Tagalog ulit. Wala ng mga Amerikano sa bahay kaya balik Tagalog na muna ang mga post ko.
Magkukwento muna ako dahil wala akong maisip na maisulat na matino.
ISDA
Masaya ang pagsalubong ng bagong taon sa amin. Dahil, maliban dun sa 2 Kano sa bahay namin, eh nandito rin sa Pinas yung aking kaloveteam nung ako'y musmos pa lang. Lumaki siya sa Ingglatera, at nagpasya na bumisita dito sa bansa para salubungin ang bagong taon kasama ang kanyang asawa. Wala lang. Nakakatuwa lang na nitong mga araw, eh may mga bagong mukha akong nakikita.
Noong weekend, eh walang tulugan ang drama ng lolo niyo. Naikwento ko na marahil na ako'y sumasabit sa mga tour guide duties ng aming mga bisita, kaya nagkaroon ako ng mga lakad. Noong linggo, ay bumalik kami sa Manila Ocean Park para manuod ng mga isda. Pero dahil nga mga mangingisda sina Guy at Clay eh malamang (sa tingin ko lang) eh hindi sila masyadong nag-enjoy.
Pagkatapos nun eh pumunta kami ng Star City. Unang pagkakataon ko sanang makapasok dun, dahil sa tanang buhay ko, eh hindi pa ako nakakapunta ng Star City. Oo, nakapunta na ako ng ibang bansa, pero hanggang ngayon, di ko pa napapasok ang Star City. Ang abnormal lang ng lugar, at hapon pa siya magbubukas kaya't naunsyami ang pangarap kong makasakay ng Cyclone Loop. Oh well.
SINGSING
Dumiretso na lang kami ng Mall of Asia. Pero hula ko ulit na hindi nag-enjoy yung dalawa masyado dahil mga lalake yung mga yun at hindi mahilig magshopping. Buti na lang at may nadaanan kaming tindahan ng mga alahas. Yung anak, eh biglang tumigil dun, at napagdesisyunang bilhan ng singsing ang kanyang sinisinta. Pero dahil may problema sila sa kanilang pera noong araw na yun, eh pinagpaliban niya ang pagbili nun.
Lunes naman ay Boy's Night Out. Dahil naabutan ako ni Clay na gising ng alas-5 ng hapon, eh inaya niya akong lumabas. Ako naman, dahil nacorner eh pumayag na lang. Kaya, kahit pagod, walang tulog at may pasok kinagabihan, eh sumama.
Una kong dinala ang mag-ama sa Mall of Asia, para balikan ng binata ang sinsing na nais niyang bilhin. May problema pa rin sila sa pera, kaya di pa rin ito binili. Tapos, tumambay ng konti sa Pier One dun sa may seaside. Nakainom na ang mag-ama bago pa man kami umalis ng bahay, pero mukhang kulang pa rin, at tumungga ang dalawa ng Long Island Iced Tea.
KULASISI
Pagkatapos nun, eh pumunta kami ng Malate, para samahan na magpapalit ng tseke ang dalawa dahil kukulangin ang dala namin kung gusto naming mag-enjoy nung gabing iyon. Ilang bading ang muntik nang masapak ng mag-ama dahil hindi talaga tinantanan ang mga ito ng mga offer ng sex. Tumatawa lang ako.
Matapos naming magkapera, diretso kami ng Makati para mag bar hopping. Pero dahil Lunes at wala namang katao-tao sa mga lugar dito, eh naisipan ng mag-ama na magpunta sa Gentleman's Club.
Sa totoo lang, wala ako masyadong alam na lugar na ganoon at di ko tambayan yun. Pero dahil naikwento sakin ng kaibigan ko na masaya daw sa Binibini sa Baclaran, eh dun ko dinala yung mag-ama.
Ang sexy na katawan ng look-alike ni Mystika na si Ana... Margarita ang bumati sa amin sa loob ng bar. Sinabihan ko na ang dalawa na huwag magtetable ng babae dahil, uubusin lang ng mga yan ang pera nila, kaya't pumuwesto na lang kami sa harapan. Bad idea pala yun. Dahil silang dalawa lang naman ang banyaga sa lugar, eh pinagpiyestahan kami ng ilang mga babae na nais magpatable samin. Tinanggihan namin lahat.
Pero panalo ang drama ni Ana... Margarita. Mula sa stage, parang pusang pumunta samin, pumatong kay Guy at nagpadakma ng suso. Sabay order ng mamahaling inumin. Goodbye P600 agad kami sa 5 minutong pag-upo na yun ni Ana... Margarita.
Di kami nagtagal sa lugar na yun, dahil yung anak eh biglang sobrang namiss ang kanyang syota. Kaya umuwi na kami.
*****
Unang linggo ng taon, at marami nang nangyari sakin. Sana senyales ito na maraming magaganap sa buhay ko ngayong taon. Maraming magagandang bagay lang!!! Sensya na at walang kwenta itong post na 'to. Dalawang oras na ako sa opisina, at wala pa rin akong ginagawa. HINDING-HINDI NA AKO AALIS SA KUMPANYANG ITO!!!
buong taon ka din makakakita ng kamukha ni mystika.. hahaha
ReplyDeletealam mo bang pag binabanggit ang PIER ONE eh nag iinit ang ulo ko.. pano ba naman kase dalawang oras bago namin makuha yung order at bastos pa yung waiter kaya asar ako sa lahat ng branches ng pier one.. hahahaha
pasensya na dito ako nagrant.. haha
Okay lang... medyo matagal nga... order lang namin dun, 1 iced tea at 2 long island iced tea, naghintay kami ng mga kulang-kulang 30 minutes.
ReplyDeleteWOW... busy ang holidays mo ah... hehehe buti ka pa... napagod... ako naman napagod kaka-bark... hehehehe
ReplyDeleteNatawa naman ako kay Ana... Margarita. Wahahaha.
ReplyDeleteGrabe buti pa sila nakarating na sa Ocean Park at sa Star City. Wahahaha.
By the way, ang ganda ng playlist mo. haha
ReplyDeletenabasa ko nga ang plurk mo tungkol sa php600 na pahimas ng dede at upo sa lap. sosme dapat sa susunod eh magdadala kayo ng karayom nang sa gayon kapag may naupo ulet eh tatayo rin agad sa chakit. hehe
ReplyDeleteMarco: ayokong napapagod, at may trabaho ako!!! Gusto ko pag nasa opisina ako, eh sariwa ako!!! hahaha
ReplyDeleteyoshke: Sa labas lang ng Star City, hanggang ngayon di pa rin ako nakakapasok!!!
ReplyDeleteSalamat.
munggo: yaan mo pag bumalik ako ng Binibini, gagawin ko yan!!! hahaha
ReplyDeletemalas naman, look-a-like pa ni mystika ang natapat sa inyo. ahahahaha! kung meron lang akong suso eh magandang pagkakitaan yan.
ReplyDeletekakapagod maging tour guide!
ReplyDeletebtw, i'll link you bro. thanks!
wow.. ang saya nman ng ginawa mo!
ReplyDeletenext time pasama..i-tuor mo din ako.
sige wag kang umalis sa kumpanyang iyan... wala ka nman palang masyadong ginagawa eh..para may time ka sa blogosperyo..
Nakita ko na si Mystika in person. Ganun nga siya. Kakandong sayo. Buti na lang at alam niyang anak ako ng torero kaya hindi nagpa-order ng drinks. Hehehe.
ReplyDelete