Oct 13, 2008

MOVING ON


PREVIOUSLY:

Naghahanda si Miguel para magpropose sa kasintahan niya ng limang taon na si Mitch. Habang inaalala niya ang lahat ng dahilan kung bakit sila nararapat para sa isa't-isa, sa bahay ni Mitch ay nagmumuni-muni ang kasintahan kung dapat pa bang ituloy nila ang kanilang pagsasama.

Dumating si Mitch sa park kung saan sinagot ni Mitch si Miguel. Doon, lumuhod si Miguel upang ipahayag ang pagnanasang pakasalan ang kasintahan. Sinara ni Mitch ang kahong naglalaman ng singsing, at sinabing dapat silang mag-usap...

**********

"I'm sorry Miguel. I can't do this anymore... We-we need to talk."
"About what? Did I do something wrong? Mitch, inaaya kita to take the next step forward. Ayaw mo ba?"
"I think masyado mong minamadali ang lahat Miguel. I don't think we're ready for this. Actually, I don't think I'm ready for anything anymore... with you."
"Nakikipaghiwalay ka ba?"
"Yes... No... Hindi ko alam."
"Bakit?"
"Madaming dahilan, Miguel. Hindi ko na kaya."
"Is there another guy?"
"No! How dare you. Five years tayo Miguel, and I've never been unfaithful to you!"
"Then what, dammit?! Ganito mo gustong i-celebrate anniversary natin?!"
"It's not even our anniversary today, Miguel. 24!!! 24 tayo naging tayo... hindi 14!!!"
"God, Mitch... eto na naman tayo! Am I not making you happy? Hindi ka na ba masaya sakin?"
"Hindi ko alam! I need time for myself. I need time away from you."
"Nasasakal ka ba sakin? Diba binibigyan naman kita ng oras para sa sarili mo? Sa mga friends mo."
"Nagsasawa na ako Miguel. I want us over. I need us to be over."
"Hindi mo pa rin ba nararamdaman na proud ako sayo?! Ginagawa ko naman lahat ah."
"No. Hindi mo ginagawa lahat. Five years na tayo. Nakapunta na tayo sa ibang bansa. Nagawa na natin halos lahat. But you haven't even introduced me to your parents. Tapos ngayon, nagyayaya ka magpakasal!"
"Alam mo naman na hindi pa panahon nun, diba? I'm not ready to introduce you kasi madami pa silang problema."
"Bakit, makakadagdag ba ako sa problema nila?!"
"That's not what I meant. Ang gusto ko lang, eh makilala mo sila sa tamang panahon."
"Time's up. Ayoko nang maghintay. Napapagod na ako. I want us to be over. Give me space."
Tumayo si Mitch, at umalis...
Matapos naming naghiwalay noong gabing iyon. I tried to call her. Pinuntahan ko siya sa bahay nila. Doon na ata ako natulog sa labas ng gate nila. Naawa sa akin ang mommy ni Mitch. Pinauwi ako, at sinabihan na hayaan na lang muna palamigin ang lahat.

Araw-araw tinetext ko si Mitch. Hindi nagrereply. Tinatawagan... pero hindi sumasagot. Pinupuntahan ko sa opisina nila, pero hindi na siya pumapasok. Tinawagan ko lahat ng kaibigan ni Mitch, humihingi ng pagkakataon para mag-usap kaming dalawa. Pero wala.

Three weeks. Sa tuwing oras ng uwian niya, naghihintay ako sa labas ng kanilang opisina. Umaasang makakausap siya. Makakahingi ng tawad... ng isa pang pagkakataon.

Nalaman ko na lang isang araw, lumipad siyang papuntang Singapore. Tinupad niya ang gusto niyang magkaroon ng pagkakataon para mapag-isa.
Hindi ko kinaya noong nawala si Mitch. Nabalot ako ng kalungkutan. Napabayaan ang sarili. Nagkulong ako sa bahay ng ilang buwan. Hindi makausap ng matino. Nilulunod sa beer ang kapighatian.
Anim na buwan ang lumipas bago ko panandaliang nakalimutan ang sakit ng iwanan. Salamat sa mga kaibigan at kahit papaano'y napapangiti ang pusong nasusugatan. Inaaliw kapag nangungulila.
Mahal ko pa rin si Mitch, at walang araw na hindi nawala ang mukha niya sa aking isipan. Hiniling ng mga taong malapit sa akin na maghanap na ng iba. Hindi na babalik ang aking kasintahan. Tuluyan na niya akong kinalimutan.
Kailangang tanggapin na hindi na ako bahagi ng buhay ng babaeng aking minamahal.
Unti-unti pinupulot ko ang mga piraso ng pusong binasag ng babaeng pinaghandugan nito. Inayos ang trabaho. Humingi ng paumanhin sa ilang kaibigang nasaktan.
Nakilala ko si Kara. Sampung buwan matapos iwanan ni Mitch, tumibok muli ang puso ko.
Inalagaan niya ang naghihilom kong puso, at tinanggap ako ng buo, kahit may ilan pang pirasong hindi pa naibabalik sa kinalalagyan nito.
**********
Isang taon matapos nang ako ay iniwan, ako'y buo nang muli. Salamat sa bagong kaibigan. Naisip kong wag nang sayangin ang pagkakataong ito. Pinaramdam niya ang tunay kong halaga. Ito na ang taong hindi ko dapat pakakawalan.
Pasko. Eksaktong dalawang taon nang kami ni Mitch ay maghiwalay. Dalawang oras, matapos ang huling misa noong araw na iyon, kami'y nasa loob pa rin ng simbahan. Ito na ang oras na hinihintay ko.
"Kara, I want to thank you. You helped me pick myself back up noong time na sirang-sira ako. I never thought that my crushed heart will be made whole again. But then again, it's not...
"Hawak mo ang kalahati ng puso ko. Kara, make me whole... Marry me."
Ngumiti si Kara. Hinalikan ako sa labi. "Yes. I will." Kumpleto na ulit ang mundo ko.
Naghiwalay kami ni Kara sa simbahan dahil kailangan niyang makasama ang pamilya niya.
Bumalik ako sa simbahan dahil naiwan ko ang payong ko. Paglabas ko, akmang dumating ang isang pamilyar na mukha.
**********
Nakita kong muli si Mitch. Dalawang taon nang iwan niya ako sa Tinoko. Maraming nagbago kay Mitch. Halatang hindi naging madali sa kanya ang panahon matapos kami'y maghiwalay. Ganunpama'y maganda pa rin siya kapag siya'y ngumingiti. Napalingon siya sa akin. Nagulat.
"Hi Mitch," bati ko.
"Hey. Kumusta?"
"Eto. I'm getting married."
"Wow, I'm so happy for you." binigyan niya ako ng isang malungkot na ngiti.
"Ikaw, kumusta ka na?"
"I'm back for good na. Nag-ipon lang ako sa Singapore. Medyo mahirap, buti na lang sumunod si Mommy."
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Marami akong gustong itanong, pero hindi ko kaya. Tahimik ang lahat, maliban sa iyak ng isang bata sa paligid namin.
"Ma'am, nagugutom na po yata si MJ. Ayaw tumigil sa kakaiyak!"
"Oh sige yaya, uuwi na tayo. Kunin mo na lang yung bote sa bag ko sa kotse."
Humarap sakin si Mitch at nagbuntung-hininga.
"May anak ka na pala?"
"Yeah, si MJ."
"Ilang buwan na siya."
"He just turned one a couple of months ago. O paano, I have to go na. Umiiyak na yung bata."
Nagmamadaling sumakay sa kotse nila si Mitch, at umalis. Naiwan akong mag-isa. "He just turned one a couple of months ago," ang mga salitang naglalaro sa isipan ko.
Naguguluhan. Bumalik ako ng simbahan.
END
**********
Thanks to Louise and Denise for giving some helpful info to make this story what it is. Pardon the spacing, I've been editing this for like the nth time, and it's not following me, which sucks. Hope you enjoyed the story though.

15 comments:

  1. oww what a sad story :( - im aajao's wife

    ReplyDelete
  2. hello mrs magat!!! welcome to my little world!!!

    ReplyDelete
  3. ok fine fiction...

    naaliw ako magbasa, parang totoo ciaah.. (echusera ako!)

    ReplyDelete
  4. :) yah yah ... ikaw din...follow mo me hahaha - aajao's better half

    ReplyDelete
  5. Parang my loopholes sa huli, pero it was a nice fiction. Galing!

    ReplyDelete
  6. so sad kung naging totoo.
    eh naku eng-eng nalang si miguel kung iiwanan pa niya yung kara. naging unfair si mitch sa kanya nung hindi niya sinabing nagkaanak pala sila.. (kung anak man niya yon..)

    na-kerid away ako ah. hehe.. para akong nanood ng star cinema.

    ReplyDelete
  7. chyng: salamat sa pagbisita. buti naman at naaliw ka sa sinulat ko...

    mugen: hmmm... basahin ko ulit, then iedit ko yung maliliit na detalye... salamat...

    munggo: onga eh, parang one more chance lang... hehehe... kaya nga binigyan ko ng anak si mitch, nang maiba naman...

    ReplyDelete
  8. napapaisip na talaga ako sa pinag huhugutan ng kwentong ito... hmmmm...

    ReplyDelete
  9. ewwik: halu-halong lab story yan ng mga barkada ko... tapos yung huli, dinagdag ko para lang maiba naman sa one more chance... hehehe

    ReplyDelete
  10. may part two ba toh? alam co ang sasabihin nimitch pag nagtagpo sila ulit. . gusto nya lang na magkaroon sila ng mgandang buhay. . at aco ay naaliw. . haha. . sakin nlng si miguel. . papakasalan co sya sa lahat ng sulok ng simbahan. .;-)

    ReplyDelete
  11. That's it? i wish there was more. :D I enjoyed the story though. Really.

    I don't know why, but every time you feel you're whole again, that you feel you have moved on, you have somebody else to love and be loved, here comes ur ex popping out of nowhere. That always happens, I don't understand why. ugh. >.<

    ReplyDelete
  12. Wow! Nice story Sir! Nakakalungkot...pero at the same time im happy dahil natagpuan mo na ang tunay na kaligahayan at tunay na pagmamahal... Ingat!


    ;)

    ReplyDelete
  13. joan: ganyan ako, mahilig mambitin... sa kwento...

    paperdoll: actually, part 3 na ito... la na part 4... feeling masyado na emo mga post ko... di ako ganito!!!

    roxy: formulate niyo na lang kung ano mangyayari, kakapagod mag-isip ng dialogue, sobra!!! as for Mitch, and Miguel, tapos na for me ang kwento nila.

    marcopaolo: thanks... im happy you enjoyed the story... di ko nga lang kwento ito.. just made it up... how i wish my lovelife's like that!!!

    ReplyDelete
  14. may mga kuro-kuro ako sa istorya mo pagkatapos ng ending gillboard:

    di kaya nasalisihan si miguel kaya ginusto ni mitch na masaktan na lang ito ng saglit kesa mas masaktan si miguel kapag nalaman nya na mitch had been unfaithful to him?

    imposibleng anak ni miguel yung bata.

    si miguel ay mahal pa din si mitch. yung offer nyang kasal kay kara ay panakip butas lang. a continuation of the naudlot na pagpapakasal nya kay mitch. kaya nga agad agad nyang nasambit na magpapakasal na sha just to deliberately hurt mitch.

    baka ma-confuse si miguel. baka di nya sabihin kay kara yung tungkol sa pagkikita nila ni mitch.

    bottomline?

    pwede ka ng maging awtor :D

    ReplyDelete