Sep 27, 2009

KWENTONG ONDOY

September 26, 2009, 3:00pm

Walang tigil ang ulan, halos tatlong oras pa lang, mataas na ang tubig sa amin. Ang sabi ng mga kapitbahay, sa labas ng village namin hanggang baywang na ang baha. Ilang oras na lang, kapag hindi pa tumila ang ulan papasukin na ang tahanan namin.

Sabi ng nanay, iakyat na raw ang mga gamit at baka masira ang mga kagamitan sa bahay. Sa tulong ng mga kapatid, ng katulong at ng tatay, naiakyat namin ang aming mga kasangkapan sa ikalawang palapag ng aming tahanan. Kinuha ko ang mga gamit na hindi ko pwedeng iwan. Ang cellphone. Ang laptop. Ilang mga damit. Mga charger at mga litratong hindi dapat masira. Nilagay ko sa bag ko, kung sakali mang pasukin ang bahay namin.

Alas-kwatro ng hapon. Pumasok na sa bahay namin ang tubig baha. At mabilis itong tumataas. Sabi ng nanay, umakyat na kami.

Taos puso kaming nagdarasal sa Panginoon para tumigil ang ulan. Lumuluha na ang aking ama. Sa unang pagkakataon, nakita ko ang takot sa kanyang mga mata.

Hindi pa rin tumitigil ang ulan.

Lumabas ako sa aking kwarto upang tingnan kung gaano kataas na ang tubig, at nagulat ako, na nasa ikatlong baitang na sa aming hagdanan ang tubig ulan at mabilis pa itong tumataas.

Tatlumpung minuto at dalawang baitang pa ang itinaas nito. Sa loob lang ng dalawang oras, kapag hindi pa humupa ang ulan maaaring pati ang ikalawang baitang ng bahay namin ay abutin na rin ng ulan.

Ngayon lang ako natakot sa buong buhay ko. Mabuti na lang at nasa tabi ko si Figaro. Ang aso naming anim na taon nang kasama namin.

Si Figaro ay isang Labrador. Unang asong may lahi na aking naalagaan. Sa kanya napunta ang unang bonus ko. Mabait si Figaro, marunong siyang umupo, tumayo, magpanggap na patay at napapasaya ang kung sino man sa pamilya naming nalulungkot. Anim na taon niya kaming kasama at lahat ng pinagdaanan kong kalungkutan, siya ay naging saksi. Ngayong nababalot ng takot ang pakiramdam namin, nagawa nanaman niyang pagaangin ang loob ko.

Alas siyete ng gabi, matapos namin kumain ng pamilya, nagulat kami ng ang aming mga paa ay mabasa ng tubig.

Sabi ng aking ama, kailangan na naming umakyat sa bubong. Hindi na maisasalba ang aming mga gamit. Kapag hindi kami lumabas, lahat kami'y malulunod sa loob ng bahay namin.

Mahirap lumabas, at kailangang sirain ang bintana namin. Unang umakyat ang aking ama, sinundan ni nanay. Pinauna ko na rin ang dalawang nakababatang kapatid at ang katulong. Sa mga oras na iyon, hanggang tuhod na ang tubig sa amin. Hindi ako makapaniwala na sobrang taas aabutin ang baha sa amin. Ni minsan ay hindi umabot ng ganito kataas ang tubig ulan. Grabe talaga ang hagupit ni inang kalikasan.

Woof woof!!! Natatarantang tawag sa akin ni Figaro. Hindi mapakali ang aso ko, halatang hindi alam ang gagawin. Nakapatong siya sa lamesa na ilang minuto na lang ay maabot na ng tubig ulan.

Tinangka kong buhatin ang aso para iabot sa pamilya, ngunit sa sobrang laki nito ay hindi kakayaning kunin ito. Hindi na niya alam ang gagawin kundi tumahol sa akin para humingi ng tulong. Ayaw ko naman na ilabas siya at baka anurin ng agos ng baha. Napgatong patong na lang ako ng ilang lamesa para doon ipatong ang aso. Umaasang hindi ito mababasa kapag tumigil na ang bagyo.

"I'm sorry." ang tanging nasabi ko kay Figaro. Nilalamig na ako. Mabigat man sa loob, kailangan ko nang iwan ang aso para iligtas ang buhay ko. Kumakahol ang aso ko, at sa gitna ng ulan hindi ko mapigilang tumulo ang luha.

"Kuya, si Figaro?" tanong sa akin ng bunso.

"I'm sorry." lang ang kayang sabihin ng puso ko.

Naririnig ko ang mga kahol ng aso ko. Umuungol. Umiiyak. Lahat kami umiiyak. Hindi dahil sa wala na ang mga gamit namin, kundi para sa aso naming wala kaming magawa para tulungan siya. Si Figaro na hindi nagsawang pakinggan ang mga problema namin. Na walang sawang pagaanin ang loob namin.

Walang tigil ang tahol ng aso namin.

Isang mahabang ungol.

Alas diyes ng gabi, tanging galit na galit na pag-agos ng tubig na lang ang naririnig namin. Nanlalamig. Nanlulumo. Nalulungkot. Ito ang pinakamahabang gabi ng buhay namin.

**************

Hindi lang tahanan at buhay ng tao ang nawala matapos dumaan ang bagyong Ondoy. Sa lahat ng pamilya ng mga nasawi, nawalan ng tahanan at ng mga mahal sa buhay, iniaalay namin ang aming mga panalangin.

34 comments:

  1. nalungkot ako para kay Figaro... buti na lng safe na kayo.

    my prayers to you, your family and the rest who are affected...

    God bless...

    ReplyDelete
  2. im sorry for Figaro...

    alam kong mahirap sa loob ang nangyari.. na nakikita mo ang buong pamilya na nilalabanan ang lamig at nagiging matatag sa kabila ng kawalan...

    nawa'y maging maayos ang lahat.

    may kuryente na?

    ReplyDelete
  3. taga paranyake din kayo diba gill? mabuti sa amin di naman inabot ng baha.. i hope na okay na kayo ngayon..

    ReplyDelete
  4. Di ba Gill solong anak ka lang?Bakit may kapatid kang bunso?

    Kawawa naman si Figaro!

    Sana matapos na talaga ang delubyong yan!

    Ingat

    ReplyDelete
  5. Di po ito totoong kwento. fiction lang po ito.

    ReplyDelete
  6. ito na yung pinaka-matinding pagbahang naranasan ko. sana mabuigyan na ng tulong ang mga dapat bigyan ng tulong.

    ReplyDelete
  7. Dog lover ako pare, kaya medyo naluha ako sa sinapit ni Figaro. May aso din ako 3 taon na kaming magkasama, kung mangyari man yan sa akin ayokong isipin na mawawala na sya sa akin.tutulo talaga ang luha ko mas malakas pa sa buhos ng ulan ni ondoy.
    Sa ngayon pare, musta na kayo?

    ReplyDelete
  8. sira ka gillboard...huli ko na nabasa comment mo..fiction lang ito? pagnagkita tayo ilulubog kita sa baha. Nanakawin ko si figaro sa bahay nyo...hahah!

    ReplyDelete
  9. fact or fiction?
    kakaiba ka talaga, oo
    hehe

    btw, kamusta dyan?
    baha ba?
    i pray you and your loved ones are safe and dry

    ReplyDelete
  10. Okay, gillboard, good thing I read through the comments section first and then re-read your post. It's hard to spot the "fiction" tag when the story was so tragic, so moving, so real.

    I think another blogger - EternalWanderer - may have lost his beloved dog for real in the flood. In a manner that eerily echoes your story:

    http://thetruthinlife.blogspot.com/2009/09/deluge.html

    ReplyDelete
  11. grabe.
    naluha ako..
    we have 4 dogs pa man din dito sa house, and thankfully, di umabot na bumaha sa house namin ..

    pero sobrang malulungkot ako if that happens to us.

    but I extend my warmest prayers to everyone who have been helpless victims of the raging typhoon Ondoy.

    ReplyDelete
  12. fact or fiction?

    Muntik na akong maluha sa panulat mo. DOg lover din kasi ako.

    ReplyDelete
  13. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  14. jepoy: umurong ba luha mo nang makita mong fiction yung post? hehehe

    noah: mabuti ka pa... di natin masasabi yan sa karamihan ng mga kasama natin mula marikina, pasig at cainta...

    rudeboy: nabasa ko rin yan, sa totoo lang, isa siya sa inspirasyon ko kaya ko naisulat itong post na ito.

    raft3r: awa ng diyos, ayos naman kami dito, at di kami binaha. salamat.

    moks: pasensys naman... hehehe...

    badong: ako din... mabuti na lang hindi ako inabot ng baha pag-uwi ko noong sabado.

    ReplyDelete
  15. Putik. Parang tatay mo ko, napaiyak ng biglaan. I have a pet dog, too. Ganyan din ang eksena sa bahay namin. Habang abala kaming maglikas ng gamit from the first floor to the second floor, di mapakali si Lancaster. All I could do was look at him as if to say na stay calm, wait for us, everything will be alright. We put a lot of emotional investment in our pets that's why it's hard to say sorry to them when we are helpless to save them.

    ReplyDelete
  16. Putik, fiction pala LOL. Pero parang ginawa mo to for me. It happened to me last Saturday. Same details except for the crying dad, dead dog and rooftop scene.

    ReplyDelete
  17. naiyak ako sa kwento mo.... haaayyy! I'm sorry for Figaro.... at salamat at nakaligtas kayong lahat... hope you're doing ok, guys!

    My prayers also for all the victims...

    ReplyDelete
  18. alam ko something smells fishy, hindi dahil katubigan ang topic nito...
    sabi na nga ba...
    pero at some point kinabahan ako tapos nagbakasakaling sa ending nailigtas niyo siya...
    fiction might be stranger than reality after all...
    nice!!!

    ReplyDelete
  19. Ang galing ng pagkasulat. May kilala akong blogger na talagang ganito ang karanasan.

    ReplyDelete
  20. ganun ba talaga kalakas si Ondoy?

    grabe naman talaga ohhh...

    buti nalang safe ang mga tauhan sa kwneto.(sabi mo kase fiction lang to)

    ReplyDelete
  21. grabe, akala ko ganito nga nangyari sa inyo. nagulat ako na fiction yung entry... pero i'm sure, marami ang ganito ang na-experience nitong weekend. ang heart-breaking.

    ang helpless lang din kapag nasa malayo ka tapos buong family mo nasa Manila. kung di ka maka-contact, ang magagawa mo na lang manood/magbasa ng news.

    ang wild ng nangyari.

    ReplyDelete
  22. iihhhhhh...naiyak pa naman ako. kasi i have a dog na love na love ko ehh, kaya naisip ko sya...iihhhh kainis ka, pinaiyak mo ako,,,,ayan natatawa na rin ako sa sarili ko....iihhhh

    pero im sure maraming ganito ang naexperience, so somehow naalala ko rin mga kababayan natin sa katabing bayan...

    ReplyDelete
  23. everyone definitely has their own story to share of that experience. i too was shocked but good that our house was not affected but my auntie's house went neck deep.

    ReplyDelete
  24. Shoot! DI nga? Nadala ko sa kwento mo ah.. Pero yung aso mo totoo?....

    Kung mamamatay ang alaga naming aso jan iiyak ako ng todo,..

    Nabalitaan ko nga ang sanhi ng bagyo, but I'm sure God will comfort those people who have lost their homes and loved ones..

    ReplyDelete
  25. I have my own story to tell too. NAgpapahinga lang muna, maciado traumatic eh.

    Good writing. Kahit alam kong fiction, ramdam ko pa din yun depression na inabot ng ibang pamilya. Helpless. Sana tama na..

    ReplyDelete
  26. you're right..
    I am just grateful for me and my family and my fellow neighbors back in Cavite..
    kaya nga, I feel pain for those who have lost their loved ones. may it be their family members or their dogs or cats..I'm praying for them, to be strong despite these trials that had come..

    >_<

    ReplyDelete
  27. huli na nung makita kong fiction ito. Pero nangilid ang luha ko kasi may aso din ako. Una nang kinuha ni kamatayan yung Rott namin at itong mongrel kong aso ay parang di ko kayang i-give up. Siguro isasalba ko pa din siya. Naisip ko lang, habang binabasa ang kwento mo, di ba marunong lumangoy ang aso? baka nga buhay pa aso eh yung amo lunod na. Heniway isang makabagbag damdaming kwento ito. Pwede ka talagang maging manunulat. Pagsama-samahin mo yung ginawa mo... baka malinya ka sa mga makabagong manunulat... inform mo ako pag naging writer ka, pareserve ng isa. :) ... my prayers para sa mga nasalanta ng bagyo at baha.

    ReplyDelete
  28. may darating daw na bagong bagyo. sana hindi masyadong malakas. na-add po kita sa blogroll ko. please link back.

    ReplyDelete
  29. Naiyak ako. Nawala ang isa sa mga aso namin nung bumagyo. sana ok sya. :(

    ReplyDelete
  30. acrylique: naku... kawawa naman... sana nga ok sya.

    gemroy: thanks for the visit... i'll put you siguro over the weekend pag nagkaoras.

    klet marco & noah: isama na natin prayers for the earthquake victims in samoa and singapore.

    chyng: grabe experience mo ha... 20 hrs sa bus... tsk tsk tsk.

    anonymous: i think kahit sinong mahal ang alaga nila maiiyak pag iniwan na sila nito...

    dong: san ka sa pque pala?

    jez: sorry naman... hehehe

    moonspark: yup... base ito sa kwento ng isang blogger na nawalan ng aso nung kasagsagan ng bagyo.

    kosa: yup, malakas lang yung ulan sobra... pero di siya super typhoon.

    joms: salamat parekoy.

    ens: minsan fiction is based from facts.

    random student: di mo ba alam, dedicated talaga sayo tong post na ito!!! hehehe

    ReplyDelete
  31. Gill: anak ng pekwang, akala ko nangyari din sa yo yung nagyari sa akin.

    Pero in fairness, ganyan na ganyan ang pakiramdam ko nung kinailangan kong iiwan si Musa :(

    waaaaaa

    ReplyDelete
  32. minumulto kana ba ni figaro?
    hehe

    ReplyDelete
  33. ikw talaga gillboard, muntikan na kong magoyo dun a. haha. pero totoo, grabe talaga hagupit ng kalikasan, pati na rin biglaang tawag ng kalikasan.

    hindi na tayo tinantanan ng bagyo. para bang trip talga nila pinas.

    sana ok na lahat. i pray for all the victims. not fictional victims ha.

    ReplyDelete