Jul 7, 2009

LIFE IN TECHNICOLOR

Si Epol op di Eye bibinyagan ko na ng Monday. Pansin ko kasi, lagi na lang Monday tuwing nakakasabay ko siya. Katulad kanina. Pero hindi ko pa rin alam ang pangalan niya. Hindi ako nahihiya. Kaya lang, wala talagang lumalabas sa bibig ko kahit gusto ko nang magtanong.

So ayun nga, kasabay ko nanaman si Monday kanina. Magkatapat ulit kami sa likod ng fx. At gaya ng dati, dahil madalas na kaming magkasabay noon, nagngingitian lang kami. Nag-uusap sa mata. Walang salita, flirting by way of the eyes sabi nila. Ang nakakatuwa, habang magkasabay kami, ang tumutugtog sa mp3 ko eh mga awiting ang sarap pakinggan habang may hinahalikan ka (Life In Technicolor ng Coldplay, Miracles at Love ni Matt White at Linger ng Cranberries).

Marami akong napansin sa kanya ngayon dahil medyo mahaba-haba ang biyahe, dahil sa traffic gawa ng malakas na buhos ng ulan. Medyo balbon pala siya. May kalusugan din ng kaunti pero tama lang. May pagkabumbay din yung hitsura niya. Malalim ang mata. May dimple sa kaliwang pisngi kapag ngumingiti at maganda ang mga ngipin.

Kaya lang napansin ko, meron siyang singsing sa kanyang middle finger. May ibig sabihin ba yun? Sabi nila engaged daw. Totoo ba yun?

Kung sakali, baka kailangan ko nang tigilan si Monday.

***********
At dahil wala akong masyadong maikwento ngayon, halo-halong ewan lang muna isusulat ko.

Noong weekend, dahil sa kakausi ko sa mga status updates ng mga kaibigan ko sa facebook, nakita ko ang isang katrabaho na nagkwento na dismayado siya sa kanyang trabaho. Dahil sa naawa naman ako, naisip kong pag-applyin siya sa gasolinahang tinatrabahuan ko.

Sinabi ko sa kanya na agad magpadala sa akin ng resume. Kinabukasan naman ay nagawa niya ito. Ngalang, pagbukas ko nagulat ako.

Bago ko isulat kung ano ang nakita ko, ipakikilala ko muna siya. Itago natin siya sa pangalang JLo. Di dahil kamukha niya si Jennifer Lopez, ngunit dahil dun nagsisimula pangalan niya. Anyway, wala na sa kalendaryo ang edad niya, at mas matagal pa sa akin yung nagtatrabaho.

Knowing that, sobrang nadismaya ako dahil nang buksan ko ang file ng resume nitong si JLo. Isang page lang ang nakita ko.

Usapan mula sa Facebook Inbox:

GILLBOARD: JLo, ayusin mo naman yung resume mo... hindi ka fresh grad... habaan mo naman... kahit kaunti lang...
JLO: Ganun? One page na lang ang uso ngayon... pero sige I'll fix it.
GILLBOARD: JLo, makikiuso ka nga, HINDI KA NAMAN TANGGAP!!! Maryosep!!!
JLO: hahaha! padalhan mo nga ako ng sample resume mo.. padala mo sa email ko. mwha

Naman kasi, sa panahon ngayon, san ka pa makakakita ng resume na dalawa lang ang skills. Tapos wala man lang background sa walong trabahong ginawa niya noon. Sumakit talaga ulo ko dun. Actually hanggang ngayon minamigraine pa rin ako.

31 comments:

  1. kausapin mu na kasi.. ilang Monday na yan. :P

    ReplyDelete
  2. at talagang binyagan ah. wahaha. go go go wag nang patagalin pa yan!

    ReplyDelete
  3. mark: oo nga eh.. pag nandyan na kasi parang kumakabog yung puso ko.. naooverpower yung pangangailangang

    jin: kayo kaya nasa kalagayan ko... pag gusto mo talaga yung isang tao... mahihirapan kang iapproach ito... shy type ako!!! lolz

    ReplyDelete
  4. Musta si Monday? oppss.. tuesday na pala ngayon hehehe... pakilala ka na... :)

    Tinamad lang siguro si JLo na mag-update ng resume... hehehe

    ReplyDelete
  5. kala ko may new gadget ka.

    nwey, pano yan 1 page lang din ang resumer ko (pero font size ay 5) haha

    ReplyDelete
  6. Dont worry about the ring na suot ni Monday sa middle finger nya. Hindi sya engage. Sa middle finger lang nagkasya yung singsing. :)

    teka, mas malala pa yata resume ko kesa sa resume ni J.Lo. hehe

    ReplyDelete
  7. Ahahahaha! Natawa naman ako kay JLo at sumusunod sa uso sa resume. Kaya naman kasama rin sa uso ngaun na walang trabaho..lolzz

    Anyway expressway, walang meaning yung ring na yun. Malamang tama si acrylique. Si epol of the eye, simulan mo sa isang matamis na good morning. Gudlak parekoy! go! go! go! :)

    ReplyDelete
  8. marco: di rin... may pagkaslow talaga siya... hehehe

    chyng: sa kanya.. 10 na font size.. may space pa para sa mga likes!!! hahaha

    ReplyDelete
  9. acrylique: sana nga... sana nga... cross my fingers... hehe

    oracle: sabi ko nga sa kanya para siyang fresh grad sa ginawa niyang resume.

    ReplyDelete
  10. next week... try mong ngitian si Monday... para matapos na yang pantasya mo... hehehehe!

    ReplyDelete
  11. ikaw na ang magsimula sa magiging usapan nyo ni Monday Vargas.. hehe

    ReplyDelete
  12. Blame it to the so-called HR Experts!

    Madami na din kasi akong nabasang libro about resume writing, at sinasabi nga nila na dapat one-page lang ang resume (maximum is 2). Kailangan daw huwag masyadong mahaba at baka daw mahilo ang HR sa sobrang dami ng information.

    But I beg to disagree. Wala naman 'yan sa number of pages. Nasa content.

    4 pages ata ang resume ko nung nag-aapply ako. LOL

    Teka, 'di ba me pagka-bumbayin din ang itsura mo? Naks! Meant to be? Haha. = P

    ReplyDelete
  13. i have a ring na nasa middle finger ko...kaya cguro walang lumalapit sa aking they thought i am engaged where in fact certified single...heheh

    anyway, try to open the communication. puro what if lang naman ang nasa isip mo till you know the real story. at kung sakaling engaged nga sya, di bale may tuesday, wenesday, thursday at friday pa naman eh...

    ReplyDelete
  14. Asuuus wala daw maikwento eh andami mo kaya nagawa simula nung last blog entry mo. Hehehe.

    Pa-send naman ng resume ni JLo. Makiuso rin ako. Lol.

    ReplyDelete
  15. next monday pag nakasabay mo pa si epol op di eye, sign na dapat un na kausapin mo sya.

    at good luck kay jlo sa pag apply at sana maayos na ang kanyang resume

    ReplyDelete
  16. Ano masakit pa ba ang migraine mo?hahahaha

    Hehehe,alam mo baka naman kasi di nman sya ganun kadesperadong makakuha ng trabaho. Eh pag ganyan yun tao hayaan mo na lang wag mo ng tulungan! Sa huli baka ikaw pa ang mapahiya.Hehehe! Pwede ako na lang mag-aplay? Hahahha

    Ingat

    ReplyDelete
  17. hmmm on monday's ring: baka naman trip lang nia ilagay sa middle finger.. malay mo.. haha

    ReplyDelete
  18. di bale, next monday na lang ulit! hind kaya p@kyu ibig sabihin nung singsing sa middle finger? lol.

    ReplyDelete
  19. no pain no gain. hahaha. next monday ulit--sa ngayon magipon na ng lakas! :))

    ReplyDelete
  20. D pa naman cguro cia engaged napalaki yung bili nia nung singsing taz dun lang nagkasya sa middle finger, kc di ka pa umariba every monday naman pala...natuwa naman ako kay Jlo...hehehe

    ReplyDelete
  21. maryosep..lols

    torpe pa rin si Gillboard astig?
    taena..pangalan lang di mo matanung?
    lols...
    sa middle finger pa lang yun parekoy..kung sakali, pwede pa! hehehe.

    sige goodluck nalang sa byaheng monday kasama si Monday.

    at sa sakit ng ulo, anu ba pwedeng panlaban dyan, alaxan? o di kaya sex? lols

    ReplyDelete
  22. itapon na kasi yang mp3 na yan---sagabal sa kaligayahan---lol----you have to ask---- there'ss nothing wrong in asking diba---wag lang sabay kiss ha--lol

    ReplyDelete
  23. pusang-gala: madali sabihin... medyo mahirap gawin.. hehehe

    kosa: yung pangalawa na lang.. hahaha

    seaquest: titingnan ko... kung magagawa ko sa lunes... kung makakasabay ko siya..

    ReplyDelete
  24. tomato cafe: oo nga.. pero kuntento naman ako na nakakasabay ko lang siya.. ok na yun.. hehehe

    badong: pwede rin... lolz

    juzzie: pag nagkaroon ako ng lakas ng loob na kausapin siya.. itatanong ko yan..

    ReplyDelete
  25. drake: oo nga, bahala siya sa buhay niya... basta sinendan ko ng kopya ng resume ko..

    zaizai: wag ganyan, pag naging specific kasi yung hinihingi kong sign... di binibigay.. hehehe

    joms: kung pwede lang ikakalat ko yung resume niya.. kaya lang nakakaawa naman yung tao...

    ReplyDelete
  26. jez: may thursday na rin ako... naisip ko ngang kumpletuhin ang days of the week.. hehe

    gas dude: onga.. kaya ayoko na bumili ng mga career books... iba iba ang tip bawat isang libro.. basta nasa sayo yan kung kaya mo dalhin sarili mo sa interview.

    ReplyDelete
  27. kheed: ang tagal bago ko nagets yung vargas.. hehehe

    azel: nagngingitian naman kami.. di lang kami nag-uusap...

    ReplyDelete
  28. torpeng pasipleng maniak ka pala tol...Idol! heheh!

    Mukhang mahirap nga yung ganyang sitwasyon para sa nag-aaply na tulad nya...kailangan ka ng maraming experience bago makahanap ng magandang trabaho...pero tiyaga lang yan at diskarte..PAYO mo yan sa kanya...

    ReplyDelete
  29. singsing sa middle finger... wala yatang masyadong meaning yun. sa video kasi ng thriller, binigyan din ni mj yung girl tapos sa middle finger nya sinuot, pero hindi sila engaged. hehe.

    ReplyDelete
  30. hhahaha kaadikan mo siguro ito Gilbert. well anyway singsing lang naman eh kaya okay lang :)

    at least feel niya na may gusto ka sa kanya.

    hhmmmm mabuting kaibigan XD

    ReplyDelete
  31. may singisng ako sa gitnang daliri
    di naman ako engaged
    syet
    natanggal na nga ire
    baka umasa yun madalas kong kasama
    hehe

    ReplyDelete