Wala lang... walang magawa sa buhay ngayon eh, di ko alam ang gagawin ko, kaya eto, nagsusulat muli ako. Mga senseless na bagay na marahil ay walang katuturan sa inyo, pero maaaring makatulong para ako ay lubusan ninyong makilala.
***********
Ang titulong Oh Joy ay nagmula sa taong aking pinagnasa- mali... actually, may gusto ako sa kanya dati. Marahil noon ay naging matalik ko siyang kaibigan, at paminsa'y nakakasamang lumabas. Pero nung nagtapat ako nang pagtingin ko eh medyo nagbago na ang pakikisama niya sa akin. Parang kapatid lang talaga ang turing niya sa akin. Okay lang. Masakit, pero mas mabuti nang ganun kesa tuluyan pang masira yung pagkakaibigan namin kung ipilit ko pa ang sarili ko.
Hindi na kami ganoon kaclose ngayon kumpara noong mga araw na pilit kong itinatago ang tunay kong nararamdaman sa kanya. Pero ayos lang. Nagkaroon naman ako ng relasyon matapos sa kanya, so medyo naka move-on na ako. Gusto ko lang isulat ngayon kasi sa tingin ko nararapat lang na mailabas ko na ito. May ilang taon na yata mula nang mangyari yon. Nakakapanghinayang lang na medyo namantsahan yung pagkakaibigan namin, pero sa mga bagay na ganyan mo naman talaga makikilala ang mga tao na may dapat espesyal na kalalagyan sa puso mo.
***********
Ayoko magsulat nang isang buong entry na para lang sa mga nais kong ipangalan sa mga magiging anak ko. Kaya dito ko na lang isisingit. Ang mga pangalan ang frustration ko, kasi ako ay nabigyan ng isang mahaba at Pilipinong-pilipino na pangalan. Nainis lang ako sa nanay ko kasi daw dapat Jeffrey ang ipapangalan sakin. Pero sinunod daw niya ang lola ko.
So ngayon ayaw ko na ang mga supling ko eh magkaroon ng ganitong damdamin sakin paglaki nila. Kaya kung sakali man na magkaanak ako eh ito ang mga pangalang napili ko:
Sebastian Vincent
Nikki Marie
Etienne Alain
Claire Iain
Yung una, kahit simple eh dahil gusto ko nung nickname na maaaring makuha sa pangalan niya... Seven. Yung Nikki Marie naman, wala lang, maganda lang pakinggan. Etienne ay isang French na pangalan. At ang Iain ay pronounced na Ayen.
***********
Natapos ko na nga pala ang listahan ng mga paborito kong mga pelikula. Siguro mahigit 50 yung nagawa ko. Sa mga susunod na linggo eh ilalathala ko dito ang mga iyon. Nahati lahat sa iba't-ibang kategorya. Dadagdagan ko pa ng isa. Ang paborito kong klasikong pelikula.
Para lang masabik kayo (as ip), may pelikula doon sina Christopher Reeves, Will Smith, Sasha Baron Cohen, Steve Martin, Julia Roberts, Edward Norton kahit si Sharon Cuneta, Rico Yan at Vilma Santos ay nakatagpo ng lugar sa listahan ko.
Ganyan ako sobrang walang magawa sa buhay ngayong mga nagdaang araw.
***********
Mukha nga palang lumalabo na ang paningin ko. May mga oras kasi na sobrang nahihirapan na akong magbasa ng mga nakasulat sa computer ko. Minsan nga eh, tinatamad nakong magbasa ng blog ng ibang tao dahil medyo masakit sa ulo ang titigan ang mga ito.
Dahil siguro eh buong araw akong nakaharap sa monitor ng computer ko, sa bahay man ako o wala. Tapos kung di ako nasa harap ng computer, ang paglalaro naman ng Gran Theft Auto IV ang inaatupag ko. Napapagod na siguro ang mga mata ko. Kelangan pagpahingahin. Kung alam ko lang ang dapat gawin para mangyari yun, eh gagawin ko agad yun.
Pero okay lang, medyo ayos naman ang hitsura ko pag nakasalamin ako... lalo akong nagmimistulang isang matalinong bata. Na hindi nerd!!! Dati nagsasalamin ako... pamporma lang, kaya lang yung nabili kong salamin (sa i2i ata yun) eh parang may grado, kaya medyo sumasakit ulo ko pag suot ko yun. Siguro panahon na para totohanin yun (although dalangin ko na huwag naman sana). Sayang naman kung di na 20/20 vision ko.
take care of your eyes dude..
ReplyDeletepara ma-make sure na alng grado ang mga shades.. habang sinusukat ang shades itapat ang paningin sa mga bagay na may pattern.. say tiled floors.. tapos removed the shade at tumingin ulet sa floor.. pag may distortion or diffirence sa dalawang view, don't by it
hey thanks for the advise. Will make sure to do that next time i buy glasses.
ReplyDelete