After siguro ng 2 buwan, eh kagabi nakipag-inuman nanaman ako. Hindi sa mga usual na kasama ko uminom na kaibigan mula sa dati kong trabaho, ngunit sa mga maton kong kapitbahay na mula pagkabata namin eh nakakasama ko na.
Hindi ko na nga maalala kung bakit ako napasabak sa inuman naming iyon kagabi. Marahil ipinagdiriwang namin ang graduation ng isa, o ang despedida ng pamangkin kong uuwi na sa isang linggo. Di bale na, okay lang, basta wala akong ginastos kagabi, ayos na yun. (Hindi po ako kuripot, hindi lang ako gumastos)
Tang'na sumuka ako!!! Sa buong buhay ko eh hindi ako sumusuka kapag ako ay umiinom. Makakatulog, babagsak pag naglakad... makikipag-away sa mga kasabay kong pasahero, magsasalita nang kung anu-ano, yun nagagawa ko. Pero ang sumuka... Shiyet!!! Buti na lang at dito sa bahay namin yun ginawa kaya okay lang na magkalat ako, pero ayoko nang ganitong pakiramdam!!!
Gumising ako kanina na walang laman ang tiyan ko dahil iniluwa ko lahat nang nakain ko kahapon. Hanggang ngayon nga eh medyo lasang Jollibee pa bibig ko. Nagsipilyo na ako niyan. Kung maaari nga lang akong mabusog dun sa lasa ng laway ko, pero wala eh. Nanghihina na ako. Mahirap talaga na wala kang kasama sa bahay. Hmm... parang gusto ko tuloy buksan yung isang kwarto para iparenta... baka kasi multuhin ang bahay namin.
Pero para malaman niyo, hindi po ako lasenggo. Minsan lang mangyari ang mga ganitong bagay kaya napagbibigyan kong makipagtagayan ng Lola, Generoso at Emperador, sabayan pa ng pulang kabayo. Kahit nung nasa Marikina pa ako nakatira, eh behave ako. Ang sa akin lang, wala namang masama na malagyan ng alcohol ang katawan ko (basta hindi lang ethyl o rubber alcohol). At hindi ang inuman ang mahalaga kundi ang klase ng bonding na nagaganap sa mga ganitong patitipon.
tama.. wag ka masyado magpakalasing kasi malay mo paggising mo may baby ka na., hahaha! :)
ReplyDeleteI wish... gusto ko nun!!! hahaha
ReplyDelete