Jun 25, 2008

MGA BABAE NGA NAMAN...

Ito'y mga muni-muni ko lamang tungkol sa mga kababaihan. Kasi kanina noong ako'y pauwi ay naisipan kong magsulat ng tungkol sa kanila. Opo... Tungkol sa mga babae. Gustuhin ko mang magsulat ng kabastusan, eh baka ang mga pamangkin ko ay lumapit sa akin upang humingi ng paliwanag tungkol sa mga pinagsusulat ko.

Huwag kayong magtaka kung bakit hanggang ngayon, sa edad bente-sais ako'y nangangapa pa rin tungkol sa kanila. Nanggaling po ako sa paaralan na puros kalalakihan ang mga kaklase ko. Wala akong kapatid na babae. At wala akong panahon upang unawain ang mga naging katulong namin.

Meron akong mga kalarong babae noong ako'y bata pa. Pero noon hindi pa uso ang shopping at pagiging kikay. At nang ang mga ito'y simulan nang magkaroon ng tagos, eh hindi ko na sila naging kalaro. Kaya ako'y natuto na lang muling makisalamuha sa maraming babae noong ako'y nagsimulang magtrabaho. Hindi sa pagiging defensive, pero noong nag-aaral ako eh may nakilala rin naman akong mga babae, yun nga lang sila'y hindi ko sineryoso at ang hanap ko lang eh karanasan.

Kung susumahin, may limang taon pa lamang simula nang ako'y matutong makihalubilo sa kanila at marami akong natutunan tungkol sa mga ito. Sana'y matuto kayo sa mga karanasan ko(hahaha)...
  • Una: huwag na huwag kang magbibiro sa mga buntis! Sila ay hormonal... Muntik na akong ma demote dati sa aking pusisyon nang minsan akong magpasaring sa isa kong ahente noon na buntis. Hala, kalahating araw itong umiyak!!! Mabuti na lang lumiban ang boss ko nun at hindi nakarating sa kanya ang ginawa kong kabalbalan. Hindi na ako lumalapit sa mga buntis... paminsan na lang!!!
  • Ikalawa: kung may kaibigan kang babae, at nag-aya siyang magmalling, eh tumanggi ka!!! Kung hindi ay limang oras kayong mag-iikot sa department store para maghanap ng invisible shoes o kaya non-existent na damit!!! Yun bang tipong sila ang nagdisenyo sa isip nila na akala mo'y makikita nila pag pumunta sila ng Maldita, Folded & Hung o kaya'y Zenco Footstep.
  • Ikalawa-point-one: kung talagang close kayo ng kaibigan mong babae, para matigil kaagad ang misyon ninyong maghanap ng nawawalang kung anuman, ang ginagawa ko ay sa tuwing lalapit ang kaibigan ko sa isang saleslady, sinasabi ko agad, "ate, huwag niyong tulungan yan... di naman bibili yan! Walang pera yan. Matagal pa sweldo namin!" Sabay labas ng pearly whites sa kaibigan.
  • Ikatlo: Masarap kumaibigan ng mga babaeng may pagka-liberated ang pag-iisip, dahil minsan sila pa ang magpapahipo ng kanilang dibdib. Kapag ginawa nila ito, wag kang mukhang tanga na parang nalilibugan... ginagawa nila ito dahil a) tipo ka nila o kaya'y b) ang tingin nila sa iyo'y di kayo talo.
  • Ikaapat: Ang mga babae eh mahilig din magkuwento tungkol sa sex!!! Kung di ka marunong magpaligaya, makinig ka ng mabuti dahil minsa'y kinukuwento nila kung bakit hindi sila napasaya ng kaniig nila noong isang gabi. Sa madaling salita, maraming babae ang malilibog!!!
  • Ikaapat-point-one: Ito ay napansin ko lang sa mga kaibigan ko... pero ang babae kapag isinuko na ang kanyang kalamnan eh matapos nang ilang araw eh gumaganda. Ewan ko. Nag-iiba ang taas ng kilay. Nagiging mas pino ang kilos. Natututong magtaray. May apat na akong kakilala na napansin ko na medyo nagbago matapos nilang makatikim ng karne ng kalalakihan. Dati rati'y ang babae ay iisa lang ang hitsura para sa akin, pero ngayon medyo nakikita ko ang kaibahan ng isang birhen sa isang may karanasan na.
  • Ikalima: Dahil ako ay likas na tahimik na tao, gusto kong mga babae ang aking nakakasama. Hindi kami nauubusan ng pinagkukuwentuhan mula sa kanilang buhay-buhay hanggang sa buhay ng pusa ng pinsan ng kapitbahay ng lola nila. Lahat ikukuwento nila basta kalapit sa topic ng pinag-uusapan ninyo.
  • Ikaanim: Hindi ko nilalahat ang mga babae dito, pero pansin ko lang maraming babae ang mahilig makipagkumpetisyon. Naaalala ko noong ako'y isang hamak na ahente pa lang at nagtatawag upang bumenta ng kung anu-ano. 2 babae ang pumapagitna sa akin, at hindi nila ako kinakausap hangga't hindi pa nila ako nalalamangan sa dami ng benta ko. As in, hindi talaga ako pinapansin o tinitingnan man lang kapag mas maraming marka sa board ang pangalan ko kesa sa kanila. Tapos may ilang araw sa isang buwan na sobrang lala nito, na kapag wala na silang pag-asang habulin ako eh magdadabog ang mga ito at mumurahin ako.

Hay, mga babae nga naman.

11 comments:

  1. Nakakarelate ako sa iba. Pero dahil konti lang ang kaibigan kong babae, marami sa mga kwento mo ang hindi pa rin ako makapaniwala na totoo. Hehe.

    ReplyDelete
  2. i-try mo makipagkaibigan sa mas maraming babae. enjoy yun!!! :D kahit minsan masakit sa ulong intindihin sila...

    ReplyDelete
  3. hahaha! ganyan talaga. ganun din nangyari at nangyayari sa akin. tsk. tsk. cguro it's every woman's nature. we just have to understand. kaso nga lang paminsan minsan eh d nga natin lubos maunawaan. i agree with you in terms of having liberal-minded girl friends, yung mga tipong bakla ang dating - kaso kung minsan, para din silang mga aso. tatahitahimik lang, di mo alam, kakagatin ka din pala. hehehe!

    ReplyDelete
  4. naku pano na yung mga di-biniyayaan ng alindog at asim? wala na silang pag-asang gumanda? isuko man nila ang kanilang kalamnan, walang tatanggap. pwede bang isuko ang kalamnan sa sarili?

    ReplyDelete
  5. mico: dami akong kilalang ganun... nasa loob ang kulo!!! hahaha

    pogingpayatot: uy, may kaibigan akong di kagandahan, pero ang boypren eh yung tipong habulin!!! ngayon, di na niya sinusuko kalamnan niya sa sarili niya.. hehe

    ReplyDelete
  6. nyay shyet buti nalang ako'y babaeng-bakla hahahaha!*
    unidentified. haha juk lang padrino. :D

    omaygas, panu yan di na nga ako biniyayaan ng alindog, pati pag asang umasim walaaaaa!!*

    ansaklap.

    apir!*

    ReplyDelete
  7. dude, galeng ng post mo na ito! haha! rakenrol!

    ReplyDelete
  8. sibuyas: wag mawalan ng pag-asa... basahin ang nakaraan kong comment

    mikko: salamat!!! rakenrol!!!

    ReplyDelete
  9. ahaah..natawa naman ako dun sa ikalawa..totoo un for some girls,ung naghahanap ng wala.

    ifairness to me,wala ako sa mga nabanggit mo.

    ako ung tipo na madaling ispelengin.
    hehe..

    npadaan lang,at umepal na rin.
    hehe.

    ReplyDelete
  10. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  11. The boys sharing "sentiments" is their version of the girls' 'chismax'. How luvle.

    ReplyDelete