Jan 3, 2009

BAGONG TAON, BAGONG MGA KAIBIGAN

Dahil hindi uso ang putukan tuwing bagong taon sa Estados Unidos, taon-taon na lang, maraming banyaga ang tumutungo sa Pilipinas para dito salubungin ang unang araw ng taon.

Last year, ang mga pinsan kong galing San Diego, ngayong taon naman eh ang kaibigan ng renter namin na galing Washington State. Mag-amang mangingisda na naghahanap ng Pilipinang mapapangasawa (yung tatay lang).

Buti na lang hindi kami mapapahiya sa mga bumibisita namin, dahil meron kaming terrace sa ikatlong palapag ng bahay namin kung saan, bawat lingon mo eh makakakita ka ng mga naggagandahang mga ilaw na nagkikislapan sa langit. Dito ako natutuwa sa Pilipinas. Kahit alam mong krisis na, hindi pa rin natin kayang alisin ang gumawa ng mga bagay para ipagdiwang ang mga okasyon sa buhay natin gaya ng bagong taon.

Sina Guy at Clayton ang aming mga bagong kaibigan sa pagbubukas ng taon, at natutuwa ako at nakilala ng pamilya namin sila dahil sila ay mukhang mababait na bisita. Walang arte sa buhay di katulad ng ibang mga banyaga na mapili sa mga kinakain at maraming arte sa buhay. Likas na palakaibigan ang dalawa, at kahit tumatagas na ang dugo sa mga ilong ng buong pamilya namin ay sige pa rin sila sa pagkausap sa amin.

Nanghihinayang lang ako, dahil dapat sa mga oras na ito eh kasama ako't nagtatampisaw sa tabing dagat sa Batangas (oo kahit madaling araw, kaya kong magbeach). May trabaho lang ako, kaya't hindi ako nakasama. Sabi ko pa naman ngayong taon eh hindi ko pakakawalan ang bawat pagkakataon na makalabas ng Maynila. Siguro may iba pang pagkakataon pa naman, 2 buwan naman sila mamamalagi dito sa bansa.

Sinimulan ko ang bagong taon na nakakilala ng mga bagong kaibigan, sana'y magtuluy-tuloy ito sa buong taon.

19 comments:

  1. same here..was working on New year... kakainis

    ReplyDelete
  2. ^^ Buti ka nga New Year lang. Ako Christmas and New Year! Gaah!

    ReplyDelete
  3. Dhon and Kevin: not really complaining about work. I love my job... just disappointed I have to go to work on a Saturday. Naputol lang yung supposed 4 day vacation ko... sana nasa beach ako ngayon.. hehe

    ReplyDelete
  4. wow.. tagay para sa mga mahilig sa bitch... este BEACH pala...

    sige sige, good luck sa mga bagong kaibigan ni GILBOARD...at APPY NEW YEAR na din muna..

    kitakits

    ReplyDelete
  5. kahit bitch, mahilig din ako dun... babaeng aso!!! lolz

    ReplyDelete
  6. I miss pinas every New Year due to lack of firecrackers here. I can still buy some but I still need to get a permit, which is a hassle. So I'm going home next year. Just so I could play with firecrackers that can almost pass as explosives.

    ReplyDelete
  7. Hopefully, next year crisis won't be as bad as people predict. This year I noticed that fireworks lighted aren't as many as in previous years.

    Or people are just getting smarter. But still Pinoy New Years Celebration is still the best!!!

    ReplyDelete
  8. may mga pinsan din ako na dito nagnew year... kaya lang mga pilipino talaga tong mga to dun lang nakatira na... kaya bagong mukha lang ang simula ng bagong taon ko... mabuti ka pa... GUD LAK sa 2009!!! baka yumaman ka ng todo ngayon kasi work ang simula ng taon mo, kung di naman eh pagod ka buong taon, wag naman sana... GOD BLESS...

    ReplyDelete
  9. Naku, wag naman sana!!! Gusto ko relaxed lang ako buong 09... Kaya nga di pa ako nangangarap ng promotion sa trabaho ko... sobrang petiks ang work ko... hehe

    ReplyDelete
  10. woohow.. hanggang madaling araw sa beach? ano na kaya kulay mo nun.. baka masunog ka nun.. hehehe.. pero sayang naman di ka nakasama.. nextime na lang ulit.. hayaan mo may vaction na nextime ang iyong working holidays.. :) HAPPY NEW YEAR tol.. :)

    ReplyDelete
  11. Uy, feature mo pa yung mga bago mong kaibigan. :) Medyo interesting ang opening mo sa kanila eh.

    ReplyDelete
  12. Nice to hear that u have a new friend from States..wow---pang export ata--este import ba?

    and...glad ur New Year went okay...

    ReplyDelete
  13. "Sabi ko pa naman ngayong taon eh hindi ko pakakawalan ang bawat pagkakataon na makalabas ng Maynila.">>> hehehe... sama ka sa amin sa anilao one time.

    ReplyDelete
  14. jennifer: di ko palalampasin ang susunod na bakasyon na libre... hay!!!

    mugen: tingnan ko... nakakahiya, di pa kami masyadong close. hehehe. kaya nga tinanggal ko yung pic, baka ijujitsu ako nun...

    ReplyDelete
  15. the dong: wow, sige, tingnan ko... kelan kaya yan? Exciting!!!

    ReplyDelete
  16. make as much friends as you can! kahit nosebleed ang kapalit hehe. cheers to 09! =)

    ReplyDelete
  17. new year... new friends... okz 'un ahh... abah palitan koh na nga mga la-kwentz kong friends... lolz... 'la lang... pero yeah itz always nice to make new friends... to meet new people... hirit lang... ingatz parekoy... GODBLESS! -di

    ReplyDelete
  18. nagwork ka na naman?
    hala! ke sipag! hayaan mo, inenjoy ko ung sa akin kaya pwede naman share! hehe

    di ka pla sumabay sa putukan! kaw tlaga! hehe

    astig may mga new friends. pag ako ba pwede magstay sa inyo? hehe

    ReplyDelete
  19. gravity: yep, that's the plan!!!

    dhianz: di naman kelangan palitan, kung kakeep-keep ang kaibigan mo... ala rin masamang mangolekta ng frens.

    ced: uy, nakiputukan ako, amin nga pinakamagandang fireworks... naks yabang!!! and sure, pwede ka magstay samin... kung di ka takot tumaba.. hahaha

    ReplyDelete