Now I haven't read the book The Secret by Rhonda Byrne, but I know the basic concept of the book. To keep it simple, it's about how you think... you attract whatever it is that you're thinking (lalong gumulo ba?).
Okay, tagalugin ko na nga lang para mas madali... Sabihin nating, madalas mo sabihing wala kang pera... chances are, mawawalan ka talaga. Meron akong kaklase nung college ako, na palagi niyang sinsasabi na siya eh magiging suma cumlaude... tapos nakalagay pa sa phone niya yun, mula noong first year kami. Noong nagtapos kami limang taon na ang nakakaraan, hindi man iyon ang nangyari sa kanya, eh ang maging magna cum laude at magkaroon pinakamataas na marka sa graduating class ng buong kolehiyo ay hindi na rin masama.
Hanggang ngayon, nagsusulat ako sa aking journal (HINDI DIARY!!!), meron akong naisusulat dun noon na gusto kong mangyari sa buhay ko gaya ng pumasok sa Dean's List o kaya nama'y mapromote sa trabaho. Nangyari siya sa akin. Ako'y naging isang TL, tapos ilang taon ang makalipas, eh naging bisor ng programa namin.
Sabi nga sa Ingles, "if you always think of something that you really want, the universe will conspire for you to have it." Pero siyempre kelangan din naman na ikaw eh may gagawin din. Kasi kahit gaano ka optimistic man ang pag-iisip mo, kung hindi ka naman kumikilos eh wala ring mangyayari sa'yo. Punuin ko man ang journal ko ng "magkakatrabaho ako" o "magkakasyota ako" kung di naman ako lumalabas ng bahay eh wala talagang mangyayari sakin.
It works both ways, gaya ng una kong halimbawa, kapag sinasabi mo sa sarili mo na loser ka, malamang yun ang aura na lalapit sa'yo.
Naisulat ko ito, kasi napapansin ko sa aking pag-iikot sa mundo ng blog na maraming manunulat eh nadedepress sa buhay nila. Iniwan ng sinisinta nila... walang pera... nabasted... panget hitsura nila... whatever!!!
Kung ano ang tingin ninyo sa sarili ninyo eh nakakahawa... Kaya ako nagsusulat ng journal, dahil dun eh nailalagay ko ang mga goal ko sa buhay. Kaya ngayon, kahit papaano, nagkakadireksyon naman ito. Nakakatuwa na kapag nagbabalik-tanaw ako sa mga naisulat ko, na marami sa naisulat kong nais kong mangyari sakin eh nagkatotoo.
Nasasainyo kung maniniwala kayo sa pinagsususulat ko o hindi. Ako, dahil maganda naman ang naidulut sakin sa paningin kong ito kaya naniniwala ako. Nasasainyo naman yan kung paano ninyo patatakbuhin ang buhay ninyo. Sinusulat ko lang ito kasi gusto ko kahit papaano may naishare akong isang bagay na may katuturan kahit papaano.
haloo! parang defensive ka sa pasulat sa iyong diary... i mean journal. haha!
ReplyDeletei've heard of that book, nasa Oprah yan a few months back. hihih!
i agree, nasayo din yan, kung mataas ka nga mangarap wala ka naman ginagawa para tuparin yun hindi mo rin makukuha.
"It works both ways, gaya ng una kong halimbawa, kapag sinasabi mo sa sarili mo na loser ka, malamang yun ang aura na lalapit sa'yo."
rawr. apir! kaya ako, winner ako! hahah!
Woi, pare, andito na naman ako sa blog mo at nagbabasa ng iyong mga artikulo. Yung "the secret" na yan, nangyayari at nangyari na din sa akin. Kaya ako, lagi kong chine-check ang sarili ko kung anu ano bang mga kaisipan ang umiikot sa subconscious mind ko sa buong araw.
ReplyDeleteOo nga pala, parang sabi ko yata sa sarili ko, naghahanap ako ng "pangarap" - hahaha malabo yata yun? Yung ibang tao marami na agad pangarap ako naghahanap pa lang. Siguro kelangan ko ng ibahin ang naiisip ko. Sabihin ko na lang, may pangarap na ako...
Kahit wala pa naman.
Nyorks!
tisay at paper tilapia: salamat sa pagkumento... natutuwa ako at nadadagdagan ang aking mga dalagang mambabasa!!!
ReplyDeletehehehe..
tisay: ang diary eh tipong yung sa purefoods hotdog dati... ang journal... parang ganun din, wala lang dear diary... hahaha
paper t.: hayaan mo... magkakapangarap ka din.