Ang puso ko ay masaya... Ito ay tumitibok at maligaya... Nakilala ko na siya... At ito ay sigurado na...
Para akong tumutula, pero hindi ko ito maiwasan, eh talagang masaya ako. Gusto ko man idetalye eh, nagtatrabaho pa ako. Kapag alis ko ng kumpanyang tinutuluyan ko ngayon, siguro mas malaya na akong makakapagkwento. Pero sa ngayon, tatahimik muna ako.
*****
Aalis na nga pala ako ng ICT sa susunod na buwan. Ang mga magulang ko ay lilipad na patungong Estados Unidos para bumisita sa sandamukal na kamag-anak naming gusto silang papuntahin doon. Pinagdarasal ko nga na sana maging permanente ang pagtira nila doon, ngunit mukhang ito ay pansamantala lamang.
Sa Mayo 17 na ang lipad nila kasama ang pinsan ng aking ina. Sasabay sila para makarating din sila sa bahay ng pamilya ng tiyo ko.
Hindi ko nga sila nasasamahan nitong mga nakaraang araw dahil ang trabaho ko ay nasa Marikina at hindi ako makauwi sa ParaƱaque. Sa pag-alis nila, ako ay liliban sa trabaho. Siyempre para ibigay ang haba ng aking paa at listahan ng gusto kong ipasalubong sa akin pagbalik nila ng Amerika. Hehehe
*****
Ang huling araw ko nga pala ay sa Hunyo 21. Pero parang gusto kong paikliin ng mga hanggang sa Hunyo 7. Napagbigyan ko lang naman ang aking boss kaya pumayag ako na mag-extend. Pero ang totoo, napapagod na rin talaga ako. Sobrang nakaka-stress ang ginagawa ko. Ayoko na!!! Iniisip ko nga kung tatanggap ulit ako ng parehong posisyon sa ibang kumpanya, pero parang ayaw ko na. Ang nais ko ay makahanap naman ng trabahong may kinalaman sa kursong pinag-aralan ko sa kolehiyo.
*****
Madaming plano, pero ang problema ko ay kung saan ako magsisimula. Masaya naman ako, sa ngayon, lahat ng hiniling ko sa buhay ko ay binigay naman ng Maykapal. Salamat at nakilala ko si C. Kumpleto na ako.
No comments:
Post a Comment