Jun 4, 2009

DISTRACTION

Dahil hanggang ngayon ay apektado ang katinuan ko dala ng pabago-bagong bugso ng panahon, naisip kong kelangan ko ng sandamakmak na distraction para hindi ako tuluyang madepress. Maraming dahilan kaya topakin ako ngayon, at kelangan tong pigilan kung hindi, baka tuluyan bumigay ang diwa ko at maging isang super emo (with matching eyeliner at spike na buhok!!!).
Nariyan yung pagigins single, yung aking paglobo salamat sa sunud-sunod na pagparty at bisitang balikbayan, stress sa trabaho, kawalan ng pera at pagkabato sa bahay.

Pasensya na, may sumpong nanaman ako ngayon, kaya walang kwenta tong mababasa ninyo (para namang may kwenta yung mga nababasa niyo dito..). Para maiwasang maging magastos at maging suicidal, kelangan kong idistract ang sarili ko...
  1. Umiwas manuod ng mga makesong pelikula. Tigilan ang pagsaksak ng mga DVD ni John LLoyd, Bea, Sarah at kung anu-ano pang pelikulang may tema ng pag-ibig.
  2. Bumili ng DVD ng Hostel 2, Texas Chainsaw Massacre, House of Wax at lahat ng magagandang pelikulang may tema ng patayan, saksakan at kung anu-ano pang karumaldumal na mga torturan. O kaya porn!!!
  3. Maglakad pauwi. Mula opisina hanggang sa sakayan ng bus sa EDSA, at mula sa labasan ng village namin hanggang bahay para diretso tulog dahil sa kapaguran.
  4. Iwasang istalk ang mga crush sa facebook. Better yet, wag na magfacebook.
  5. Or kung magfefacebook, magcomment ng walang kwenta dun sa mga status ng aking mga kilala.
  6. Ipatago ang pera at wag ipasabi kung san inilagay para maiwasan nang bumili ng mga gamit na di kailangan (webcam, DVD player, cellphone... ngayon naglalaway ako sa isang mp3 player, treadmill at punching bag).
  7. Piliting may ginagawa habang gising... maglaro bidyo games, pag nagsawa, magbasa (kakabili ko lang ng Kapitan Sino kahit di ko pa tapos MacArthur na ngayon ko lang nalaman ang ibig sabihin eh taeng bumabalik)... kung wala nang mabasa, mag-internet... pag wala nang mabisita... mag ja... matulog ulit.
  8. Kulitin sa text lahat ng kakilalang nakasun.. Sayang naman ang libreng text at call sa buong buwan.
  9. Umiwas sa mga patalim, lubid, tuktok ng building, tulay, bangin o kahit saang pwede kang maaksidenteng magpakamatay....
  10. Maghanap ng syota... o ng sex life... anim na buwan ka nang tigang!!!
  11. Babuyin ang friendster... ilagay sa shoutout: ANG WALANG FACEBOOK... MAHIRAP!!!
  12. Magpakaworkaholic!!! Meaning magpakasawa sa internet sa opisina hanggang alas-tres ng hapon, bago umuwi.
  13. Dahil tag-ulan, manghuli ng mga naliligaw na tutubi sa amin. Pag gabi naman, mga alitaptap!!!
  14. Lubusin ang serbisyo ng DVDeoke, kantahin lahat ng alam na kanta sa songbook, with matching full volume ang speakers... kapag hatinggabi!!!
  15. Pangalanan lahat ng artistang may hindi makakalimutang pangalan... (eg. Dexter Doria, Bomber Moran, Jean Saburit... tangina adik!!!)
  16. Tumigil sa paghithit ng glue at katol!!!

Napakaloser ko talaga!!! Hahaha... sorry... magpapakatino na ulit ako...

33 comments:

  1. dagdag parekoy.... magjogging ka! hehehe

    ReplyDelete
  2. mag-ja...libee ka na rin.
    haha! Natawa ako sa 11. may pilosopiya kasi kami, ang facebook pang-conyo, ang mutiply pang-burgis, at ang friendster pang-maralita.

    ReplyDelete
  3. kailangan ko din nito. magawa nga yang # 10.

    I hate rainy days

    ReplyDelete
  4. badong: hehe.. kahit nilalait ko friendster, binibisita ko pa rin yun.. yun lang allowed access sa opisina ngayon.. bawal na facebook!!! waaah!!!

    bampiraako: good luck sa atin... nawa'y makahanap tayo ng number 10!!! hahaha

    ReplyDelete
  5. Nakalimutan mo makipag-usap sa sarili parekoy! Effective distraction yun, at pantanggal depression.

    ReplyDelete
  6. pwede bang bumili ng nescafe 3in1, tapos paghiwahiwalayin ang kape, asukal at ang creamer, pandagdag libangan lang..

    ReplyDelete
  7. knox: yup... totoo yan.. tagal ko na nga ginagawa yan.. nakakasawa na makipag-usap sa sarili.. hehe... gusto ko yung makikipagdebate naman sakin.. hehehe

    kheed: pwede rin... tiyak, taon ang masasayang ko pag ginawa ko yan.. hehehe

    ReplyDelete
  8. ang magandang distraction ay...
    teka
    wala akong maisip na wholesome, eh
    puro medyo pilyo
    baka ma-ban ako dito
    bagong-nago pa naman ako
    hehe

    baliktad naman tayo
    ika nga ng garbage: i'm only happy when it rains...
    =P

    ReplyDelete
  9. 6 months ka pa lang tigang? Hmmm... ako ba ilang taon na? LOLz

    ReplyDelete
  10. raft3r: di ako nagbaban ng mga bisita dito.. hehe.. ok lang yan...

    gas dude: okay lang yan, mayaman ka naman dyan sa singapore... hehehe

    ReplyDelete
  11. haha..muka ngang buryong na buryong ka na Gil!

    tsktskk..
    pudtrip ayaw mo?hehehe

    ReplyDelete
  12. di ko kinaya ang number 16.. hahahahaha
    at kumustahin nman yung mga gusto mo.. morbid masyado yung mga movies na gusto mo ahahaha
    mahirap talagang pakisamahan ang panahon ngaun.. dahil parang tanga lang talaga yung ULAN..aaraw tapos maya-maya biglang bagsak ng malakas na ulan.. kainis.. kasira ng mood

    ReplyDelete
  13. Take a hike!

    ^_________^

    ReplyDelete
  14. langya talga tong ulan..daming sinisirang isip..tsk tsk tsk..hehehe

    yung#6..hhmnnn pwede kong itago ang pera mo..heheh. huwag ka ng bumili ng treadmill, malamang proproblemahin mo lang kasi di mo magagamit...

    ReplyDelete
  15. "Bumili ng DVD ng Hostel 2, Texas Chainsaw Massacre, House of Wax at lahat ng magagandang pelikulang may tema ng patayan, saksakan at kung anu-ano pang karumaldumal na mga torturan."

    may hostel 2 na pala... salamat gillboard. ung House Of Wax ok un...

    tinamaan ako sa 11... wala kase akong facebook :(

    ReplyDelete
  16. nice tips..
    taena... kailangan ba talagang ganun?

    apir tayo sa #8, 9 at 10..lols

    ReplyDelete
  17. Gawing pulboron ang kape... :)

    ReplyDelete
  18. natawa ko sa pagbababoy sa friendster..magandang shoutout yan ahhh!!!

    ReplyDelete
  19. yung numbr 16 ang kelangan kong tigilan. haha.

    ReplyDelete
  20. sa madaling salita...

    UTUIN, LIBANGIN AT BURYUNGIN ANG SARILI.

    at least mission accomplished di ba?

    ReplyDelete
  21. jen: pwede.. kaya lang panira ng diet yan.. tsaka may fudtrip ulit ata kami bukas... hay!!!

    yanah: honga.. nakakabwisit panahon ngayon... MAKE UP YOUR MIND NAMAN KUNG UULAN KA O AARAW!!! GRRRR!!! lolz

    ReplyDelete
  22. dylan: literal na hiking ba to o pinapaalis mo na ako? hehe

    jez: errr... pag-iisipan ko yang offer mo... hehehe

    ReplyDelete
  23. azel: bumili na rin ako ng dvd's ng latest season ng maraming maraming US series.. hehehe

    kosa: para sakin lang yan... may topak nanaman ako ngayon eh.. hehe

    ReplyDelete
  24. acrylique: di ako mahilig sa kape.. hehehe... pero pwede rin siguro... pag-isipan ko...

    mokong: of course!!! hahaha

    ReplyDelete
  25. joshmarie: honga... nakakaadik yun, parang rugby lang.. hehe

    mulong: yap!!! buryong buryo nako sa buhay ko.. hahaha

    ReplyDelete
  26. Lol...

    Horror movies? while looking for gf ? Hmnn...that's different!

    ReplyDelete
  27. Biro lang, haha! di panahon ng hiking ngayon eh, umuulan.

    Di ka rin pwede umalis, enjoy nga mga posts mo eh.. Para lang akong nagbabasa ng comics.. Nakakatuwa kahit seryoso ka. haha!

    ReplyDelete
  28. Kuya Gilbert mustah? naaliw naman akoh ditoh sa post moh... mamimiss ka namen for sure kapag nawala kah sa mundong blogsperyo... nakanang!... hehe... makesong pelikula bah kamo... graveh kapapanood koh lang nung isang araw yug You Changed My life nina sarah and lloydi... kakatuwa.. yan ang mga trip koh minsan... kaaliw kc eh... 'la lagn...w ehe... yeah walking maganda tlgah yan... kung kaya mong lakarin moh... stay sexy na ren at pampawala nang emo... at sarap nang pakiramdam... abah unlimted txt kah palah... txt moh ren nga akoh... lolz biro lang... haha tumigil sa paghithit bah... teka ano ba yang hinihithit moh... pa-share... wehe... ingatz lagi... Godbless! -di

    ReplyDelete
  29. lykmeeh: yep... morbid noh?

    dylan: kaya walang sumeseryoso sakin eh... hahaha

    dhianz: di naman ako mawawala... di pa... hehehe

    ReplyDelete
  30. yeah sabi koh naman po kapag lang... lolz.. pero hwag muna... kc malulungkot kme... lolz... baka magawan pa kita nang tula...sige kah... wehe... ingatz... Godbless! -di

    ReplyDelete
  31. naks naman ayos ang mga list of distractions mo. Buti wala ito

    1. Iwasang tumingin sa blade o lubid sabay magpatugtog ng EMO music baka sa di maganda mapunta

    2. Subukang mangulangot gamit ang hinlalaki (ng paa)

    3. Subukang kurotin ang nakakabatang kapatid o pamangkin at unahang umiyak.

    4. Basagin ang vase at subukang pagdikit dikitin ito gamit ang kanin

    5. pagpalitiin ang letra sa keyboard at subukang mag type ng nobela at ipost sa blog mo

    Hehhee ano pre okay na ba itong pandagdag sa listahan mo

    Ingat tol!!

    ReplyDelete
  32. waaahhh! ay namiss ko naman magbasa ng mga posts mong ganito,haha!

    ako din kelangan ko ng ganyan,salamat sa tips..haha!

    btw, nagpaparamdam lang. baka sakaling kilala mo pa ako,lol!

    ReplyDelete