Jan 12, 2009

TV COMMERCIALS

Gusto ko lang sabihin na paborito ko nang commercial ang bagong tvc ng McDonald's. Yung First Love.

Ang kwento niya ganito, noong 80's ata yun, may 2 bata, yung babae eh nagsasawsaw ng french fries niya sa sundae. Medyo bago sa batang lalake yung nakita niya. Tapos hinila ng batang babae si batang lalake sabay flash forward. Matatanda na sila. Akala mo nagkatuluyan yung dalawa sabay malalaman natin na may asawa't anak na yung girl. Habang kumakain na silang lahat, napansin ng girl, na yung boy eh nagsasawsaw na ng french fries sa sundae.

Sabay sabi "di man naging kami sa huli, siya pa rin ang first love ko." Lahat ng yan habang tinutugtog ang "Huling El Bimbo" ng Eraserheads.

Napakabittersweet!!! Nakakaantig ng puso, na kahit ako eh natouch. Eh hindi ako masyadong madaling mapabilib ng mga tvc's. Ang galing!!!

McCann Ericson ba may hawak ng advertising ng McDonald's? Ang husay!!!

At dahil dyan, nainspire akong isulat lahat ng mga di ko makakalimutang mga commercial ng tv. Yung mga tipong nanunuod ka na lang ng tv para hintayin ang commercial nitong produktong ito.
Gustuhin ko mang ipost yung mga tv ads dito, ngalang bobo ako sa internet kaya di ko maiupload dito. Gamitin niyo na lang imagination niyo.

COKE - Bridesmaid Ka Lang
Isang buong series ito noong 90's ata yun. Naalala ko si Belinda Pamelo (tama ba spelling?) tsaka yung bida dito. Syempre high school pa lang ako nun, kaya may kilig-kilig pang nalalaman!!! Nakakaaliw yung serye niya dahil gusto mo silang magkatuluyan sa huli. Ewan ko ba, mababaw ako sa mga ganyan.

MCDONALD'S - Karen Po
Medyo nakakarelate ako dito, dahil ang lola ko eh medyo ganyan. Hindi nga lang siya kasing sweet ng lolo ni Karen, pero pareho silang ulyanin. Nung una ko tong nakita, medyo naiyak ako kasi ang galing ng twist. Akala ko patawa lang yung story, sabay kakabug sa damdamin mo. Siya pala yung gustong pasalubungan ng lolo niya kasi paborito niya ito. Awwww.

SPRITE - Magpakatotoo ka-bulary
Dito ata sumikat sina Toni Gonzaga, Vhong Navarro at Ryan Agoncillo. Sino ba makakalimot dun sa mga linyang "I love you Piolo!!!" at "So, are you in heat?!" Ang galing nito... medyo corny na yung mga bandang huli, pero huli pa rin ang ugali ng kabataan noong mga panahong iyon. Kitikitext, salaminkero at kung anu-ano pa. Sobrang nakakaaliw. Noong panahon na ito, high school pa rin ako, matapos sumikat ang commercial na ito, dumami ang bading sa klase namin. "Nagpakatotoo daw sila!!!"

MCDONALD'S - Baby
Di siya Pinoy na commercial, pero patok na patok ito kasi sobrang nakakatawa talaga ang commercial na 'to. Yung baby na nagsuswing. Tapos parang baliw na umiiyak pag bumabalik sa likod ang swing at tumatawa pag nasa harap na. Kasi nakikita niya yung sign ng McDonald's. Riot tong commercial na 'to. As in naghahanap talaga ako ng channel na puros commercial lang baka matiyambahan yung palabas. Adik.

ROYAL - RJ
Madaming commercial si RJ noong 80's ata to. Pero ang naaalala at tumatak talaga sakin yung huli. Yung naglalaro sila ng truth or dare. Tapos yung dare kay RJ eh halikan yung unang babaeng pumasok sa pintuan. Tiyempong ang babaeng yun eh yung matagal nang crush ni RJ. Naaalala ko yung mga katulong namin dun dati sobrang kilig na kilig pag commercial na ng Royal. Nakakaaliw.

COKE - Nikki Gil
Hindi ko maalala yung title, pero parang unang lumabas ito pagkatapos ng bagong taon. Ang simple ng commercial na 'to actually, pero yung di ko makakalimutan yung kanta ni Nikki Gil. Ang ganda ng message ng kanta. Tapos magtataka ka kung bakit hindi nabibigatan si Nikki sa dala niya. Parang isang case ng Coke ang laman ng bag niya pero ambilis pa rin niyang maglakad. Crush ko pa nun si Nikki kasi parang di pa siya masyadong exposed sa publiko, unlike ngayon.

COLGATE - What's The Color of My Teeth
Hindi rin Pinoy yung original commercial nito, pero ginaya natin. Yung teacher na nagtatanung sa mga pre-school students niya ng tungkol sa colors. Tapos pagdating sa kulay ng ngipin niya, imbis na puti eh iba-iba ang binibigay na kulay. Nakakatawa siya kasi nakakaaliw ang innocence nung mga bata. Magbigay ba naman ng color na 'mother of pearl.' Panalo! Eto lang yung commercial na pati nanay ko ayaw ipalipat ang channel pag ito ang pinapalabas.

SELECTA - Sinong Best Friend Mo Doon?
Di ako sure kung Selecta Ice Cream nga ba talaga yung product o Presto or Tivoli, basta ice cream siya. Ang kwento eh, lilipat ng tirahan yung isang bata, tapos bago siya umalis, tinanong ito "Sinong best friend mo doon?" "Syempre ikaw lang!" Binaboy ni Tikboy at John Estrada tong commercial na'to pero okay lang. Ibig sabihin, talagang kumita ang konsepto ng commercial nila.

Ala lang. Reminiscing.

*********
McDonald's is handled by DDB advertising and not McCann as posted. Thank you Ms. Tessa!!!

27 comments:

  1. Oo nga... napanood ko na ang commercial na yan... galing!!! akala ko nga rin noong una sila ang nagkatuluyan... iba pala!

    ReplyDelete
  2. This is post is a blast from the past, man. I remember some of these commercial. Especially the "Bridesmaid Ka Lang" and "Sinong Best Friend Mo Doon?"

    Although my favorite pinoy TV commercial would be Johnson's Pure Essential, back in 1995, with Joanna Dizon and any Ivory with Francesca Garcia. Hindi ako matatulog pag hindi na kita yung mga commercials na yun.

    ReplyDelete
  3. i love the one from coke, with nikki gil. meron pa, yung eggnog ni rico yan, ovaltine ni atom araullo, tsaka yung lucky me pancit canton, yung "it's currrly, very much" hehe

    ReplyDelete
  4. Hahaha, naaliw ako sa mga commercials na gusto mo. Sa sobrang tuwa ko dun sa Nikki Gil Commercial, na-iblog ko pa siya a few years ago.

    Gusto ko rin yung sa Sprite. College yata ako nun o kakagraduate lang. Basta ang galing!

    ReplyDelete
  5. hahaha..lols
    ako din.. sariwang sariwa pa sa alaala ko yan..

    lalo na yung pinaka-huli!

    sinung bespren mo duon?
    elementary pa ako nun yan.. no joke..lols naging bahagi nga yan ng aming role play nun eh..

    nice post as always..

    ReplyDelete
  6. i should watch more local to catch that commercial. astig.

    ReplyDelete
  7. Meron sa YouTube ng mga klasik na Philippine TV Commercials.

    Check mo ito -> http://www.youtube.com/profile?user=ADman1909&view=videos.

    Gusto ko yung dati na Sarsi Commercial. Yung Iba ang Pinoy. Pati na rin yung dating commercial ng DOH about the dangers ng firecrackers. Yung me bata na nagsasabi "Ma'am, indi na po ako magpapaputok ulit" as a New Year's resolution - sabay pakita ng mga naputol nyang daliri. Hehehe =)

    ReplyDelete
  8. ako, namimiss ko yung "Never Ever" pinoy version ng Coke. "Ang sarap kasama ng pamilya, lalo pag may coca-cola..."

    tsaka yung sa Coke din na "Karl Kalabaaw..."

    McDo and Coke, astig ang commercials.

    ReplyDelete
  9. kakamiss nga yung mga commercial na yan. kami ng tatay at nanay ko laging nagbibigay ng mga critiques sa mga commercials. hehehe...

    ReplyDelete
  10. i can't remember some of these anymore-- naallala ko lang yung kay Piolo at Karen ng MCDonld..tsaka yun kay Nikki Gil...

    Sikat yun Karen Po...

    Saan ka ba nanggaling Gina..., Karen po...

    ReplyDelete
  11. nostalgic post. hehehe. lahat ng mga nasa listahan mo ay naaalala ko pa.

    i remember there is one commercial na para sa isang brand ng bacon. Yung bacon sana ang focus ng commercial pero ang tumatak sa isip ng tao at nauso pa ngang kataga ay yung sinabi nung tv ad model na "coffee na lang dear".

    ReplyDelete
  12. Haha.
    ayus to a, uu nga, kaya rin siguro patok na patok sa'kin ang bubble gang, dun ko kc nakikita ung ang mga latest commercials.

    nice day gillboard! ;)

    ReplyDelete
  13. wahaha! thanks for this post. grabe super sikat nung elementary ako yung sinong bestfriend mo doon? fave line namen yun ng bestfriend ko. karen po! haha. asan na kaya sya. thanks gilbert!

    ReplyDelete
  14. Wow, TIVOLI!
    bakit wala na nito? namiss ko tuloy..

    paborito ko yung Sprite ni Ryan Agoncillo. ang galing nya dun. Sexy star ata yung kasama nya dun eh.

    tinatanong ko rin sa sarili ko nun kung san nanggaling yung mga coke na naglalabasan sa bag ni Nikki, parang factory yung dala. well, TV eh. I also liked Nikki before, isa pa unique yung beauty nya.

    hehe, dropping by.
    I'm back, and will be back.
    cheers!

    ReplyDelete
  15. The McDo is one of the best I've seen so far. but I also love Nikki Gil on Coke and Ang Sarap Dito of Project 1.

    I have an article about this too. visit me if you have time. good day.

    ReplyDelete
  16. anong meron ditow pareng gillboard... ahhh... commercials... sige... i'll koment habang binabasa koh...

    MCDO: awww sa first mcdo commercial.. luv dat song noon yang "huling el bimbo" na yan.. sino bah ang nde nakakaalam nang kantang yan noon.. kahit atah mga paslit sa kalsada alam yan eh... neweiz...

    COKE: natuwa naman akoh sa hirit moh ditoh.. abah kinikilig kilig ka pah non ahh.. =)

    MCDO: uletz... ahh... ok... nakarelate kah... next...

    SPRITE: haha.. dme bang nagpakatotoo at naging bading.. lolz... gusto koh ang linya nilah sa sprite..."magpakatotoo kah.. drink sprite!".. la lang.. kaso yoko nang sprite eh... coke na lang... lolz

    MCDO, ROYAL, COKE:... ok...next...hehe..

    COLGATE: haha.. naaliw akoh sa description moh... "mother of pearl ha.." wehe... fave pah nang nanay moh...

    SELECTA: yeah luv dat line... "sinong bestfwend moh doon... syempre kaw lang... "... 'la lang.. wehe...

    eniweiz nde koh familiar sa ibang patalastas... nag-based lang akoh sa kwento at description moh.. pero naaliw naman akoh....

    dme palah akong na-miss ditoh... tsk! ilang araw lang akong nawalah... wehe... salamat sa pagdaan daan nang page koh... thanks u luv da song =) yeah mejo pang-teen ager kinda... pero cute... puwede pa ren naman sa matatanda kung gugustuhin.. wehe... neweiz.. daz all for now... have a nice day and GODBLESS! -di

    ReplyDelete
  17. naunahan mo kong magpost.. hahaha

    ReplyDelete
  18. bigla kong namiss ang mga tvc natin. sana magkaron ng kopya ang youtube ng bagong mcdo na yan, parang na-excite ako't gusto ko siyang makita. yan rin ang pinaguusapan sa plurk eh.

    gusto ko ring gumawa ng ganitong post, yung mga patungkol sa mga lumang paborito. kaya lang.... the spirit is willing but the memory is weak. hahaha

    ReplyDelete
  19. munggo: nasa youtube na yan... hanapin mo mcdonald's Huling el bimbo.

    ReplyDelete
  20. ngayon ko lang napanuod! huhuhu! pero di ako napaiyak ha! hehehe

    mcdo really makes good and relatable commercials. parang they're promoting yung products nila sa ibang paraan! hehe

    nagutom tuloy ako! you posted selecta and mcdo at the same time! hehehe

    ReplyDelete
  21. i think mas bongga ang impact ng commercial ad talaga ni Nikki Gil....it was like wooooow. Hehehe

    ^ ^

    nice blog.

    ReplyDelete
  22. nostalgic!!!

    i love mcdonalds commercials too, ang galing nila gumawa

    classic yung karen po

    ReplyDelete
  23. hmmm---halatang di nga naga ko nagpapanuod masyado ng tv so diko pa to alam...mahanap nga tong commercial na---nacurious ako bigla.

    ReplyDelete
  24. gusto ko din ung Coke ad ni Nikki Gil..

    pansin ko lang, prang ang daming nahuhumaling na GUYS sa tvc na yan ng Mcdo,haha! prang may Mcdo Craze na nga sa blogosperyo eh,lols!

    ngaun ko lang napagtanto,cheesy rin talaga ang mga guys,hehe!

    impernes naman kasi, maganda talaga yung commercial,siguro nadala na rin pati nung kantang HULING EL BIMBO.

    ReplyDelete
  25. one of the creative people sa First Love mcdo commercial was Teeny Gonzales. I think she's from DDB, not McCann.

    ReplyDelete
  26. Yeah, I found out that DDB handles McDonald's last Sunday. Thanks about that. Will edit this post.

    ReplyDelete
  27. http://www.youtube.com/watch?v=3uznzgV2UuY

    ang sarap kasama ng pamilya

    ReplyDelete