Ikalabing-isang palapag.
“Kuya, sigurado ka bang matibay yan?” ang sabi ng kapatid ko. Nag-aalala na baka may mangyaring masama sa akin.
“Hindi tayo makakaalis dito kung wala tayong gagawin.” Sabi ko sa kapatid ko.
Kelangan kong umakyat dahil hindi mabuksan ang pinto mula sa balkonahe namin. Hindi namin pwedeng sirain ang pintuan at mahal ang magpagawa.
Ikasampung palapag.
“Oh, ticket mo. Para makabisita ka kina Mama at Papa.” Sambit ng kapatid ko habang inaabot ang tiket na makakapagdala sa akin sa aming probinsya.
Anim na buwan na nang huli kong makita ang aking ama at ina. Anim na buwan na rin mula nang iwan ko ang aking magiging mag-ina.
Siguro malaki na ang tiyan ng mahal ko. Makakauwi na ulit ako ng probinsya. Matagal ko ding hinintay ito.
May singsing na din ako.
Ikasiyam na palapag.
“Magiging tatay ka na Ferds.” Ang sabi ng kasintahan ko. Sa mga panahong iyon, hindi ko alam kung matatakot ba ako. Bata pa ako, at hindi pa handa na magkaroon ng sariling pamilya. Kailangan ako ng mga kapatid ko, at wala pang matinong trabaho.
Masaya ako. Pero hindi ko sinabi. Alam ko masasaktan siya kapag wala akong sasabihin. Tanging ngiti lang ang kaya kong ibigay.
“Pupunta ako ng Manila. Kelangan ako ng kapatid ko.” Ang tanging nasambit ko. Hindi ko sigurado kung kailan ko siya makikita muli.
Magiging tatay na ako.
Ikawalong palapag.
“Kuya this is my husband.” Pinakilala sa akin ng kapatid ko ang asawa niya. Mayaman yung Hapon. Mukhang maiaahon niya ang pamilya namin sa kahirapan. Magiging maluwat na ang buhay namin.
Masaya ako para sa kapatid ko. Maligaya ako para sa pamilya ko.
Ikapitong palapag.
Madalas akong bumisita sa bahay ng tiyahin ko. At ang hilig kong gawin ay gulatin ang pinsan ko. Ngayong gabi, nanunuod ng nakakatakot na palabas ito.
Nakita ako ng tiyahin ko. Sinenyasan ko na huwag siyang maingay. Tahimik akong pumuwesto sa likod ng pinsan ko.
Tumalon ako sa kama para gulatin ito. Umiyak ang pinsan ko.
“Aaaah, kuya!!!” ilang beses ko bang napaiyak itong batang ito. Pinagalitan ako kunwari ng tiyahin ko. Mapatahan lang ang pinsan ko.
Ikaanim na palapag.
“Nanay, nag-aaway sina kuya Fernando!!!” sumisigaw ang kapatid ko. Alam namin ni kuya, na di dapat kami mahuli ng magulang naming nag-aaway. Oo nga’t matanda na kami, pero hindi pa rin kami makakatakas sa sinturon ng tatay ko.
Babae ang dahilan ng hindi namin pagkakasundo ni kuya. Huwag daw akong maghahabol sa mga babae, dahil hahadlang lang daw ito sa pag-aaral ko.
Kasundo ko ang kapatid ko sa halos lahat ng bagay. Pero pagdating dito, hindi talaga kami magkasundo.
Padating na ang nanay namin. Di kami dapat maabutan ng ganito. Bumukas ang pinto…
Ikalimang palapag.
Hinalikan ko siya. Lumuluha siya, ito ang unang pagkakataon namin magkasama. Isang taon na rin kaming magkasintahan. Mahal ko ang babaeng ito, at balang araw ay pakakasalan ko siya.
“Wag kang aalis sa tabi ko,” bulong niya sa akin.
"I love you." ang sagot ko. Niyakap niya ako ng mahigpit. Ito ang pinakamaligayang araw sa buhay ko.
Ikaapat na palapag
“Oo. Tayo na” sambit ng babaeng halos isang taon kong niligawan. Lahat ng paghihirap ko ay nagbunga din sa wakas.
Natatakot siya dahil mga bata pa kami. Pinagsasabihan siya ng mga kaibigan niya na mag-ingat sa akin, at palikero daw ako. Maraming babaeng pinaiyak. Hindi mapagkakatiwalaan.
Pinakita ko na kaya kong magbago. Na handa akong ialay ang puso ko sa kanya lang.
Pinangako kong hindi na ako titingin sa iba pang babae. Hindi ko siya iiwan.
Ngayong araw ay sobra ang saya ko.
Ikatatlong palapag.
Tumatakbo ako. Kelangan makahanap ng matataguan. Hindi ako dapat Makita ng tiyo ko.
Nabasag namin ng kapatid ko ang lalagyan ng litrato ng lolo ko. Tiyak pag nahuli kami nito, paluluhurin kami sa asin. Kagaya ng ginagawa sa kanila ng lolo ko.
Tumalon ang kapatid ko sa balon. Lalo kaming malalagot nito. Naririnig kong, humingi ng tulong ang kapatid ko.
Hindi ako dapat mahuli. Kailangan kong tumakbo.
“Fernando!!!” sigaw ng tito ko. “ Kuya, tulong!!!” naririnig ko ang hiyaw ng kapatid ko. Nakita ko ang tiyuhin ko, may dalang tungkod ni lolo.
“Kuyaaaa!!!” pero kailangan kong magtago.
Ikalawang palapag.
Iminulat ko ang mga mata ko sa unang pagkakataon. Isa itong bagong mundo. Malayo sa nakagisnan ko. Maliwanag. Maingay. Madaming mga bagay na kakaiba. Malamig.
“Lalake” sabi ng isang babae
Natatakot ako, pero hindi ako masabi. Tanging pag-iyak lang ang kaya kong gawin para ipaalam na hindi ako sanay sa bagong mundong pinuntahan ko.
Binuhat ako ng isang lalaki. Pinunasan, at binalot sa telang puti. Tumahan ako sa pag-iyak.
“Fernando.”
Ang buong buhay ko ay nakita ko. Maraming hindi pa nagagawa. Marami pa akong kailangan balikan. Tatay na ako. Hindi ko man lang nasulyapan ang anak ko.
Hindi pa kami nagkakabati ng kuya ko… Hindi ko pa natutupad ang pangako ko sa babaeng mahal ko.
Ipinikit ko ang mga mata ko.
Panginoon ko… tulungan mo ako.
**********
February 1990, my cousin fell from the 11th floor of the condo unit that he and his sister were staying in. Two months later, his brother died from a motorcycle accident.
The other night, as I lay on my bed, I thought about him. As a kid, he was my favorite cousin. He always makes me laugh, and my parents have nothing but praise about him.
I don’t know why it’s him that I thought of. It was my grandmother’s death anniversary, but it was Kuya Fernando that I remembered.
They say moments before you die, you’ll see your entire life flash before your eyes. I reckon, this may be how he felt during the fall. This is a work of fiction. I didn’t have the time to get to know him better. I wish I did.
what really a revealling post..
ReplyDelete--- --
i think life flashing back is a unique phenomenon.. siguro it happens sa isang life changing moment at di lang sa time ng death..
there this lady who froze before she could say "I do" to her husband-to-be...the priest even told her she could still back out of the wedding, then after a few moments, she hold grasped of reality, brazen cold and look at his groom and said her whole life just flash back...
lagi ko ring iniisip na siguro, bago tayo mamatay, yung eksaktong sandali bago tayo bawian ng buhay, naniniwala ako na magpa-flashback talaga lahat lahat ng pangyayari sa buhay mo. isang maikling sandali lang yon pero kita mo lahat. lahat-lahat. I think ganun yun. I think...
ReplyDeleteImpressive story. Pansin ko, mas may command ka pagdating sa Filipino. Galing!
ReplyDeletemagaling! magaling!
ReplyDeletesorry about sa pinsan mong si fernando.
babasahin ko rin sana yung nasa ibaba pero okatokat. hehe
we never really know what will happen next. kaya siguro nabuo ung kasabihang, "live your life everyday to the fullest..as if it's ur last day."
ReplyDeletedabo: i agree... mga tinaguriang "it moments"
ReplyDeletebien: hmmm... sasabihin ko sayo kung tama ang teorya mo, pag mamamatay na ko... knock on wood
:D
mugen: konting practice pa... salamat po, mukhang mapapadalas ako magpost ng tagalog nito ngayon.. hehehe
utakmunggo: salamat... basahin mo na rin yung mga nasa baba, at yung mga links sa label... di nakakatakot karamihan dun.
:D
ipob: gusto kong gawin yun... kung may pera lang ako... hehehe
welcome sa mumunti kong blog!!!
aww! *hug* maganda ang pagkakagawa. natuwa ako.
ReplyDeletekawawa naman pinsan mo, how old was he?
21 lang ata siya when he was taken from us...
ReplyDeletetoo young ah..
ReplyDeletedeath is inevitable though
grabe akala ko totoo naisip ko bat iba iba ka ng floor. ano ba yan ang sabaw ng utak ko... ako den yan din iniisip ko... wala pa ko near death experience... nalalglag lang sa hagdan, counted ba yon? pero wala ko maalala non nalalalaglag ako non.... as in blanko.. edi hindi flash bak? kasi halos bagok ulo ko don. ekk... kaya siguro ganto kabagal brain ko? hay
ReplyDeletehuwaaaaw nadala mo ako hanggang sa huling baitang ah. (at sa wakas nabuksan ko naren comment page mo)
ReplyDeleteapir!*
makulay na buhay. :)
yffar: yep, too bad some have to go as young as he did.
ReplyDeletetentay: naku, di kaya yun dahilan at sabaw utak mo ngayon? hehehe biro po
sib: salamat naman at nabuksan mo yung comment page ko!!!
awtz...
ReplyDeleteweeeee....
miz mo xa kung ganon,,
(0'-'0)
Sad naman... =(
ReplyDeleteang sad naman.
ReplyDeletepero ang galing ng pagkakagawa.
and i agree na nag pa-flashback lahat pag malapit ng mamatay.
i had a near-death experience last year,and i felt so scared...weird nga eh kasi ilang beses ko na "iniisip" magpakamatay,pero nung moment na yun,parang biglang ayaw ko muna,di pa pala ako ready,marami pa pala akong gustong gawin..at napa "Lord,wag muna ngaun" ako. =(