Oct 22, 2008

KWENTONG GRADE SCHOOL

Di ako sigurado kung alam ninyong lahat, pero hindi ko talaga nagustuhan ang hayskul life ko. Noong college talaga ako sobrang nag-enjoy. Pero sa aking pagbabalik-tanaw, naisip ko na mas gusto ko pa ang elementary days ko kesa nung high school ako. Alam ko mas maraming nangyari sa apat na taon ko dun, kesa sa anim na taon sa elementarya, pero para sakin mas masaya ang aking kabataan.

Yung panahon na totoy na totoy pa ako at lahat ng mga kasama ko. Walang inggitan. Puros laro lang inaatupag. Hindi ako stressed. Hindi ako pulubi. Namimiss ko yun, lalo na ngayon pang nagsisimula na akong tambakan ng trabaho.

Nanggaling ako sa all-boys school buong buhay ko, at masaya don. Enjoy, at maagang natuto ng kalokohan. Kaya ngayon, bilang tribute (at dahil wala akong maisip na maaaring isulat na may kabuluhang post) eh ilalathala ko lahat ng highlights na maaalala ko noong grade school ako.

GRADE 1
Unang taon kong mag-aral sa isang malaking paaralang katoliko. Naaalala kong pinaiyak ako ng aming guro dahil nung school fair eh hindi ako sumama na ihatid ang tatay ko sa airport. Nagstay lang ako sa school at hindi bumaba sa Ferris Wheel. Nagsayaw kami noon ng ati-atihan, at doon ako natutong maglaro ng teks, sipa, yung mga trading cards ng mga kotse, eroplano, tangke at racing cars.

GRADE 2
Ito ang taon na una akong sobrang nahumaling sa babaeng matanda pa sa akin. Ang guro kong si Ms. Marianne. Eto rin ang taon na sobrang dumami ang Marvel cards ko sa teks, tipong limang dangkal. Tapos sinunog lang ng nanay ko kasi ang grade ko sa periodical test ko sa Math ay 8/70. Ito rin ang taon na una kong narinig ang salitang jakol. Siyempre, iba ang pagkakaintindi namin dito. Ganito pa ang gamit namin dun... "Ah, si Jeffrey mukhang jakol!!!" Tapos eto rin yung panahon na tuwing lunch, nagtatago kami sa barkada nina Gio Alvarez (na model pa lang ng Safeguard noon), Grade 6 sila, kami Grade 2, tapos pag nahabol nila kami, nilalagay kami sa loob ng basurahan.

GRADE 3
Dito ako unang natuto magbasa ng comics. Yung una kong nakuha eh XMen 3. First appearance ata yun ni Omega Red. Dinala ko lang sa klase isang araw, pagdating ng lunch, nawala na. Ninakaw ng isa kong kaklase (feeling ko si Rogelio yun). Naging best friend ko si Mikko, kasi napansin naming madalas kaming magkasunod sa class number, di namin alam kung bakit (alphabetical order O ako P siya). Nagtataka na lang kami, sa loob ng 3 taon eh tuwing first quarter, kami palagi ang magkatabi. Naban ang eskwelahan namin sa isang museo sa Maynila dahil ang kaklase kong si Reimann eh umebak sa loob, at nagiwan ng dilaw na trail sa pula nitong karpet. Naging kalove team ko ang kaschoolbus kong si Mimi... pero mas gusto ko yung kapatid niyang si Peanut. Walang nangyari, kasi simula nang tuksuhin kami sa isa't-isa, lumipat siya ng ibang schoolbus.

GRADE 4
Unang taon na ako'y naging isang teacher's pet. Dito ko narealize, na magaling pala ako magbasa ng ingles. At dito rin nagsimulang lumalim ang galit ko sa Math. Muntik nakong bumagsak kung di lang ako natuto magbasa ng oras (ang basa ko pag ang maliit na kamay ng orasan ay nasa 3 at ang mahaba ay nasa 9 ay 3:9). Sensya naman at digital watch lang ang kaya ko basahin noon. Paglunch, sina Moses, Shierwin at ako ay madalas maglaro ng drain (imbento naming laro na habulan tapos pag nahuli mo yung hinahabol mo, eh pipisilin mo ang bayag, leeg o braso nito)... bading na ngayon si Shierwin. Kras ko noon ang ka schoolbus kong si Gracielle. Ako ang nabunot niya sa monito monita, at niregaluhan niya ako ng planner. Nakalagay dun ang number niya, pero di ko kayang tawagan. Shy type ako eh. 2 years later, nalaman kong, tibo na siya ngayon.

GRADE 5
Nagsisimula nang lumabas ang pagiging rebelde ng klase namin. Si John Michael na kaklase kong pilosopo eh madalas makipagdebate sa guro naming si Mrs. Andrade, para lang sirain ang araw nito. Ang subject namin sa kanya ay Math. Si Moses ay nagsisimula na ring bumuo ng sarili niyang kulto. Inimbento namin ang iba't ibang lebel ng satanismo... tiyanak ang pinakamababang lebel, at Mephisto, Supreme Lord of the Underworld ang pinakamataas na lebel. Dalawa lang kami sa kulto, at dahil siya nag-imbento noon, tiyanak lang ako...

GRADE 6
Hmmm... Naging over-all officer ako ng BSP (Boy Scout of the Philippines), sa paaralan namin. Dahil huli akong dumating at wala ng team na paglalagyan sakin. Galing noh?! Nakarating ako ng Baguio dahil dun. Si Moses, napili ng team nila para isali sa Mr. & Ms. Scout dun sa Baguio. Pero, dahil may pagkasosyal yung tao (at wala masyadong talent), eh inindian lahat ng competition sa pageant. Dito rin nag-umpisang magkalamat ang pagkakaibigan namin ni Mikko. Nag-away kami dahil matagal na niyang kras si Claudine, at sinabihan kong wala siyang pag-asang maging gelpren ito. Nagalit ang loko... kadalasan, pag may nagkamali sa amin, nagsosorry kami sa isa't-isa. Pero yung away na yun, wala. Mataas pride namin pareho... Tapos ito din yung taon na nanlibre ako nung birthday ko. Sumama lahat ng kaibigan kong matalik (7 sila) at saka si Ricardo, na walang maski isa samin ay kaclose niya. Di ko nga alam kung pano napasama yun, sa ParaƱaque ako nanlibre, sa Cavite siya nakatira.

Hay, grade school life. Namiss kita ng sobra!!!

19 comments:

  1. Bigla ko tuloy na-miss ang elementary ko. Hay.

    ReplyDelete
  2. haha i love your entry hehe

    hindi ko rin type ang highschool dahil ako ang major dirtbag hehe

    grabeng advance ng kids sa inyo, ako narinig ko ang word na jakol grade 6 na

    ReplyDelete
  3. taena grade 1 pa lang aco balahura na bibig coe. . haha. . pero ayoco pareho highskul at elem. . wala talaga sa passion co ang mag aral:D

    may bff din aco date na nakaaway co kasi sinabihan co sya ng anak ng mangingitlog. . kasi my itlugan cla:D

    nakakamiss din kahit pano. . sarap isipin na teachers enemy #1 pala aco date:D

    ReplyDelete
  4. mugen: yeah, masaya yung mga araw na yon... panahon na masarap maging bata.

    alex: all boys kasi ako... di ko lang nainitindihan nun, ibig sabihin nito..

    paperdoll: nung high school, di ko na siya best friend.. actually, iba na set of friends ko nung hs...

    ReplyDelete
  5. ahhh basta nung elementary ako..bihira akong maligo.. every other day lang hehehe..

    pero bilib ako sa yo, kasi madami ka pang naalala ng elementary days mo..

    ReplyDelete
  6. traumatic ang grade school life ko dahil sa simpleng kadahilanang 4 na beses ata akong natae sa klase. hahaha!!!

    ReplyDelete
  7. wow. sharp memory... o talagang napakaganda lang ng karanasan mo nung grade school kaya di mo malilimutan yung mga panahon na yun? nice recollection. ako nung elementary palipat-lipat ng school. naka tatlo ako actually bago naka graduate ng grade six :P

    ReplyDelete
  8. dabo: actually, yan lang naaalala ko noon... lam ko madami akong naging kaibigan dun, pero limot ko na names nila... hehehe

    ewwik: siguro 1 time lang sakin nangyari yun... pero afterclass pa... so imaginin mo na lang yung service namin... baho!!

    aajao: advantage ng pagiging loyalty medalist... madami naaalala.. tsaka i take memo plus gold!!! hehehe

    ReplyDelete
  9. naalala mo pa yun lahat? iba memory mo!

    ReplyDelete
  10. meron pang iba... kaya lang di pwede ikwento... hehehe

    ReplyDelete
  11. hahaha... naimagine mo ba ang classroom namin after at kung papaano ako sinundo ng service ko for the fourth time? hahaha. beyond imagination!!! hahaha

    ReplyDelete
  12. in a nutshell: isa kang boyscout tyanak na hindi bumaba ng ferris wheel dahil takot matapon sa basurahan ng tropa ni gio alvarez, habang jumajakol dahil kay miss marianne? tama ba? hehehehe....

    sensya na, scatter brain ako ngayon. ngarag pa galing duty.

    ReplyDelete
  13. buti kapa alala u lahat ng malinaw...ako parang blurred na mga memories...they are good I know pero most of them I can hardly remember na so mas memorable sakin HS....

    ReplyDelete
  14. like you, in hated my highschool except for my friends. sila lang rason kung bat ako pumapasok nun.

    i miss my elementary too.
    simple lang ang buhay.
    libre pang mangarap.
    at kung pwede lng balikan un, malamang madami mababago kung sa kung anu ako ngaun! hehe

    ang drama ko naman!=p

    ingats palagi=]

    ReplyDelete
  15. naku naku elementary years..napakaboyish ko.. naalala ko pa mga kalaro ko mga classmates kong lalaki, punta ng bukid manghuhuli ng maliliit na palaka ung as in maliit lang.. taz maglalaro ng "dampa", lam mo ba yun? ung sa rubberband na gamit eh kamay..ay basta..
    taz grade four namatayan kami ng isa naming classmate..
    taz grade 2 nameet ko ever first crush ko na kahit highschool na kami crush ko pa rin sya..ay naku..reminiscing the good old days..hayyy.. =)

    ReplyDelete
  16. hahaha! really funny! how does it feel to graduate from an all-boys school? :P i always like the idea of myself studying with other boys... alone. tsk.

    :P nice entry.

    ReplyDelete
  17. Grabe.. this is a great portrait of grade school life sa pinas! sobrang kwela, sobrang saya! with what you wrote here, i wont blame you if you choose grade school nga over high school!

    ReplyDelete
  18. kulto ka pa ba hanggang ngayon???
    bat ganun ang tawag???

    amjeshun

    ReplyDelete
  19. ako noong elem day ko wala ako nyan kasi laro lng ng laro,,

    ReplyDelete