversary! tagal na din pala tong blog.
congrats sa 4th anniv ng gillboard!
ReplyDeletegaling mo brod, pano nasurvive ng blog mo yung 4 long years?
salamat sa patuloy na pagbibigay ng impormasyon at aliw!
wow, 4 years? that's a great achievement bro. keep it up
ReplyDelete"Wow. Inuugat nako dito sa blogspot."
ReplyDelete- aray ko. may pinatatamaan ka? LOL.
happy 4th anniBLOGsary! :)
Happy belated anniversary gilbert! keep on blogging. ;)
ReplyDeletehappy anniversay sa blog mo! masaya mag blog although it can be stressful mag-isip kung ano topic i-blog. hehe.
ReplyDeletehave a great week, gilbert!
isa ka pala sa mga pioneer sa blogging... 4 years ka na rin..
ReplyDeletepero ako.. 1 month pa lang..
marami pa talagang bigas na kakainin.
4 long years?! Come on!
ReplyDeleteCongatz Gill!
Marami-rami rin ang mga blogs na na-aappreciate ko, isa na 'to. O ha!
Sana mgatagal pa to hanggang mag-asawa't magka-anak ka't magka-apo!
Cheers!
Congrats! Keep on blogging...
ReplyDeleteI agree sa 5 Points mo! : )
Congrats!
ReplyDeleteKeep on writing! :p
happy anniversary!!!!
ReplyDeletenararamdaman kong iggreet kita next year ulit....
sana nababasa ng mainstream bloggers ito. hehehe.
ReplyDeletewow ang tagal na pala nito
ReplyDeletekung naging anak mo pala ang blog meron ka ng prep hehehe
wow thats a great achievement!4years na!!!
ReplyDeleteand yeah me too,i cant imagine myself not writing on my blog for a long time hahanap hanapin mo talaga!
keep it up
4 years = 80 years sa blog world hahaha. ang tanda mo na. oha feeling close ako diba.
ReplyDeletecongrats. happy 4th year anniversary :)
Congrats!
ReplyDeleteMore power! Sana di ka maubusan ng ideya at inspirasyon para tuloy lang ang ligaya!
Kampai!
NAtuwa naman ako sa post na itits lalo na dun sa gnigoogle pa talaga ung word na j@ckol, pero youknow what its true lahat ng sinabi mo dito grabe kaaliw, pero wait! its true? na may nagaya sa iyo ng date???? ano yun adik??^^ joke" nice...ilabit!!! congrats..
ReplyDeleteSa lahat ng binggit mo ito ang ngustuhan ko.
ReplyDelete4. MAAAPPRECIATE ANG TALENTO MO.
yan talaga ang aim ko.
Who knows where to download XRumer 5.0 Palladium?
ReplyDeleteHelp, please. All recommend this program to effectively advertise on the Internet, this is the best program!
hey hey happy blogoversary. hehehe ka-birthday ko pala blog mo XD
ReplyDeleteblogging for live...
ReplyDeleteabcdefghijklmnopqrstuvwxyz~